Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12: Dangerous Aura

Nasa airport na kaming mga transferee. Sa totoo lang ay kaunti lang kami. 115 lamang ang transferee this year. Sikat ang Sylvian High sa Underground Society kaya mostly ay madaming transferees. Tanging ang members na lamang ng Student Council ang hinihintay

Napalingon ako kay Yugen ng tinapik niya ako. Madami siyang dalang bagahe. Matagal nga yan natulog kahapon dahil ang daming dinalang mga damit at combat equipments. Mahilig kasi to makipaglaban while ako nakikipaglaban lang kapag kailangan o kaya parte ng misyon ko. Minsan kapag trip ko din.

"Ba't backpack lang dala mo?" tanong sa akin ni Yugen.

"Kaunti lang naman ang kailangan ko, Yugen. And besides, wala naman akong balak na maligo ng dagat." sagot ko sa kaniya.

"Sus! Show us your sexy body, Kei!" aniya habang tumatawa. Tinapik ko naman siya at sinenyasan na tumahimik.

Tatlong private planes ang sasakyan namin. Yung dalawa ay hahatiin sa mga transferee while yung isa ay para sa Student Council lamang.

Halos kalahating oras din kaming naghintay nang may dumating na dalawang black van. Lumabas doon sila Nathalie, Liam, Athena, Chase, Niall, Zachary, and Shaun?

Wait, akala ko ba di kasama sila Zachary at Shaun? Ba't sila nandito?

Dire diretso silang naglakad papasok ng private plane. Habang paakyat ay nakita ko pa si Shaun na tila may hinahanap sa may gawi namin. Nang makita niya ako ay pumasok na siya.

What the hell was that?

Ba't ba kasi sila nandito ni Zachary? I heard na never umattend ng event tong si Shaun?

Pinapasok na din kami sa eroplano. Magkatabi kami ni Yugen at siya ang nasa gilid ng bintana. Lumipad na ang eroplano at puro kwento lamang si Yugen sa akin buong byahe. Kesyo excited na daw siya sa parties.

"Btw, di kaba sasali sa battle? You know, yung fighting thingy na sinasabi nila?" tanong niya sa akin.

"I'll join. I wanna know how strong the new students of Sylvian High are" sagot ko naman.

"Pero diba sabi mo you need to act like a weakling?" takang tanong niya sa akin.

"Don't worry. I'll disguise myself. May dala akong maraming hoodies and mask" sagot ko muli. Tumango tango na lamang siya at kumuha ng chips.

Naglagay na lamang ako ng headphone sa akin tainga at nagpa-music. Habang nakikinig ay di ko namalayang nakatulog ako.

Ginising ako ni Yugen. Sabay kaming lumabas ng eroplano. Isang oras at kalahati ang naging byahe namin. Lahat ng mga estudyante ay nagsilabasan na rin. Di ko na makita kung nasaan ang Student Council members.

May labinglimang black vans ang nakaparada pagkababa namin. It must be our service papuntang port.

Hinilot hilot ko muna ang leeg ko habang naglalakad papalapit sa isa sa mga vans. Medyo sumasakit ang leeg ko sa pagtulog kanina. Di ko naman kasi alam na makakatulog pala ako kaagad. Mabuti pa si Yugen ay naka neck pillow.

Muli ay sabay kaming pumasok ni Yugen sa isa sa mga vans. Ngayon ay ako naman ang nasa gilid ng bintana. Busy si Yugen sa pakikipag usap sa mga transferee.

Unlike me, Yugen is an extrovert while I'm introvert. I don't like socializing with people. Di ako magaling doon. Si Yugen ang napaka friendly.

Thirty minutes ang naging byahe bago kami nakarating sa port. Pagkalabas namin ay may nakahanda nang isang yate.

Pumasok na kaagad kami. Parehas kanina ay di ko parin makita si Shaun at ang members ng Students Council. Siguro ay nauna na sila sa private island.

Habang nasa loob ay muling umingay. Meron nagpa-music at nag-on ng mga party lights. May negse-serve din ng mga inumin.

May huminto sa harap ko na waiter at inalok ako ng inumin. Kumuha naman ako ng isa at inamoy ko ito. This is okay. Cocktail lang naman.

Nasa may gilid lang ako umiinom. Some of the students started dancing. Napansin kong wala na si Yugen sa tabi ko.

I knew it. Basta ganitong eksena ay mabilis yong mawala.

I didn't bothered finding her. I know she's just here somewhere and enjoying the party.

Napaisip tuloy ako. It's still 10:30am for pete's sake at nagpaparty na sila.

Lumabas ako ng yatch. Buti nalang at wala masyadong tao dito. I slowly finished my drink habang nakatanaw lamang sa dagat. Mga tatlumpong minuto din ako nakatayo doon bago akong may natanaw na isla.

That must be it. Unti unting dumahan ang takbo ng yate. Huminto na ito at may nag ayos ng bababaan namin. Pagkatapos ay excited na bumaba ang mga estudyante dala dala ang mga bagahe nila.

May tumapik sa likod ko. Napalingon ako sa kung sino yon at nakita ko si Yugen na umiinom ng beer. Kaagad ko itong inagaw sa kaniya.

"Where have you been, Yugen? You can't drink! It's still morning for your information!" singhal ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.

"Ano kaba I can handle myself. You should be the one who shouldn't drink, Kei." aniya sa akin.

Tumango tango lamang ako sa kaniya. Kami ang huling bumaba ng yate.

Yeah, I can't drink. I have low alchohol tolerance. I hate to admit but I really can't handle myself when I'm drunk. The last time I got drunk, I got scolded by my parents.

Di ko kasi maalala kung ano ang ginagawa ko pag lasing ako. My mom told me the last time I got drunk was that inaway ko daw lahat ng kasambahay sa bahay. May nasuntok pa daw akong hardinero non.

Napabaling ang huwisyo ko sa buong isla. It's very neat and clean. May malaking fountain sa gita. Sa kaliwang bahagi ay may dalawang malaking building. Jan ata kami matutulog. Sinabi kanina na bawal magkasama ang boys and girls na matulog kaya sinadya nila na dalawang building ang kunin para mapaghiwalay kami.

Tuwang tuwa si Yugen nang makita niya ito. She immediately took tons of pictures and selfies.

Dumiretso muna kami sa may malaking cottage. Pagkapsok namin doon ay pinagroup kami into two. Of course, si Yugen ang kasama ko. Pinapila kami at binigay ang susi para sa magiging room namin. Nasa kabilang cottage ang mga boys.

Tulad ng sa dorm ay may number din na nakalagay dito. Lumabas na kami ni Yugen sa cottage. Nakita ko si Nathalie na may kausap na matandang lalaki. Yon ata ang tagapamalaga netong isla.

Nakita ko na din ang ibang myembro ng Student Council pati na si Zachary na may kausap na grupo ng mga lalaki. Tanging si Shaun lamang ang di ko nakita.

Dumiretso na kami sa aming dorm. Pagkapasok ko ay kaagad akong humiga sa isa sa mga kama. Dalawa kasi ang kama. Pati si Yugen ay humiga na rin.

"This is gonna be fun!" masayang sabi ni Yugen.

Tinignan ko na lamang siya at di na sumagot. I'm not gonna swim. Makikisali lang ako sa labanan nila maybe mamayang gabi or tomorrow. Ewan kung kailan nila gusto gawin. That's my source of enjoyment for the meantime.

Di nako natulog since natulog naman ako sa biyahe kanina. Si Yugen yung nakatulog dahil siguro sa excitement niya. Napa iling na lamang ako at lumabas muna.

Umikot ikot ako at tinignan ang lugar. It's big. Maganda ang lugar. Modern yet it looks simple at the same time. Rinig na rinig mo ang huni ng mga ibon at agos ng dagat.

Pumunta ako sa may baybayin. Walang katao tao. Siguro ay napagod ang lahat at naisipang magpahinga muna. May isang oras pa naman bago mag tanghalian.

Naglakad lakad ako sa may gilid ng dagat at dinama ang pagsalubong ng tubig sa paanan ko habang naglalakad.

Habang naglalakad ay may napansin akong isa pang gusali na nakatago sa likod ng malaking dalawang building.

I got curious so I went there. Humarap ako dito at tinignan ito ng ilang segundo. This building is quite huge too.

Nakita ko ang pinto na medyo naka uwang. I don't know kung ganyan ba talaga yan o baka may pumasok sa loob.

Unti unti akong pumasok. I saw Shaun. Nakatalikod siya sa akin. I examine the whole area. It's a gymnasium.

"Why are you here?" nag echo ang tanong niya sa buong gym. Nakatalikod pa rin siya sa akin.

Napakalayo ko sa kaniya at walang ingay kong binuksan ang pintuan but still, he caught me kahit na nakatalikod siya.

Hindi ako sumagot. I just stared at his long bare back. Nakatalikod siya pero halata sa galaw ng ulo niya na may tinitignan siya.

He's far away with me but I can still sense it. His aura is very intimidating yet dangerous at the same time. He and Gray shares the same mysterious aura. Na tila ba pagkatingin mo lang sa kaniya ay alam mo nang delikado.

Even now, just by looking at his back. Kahit na ordinaryong tao ka lang. You can sense his threatening aura. Na tila ba kaunting galaw mo lang ay kayang kaya ka niyang patayin.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro