Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Sir Caleb

Nang mabuksan ko ang pintuan sa classroom ng Literature class ko, hinihingal kong binati ang gurong busy sa pagpapamigay ng mga libro.

"GoodmorningsirsorryI'mlate!" Walang prenong saad ko. My classmates stared at me for a few seconds bago ibinaling sa pakikipagdaldalan ang mga atensyon nila na para bang walang nangyari. The teacher almost stumbled with the books and smiled back at me.

"Well, there's always a time for firsts.. Okay lang, Jake. Sige na, maupo ka na." Sabi nito. I hurriedly went to ths only vacant seat in front of class and stared at him.

Chinito ang guro. Maputi at stylish ang buhok. His skin's fair and he kinda looks too cute for a Lit teacher. Nang ngumiti nga siya sa'kin, kapansin-pansin na nawala yung mga mata niya eh! And to top it all, obvious na mabait ito---

"Ouch! Aray.. S-Sorry."

---and a bit clumsy based from the way he almost tripped when he passed a row of students. My innerself giggled. Kung hindi ako nagkakamali, ito si Sir Caleb.

Nang matapos na siya sa pagbabahagi ng mga aklat, he hastily stood in front of class and cleared his throat,

"Ehem.. Okay class! This morning, I want you to read A Midsummer Night's Dream by William Shakespeare. After that, we'll discuss certain points and elements he used in that literary work. Clear?"

Tumango ang lahat at nagsimula nang magbasa. After a few minutes, I heard snoring from the back of the class. May natulog na. Knock out! Sinubukan kong magconcentrate kahit na hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng mga ganito.

"..I'll follow thee and make a heaven of hell,
To die upon the hand I love so well."

Napangiti ako. I know the feeling. Yun bang inlove ka sa isang tao at feeling mo handa mong gawin ang lahat para sa kanya? Yeah. Agad ko na namang naalala si Joseph. Kahit na hindi kami nagkaabutan kasi mas maaga yung pasok niya sa'kin, I can't help but wish that this will never end. Ang sarap sa feeling na magkasama kayo sa iisang bubong at kayang-kaya mo siyang lapitan. Ito ang gusto ko.. Well, except for the being bullied part earlier.

Maybe blessing in disguise talaga ito para matupad yung matagal ko nang wish..

After the discussion, at after ng pagkamangha ko sa likha ni Shakespeare (which is really unusual for me because I hate those kinds of literature), tinawag ako ni Sir Caleb nang makalabas na ang ibang mag-aaral.

"Jake, I'm assigning you to manage the mini-stage play we'll be having next month."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po?"

Sir Caleb smiled at me kindly. "May tiwala ako sa'yo. Of all my students, I believe you're the only one who can manage this kind of thing. I'll give you the details by tomorrow. For now, start brainstorming, okay?"

Kahit na nag-aalinlangan, tumango-tango ako. Bahala na. Sasabihin ko na lang ito kay Jake. Sure naman na kaya niyang pamahalaan ito. At malay natin? Maybe in the next few hours, bumalik na kami sa sari-sarili naming mga katawan.

Sa naisip kong posibilidad na yun, medyo nalungkot ako. Ayoko pang malayo kay Joseph.

*

After Filipino class, dumiretso na ako sa cafeteria. Nabigla ako nang biglang may nanghatak sa braso ko at hinila ako ng kung sinuman papasok sa isang bakanteng classroom. I attempted to yell pero tinakpan nung tao ang bibig ko.

"Sshh! Ako 'to."

Nakilala ko agad ang boses.

"Jake." I acknowledged at lumayo na siya sa akin. He turned on the lights of the dim room at nakita kong napaupo siya sa isa sa mga silya. Tinaasan ko siya ng kilay. Napailing siya sa akin.

"I look weird when you do that." Komento niya. Natawa ako at umupo na ako katapat niya.

"So, kamusta ang day one ng pagiging ako?" He asked.

Napairap ako sa kanya. "Minus the bullying part and your lame eyeglasses, okay naman. It's quite interesting, really. Ganito ka ba talaga ka-helpless sa school?"

Mapait siyang napangiti. "Yup. Kaya kailangan mong masanay.. Err.. Nga pala, I have something else to ask you."

"Ano?"

"Umm.. Paano mo tinataguan ang mga fans mo? At saka, yung bestfriend mo! Yung, Rika ba yun? Ang kulit masyado at bossy pa!"

Ngumiti ako nang malawak nang makita ko ang iritado niyang pagmumukha. Well, he's already suffering my awesomeness. Hahaha! Nilapitan ko siya nang mapansin kong mali yung hati niya sa buhok ko at iniayos ko yung bangs sa harapan para i-frame yung face niya---well, face ko na gamit niya. Whatever.

"Alam mo, wala ka na talagang magagawa sa kanila! Sikat nga ako, diba? Tapos maganda pa ako, kaya humanda ka sa mga manliligaw ko, girl! Minu-minuto sila sayo.. Mwahaha! Tapos kay Rika naman, ganun talaga yun pero mabait naman ang bruhang iyon. Love na love kaya ako nun--O, ayan! Dapat laging maayos ang buhok ko. Ingatan mo, ha!"

Nginitian ko siya. I noticed the small tint of red on his cheeks. Umiwas siya ng tingin. Hmmm... Siguro, dream come true din kay Jakey ito. I mean, bakla nga siya diba? Tapos freedom na niyang gamitin pansamantala ang body ko at magkaroon ng mukhang kasing-ganda ng sa mga artista. He should thank me for being beautiful, really.

"N-Nga pala.. We should meet up in the library after class."

Kumunot ang noo ko. "Ha? What for?"

"Tuloy pa rin ang tutor lessons natin."

I facepalmed. Oo nga pala! Huhu.. Kailangan ko pang pataasin ang mga grades ko before the end of this school year! Kundi, hindi na talaga ako makakagraduate at hindi na din ako makakasunod kay Joseph sa college. Pero teka, since... Since si Jake na rin naman ang nasa katawan ko, maybe..

"Jake?"

"No."

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at tiningnan ako nang mataman. He frowned, "Alam ko kung ano ang iniisip mo. Hindi. I won't use my knowledge just to pass your grades. Kailangan mo pa ring pagsumikapan ang mga marka mo." I pouted.

"At paano naman mangyayari yun, aber? Baka nakakalimutan mo Jake! We're switched."

He sighed and checked the time on my favorite wrist watch.

"We'll discuss this matter later. Tara na, baka nagugutom ka na."

Tumango ako. Oo nga, nagugutom na nga ako.. Nauna ko siyang pinalabas ng room kasi nga nakakahiya na baka may makakita sa amin. I mean, masisira ang reputasyon ko bilang isang prinsesa sa paaralang ito kung makikita lang ako ng tao na kasamang lalabas ng kwarto ang katawan ni Jake! Halos ipagtulakan ko pa nga si Jake kasi nagdadalawang-isip pa siya eh. Ang arte!

After a few minutes, lumabas na rin ako. When I made sure the cost is clear, I made my way towards the cafeteria. Nang,

"Jake!"

Paglingon ko, I saw a smiling guy running towards me. Parang pamilyar siya. Hindi ba siya yung actor dun sa stage play namin last last year? Yeah.. Parang siya nga ito. His dimples are too hard to forget. At teka, magkakilala sila ni Jake?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro