Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eighteenth Symphony

🌸 🌸 🌸 🌸
This chapter contains pictures. Why? I just feel like it. :">
🌸 🌸 🌸 🌸


Breathe in.

Breathe out.

Iyan ang paulit-ulit kong binibigkas sa isip habang pinagmamasdan ang repleksiyon ko sa salamin. Pakiramdam ko kasi bigla yatang sumikip ang bistro dahil sa nangyari kanina. Nagpaalam na lang muna ako kay Timothy para mag-retouch muna ng make-up dito sa restroom. Nakaramdam din kasi ako ng pagkailang simula nang magtama ang mata namin ni Azrael. Nakakahiya kaya kapag nagkataong mayroon palang whipped cream sa pisngi o gilid ng labi ko.

Pero ang totoo talaga niyan ay simula nang makita ko si Azrael sa entrance ng restaurant, hindi na mapakali ang isip ko. I'm distracted. Kanina ko pa iniisip kung bakit lagi yata kaming pinagtatagpo. Ngayong araw palang na 'to ilang beses ng nagkrus ang landas namin. Lalong-lalo na 'yong nangyari kanina sa library.

'Aish! Sinabi ng kalimutan 'yon, e!'

Hindi ko tuloy malaman kung masyado na ba akong nagiging aware sa presence ni Azrael, o sadyang over-reaction na naman ba 'to. Malapit na talaga akong masiraan ng bait nang dahil sa lalaking 'yon.

"Oh shit!" Mahinang mura ko nang mapansin na lumagpas pala ang pagkakapahid ko sa'king lipstick. Kung saan-saan kasi lumilipad ang isip ko. Tsk.

Agad kong binura ang kumalat na lipstick ko saka muling ipinagpatuloy ang pag-aayos sa make-up ko. Palabas na sana ako ng cr nang biglang tumunog ang phone ko. Nang silipin ko ito ay nakita ko ang cute na profile picture ni Yassi. Timothy can wait for a few more minutes, right? Sasagutin ko na muna 'tong message ni Yassi sa akin.

Muntik ko nang masabunutan ang sarili ko dahil sa naging takbo ng usapan namin ni Yassi. Kung bakit ba kasi si Azrael ang nasa isip ko ngayon! Ayan tuloy, nadulas pa ako kay Yassi. Paniguradong kukulitin na naman ako n'on, kapag nagkita kami. Ahh! My stupid fingers!

Ibinalik ko na lang muli ang cellphone ko sa dala kong purse. Hay, parang ayaw ko muna tuloy umuwi sa condo. Doon muna kaya ako sa bahay? But Timothy is staying there. Ah, bahala na nga!

Muli kong pinasadahan ang repleksyon ko sa salamin, at nang makuntento ay lumabas na ako ng rest room.

"Is he your brother?"

"Ay kabute!" Napahawak ako sa dibdib ko nang makarinig ng baritonong boses pagkalabas ko ng rest room. Nang lingunin ko ang nagsalita, nakita ko si Azrael na prenteng nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon. "My God, Azrael! Are you trying to kill me?"

"Sorry, I didn't mean to scare you." Paliwanag niya sa akin. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader at naglakad palapit sa akin. "I just want to talk to you, Lorinne."

Agad na nag-kick in ang reflexes ko at napaatras ako nang makita ang distansya namin ni Azrael. Nang ma-realize ko ang ginawa ay napakagat-labi ako saka siya tiningnan. Nakita ko ang ang pagtaas ng gilid ng labi niya. What the hell? Is he laughing at me?

"Wh-what do you need, Azrael?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko, na ipinagsawalang-bahala ko. Mas naagaw kasi ng atensyon ko ang katotohanang nasa harapan ko si Azrael ngayon.

"If this is about the coffee, thank you. I really appreciate it." Good job, Rinne. Hindi ka nabulol. "Pero sana hindi mo na lang ginawa 'yon. My brother took the gesture badly."

Iniisip ko kung magso-sorry ba ako sa inasal ng kuya ko pero itinikom ko na lang ang aking bibig. 

"So, he's your brother..." wika ni Azrael. Nakita ko ang pagsilay sa labi niya ng isang ngiti. Naramdaman ko ang paglukso ng puso ko sa ngiti niya.

"Ahh, I think I'm going crazy." Rinig ko pang bulong niya. Nauwi sa mahinang tawa ang kaninang ngiti niya sa labi. Napailing din siya at saka naihilamos ang palad sa mukha. What the hell? Si Azrael nga ba 'tong kaharap ko? "I'm sorry. I'm actually kinda relieved."

Nagtaka man ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako nagtanong pa. Iniba ko na lang ang topic namin. "Okay... Sino nga palang kasama mo?"

"My Dad." Maikling sagot niya sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting pagkailang nang magkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Mukhang ayaw na niyang mag-elaborate, natatakot naman akong magtanong pa. Kaya minabuti ko na lang ding manahimik.

"Gu-gusto sana kitang ipakilala sa kanya, kaso nakita kong may kasama ka." Gulat na napatingin ako kay Azrael. Pilit kong inaaninag sa mukha niya kung nagbibiro ba siya o seryoso talaga. But when I saw him flash that heart-stopping smile and that intent look he's giving me, I know that he's not joking. 

"It's not what you think. I mean," Napahawak siya sa batok niya na ikinangiti ko. "Gusto ko lang kasing makita niya na nagbago na ako. Napariwara kasi ako sa US dati."

"Oh..." Hindi ko inaasahan na magsasabi sa akin si Azrael ng mga bagay tungkol sa kanya. Madalas man kaming magkausap noong mga nakaraan, pero kapag mapupunta na ang usapan tungkol sa kanya ay binabago niya agad ang topic.

"I'm sorry, if I'm making this hard for you, Lorinne. I don't want to hold you up, lalo na mukhang sumama ang mood ng kuya mo dahil sa gesture ko." Marahan akong napatango sa sinabi niya. Tama naman siya, in a way but, nagtataka lang ako kung paano niya nasabi 'yon? Pinagmamasdan ba niya ang table namin? "I can't think of a better chance para maipakita kay Dad that I'm doing better now." Mahabang paliwanag niya.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Azrael habang nagsasalita siya. Ngayon ko lang din napansin ang accent niya kapag nagsasalita ng Tagalog. Pareho sila nung sikat na artista, ano na nga bang pangalan n'on?

"Lorinne?"

"Ha? Ano nga ulit 'yon?" Naku naman, Lorinne! 'Yong accent pa kasi niya ang inintindi mo!

"I said, kung puwede ba kitang ipakilala sa Daddy ko."

"Why me?" Gulat na bulalas ko.

"Why not you?" Balik-tanong niya sa akin. I almost rolled my eyes when I heard what he said. Naku! Kung hindi ka lang talaga guwapo--- I mean kung hindi lang kita close, Azrael.

"I mean, hindi lang naman siguro ako ang kakilala mo sa campus, right?" Tanong ko sa kanya. "How about sa school club mo? Sa ibang subjects mo. Mababait naman siguro mga nagiging classmates mo 'di ba?"

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Azrael. He's clearly amused. "Yeah, I know that. Pero wala naman sila dito, ikaw lang ang nandito na kasama ko sa resto. But it's ok kung ayaw mo, Lorinne."

"No!" Mas mabilis pa sa kidlat na tanggi ko na siyang ikinagulat niya. "I mean, I'm just..."

Hindi pa rin maalis sa labi ni Azrael ang ngiting pilit niyang pinipigilan. Ganoon ba kahalata ang pagtanggi ko?

"You're just?"

Napayuko ako at naitakip ang kamay sa mukha. "I'm just," Ah! Bakit ba hindi ko masabi! "I'm just shy...." Bulong ko.

Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan namin bago ko narinig ang pagtawa ni Azrael. Pakiramdam ko ay umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa mukha. Oh my God! Nakakahiya.

Akmang aalis na sana ako mula sa kahihiyan pero pinigilan ako ni Azrael. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"I'm sorry for laughing, Lorinne." Natatawa pa ring saad niya. Kaya naman pilit kong binawi ang braso ko. Pero imbes na bitawan niya ay bigla niya akong pinihit paharap sa kanya dahilan para mawalan ako ng balanse at sumubsob sa dibdib niya. Oh my God! The deja vu! 

I could hear the calm and gentle beating of his heart. Hindi tulad ng sa akin.. Parang gustong sumabog ng puso ko sa lakas ng kabog nito. How could he remain so calm?

"Lorinne?"

Agad kong naitulak palayo si Azrael nang makilala ang pinanggalingan ng boses. Shit. Of all the scenes na pwede niyang abutan, 'yong magkayakap pa talaga kami ni Azrael.

"Lorinne, what is this?" Napapikit ako nang muling magsalita si Timothy mula sa likuran ko. Mother Earth, swallow me. Now na!

"Ha ha ha." Kinakabahang tawa ko habang dahan-dahang umiikot para harapin si Timothy. "Kuya! Andiyan ka pala." Nakangiting bati ko sa kanya pero imbes na sa akin niya ibaling ang tingin ay kay Azrael ito dumako.

'Oh freezing hell. I'm so doomed.'

Napalunok ako habang dahan-dahang dumi-distansya kay Azrael.

"Who are you? And why are you with my sister?" Napahawak ako sa braso ni Timothy.

Ngayon ko lang ulit narinig ang authoritative na boses ng kapatid ko, kaya 'di ko maiwasang kabahan. My brother has two sides. The makulit and sutil one and this domineering and serious one.

"I'm Azrael Sy. Classmate of Lorinne." Pakilala ni Azrael sa kapatid ko. Inilahad din niya ang palad kay Timothy pero nakita kong matiim lang na nakatitig si Timothy sa kanya.

I could feel the tension in the air. Sa sobrang kapal, pwede na yatang hiwain ng kutsilyo ang tensyon sa paligid namin. Kaya naman bago pa lumala, napagpasyahan ko ng pumagitan sa kanilang dalawa.

"Uhmm... Kuya, maybe we should go back to our table," sinubukan kong hilahin sa braso si Timothy pero hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan. Patuloy pa rin itong nakikipagsukatan ng tingin kay Azrael. "Kuya, tara na..."

"Ikaw ba ang nagbigay ng cocktail drink sa kapatid ko?" Napatingin ako kay Timothy nang tanungin niya si Azrael. What the heck? Animo'y pulis na nagtatanong sa isang kriminal ang kapatid ko.

"Yes." Kahit pa mukhang prino-provoke ng kapatid ko si Azrael ay magalang pa rin niyang sinagot ang kuya ko.

"Why?" Naningkit ang mga mata at salubong ang mga kilay na tanong ni Timothy.

"It's a courtesy drink." Nabaling ang tingin ko kay Azrael pero nakita kong sa kapatid ko rin siya nakatingin. "I want to request something from Lorinne. The least I can do is to buy her a drink." 

Nabaling ang tingin sa akin ni Azrael pagkatapos niyang sabihin 'yon at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko, buti na lang at nakahawak pa rin ako sa braso ni Timothy. Laking-pasasalamat ko rin at walang nagbabalak mag-CR dahil nakaharang kaming tatlo sa makitid na daan papunta roon.

"Kung anuman ang napag-usapan niyo ng kapatid ko ay labas na ako roon. Ang ayaw ko lang ay ang naabutan kong eksena." Nagulat ako nang biglang tumingin sa gawi ko si Timothy at hinatak ang braso kong kanina'y nakahawak sa braso niya. Napa-oomph tuloy ako sa gulat. "As you can see, this is a cramped space and the dim lighting is not even helping. Paano na lang kung ibang tao ang nakakita sa inyo at hindi ako."

Nakita kong napakamot sa batok si Azrael sa sinabi ng kuya ko. "Babae ang kapatid ko. And the way how other people think, I'm pretty sure that they're gonna say something nasty about my sister. Ang una nilang huhusgahan ay ang kapatid ko. Hindi ikaw, dahil lalaki ka." Dagdag na wika ni Timothy.

"I'm sorry." Hinging-paumanhin ni Azrael sa kapatid ko. Ang OA kasi talaga ni Timothy. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sa akin naman nabaling ang tingin niya. "I'm so sorry, Lorinne. It's not my intention to make you look bad or anything."

Tumango ako saka siya nginitian. "It's okay."

Gusto ko sanang idugtong na OA lang talaga ang kuya ko, pero 'di ko na lang itinuloy. Baka kasi mag-react na naman ang magaling kong kapatid, at mas maging awkward pa ang mga bagay-bagay. Alam ko rin namang concern lang din sa akin si Timothy kaya minabuti ko na lang na manahimik.

"So, ano ba 'tong request na gusto mong hingin sa kapatid ko?"

"Kuya!" Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. Nagsisimula na naman ang pagiging tsismoso ng kuya ko. "Akala ko ba wala ka ng pakialam doon?"

"I'm just asking, Tiffanie." Ibinaling ulit ni Timothy ang atensyon kay Azrael, na mukhang tuwang-tuwa habang tinitingnan kaming magbangayan ng kapatid ko. "Care to tell me, mate?"

Ugh! That English accent again! Kahit kailan talaga hindi palalampasin ng kapatid ko ang magpakitang-gilas.

I looked at Azrael and mouthed, 'ignore him', saka muling hinawakan ang braso ni Timothy. Masyado na kaming napapatagal sa pwesto namin ngayon. Kaya naman bago pa may dumating at makita kaming parang nagmi-meeting ay puputulin ko na ang balak ni Timothy na mang-usisa pa.

"Tama na 'yan, Kuya," hinigit ko sa braso si Timothy at saka ibinaling ang tingin kay Azrael. "Pagpasensyahan mo na 'tong kuya ko. May sapi kasi talaga 'to minsan."

Bago pa man makapagsalita si Timothy ng laban sa sinabi ko ay hinatak ko na siya paalis. Kung kailangang kaladkarin ko siya ay gagawin ko! 

Akala ko eventful na 'yong nangyari kanina sa school, may mas titindi pa pala doon. Pero hindi pa man kami nakakaalis sa hallway ay may nakasalubong na kaming may edad na lalaki. 

Oh fudge! I know him!


  🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro