Fourteenth Symphony
🌸 🌸 🌸 🌸
Too much kilig in this chapter, be prepared to puke rainbows
🌸 🌸 🌸 🌸
Hindi ko namalayang narating ko na pala ang library dahil sa sobrang pag-iisip kay Stan. Ang daming tanong sa isip ko pero alam ko namang malabong masagot. Pero sa lahat ng tanong na nasa isip ko ngayon, isa lang ang gusto kong mahanapan ng sagot. At iyon ay kung bakit nandito sa university namin si Stan. Tama kaya ang hinala ko na dito siya ngayong nag-aaral? God forbid, gagawin ko ang lahat malaman lang ang sagot sa tanong ko. Kahit anong paraan pa ay gagawin ko, para saan pa ang stalking skills ko, 'di ba?
Pumwesto ako sa upuang malapit sa bintana at kinuha mula sa loob ng dala kong bag ang mga notes na kinopya ko kay Yassi. Ipinatong ko iyon sa lamesa at wala sa loob na binuklat-buklat ito.
'Tama na ang kakaisip kay Stan, Rinne.' Paalala ko sa sarili. Nangalumbaba ako at napabuntong-hininga.
Habang nakatitig ako sa notebook ay bigla na namang nagreplay sa isip ko ang nakita at narinig kanina. I swear I could still hear the way he strummed his guitar. I could still feel the sadness I felt when I heard him sang. Who could've broke his heart that way? Is it a girl? Of course, it has always been a girl, just like in the movies. Ganoon naman lagi, 'diba? Siya rin kaya ang dahilan kung bakit nawala ng dalawang taon si Stan sa pag-gawa ng kanta?
"Penny for your thoughts?" Isang boses ang pumukaw sa nagla-lakbay kong diwa. Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang mukha ni Azrael. Sumilay ang alanganing ngiti sa labi niya nang makita ang mukha ko. "Are you okay?"
"Huh? Ah oo. I-I'm okay." Wala sa sariling sagot ko sa kanya. Tahimik kong inayos ang sarili ko, while silently hoping that people stop interrupting me with my thoughts.
"Here..." Tinitigan ko ang puting panyo na inabot niya sa akin. Why is he giving me his handkerchief? Napatingin ako kay Azrael nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Are you always like this?"
Kunot-noo pa rin akong nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng silya na nasa tapat ko bago inabot ang kamay ko at inilagay doon ang hawak niyang panyo. "You're not even aware that you're crying while staring into space."
"Huh? Kasi... Ano..." I stammered while carefully wiping my teary eyes using his handkerchief. 'Di ako makapaniwalang dalawang beses na akong napaiyak nang dahil kay Stan ngayong araw. Nakakahiya pa at nakita ako ni Azrael na ganito ang itsura. Buti na lang at hindi ako mahilig sa make-up.
"It's okay. It's none of my business, anyway. Ayoko lang na may nakikitang malungkot o umiiyak na babae." Kibit-balikat niyang saad.
Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mapansin na umaalog ng bahagya ang mga balikat ng binata. Is he laughing at me? "I'm sorry. I just find it funny that the first time we met I saw your nose bleeding. And now, you're crying. Both circumstances made me gave you my handkerchiefs, maybe soon you'll have all my handkerchiefs. But that's only a silly thought, so don't mind it." Mahabang paliwanag ni Azrael sa akin bago ito napahawak sa batok at parang nahihiyang yumuko.
I don't know what's gotten into me pero hindi ko napigilan ang pagtawa ng malakas. Maybe it's his silly explanation or maybe his gesture after explaining his side to me. Pero naitakip ko rin agad ang isang kamay sa bibig ko nang marealize ko kung nasaan kami.
"I'm sorry..." Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang tawang gustong kumawala ulit. "I-I'm sorry if I laughed. But seriously, how could you be so cute while explaining your side?" Natatawang wika ko sa kanya.
"Para tayong mga tanga dito." Nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Azrael kasunod nito ang pag-iling na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay naging jelly ang mga tuhod ko nang makita ko ang ngiti niya. Mabuti na lang at nakaupo ako, kung hindi ay baka nakipag-face to face na ako sa sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.
It may seem exaggerated but I just realized now that Azrael's smile can make a person forget about their worries. Nakakahawa ang ngiti niya. Ngayon ko lang 'yon narealize dahil ngayon ko lang din nakita ng malinaw ang pagngiti niya. I'm not even sure if he smiled when we're stuck in the auditorium, madilim kasi noon. And please, no indecent thoughts.
"Uy, ikaw lang kaya. Nananahimik ako dito bago mo ko lapitan." I bit my lower lip trying to suppress my giggle. Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa lamesa saka tinitigan si Azrael. "Alam mo, dapat dalas-dalasan mo ang pagngiti. You look good when you smile, mas lalo kang gumagwapo." Nakangiting wika ko.
Muntik ko ng makusot ang mga mata ko para siguraduhin na hindi nga ako namamalik-mata. He blushed! OMG! He's so freaking handsome!
"Are you always like this?" Pukaw sa akin ni Azrael nang mapansin niyang natahimik ako ng ilang saglit. Napansin ko naman na may alanganing ngiti siya sa labi.
"Like what?" 'Di ko mapigilang asarin siya. Hindi ko na matandaan kung kailan kami naging ganito kakumportable sa isa't-isa. Maybe during the auditorium incident? I mentally shrugged. I couldn't care less, ang mahalaga ay nawala na 'yong pader sa pagitan naming dalawa. We might've started on the wrong side but that was a thing in the past already. At least ngayon nakakapag-usap na kami ng walang sungitang nagaganap.
"Telling other people stuff without even thinking about it first." Nakakunot ang noo niyang sagot sa akin. "Hindi mo dapat basta-basta na lang sinasabi kung ano ang nasa isip mo."
"Anong klaseng stuff ba sinasabi mo? 'Yong tinawag kitang gwapo ka? Ano namang masama doon?" I almost laughed out loud when I saw him blush again. Hindi ba siya sanay sa mga papuri? Kung maka-react kasi si Azrael ay parang ngayon lang siya napuri ng iba. It's kind of weird. Samantalang ang kuya ko, ma-compliment lang aakalain ng nahipan ang ulo. Napailing ako.
"You're laughing at me." Napatingin ako sa mukha ni Azrael at tuluyan ko ng hindi napigilan ang kanina ko pang pinipigilang tawa.
Parang isang batang hindi napagbigyan ng magulang sa hiling na ibili ng laruan ang itsura ng binata. Para siyang maiiyak na gustong tumawa na gusto ring ngumuso na ewan! Kahit ako ay naguguluhan sa gusto niyang iparating.
"I'm not--- Hahahaha!" Pinahid ko ang mumunting luha na kumawala sa mata ko. "I-I'm not laughing at you. Natutuwa lang ako kasi sa tuwing sasabihin kong gwapo ka ay namumula ang mukha mo. Aren't you used to people giving you compliments?"
Nakita ko ang pag-iling ni Azrael saka ako nginitian. "I should get going, baka palabasin na tayo ni Ms. Martin dahil ang ingay natin pareho." Paalam ni Azrael saka tumayo.
"Ok, see you around."
"Laters, Lorinne."
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko ng banggitin ni Azrael ang pangalan ko. Buti na lang at nakatalikod na sa siya sa akin, kung hindi ay nakakahiya! Napailing ako saka nakangiting ibinaling ang tingin sa notebook kong nakabukas.
🌸 🌸 🌸
Ilang minuto na ang lumipas pero nakatitig lang ako sa notes ni Yassi. I should stop spacing out, lalo na ang dami kong dapat habulin na lessons. May research paper pa kami sa Philosophy, buti na lang at next week pa namin iyon ipapasa. May mga make-up quizzes din akong naka-schedule every after class ko for this week. Lunes pa lang ngayon, pero wala naman sigurong masama kung sisimulan ko na 'yong research paper namin sa Philosophy.
Nagpasya akong magpunta sa isang panig ng book cases na malapit sa kinauupuan ko. I scanned the shelves, looking for a particular book related to the topic given to us. Nang hindi ko mahanap ang libro, lumipat ako sa katabing shelf habang nakatutok pa rin ang tingin sa mga librong nakasalansan sa mga ito. Nasa pangatlong shelf na ako nang makita ko ang librong hinahanap ko, ang The Nicomachean Ethics by Aristotle.
"Finally! Andito ka lang pala, eh." Bulalas ko bago hatakin ang libro mula sa bookshelf. Pero laking gulat ko nang may kamay na humawak din sa librong hawak ko.
"Hinahanap mo rin pala 'to?" Napalingon ako sa taong nasa likuran ko. Bakas din ang pagkagulat sa mukha ni Azrael nang sabihin 'yon. "Research paper sa Philo?"
Alanganing tumango ako. "Yeah. Uhmm... just take it."
"No, no. take it." Natulala ako nang nginitian na naman ako ni Azrael.
'Hay... H'wag ka naman kasing ganyan sa akin Azrael, baka kiligin ako ng tuluyan sa ginagawa mo.' My conscience complained while staring dreamily at Azrael's face.
Nagulat na lang ako nang binitawan din pala niya ang libro. Nahulog iyon sa sahig. "Here, let me." Natauhan ako nang magsalita siya, aktong kukunin na sana niya ang libro.
Mas mabilis pa sa alas quarto ang naging reflex ko. "Ah no! Ako na!" Pinulot ko agad ang libro nang mahawakan ko. But then, wrong move. Nakayuko pa pala si Azrael at hindi pa siya nakakatayo ng lubusan. Tumama ang likod ng ulo ko sa mukha niya dahil sa biglang pag-ayos ko ng tayo.
Pareho kaming napahiyaw sa sakit kaya naman nabitawan kong muli ang hawak kong libro. Napatingin ako kay Azrael nang narinig ko ang mahinang pag-aray niya.
"Oh my God! I'm so sorry!" Natatarantang sabi ko.
Nakita kong nakalapat ang kamay ni Azrael sa ilong niya. Mukhang doon tumama ang ulo ko. Sana naman ay hindi dumugo ang ilong niya sa nangyari. Baka imbes na matulungan ko siya papuntang clinic ay ako pa ang madala niya roon.
"Oh my God! I'm really sorry, Azrael!" Natataranta ulit na sabi ko. Kinapa ko agad ang bulsa ng suot kong pantalon. Sa pagkakaalam ko ay ibinulsa ko ang panyong inabot niya sa akin kanina.
"Here, take this." Lumapit ako kay Azrael at akmang iaabot sana ang panyong hawak ko.
Nagulat ako nang biglang mawala ang aking balanse.
'Oh shit, nakalimutan kong nahulog nga pala ulit sa sahig 'yong libro.'
Agad na nag-kick in ang reflexes ko, awtomatikong naghanap ng makakapitan ang kamay ko. At dahil si Azrael ang pinakamalapit na bagay, I mean tao, sa akin ay agad kong nahablot ang braso niya.
Nabigla rin siya sa nangyari, mabilis na pumulupot ang mga braso ni Azrael sa likod ko, pero dahil wala na akong balanse ay nadamay siya sa pagtumba ko. My world literally stopped when we hit the carpeted floor. Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko nang maramdaman ko ang saglit na pagdampi ng mga labi ni Azrael sa gilid ng labi ko.
Napatitig ako sa kulay abong mga mata niya. 'Holy freakin' hell, Lorinne.' Pakiramdam ko ay nablangko ang isip ko. Dampi lang 'yon pero pakiramdam ko ay nayanig ang buong mundo ko.
Nang tuluyan kong mapagtanto kung gaano kalapit ang distansya naming dalawa ni Azrael ay agad-agad akong tumayo at inayos ang sarili.
"I-I'm..." Ano ba 'yan, Lorinne! Nalunok ko yata ang dila ko nang bumagsak kami. Jusko! Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon!
Nakita kong tumayo na rin si Azrael at pinagpag ang damit. Nakahinga rin ako nang maluwag nang makitang walang dugo sa ilong ng binata. "Are you okay?"
Gusto kong tumawa sa tanong ni Azrael nang mabaling ang tingin niya sa akin. That was the second time today that he asked if I'm okay. Napailing ako, 'di ko na rin napigilan ang pagsilaw ng munting ngiti sa labi ko.
"Ye-yeah," huminga ako ng malalim para kalmahin ang nagwawala kong puso. "I'm okay. Sorry, hindi ko sinasadyang mauntog ang ulo ko sa mukha mo." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sobrang kahihiyan.
"It's okay. Aksidente naman ang nangyari." Kaswal na sagot ni Azrael sa akin.
Gusto ko sanang itanong kung aksidente din ba 'yong halik na nangyari kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Napaka-awkward naman kung babanggitin ko pa ang tungkol doon, baka isipin pa niyang ginagawa ko 'yong big deal. Pero bakit ganoon? Parang wala yata siyang reaksyon? 'Di ko tuloy maiwasang isipin kung nangyari nga ba 'yon o guni-guni ko lang? Dapat ko na bang itanong o hindi?
Napabuntong-hininga ako. Maybe pretending that nothing happened is the best way to deal with this right now. Kababalik ko pa lang ng university, ang dami ng nangyari. Malapit ng mag-display sa isip ko ang mga salitang 'Overload' o 'No More Space' sa daming bagay na nasa isip ko. Tapos dumagdag pa si Azrael.
"Ri-right!" I laughed awkwardly. "U-una na ako. See you in class!" Paalam ko saka nagmamadaling bumalik sa mesa kung saan ako nakapwesto kanina.
Agad kong iniligpit ang mga notes ni Yassi at agad-agad lumabas ng library. Mabilis akong naglakad palayo sa lugar na 'yon, nang makaliko ako sa sumunod na pasilyo ay sumandal muna ako sa pader. Kung gaano ko kabilis nilisan ang lugar na 'yon ay ganoon din kabilis ang tibok ng puso ko.
Napahawak ako sa dibdib. I could feel my heart doing cartwheels inside my chest. Sumilip ako sa corridor kung saan ako nanggaling. Nakita ko si Azrael na nakatayo, mukhang kalalabas lang niya sa library. I couldn't see his expression, but at least I could see the way he moves. One hand is in his pocket, the other one is holding the book that caused the accident. I could see him staring straight ahead and then he suddenly looked down on his shoes and shook his head, like something is bothering him. Makalipas ang ilang segundo ay tumalikod na siya sa direksyon ko at naglakad palayo.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro