Chapter 14
Chapter 14: Defeat
Kaagad akong napalipad dahil sa pagsipa niya sa tiyan ko. Damn! I was preoccupied!
Tumama ang likod ko sa pader. Di pa ako nakakatayo ng kaagad niyang hinawakan ng mahigpit ang kabilang braso ko at pinilit na tumayo. Pagkatayo ko ay kaagad niya akong sinuntok. He punched me two times in my face.
Napaluhod ako dahil sa lakas ng suntok niya. His strength is unbelievable. Pag pagsama-samahin mo ang lakas ng sampung tao ay katumbas non ng lakas niya. He can wiped out a whole group with that strength.
Muli niya ako pinilit na tumayo. Ang dulo ng mga daliri niya ay halos mapasok na sa loob ng balat ko sa higpit ng paghawak niya sa balikat ko.
Itinaas niya ako. "Who are you?" malamig niyang tanong sa akin.
I looked at him. He's eyes are as cold as snow. Tila ba ibang Liam ang kaharap ko ngayon. Malayong malayo sa Liam na nagpakilala sa akin dun sa meeting.
I didn't answered him. I just stared at him and that makes him pissed off. Muli niya akong sinuntok sa mukha. Kaagad naman akong napahiga. Akmang tatayo sana ako ng sinipa niya ako ulit. Muli akong napahiga sa malamig na simento.
Napatingin ako dito. Ngayon ko lang napansin na may bahid ng dugo dito. Siguro ay galing sa mga nagdaan ng naglaban.
Napataas ang tingin ko ng biglang naghiyawan ang lahat.
"I knew it! He's no match to Cassius!"
"Ba't ba kasi niya hinamon si Cassius. Ayan tuloy bugbog sarado siya"
I tsked. I didn't even moved yet. Akala ba nila ay talo na ako?
I laughed. All I did was to let him punched and kicked me. Wala pa akong ginagawa sa kaniya. Wala pa.
Ilang segundo pa akong nakahiga bago nagdesisyong tumayo. Pinagpag ko pa ang sarili ko dahil napuno na ako ng dumi dahil kanina pa ako napapahiga sa semento. Baka mamaya maging kama ko na yan.
Napatawa naman ako sa sariling biro. Hays, I really love this feeling. How I missed fighting.
Pwede naman siguro akong lumaban no? Hindi bilang Kira Monteverde kundi bilang Keira Donquixote. At saka naka disguised naman ako.
Napatingin ako kay Liam na malamig pa ring nakatingin sa akin. Inilipat ko ang tingin sa kung nasaan nakaupo ang Student Council. Lahat sila ay nakatingin sa akin lalo na si Shaun na seryosong nakatingin na para bang sinusuri ako.
Inilipat ko ang tingin kay Yugen na nasa taas ng bleachers. Binigyan niya lamang ako ng thumbs up.
"You have the guts to look away from me huh"
Akmang lilingon ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi ng bigla niya na lang akong sipain sa tiyan. But this time, I didn't fell down. Napaatras lang ako ng kaunti pero di ako natumba. I heard people gasps.
Di na ako nagsayang ng oras at kaagad siyang sinuntok. Kaagad niyang pinag-cross ang dalawang braso na tila pinoprotektahan ang sarili ngunit huli na dahilan kung bakit mabilis siyang bumagsak.
Sinipa ko siya sa tiyan ng ilang beses at pumaibabaw sa kaniya. Natapunan ko pa siya ng ilang suntok bago niya ako nasipa. Kaagad naman akong napatayo at muntik ng bumagsak dahil sa sipa niya. Aatake na sana siya muli ng kinuha ko ang isang braso niya at muli siyang sinipa sa tagiliran. Napaatras naman siya.
Tatapon sana siya ng suntok ng iwasan ko ito. Susuntok naman sana siya sa kabila ng muli ko itong naiwasan. I took the chance to punch him in the face. Dumugo ang labi niya pero pinunasan niya lamang ito gamit ang likod na bahagi ng palad niya.
Muli niya sana akong susuntukin na kinuha ko ang isang kamay niya at pinatalikod. Kaagad kong kinuha ang isa pa niyang kamay na tila inaaresto. Pagkatapos non ay sinipa ko ang magkabilang likod ng tuhod niya dahilan kung bakit siya napaluhod bago napadapa.
Inaalis niya ang dalawang kamay niya sa pagkakahawak ko ngunit di siya nagtagumpay. I hold both of his wrist tightly so he can't let go that easily.
Ngunit di nagtagal iyon dahil nakawala rin siya ng ilang minuto. Di niya sinayang ang pagkakataon at akmang sisipain sana ako ng nahuli ko ang paa niya at kaagad siya ibinalibad. Muli naman siyang napadapa sa semento. Even though he won't show it physically ay kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya. Lumayo naman ako sa kaniya ng ilang hakbang.
Kaagad naman siyang tumayo para muli akong atakihin. Sumugod siya sa akin pero kaagad akong pumunta sa likod niya at walang patumbaling sinipa ang gilid ng paa niya. I made sure that it will dislocate his bones.
Kaagad naman siyang napaupo. He didn't scream from pain. Nanatili siyang seryoso at akmang tatayo sana ngunit muli siyang natumba.
I'm sorry to do this, Liam. I'm not even half serious.
Kaagad namang lumapit sa kaniya ang medic ng mapansin ang estado ng paa niya. Pagkalapit nila ay kaagad na nagmatigas si Liam.
"I can still fight!" angal niya.
"Pero di po kayo makakagalaw ng maayos kung ganyang ang paa niyo" sagot naman ng isang medic.
"If I said, I can still fight then I can still fight!" singhal niya.
"Pero---"
"Just go with them, Liam" napatingin ako kay Zachary na siyang nagsalita.
"But---"
"Don't take the fight seriously. Just go with them and heal your foot" putol niya sa sasabihin ni Liam.
Nagbuntong hininga naman siya. "Tsk. Fine" aniya at nagpaubaya na sa medic. Lumabas naman sila kaagad.
Napatahimik ang loob ng gym ng ilang minuto.
"O-ok! I-I-I can't believe what just I saw! This mysterious guy just won against Cassius!" sigaw ng host sa mic. Tahimik pa rin ang lahat. They were left dumbfounded.
Muli akong napatingin kay Yugen at ang lawak lawak ng ngiti niya sa akin. Tila proud na proud sa ginawa ko. Napailing na lamang ako.
"S-so, a-anyone wanna challenge this Flynn guy?!" utal utal na tanong ng host.
"Who is he?"
"I don't know but I still can't believe that he won against Cassius"
Napatingin ang lahat sa isang lalaking naglalakad papalapit sa akin. Nagulat ang lahat sa kung sino ito. Kung kanina ay di nila inaasahan ang pagsali ng isang myembro ng Student Council ay ngayon ay mas nagulat pa sila. He's not just a Student Council member. He's the President.
Right. The one walking right infront of me is the Student Council President. Shaun Darshall a.k.a. Silver.
Matalim ang tingin niya sa akin. Everyone shivers when they saw the looked in his eyes. It's not the usual cold eyes but also a dangerous one. It's like they were saying 'you're dead'.
I don't wanna fight him. It's not like I'm sacred or what. Psh, I was never scared. It's just that tonight is not the right time to fight him. I just let myself fight kasi titignan ko lang sana kung gaano ka lakas si Liam. I never imagined that Shaun would be in the scene.
Napatingin ako sa kaniya at nandoon parin ang matatalim niyang tingin na tila handang handa na akong sasaksakin.
Huminto siya sa paglalakad ng nasa harap ko na siya.
"I'll be his opponent" aniya.
Kaagad naman muling naghiyawan ang lahat.
"Break him, Silver!"
"Make him feel that he chose the wrong choice!"
"He may be able to defeat Cassius but there's no way he can beat Silver!"
Rinig ko ang hiyawan ng lahat. Pero nagkakamali silang lahat. Silver may be able to damage me but he can't be able to defeat me.
"Flynn may be lucky with his fight with Cassius but he's now facing Silver! He may end up dead!" rinig kong hiyaw ng host. Nagsihiyawan na rin ang lahat at muli bumalik ang pagka-excite nila.
"I don't know who you are but based on your fight with Liam, I know you're strong. You might be a A class. An A class that is higher than him." biglang nagsalita si Shaun.
Tumingin lamang ako sa kaniya.
"But I won't tolerate you. I'm gonna show you that messing with the Student Council is a wrong move" aniya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
Akmang susugod na sana siya sa akin ng bigla ko na lamang tinaas ang dalawa kong kamay. Kaagad na napasinghap ang lahat. Huminto naman kaagad si Shaun sa pag-atake.
Since I can't talk. Kinuha ko ang reserbang papel sa bulsa ng hoodie ko at ballpen at may sinulat dito. Napuno ng bulungan ang gym.
Pagkatapos magsulat ay naglakad ako patungo sa host. Gulat pa siyang napatingin sa akin. Iniabot ko ang papel sa kaniya at naguguluhan niya pa itong tinanggap. Binasa niya ito ng ilang sandali bago napa kunot ang noo.
"F-Flynn just admitted defeat!" sigaw niya na siyang nagpagulat sa lahat.
Napatingin ako sa dako ni Shaun at seryoso lamang itong nakatingin sa akin.
I know you wanna fight me but this isn't the right time to fight you, Shaun.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro