"Lorinne Tiffanie Ayala! Bilisan mo dyan at baka ma-late tayo!" Rinig kong sigaw ni Yassi galing sa sala. Napanguso naman ako habang nananalamin sa kwarto ko.
Six-thirty pa lang kaya hindi ako nababahalang ma-late. Seven-thirty pa ang oras ng klase namin. At fifteen minute walk lang mula sa condo ang University kung saan kami pumapasok ni Yassi. May OCD lang talaga minsan ang best friend ko kaya gusto niyang maagang umaalis ng bahay.
"Andiyan na! Five minutes!" Sigaw ko, baka kasi bigla niya akong iwan.
Ayoko pa namang naglalakad ng mag-isa papuntang campus. Dahil una, natatakot akong tumawid mag-isa kahit pa nasa pedestrian lane ako. Pangalawa, ayoko 'yong pakiramdam ng naglalakad mag-isa. I feel like people on the street were silently judging me while I'm walking on my own. I shuddered at the thought.
Mabilis akong nagsuot ng sapatos saka inilagay sa backpack ang mga gamit na nakakalat sa kama ko. Hindi na ako nag-abalang ayusin 'yon, marami pa naman akong oras mamaya pagdating namin sa University. Hinablot ko naman mula sa dresser sa tabi ng kama ang iPod ko na puno ng mga paborito kong kanta, syempre kasama na doon ang mga kanta ni Baby Stan ko.
Sumulyap pa ako ng isang beses sa salamin at nang masigurado kong mukha na akong tao ay tumakbo na ako palabas ng kwarto. Nakita ko si Yassi na nakatayo sa gitna ng sala. Nakahalukipkip at parang gusto na akong kainin ng buhay. Pero bago pa man ako makapagsalita ay tumalikod na siya at naunang lumabas ng condo.
"Napakatagal talaga kumilos. Tsk!"
"Sorry na, Yassi." Humawak ako sa braso niya saka siya nginitian nang mapatingin siya sa akin. Napailing na lang siya sa ginawa ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa elevator habang nakahawak pa rin ako sa braso niya.
"Wala ka na bang nakalimutan?" Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mataman, umiling naman ako bilang sagot. "Your iPod?" Ngumiti ako sa kanya at ipinakita ang ear phones na nakasabit sa collar ng uniform ko. "Okay."
Kahit naman laging parang naiirita sa akin si Yassi, I know that she cares about me. Minsan nga lang medyo OA, parang ngayon, sa tuwing papasok kami kung umasta siya parang nanay ko. Kung ano-ano ang ibini-bilin sa akin na para bang isa akong ten-year old na bata. Pero hindi ko siya masisisi, dahil bukod sa ibinilin ako ng magulang ko sa kanya, may pagka-clumsy kasi ako minsan. Okay, hindi lang pala minsan, madalas.
Habang naglalakad kami papuntang university ay nakikinig ako sa mga kanta ni Baby Stan. Kahit dalawang taon na simula nang lumabas ang mga 'yon ay hindi ko pa rin magawang burahin, hindi tulad ng ibang mga kanta na nasa iPod ko na kapag napagsawaan ko na ay binubura ko agad. Pakiramdam ko, na-attach na ako sa mga kanta ni Stan. Ang huling article na nabasa ko tungkol sa kanya ay tungkol sa rason kung bakit siya tumigil sa paggawa ng kanta at pag-perform. Abala raw siya sa pag-aaral. Ayaw din kasing mag-record ni Stan ng mga kantang hindi siya mismo ang nagsulat.
"Hay, ang galing-galing talaga niya, Yassi." I sighed dreamily. Hinarap ko si Yassi at tumingin sa kanya. Ngumiti ako pero kumunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Don't do that! Nagmumukha kang old person." Hinaplos ko ang noo niya para mawala ang kunot nun pero bigla na lang pinitik ni Yassi ang noo ko.
"Aray! Masakit 'yun, ah." Ngumuso ako pero inirapan niya lang ako.
"Wala ka ng ibang bukam-bibig kundi si Stan dito, Stan doon." Nang mas humaba ang nguso ko ay pinandilatan niya ako. "Seriously, Rinne. You need to tone down your obssession with him. It's becoming quite unhealthy. And please, tumingin ka nga sa dinaraanan mo."
Hindi ako nakinig sa kanya at patuloy pa rin sa paglalakad ng patalikod. It's one of my rare talent, kung talent man itong matatawag. Rare kasi wala naman akong alam na ibang talent ko maliban sa pangi-istalk sa mga updates tungkol kay Stan at pakikinig sa mga kanta niya. I know, I sound like a freaking obsessed stalker. But well, at least I'm a cute stalker.
Tumingin akong muli kay Yassi. "What's wrong with idolizing him? Hindi ka ba nagagandahan sa boses niya? Oh wait, hindi mo pa pala siya naririnig kumanta." Akmang iaabot ko sa kanya ang isa sa mga ear plugs ko. "Here, try listening to him."
Yassi ignored my ear plugs. "Narinig ko na ang boses niya, once." Bulong niya.
Akala siguro niya ay hindi ko narinig but when it comes to details or anything about Stan, I could hear it loud and clear kahit sobrang hina pa ng pagkakasabi.
"Aha!" I pointed one accusing finger at her. I couldn't believe that Yassi already heard him sing. Ang buong akala ko ay ayaw niya sa mga kanta ng idolo ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. "I thought you hate him. You heard him sing na pala! OMGosh! Tama ako, 'di ba? He's a great singer. Right, Yassi?"
I gave her an expectant look and I saw her sigh.
"If saying yes will make you shut up, then yes, he's a great singer." Napatili ako sa sagot niya. I gave her a bone crushing hug. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao, but I couldn't care less.
I heard her groan. "Ugh! Rinne, pinagtitinginan na tayo. Could you get off me?!" She gently pushed me away and I tried not to budge. "Rinne!"
Tumawa ako ng malakas saka siya pinakawalan mula sa pagkakayakap ko. I grinned at her and she rolled her eyes at me.
"You're really my best-est best friend, Yasmine Keith," I giggled. "You really know how to make me smile." I gave her a wink before finally turning and looking at the street. Pero--
"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko nang tumama ito sa isang matigas na bagay.
Ayan kasi Rinne! Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo! Pero nakakahalata na ako ha! Kanina pa natatamaan ang ilong ko, ang liit-liit na nga gusto pa yatang gawing flat.
'Di na sila naawa sa cute nose ko!'
"Ah shucks! It hurts!" Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang sakit, pakiramdam ko nga parang nabali pa. Nangingilid ang luhang lumingon ako kay Yassi.
"Yassi! I think I broke my nose! Is it bleeding?! Please don't tell me it's bleeding! I hate blood!" Sinubukan kong silipin ang ilong ko pero kahit magkandaduling na ako sa pagsipat hindi ko man lang makita kung may dugo o wala. Bakit ba may mga paharang-harang na matitigas na bagay sa daan?!
Tumingin akong muli kay Yassi, pero gulat lang siyang nakatingin sa likuran ko. Ano naman kaya ang tinitingnan niya? Para kasing nakakita siya ng multo base sa ekspresyon niya sa mukha.
"Are you okay?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at napakunot-noo nang makita ang isang lalaki.
"Sino ka naman?" Kunot-noong tanong ko sa lalaki pero hindi niya ako pinansin, imbes na sagutin niya ang tanong ko ay naglabas siya ng isang puting panyo mula sa bulsa at walang pag-aalinlangang ipinunas iyon sa ilong ko. Saglit akong natigilan sa ginawa ng lalaki.
What. The. Freezing. Hell.
"Your nose is bleeding." wika ng lalaki habang pinupunasan ang ilong ko.
OMGosh! Ang lapit ng mukha niya sa akin. Kitang-kita ko tuloy ang kulay ng mata niya, pati na rin ang mahahaba niyang pilik mata. His eyes were a bluish-grey, parang kulay ng mga ulap na may dalang ulan. Plus his eyelashes, ang hahaba! Nakakainggit! Ang tangos pa ng ilong niya. Hindi ko akalain na may ganito palang tao, 'yung tipong pinaghirapang ihulma ng Diyos. Sa TV lang kasi ako nakakakita ng ganitong klaseng tao. At hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto sa akin ng binata sa harapan ko.
He was like some unique specimen created for the sole purpose of making the knees of women go jelly. And I won't deny that mine were turning into jelly right now, plus my heart was doing cartwheels in my chest.
'Di ko napansin na nakatitig pa rin ako sa kanya nang mag-angat siya ng tingin. Saglit na nagtama ang mga mata namin at pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga mata niya. I could feel trouble brewing already.
"There." Parang nanghinayang pa ako nang bigla siyang lumayo sa akin. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Para akong nama-magnet sa mukha niya.
'Oh dear Lord, bakit may ganitong nilalang po kayong nilikha? Pakiramdam ko nagkakasala ako habang tinitingnan ko kung gaano siya ka-gwapo. Paano na lang po si Baby Stan ko?'
"At sa susunod tumingin ka na sa dinaraanan mo." I dismissed the slight arrogance in his voice like he just told me I'm a complete idiot and nod as an answer.
Pero mali yata 'yung ginawa ko, dahil nakita ko 'yung maliit na bahid ng dugo sa damit niya, or should I say uniform niya, at sa hawak niyang panyo. Bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at biglang nanghina ang tuhod ko. Rinig ko pa ang nag-aalalang boses ni Yassi bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro