Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23: Acitivity

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kaagad akong dumiretso sa cr para maligo. Pagkatapos ay kaagad akong nagbihis at pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower.

Pagkalabas ko ng dorm ay halos lakad takbo na ang ginawa ko papuntang classroom. It's not that I'm late, kailangan ko lang talagang mahanap kaagad si Shaun tungkol sa pag alis ni Mr. Buenaventura.

Sa sobrang aga ko ay halos tatlo pa lang kami sa classroom. Naglakad na lamang ako papunta sa desk ko at kaagad na umupo. Dahil wala pa ang iba, napagdesisyonan kong makinig muna ng music habang nakatingin lamang sa bintana.

Sampung minuto na ang lumipas bago pumasok ang Science teacher namin. Kaagad niya kaming pinagawan ng activity.

"Okay class, group yourself into five" saad ng aming guro. Kaagad namang nag-grupo grupo ang mga kaklase namin.

Napabaling ako sa kaliwang bahagi ko nang makitang pinalilibutan ang groupo nila Shaun ng mga kaklase naming mga babae.

Base sa aking nakita ay gusto ata nilang maka-groupo sila. Apat na kasi sila at kulang sila ng isa. Psh. Are they really that obsessed to them? Di ba pwedeng mag aral sila ng maayos at wag pairalin ang kalandian nila?

Napailing na lamang ako at humarap lamang sa harap habang naka earphone pa rin ako. Bahala na kung sino gustong maka groupo ako. Kung wala edi mas masaya. Solo nalang ako para walang istorbo.

Habang nag-uusap ang iba sa mga napili nilang kagroupo ay may isang lalaking nakasalamin ang lumapit sa akin. Panay ang ayos niya sa kaniyang salamin habang ang isang kamay niya naman ay may dala dalang isang libro. Lumapit ito sa akin na tila nahihiya pa.

"U-Uhm, p-pwede ba tayong m-magka groupo?" utal utal niyang tanong.

Inalis ko naman ang earphone sa tenga ko at ngumiting tumingin sa kaniya. Mukhang okay naman siyang maging ka-groupo.

"Sure--"

"No, Kira will be on our group"

Kaagad nabaling ang tingin ko sa lalaking bigla na lamang nagsalita sa likod ko.

Bigla namang napaatras yung lalaking nakasalamin ng makita kung sino ito. Nanginginig ang kaniyang katawan at dahan dahang tumango.

"P-President" nanginginig sa takot na saad niya. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Shaun.

Masama kong tinignan si Shaun. Ba't ba siya nandito? Ang dami dami niyang pwedeng pagpilian kanina.

"I said Kira will be on our group" ulit niyang saad.

Di nakasagot ang lalaki kaya may babaeng kaagad na hinila siya.

"S-Sa amin na lang si Gerald, President" nakayukong saad nung babae at kaagad na hinila yung Gerald patungo sa grupo nila.

Pagkaalis nila ay biglang kinuha ni Shaun ang kamay ko at hinila patungo sa desk nila. Naabutan naman naming nagtatawanan sila Garett at Niell habang si Zachary naman ay napapailing lamang sa kaingayan ng dalawa.

Kaagad naman din akong binitawan ni Shaun at prenteng umupo na sa upuan niya. Kaagad na napatingin sa amin ang tatlo.

"Yun oh! Kagrupo natin si Kira!" ani Niell na tuwang tuwa pa. Ba't ba laging tawa to ng tawa?

"Naks naman. Lakas natin ah!" ani Garett at biglang siniko si Shaun na seryoso lamang na nakatingin sa harapan.

"Maupo ka na, Kira" napatingin ako kay Zachary ng tinuro niya ang isang bakanteng upuan. Wala namang akong magawa kungdi ang umupo.

"Kawawa naman si Gerald. Mukhang ayaw niya sa grupo nila Shane" wala sa sarili kong saad habang nakatingin sa direksyon kung nasaan nakaupo si Gerald.

Nakababa ang ulo nito at yakap yakap ang librong kanina niya pa dala dala. Nasa may dulo siyang parte at nakaupo. Tila ang out-of-place niyang tignan. Naguusap ang apat at tila hindi man lang nila sinasali si Garet sa usapan.

"If you don't want to be part of this group. Go back to him then. No one's forcing you" napatingin ako kay Shaun na nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa akin. Kaagad niya ring inilihis ang tingin.

"Whatever. Nandito na ako eh" saad ko na lamang at tumingin na lamang sa guro na nasa harap.

"So bibigyan ko kayo ng isang group activity" ani ni Ma'am Serafino at tinuro ang white board kung nasaan nakasulat ang activity namin. "So I need you to buy a seed- any kind of seed will do. You can buy it on the mall. Merong shop doon na nagbebenta ng mga halaman. I'll be giving you one week to plant the seed and observe it. Dapat ay tutubo ito at di mamatay. Pagkatapos ay gumawa kayo ng presentation sa kung ano ang na-obserbahan niyo" paliwanag niya.

Marami akong narinig na daing sa mga kaklase ko. Kesyo ang aksaya lang daw sa panahon. Kesyo ang trabahoso daw masyado. Ayaw din daw nilang marumihan sa pagtatanim.

I can't help but to roll my eyes. Kung ayaw rin pala nilang madumihan edi wag na lang silang mag aral. Anong akala nila sa school. Pang bakasyunan? Ano, puro sakitan at patayan lang gusto nila? School pa rin ito, syempre kailangan mo ring gumawa ng activities.

"Ah basta di ako ang gagawa ng presentation!" biglang angal ni Garett.

"Ayaw ko din noh! Ang hassle hassle lang niyan. Mangchi-chicks na lang ako!" pag sang ayon naman ni Niell.

Syempre, S class sila. Walang magagawa ang mga guro kung ayaw nilang mag-participate.

But unfortunately, ako ang naging ka grupo nila. I will not tolerate their behaviors. I'll make them do the presentation. Lahat dapat kami ay may gagawin. Invalid reasons are not acceptable to me.

"No, lahat tayo ay may sari sariling gagawin" saad ko at napatingin naman silang lahat.

"Ako na ang bibili ng buto" presenta ni Zachary. I gave him a quick smile. Buti pa siya tumutulong.

"Kayo..." turo ko kila Garett and Niell. "Wag muna kayo mag pakasaya jan. Kayo ang gagawa ng presentation" aniya ko sa dalawa. Kaagad silang umangal pero pinaglakihan ko sila ng mata. Wala naman silang nagawa kungdi ang pumayag.

"Okay po Ma'am Monteverde" pabirong sagot ni Niell. Di ko na lang siya pinansin.

"And you...." turo ko kay Shaun na nakapikit at tila natutulog. He can't fool me. I know he's awake. Tinignan ko si Niell. "Wake him" utos ko.

Kaagad niya namang tinapik tapik si Shaun sa braso. "Hoy, Shaun. Mamaya ka na matulog." minulat naman ni Shaun ang kaniyang mata at tamad na tumingin sa akin.

"What do you want?" bagot niyang tanong sa akin.

"You'll be the one to observe the seed to grow. Tapos sabihin mo sa akin kung ano ang na-obserbahan mo" ani ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"And why would I do that? I am the leader here" pabalang niyang sagot sa aking.

Damn. Wala talaga siyang kwentang kausap. Bahala siya! Kung ayaw niya edi wag! Oo nga pala. Siya ang Student Council President. He can manipulate all the teachers to play with his grades. Kaya kahit na di siya mag aral ay mataas pa rin ang grado niya. Psh.

"Fine. Do what you want Mr. Leader" sarkastiko kong saad sa kaniya bago tumingin kay Zachary.

"Ako na ang bibili ng buto, Zach. Pwede bang ikaw na lang ang mag obserba sa halaman? Don't worry sasama naman ako sayo minsan" ani ko kay Zachary na kaagad namang tumango.

"Sure. Sasamahan na lang din kita bumili ng buto mamaya" aniya. Tumango na lamang ako.

Humarap ako sa kanilang apat. Napatingin ako kila Garett at Niell. Naglalaro sila sa selpon nila at tila tuwang tuwa pa. Tsk tsk. Ilang minuto ko lang binaling ang tingin ko at ngayon ay naglalaro na sila. They need discipline.

Magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni Shaun. "I'll be the one observing the seed"

Napataas ang kilay ko. "Akala ko ba ayaw mo ha?" tanong ko sa kaniya.

Matalim siyang tumingin sa akin. "Who said I don't want? I just asked you earlier on why would I do that. Di ko sinabing ayaw ko" sagot niya. Napatahimik naman ako.

Di nga niya literal na sinabi pero ang obvious kanina na ayaw niya.

"How about you? What will you do?" pabalik niyang tanong sa akin.

"I'll be the one to present" kaagad kong sagot. Di na siya nagsalita at bumalik na sa pagtulog.

Lumipat ako sa kabilang bahagi ng table sa kung nasaan ang dalawang tukmol. Mahina kong hinampas ng dalawa kong palad ang lamesa na siyang napahinto sa dalawa at dahan dahang tumingin sa akin.

I gave them a sarcastic smile. "Pag kayo di gumawa ng presentation. Lagot kayo sa akin"

"Syempre naman gagawa kami! Diba?" ani ni Niell at tumingin kay Garett.

"Of course!" sagot niya kaagad.

Umiling iling na lamang ako. Ang kulit talaga ng dalawang to. Si Shaun naman ay walang kwentang kausap. Ang pinaka matino lang kasama sa kanilang dalawa ay si Zachary.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko at muling umupo. Humarap na lamang ako kay Ma'am Serafino at nakinig na lamang ng ilan pa niyang sasabihin tungkol sa activity namin.

Palihim akong tumingin kay Shaun na natutulog. Maybe I'll just ask him about Mr. Buenaventura's case later. I'll make sure to change his mind.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro