Chapter 9: Allergy Blues
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Err... Do I wave my hand now? Nang malapitan ako nung lalaki, I struggled to remember his name. Napansin siguro niya na medyo nag-aalinlangan ako kaya nagsalita na siya,
"Pare? Okay ka lang ba? Hala ka! Baka nagka-amnesia ka na! Ako 'to, si Renon."
Okay. Ngayon alam ko na. Mwahaha!
"Ah, hindi! Nagugutom lang talaga ako pare. Hahaha! Tara, kain na tayo?" Aya ko na lang sa kanya. Renon smiled widely at inakbayan ako. "Sige, tara! Basta ba libre mo." Nagkibit-balikat na lang ako. Well, pera naman ni Jake ang gagastusin ko kaya okay lang.
Nang makabili na kami ng pagkain, ay naupo na kami sa pinakasulok na table. Walang pumapansin sa amin. Para lang kaming napadaang hangin. Nagtaka naman ako bigla. Hindi na school actor siya? Kasama siya sa drama club! Actually, magaling na siyang umarte sa theater eh. Bakit walang pumapansin sa kanya?
"Renon, bakit parang walang may pakialam sa'yo?" Wala sa sariling sabi ko bago ko pa mapigilan ang bibig ko. He stared at me awkwardly at saka ngumiti.
"Ngek.. Di ba sabi ko na nga sa'yo? They only see me when I'm on stage. Pero kapag malayo na ako sa karakter ko at wala nang mga stage lights, nawawalan na rin ng pake sa akin ang eskwelahang ito. Kung hindi nga lang ako scholar, malamang, matagal na 'kong nahinto.. So I have no right to complain."
Nagulat ako sa sinabi niya. Really? Tinitigan ko siyang mabuti habang kumakain siya. Kaya pala hindi siya sikat.. Gusto lang siya ng mga tao kapag umaarte na siya.. At scholar lang pala siya dito. Napalunok ako. What he said made me realize something, hindi lahat ng tao tunay na masaya sa ginagawa nila. And to confirm my theory, I just had to ask,
"Pero bakit hindi mo na lang tigilan ang pag-arte?"
Tumawa lang siya ng mapait bago umiling-iling.
"Mahal ko naman ang ginagawa ko.. Kaso, mas malaking dahilan talaga yung gusto kong tanggapin pa rin ako ng tao."
I nodded at tahimik na lang na kinain ang pasta ko. Nakakalungkot naman. Para niyang nilalagyan ng maskara ang sarili niyang mukha. And he's still wearing that mask even when the spotlights are off.
"Hey, Jake?"
"Oh?"
Renon was looking at me worriedly. He pointed at my plate. Anong meron sa carbonara ko?
"Hindi ba't allergic ka sa pasta?"
"H-Ha?!"
Naalarma ako sa sinabi ni Renon. I immediately stared down my half-eaten carbonara at saka ko lang narealize na nangangati pala ang labi ko. Agad akong uminom ng tubig at inilayo sa akin ang pagkain. He was staring at me worriedly.
"Namamaga na naman 'yang labi mo! Nakalog ba ng aksidente yung utak mo at nakalimutan mong allergic ka diyan?"
Hindi eh! Actually, nagkapalit kami ng katawan ng kaibigan mo sa hindi malamang dahilan at saka mo lang naman sinabing allergic ang katawan niya dito noong kinakain ko na!
Pinakalma ko muna ang sarili ko. Damn! Favorite ko pa naman ang carbonara tapos ganito? Allergic pala si Jake sa pasta? Ang malas ko naman! Patay sa'kin yung baklang iyon kapag nagkita kami mamaya sa library.
Renon suddenly stared behind me. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan nang ituro niya ang likuran ko. Nakakaloko yung ngiti niya.
"Bakit?"
"Lingon ka, Jake."
Sinunod ko ang sinabi niya at nakita kong nakatayo ang sarili kong katawan sa harapan ko. Jake was reaching out a wrap of tissue paper to me. Dahan-dahan ko itong tinanggap at mabilis na siyang umalis pagkatapos. Nang tingnan ko ang tissue, napansin kong may tableta ng gamot sa loob nito. I smiled in understanding. Yes! Hindi na mamamaga hanggang mamayang uwian ang mga labi ko.
Nang lingunin ko si Renon nakita kong nang-aasar siyang nakatitig sa akin. Bigla akong nailang. Anong meron?
"Ganda niya 'no?"
Mas lalo akong naguluhan sa kanya. Ano bang trip sa buhay nitong Renon na 'to? Jusmiyo, hanggang ngayon nga medyo alanganin kong tanggapin yung katotohanan na mayroon naman palang kaibigan sa school itong nerd na ito, tapos ngayon sinasabi niyang maganda ang katauhan ko? Baka naman crush ako ni Renon?
"Er.. Si Ella? Oo, maganda." Tapos ako itong na-carried away na, "Yup! Ang ganda-ganda talaga niya. Hindi mo ba alam, every Saturday siya nagpapaparlor tapos nagpapafacial treatment siya kada buwan? Tapos naggy-gym pa siya every summer para lang ma-maintain ang sexy niyang katawan. Ang ganda talaga ni Michealla Hernandez!"
Tuwang-tuwang puri ko sa sarili ko. Renon then laughed and tapped me on the shoulder. Naiiling na tiningnan niya ako sa mata,
"Lakas talaga ng tama mo dun. Kailan mo ba titigilan ang pangi-istalk sa kanya, ha? Hahaha!"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Actually, tumunog na rin kasi ang bell kaya medyo hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Konti lang ang naintindihan ko. Dami kasing alam eh. Well, baka pinuri lang na naman ako. Ang ganda ko talaga, hahaha! Siguro kung confidence level ang pinagbabasehan ng grado ng isang tao, baka valedictorian pa ako!
Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad sa susunod kong klase matapos kong magpaalam kay Renon. Medyo tumalab na rin yung ininom kong gamot na bigay ni Jake kanina. Nang tingnan ko ang schedule ko, napansin kong Science pala ang next class ko. Bitbit ang mabigat na bag at ilang libro sa mga braso, I went to my next class where I know I'll see Jake.
Nang marating ko na ang klase namin, naupo na ako katabi niya.
Dumating si Miss Velgado na medyo masama daw ang pakiramdam. Matamlay rin siya at kapansin-pansin na naka-jacket siya kahit na hindi naman malamig ang panahon. She shook us off at sinabing kaya naman niya. Wala na kaming nagawa nang magturo pa siya ng lesson. After that, we started writing lectures.
Napabuntong-hininga ako. Ayoko.
Inilibot ko ang mga mata ko sa room. At the far end, nakita ko sina Rika at ang kapartner niyang si Kelvin Vidal na nagkukwentuhan habang nagsusulat ng notes. Napailing na lang ako. Mukhang mauuna pang magkaroon ng lovelife ang bestfriend ko ah. And now that I think about it, nakakamiss naman talaga si Rika.
Napabalik ako sa reyalidad nang kinalabit ni Jake ang braso ko. He was looking sternly at me at may iniaabot siyang ballpen sa akin. I know what he wants me to do. Nagkatitigan muna kami. Matira matibay!
Pero, in the end, napabuntong-hininga na lang ako ulit at kinuha ang ballpen na hawak niya at nagsimula na rin akong magsulat ng lectures. Napansin ko rin na hindi na pala namamaga ang mga labi ko. Gosh, hindi na nga pala ako pwedeng kumain ng pasta!
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro