Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ninth Symphony

I really don't know why I ended up here. Akala ko ay simpleng event lang ang Recruitment Day na sinabi ni Yassi. But then some of the club members are so desperate to recruit new members that they keep on chasing after you even though you've rejected them already.

Tinadjakan ko ang pinto ng auditorium at rinig na rinig ko ang malakas na echo nito. "Crap!" 'Di ko mapigilang mapasigaw dahil sa frustration.

"Tsk. So loud." Halos manigas ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses na 'yon. "No matter how many times you try to open that door, it's useless. It's obviously locked from the outside."

Lilingon ba ako o magpapanggap ako na walang narinig? Pero parang mas magmumukha akong tanga kung gagawin ko ang huli, lalo na at obvious namang dadalawa lang kami dito sa loob ng auditorium. Dahan-dahan akong lumingon. Daig ko pa 'yong mga nasa horror films sa sobrang bagal ng paglingon ko. And holy freaking crap, standing in the middle of the stage is Azrael Freaking Sy.

Bakit sa dinami-rami ng tao sa University na pwede kong makasama ngayon sa ganitong sitwasyon, siya pa talaga ang nataong nandito? Baka isipin niya na sinasadya ko ang mga ganitong sitwasyon namin? Kung bakit ba naman kasi naiwan ko pa ang notebook ko sa library. Hindi sana ako napadpad dito.

"I didn't do it!" I suddenly blurted out. As soon as I realized what I said, I regretted it. It sounded like I am freaking guilty. But my jaw almost hit the floor when I saw a smile on Azrael's lips. Is that my imagination? The smile faded so quickly, it looks like Azrael never smiled at all.

'Di naman ako antok o nalipasan ng gutom para mag-hallucinate. Did he really smiled at me? No. It must be the dim lights here in the auditorium, Lorinne.' Kastigo ko sa sarili.

"I know." Nagulat ako nang bigla siyang tumalon pababa ng stage at naglakad papalapit sa akin. "It's better if you'll sit down here with me. Nobody will hear you. They've probably went home right now." Itinuro nito ang mga bleachers.

"Wh-what do you mean they went home already?" Halos masuka ako sa sobrang kabang nararamdaman. Isang dipa lang ang layo niya sa akin and it's not making it easier for me. I need to distance myself to him. Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa unang row ng bleachers. Muntik pa akong sumubsob sa unang step ng hagdan. Cursed my clumsy feet.

Pero napatigil ako sa pagtayo nang makarinig ako ng pagtawa. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Azrael. Mahina lang 'yon pero dahil kulob ang lugar ay rinig na rinig ito.

Okay... First it was my eyes, now it was my ears who are playing tricks on me. I heard Azrael chuckle for freak's sake! Breathe in, breathe out, Rinne. Hindi ko na alam kung ano ang sanhi ng pagpa-panic ko. Ang katotohanan bang marunong magpakita ng emosyon si Azrael o dahil stuck kami ngayon dito sa auditorium na kaming dalawa lang.

"What's so funny?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang marealize ko na matagal na pala akong nakatunganga sa harap niya.

"You." Walang pag-aalinlangang sagot niya sa akin. "I'm expecting you to ask me about either how or when we are getting out of here, not about the fact that everyone's probably home."

Saglit na nag-loading ang utak ko sa sinabi niya. Gusto kong batukan ang sarili ko nang ma-realize ko ang katangahang lumabas sa bibig ko

Again, he chuckled. "Stupid."

"What did you just called me?!" Agad-agad akong napatayo mula sa bleachers na kinakatuyuan ko. How dare he call me stupid! Pero imbes na sagutin ako ay tinalikuran niya lang ako saka naglakad patungo sa direksyon ng stage.

"It's already past six in the evening, the maintenance staff probably went home. So we don't have any choice but to stay here for the night." Pahabol ng binata bago nawala sa paningin ko.

Ayaw rumehistro sa utak ko nang mga sinabi niya. Ang tanging paulit-ulit na naiisip ko ay ang katotohanang hindi ako makakauwi ngayong gabi at makakasama ko si Azrael magdamag. Just the two of us here.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kawalan. Nagulat na lang ako nang biglang may magsalita sa tabi ko. "Here, have a Snickers."

"Th-thanks. But wait, what do you mean that we don't have a choice but to stay here tonight? You're kidding, right?" Kumagat ako sa inabot niyang chocolate saka tinitigan siya. Pero di rin ako nakatagal kaya ibinaling ko na lang ang tingin sa kabilang side ng auditorium.

"Do I look like I'm joking?" Tanong ni Azrael sa akin. Alanganing napailing ako. Alam ko naman sa sarili ko na pareho naming hindi ginusto ito. Di ko lang maalis sa isip ko na makakasama ko magdamag ang taong iniiwas-iwasan ko. Ayoko nang madagdagan pa ang mga tanong sa isip ko tungkol sa kanya.

"Yassi must be worried about me now. Hahanapin ako noon sigurado." Bulong ko.

"You're saying something?"

"Wala!" Kumagat akong muli sa chocolate na hawak ko. "Anyway, what are you doing here?" Tanong ko habang ngumunguya. Wala akong pakialam kung puno man ng snickers ang bunganga ko. At nakakahawa ang pa-english english ng lalaking 'to ah.

Nakita ko ang pagkibit-balikat niya. "I decided to take a nap here until the last period but I overslept. How about you?" Lumingon siya sa akin at pinagpapasalamat ko na medyo madilim na dito sa may auditorium, hindi niya makikita ang pamumula ng mukha ko.

"Naiwan ko ang notebook ko sa loob ng library. Nang paalis na ako ng library, hinarang ako ng ibang club members. They're trying to recruit me but I'm not interested pero imbes na tantanan ako ay hinabol pa nila ako. I decided to hide here. Hindi ko namalayang sobrang tagal ko na palang nagtatago dito." Nginitian ko siya saka muling kumagat sa chocolate na hawak ko. "Bakit nga pala dito ka natulog? Bakit hindi nalang sa school grounds? Para hindi ka sana na-lock dito sa loob."

"Mas peaceful dito. Ikaw na din nagsabi na nagkakagulo ngayon ang mga club sa pagrerecruit ng members. Besides, I could ask the same thing to you. Why would you hide when you can run until you reach the gate?" wika ni Azrael.

Hindi ako nakaimik. May punto siya kaya wala akong naisagot. Nakagat ko lang ang ibabang-labi ko.

"Cat got your tongue?" There he goes again with the smile.

Bakit ba parang ang daldal niya ngayon? Samantalang masungit ang approach niya sakin kapag nasa classroom kami. Weird. It was like he got two different personalities.

'You're the one who's weird, Rinne. Masyado mong pinagkakainteresan 'yang classmate mong transferee. Masyado kang curious sa kanya. Baka kung saan ka dalhin niyang curiousity mo.'

Napabuntong-hininga ako. Nababaliw na yata ako. These past few days, all I did was talk to myself. And it's all because of him. This is going to be a long night.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro