Chapter 7: Classes and Eyeglasses
CLASSES AND EYEGLASSES
Kinabukasan, isinama na ako pauwi nila Joseph sa bahay ng mga Gomez. Habang nakasakay sa likod ng kotse, ay hindi magkandamayaw ang mama nila sa pag-aalala sa'kin. Kesyo raw baka masakit pa rin ba yung braso ko or may amnesia na ba ako. Halos mapasabunot na ako sa buhok. Kung hindi nga lang sana ako magmumukhang nasisiraan ng bait, baka nga ginawa ko na yan.
"Ma, okay lang po talaga ako.."
The stern-faced woman looked at me with doubt. Parang gusto pa nga niya akong ipabalik sa ospital eh. Gosh! Ganito ba ang lahat ng ina?
Tapos, napabuntong-hininga siya.
"Sorry, bunsoy.. Nag-aalala lang naman ako sa'yo."
I cringe at the word. 'Bunsoy'? Kaya pala. Kaya pala baby ang turing ng mama ni Jake sa kanya. Jusmiyo.. Ngumiti na lang ako ng alanganin at iniayos ang malaking T-shirt na suot-suot ko. I discovered na puro pala malalaking shirts and sweat pants ang isinusuot nitong si Jake nang magdala ng mga damit niya si Joseph! Kahit kailan talaga ang baduy nitong lalaking 'to.
I stared at Joseph who was sleeping right next to me. Halos manlaway ako. He looks so cool even when he's asleep! Para siyang isang anghel na nililok ng langit. No joke! And now, I can clearly see his long eyelashes and prominent nose. Nakasuot lang siya ng V-neck shirt at jeans pero ang lakas ng dating niya. Hindi mo kailanman aakalain na magkapatid itong dalawang 'to. Ibang-iba talaga si Joseph!
And I feel so lucky to be sitting here next to him at the back seat of their family van.
Pagmamasdan ko pa sana si Joseph ng mas matagal nang biglang malaglag ang salamin ko. I groaned and picked it up. Marahas kong pinunasan yung glass at isinuot. Nakakainis pala ang may salamin! Hindi naman pango itong si Jake, pero nadudulas talaga ang salamin niya sa ilong. Kung hindi nga lang malabo ang mga mata ni Jake, malamang naihagis ko na 'to sa ilog.
Beep.
I fetched my phone---err, Jake's phone (buti na lang at hindi siya naglalagay ng password) at nabasa ang isang text message mula sa unknown number. Kumunot ang noo ko.
From: +6391********
Musta na?
And when I asked who the sender was, na-relieved ako nang malaman kong si Jake lang pala. It seems that he was using my phone at obviously, nalaman niyang ang pangalan ng kuya niya ang password nun. Nagka-text kami at sinabi kong naiinis na ako sa salamin niya. And here's his ever-so-sweet reply. Insert the sarcasm.
From: +6391********
Hahaha! Magtiis ka na lng. Oo nga pala girl, I logged out ur accounts. Privacy and all.
Napasapo ako ng noo ko. Tanga, Ella! Bakit ba hindi mo yun naisip agad? Mabuti na lang at naisipan niyang i-log out ang mga social media accounts ko! Syempre naiwan kong bukas ang lahat ng yun sa phone ko at hindi ko siguro kakayanin kung mababasa ni Jake ang mga kabalbalan ko sa mga yun! Considerate naman pala si bestie eh.
Me:
Thanks girl! Log out ko n rin ang sau dito..
I started scrolling his apps nang mabasa ko ang reply niya:
Wala kang makikita dyan..
Weh?
Er.. Pero mukhang tama nga siya. Wala man lang siyang Facebook, or Twitter. Ni-Insta wala siya! Ano ba 'tong taong ito? Taong-bundok lang ang peg? Gulay! Itong baklang ito talaga. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagreply sa kanya. I went to his gallery para sana makita ang mga pictures niya pero napasinghap ko nang makita kong empty ito. Inadjust ko yung eyeglasses sa ilong ko at napasimangot.
*
Nang makarating kami sa bahay, napangiti naman ako kasi malaki pala ang tinitirhan nila. Malawak ang front lawn at may garden pa sa likod. Dalawang palapag ang kulay puting bahay at nang maipark na ni Mommy Gomez ang kotse, I ran straight inside.
"Jake, ba't ka tumatakbo?" Joseph called.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"I missed this place, kuya." Pagpapalusot ko kahit na ang main goal ko naman talaga ay makita kung may wifi ba sila dito at masilayan ang loob ng bahay.
Wala nang nagawa sina Joseph nang magtungo ako sa sala. Malinis at maaliwalas ang paligid. Ang ganda lang! Pero.. Saan ang kwarto ni Jake? Oops. Hindi ko naman pwedeng itanong na lang basta-basta! Tiyak na magtataka sila lalo.
I went upstairs and saw two doors on each side of the hall. I opened the first one and saw it was neatly made. Guest room. Nang buksan ko ang katabi niyang pinto, it was a double bed. May pictures din ng mama nila at ng sa tingin ko'y papa nila. Nope. This is their parents' room. I turned to the right side and stared at two doors. Saan dito? I grinned and did some random guess. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto, someone spoke behind me.
"At ano naman ang gagawin mo sa kwarto ko?"
Napalunok ako. Damn! Bakit ba pati boses ni Joseph, ang gwapo? Kinakabahang napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong halos magkadikit na kami. He was standing barely a foot from me. Supladong nakataas ang kilay niya't hinihintay ang sagot ko. Kung hindi nga lang weird ang tumili dito sa katawan ni Jake, baka kanina ko pa yan ginawa..
"A-Ah, wala kuya.. Nahilo lang siguro ako. A-Akala ko ito ang pinto ng kwarto ko, m-mali pala."
Dali-dali akong nagtungo sa pinakadulong kwarto sa right side ng hall at mabilis na sinara ang pinto. Hindi ko mapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
*
Papasok na ako sa school nang sumunod na araw. Hindi ako sanay na pants ang suot dahil nga laging school skirts ang suot-suot ko mula pa noong elementary. Malamang, babae ako eh.. And I have to admit, it feels so weird being in these clothes. Pakiramdam ko tomboy ako.. Ang speaking of orientation, hindi kaya naiilang din si Jake sa mga damit na ito? I mean, pusong babae siya diba?
I was walking down to my first class. Jake texted me his schedule para hindi ako maligaw and I also gave mine. If we want this setup to be alright, kailangan namin maging mas kapani-paniwala.
Habang naglalakad ako sa hallway, I frowned nang mapansin kong walang estudyante ang dinadapuan ako ng tingin. They treat me as if I'm invisible! Malayong-malayo sa atensyon na ibinibigay nila sa akin kada ako, bilang si Ella Hernandez, ang dadaan. I sighed. So, ganito pala ang buhay ng nerd na 'to? Ang boring naman. Paano niya natitiis ang mundo kung walang pumapansin sa kanya?
"Gomez!"
Napalingon ako. Matutuwa na sana ako kasi finally may nakapansin na sa akin, pero nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sina Coby pala. I'm in trouble.. Kilalang bullies ng school ang gang nila. The big man towered over me and snatched my eyeglasses. Nagtatawanan ang mga kasamahan niya nang subukan ko itong abutin.
"Give it back!" Pagpupumilit ko.
Pero pinisil lang nung isa ang ilong ko. Namumula na ako ngayon sa inis, I swear.
And nobody seems to care that Jake Gomez's body is being bullied! Ugh. Sa tanambuhay ko, ngayon lang ako nabwiset sa ugali ng mga estudyante dito---well, except for the PDAs. Nakakainis lalo yun.
I groaned in frustration. Sinipa ko sa ano yung isa na nagtangkang agawin yung bag ko. Sinamaan ko sila ng tingin. Pero nang papalapit na sila sa akin, biglang nag-ring yung school bell. Hudyat ng simula ng first period. Hinagis nila sa'kin yung salamin, at mabuti na lang at magaling ako sa pagsalo. But when I left my guard down, they pushed my books out of my hands at tumakbo papalayo.
"Next week ulit, Gomez! Hahahaha.."
Inis kong pinulot ang mga libro sa sahig habang nagmamadali para makaabot sa unang klase ko. Ang ang mas nakakainis na? Yung mga estudyanteng dinadaan-daanan lang ako.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro