Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Jake and Ella

Matapos kong pakalmahin ang sarili ko, Joseph smiled back at me and scratched the back of his head. Nawala uli yung pamomorblema ko dahil sa ginawa niya. He's just too adorable! Baka mamaya, tuluyan ko nang makalimutan na katawan nga pala ito ni Jake.

Pero paano nangyari yun? Nananaginip lang ba ako? Jusko, kung panaginip nga ito, wag niyo na akong gigisingin! Ang lapit-lapit ni Joseph sa'kin! Waaah!

"Jake, it's my fault.. Promise, h-hindi ko talaga alam na hindi gagana yung break! Tapos, n-nataranta ako nang sumulpot yung truck mula sa kabilang lane.." Nakayukong sabi ni Joseph.

Act like Jake, Ella. Hangga't wala kang ideya kung anong nangyayari sa mga katawan ninyo, just act like his brother para hindi sila maghinala. I thought and scraped my head ng kung ano ang pwede kong isagot sa kanya.

"A-Ahhh..  Hindi kuya. H-Hindi mo naman kasalanan eh. A-At saka kung hindi ako sumabay sainyo---I mean, kung hindi sana sumabay si Ella! Um.. Ayun..." Ang gulo ko yata? At paano ko nga pala uli naipasok ang pangalan ko sa usapan? May gosh, El! Exposure lang ang peg? Pero mabuti naman at hindi na yata napansin ni Joseph ang pagkakamali kong iyon. Tumayo na siya't nagpaalam para bumili ng lunch namin. Kikiligin na sana ako sa idea na magsasabay kaming kumain nang biglang sumagi sa isip ko na may problema pa nga pala akong kakaharapin.

"Jo--K-Kuya Joseph! Nasaan na nga pala si Ella? Maayos lang ba ang lagay niya?"

Ngumiti si Joseph. "Yeah. Mabuti na lang at minor injuries lang ang natamo ng kaibigan mo.. She's in recovery."

Nakahinga ako nang maluwag. Now that I think about it, may posibilidad kaya na si Jake ang nasa loob ng katawan ko? I need to know.

"Saang room po siya?"

"Umm.. Sa 304 yata. Bakit mo natanong?" Naghihinalang sabi niya. Napalunok ako. Hindi ko pwedeng sabihin na titingnan ko lang naman kung tama ang hinala ko na nagkapalit kami ng katawan ni Jake! He'll tell the doctors I'm insane! Maganda lang ako, pero hindi ako baliw.

"W-Wala lang.. Natanong lang po."

He sighed and drop the topic. Nang makaalis siya, naghintay muna ako nang ilang sandali bago ako tumayo at naglakad papuntang pinto. Nang mapadaan ako sa salamin, I couldn't help but notice my features. Damn! Jake na Jake pa rin ang mukha ko! Hindi kaya naimbyerna sa'kin si Jake at nakipag-face swap sa'kin? Jusmiyo! Napabuntong-hininga ako. I need to see him--or her, whatever.

Nang masigurado kong walang tao sa hallway, pumuslit na ako palabas. Nang may dumaan na nurse, dali-dali akong nagtago sa likod ng isang halaman. When she passed me, I sighed. Grabe, muntik na yun! Nagpatuloy ako sa paghahanap. Tinitingnan ko ring maigi yung mga numbers sa mga pinto pero I seriously find it difficult dahil nga malabo ang mga mata ko. Dapat pala nasuot ko yung glasses ni Jake! At dagdag pa sa pasanin ko yung pagkailang ko sa katawan ni Jake. Damn! Para akong naglalakad na kawayan dito.. Matangkad kasi si Jake eh. Tapos naninibago ako kasi nga malapad yung shoulders. Pwedeng-pwede na akong makipagbalyahan sa mga pilahan!

Nang malapit na ako, ay natanaw ko ang mga papalapit na tao. I hid myself in a random room dahil sa pagkataranta at hinintay silang dumaan. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ko sina Ate Trish at Thea. What are they doing here? Binisita ako--I mean, yung body ko? Nang makalayo sila, lalabas na sana ako sa silid nang makarinig ako ng mahinang growl. Then,

"Arf! Arf! Arf!"

Paglingon ko, I saw a white dog, barking at me. Para niya akong lalamunin! Katapusan ko na ba 'to?! I scanned the room and realized na may natutulog palang matandang babae sa kama. Mas lalong akong namutla. Nang titigan ko muli ang aso, I tried to make peace.

"Er... Nice doggy! Hehe.. Wag kang maingay at baka magising si lola.. Sige na, hayaan mo na akong umalis.. Wag kang feeling professional diyan----"

"Arf! Arf! Arf!"

"Huhuhu.." Halos maiyak na ako. Sa totoo lang, aso ang pinaayaw kong hayop sa buong mundo! Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko lang talaga magets kung bakit naku-kyutan ang iba dyan sa mga yan! Nakakatakot kaya sila! At feeling ko pa, lalapain ako ng isang 'to.

Akmang lalabas na akong nang mabilisan pero naabutan ako ng aso. He bit the hem of my hospital gown. Sinubukan ko itong hatakin pero sumusunod talaga yung aso! Nakakagat pa rin siya hanggang sa makalabas ako ng pinto. Naalarma ako. Then, with one great jerk, nahatak ko ang hospital gown ko at tinahulan ko rin yung aso.

"Raf! Raf! Raaaaaf! Awwwooo! Layo! Layo! Raf! Raf!"

At hindi ko alam kung nagtunog aso ba talaga ako or kung nagmukhang aso lang talaga ang mukha ni Jake para lumayo yung aso at bumalik sa loob ng silid. I grinned and started running towards the rooms.

"Aha! Room 304!"

Pinihit ko yung seradura. Para namang walang tao sa loob eh! Baka tulog si Ella--este, si Jake na nasa katawan ko na Ella. But when I opened the room, my eyes widened.

WAAAAH! OSPITAL BA 'TO O MOTEL?! Malakas kong sinara ang pintuan at hinihingal na nagtungo sa katabing pinto. May naghahalikan talaga! Lampungan pa more. Nurse at doktor! Omaygulay naman talaga! Sumbong ko kaya sila? Sige, sige! Pero bago pa man ako makapag-isip ng evil plan para isumbong sila, natanaw ko ang loob ng pintong katabi ko.

Then, I saw myself! Pag-angat ko ng tingin ko sa number ng pinto, napasimangot ako. Room 305. Napaface-palm ako. Kung di ko lang mahal si Joseph, masasapak ko siya! Walang alinlangan akong pumasok sa loob. Nagulat ang sarili ko nang makita ako. She sat up nang maisara ko na ang pintuan.

"Let me guess, you already found out about our unfortunate set-up?" Sabi niya at saka ko lang napansin na ang cute ko palang tingnan kapag seryoso ako. I shook my head and hurriedly sat on the side of the bed, crossed-legged.

"Jake! Is that really you? Sabi ko na nga ba eh! Huhu.. Anong nangyari sa atin?"

Napabuntong-hininga si Jake na nasa katawan ko.

"Kung alam ko lang sana ang sagot sa tanong na yan, malamang kanina pa ako nagsuggest, Ella... Tulad mo, I woke up like this---"

I grinned, "Yeah, I know. Ganda ko, right?"

Napailing siya. "How can you possibly be joking in a situation like this?! Hindi mo ba naiintindihan? Nagkapalit tayo ng katawan! At..." Napatingin siya dibdib niya. He touched the breast at napangiwi siya, "..HINDI AKO SANAY DITO!"

Natawa ako sa reaksyon niya. I flexed my muscles on my arms and noticed the firmness of the biceps.

"Hahaha! Ang maskulado ko naman! Akala ko nga talaga payatot ka dati.. Pero may laman ka rin pala kahit papaano. Gaano kaya kahaba yung----"

"MICHEALLA HERNANDEZ!!"

Napakamot ako sa ulo ko. Ang pangit pala talaga ng mukha ko kapag galit ako. I took in a deep breath and tried to think of a solution. Pero wala. Ni hindi ko nga alam na posible palang mangyari ang ganito.. Ang magkapalit kami ng katawan ni Jake. This is too impossible! Just then, I thought of that last wish I made before the crash,

If I could only wish for one thing, yun ay sana mas mapalapit kami ni Joseph..

I smiled. "Babalik pa naman siguro tayo sa dati diba? Malay natin, epekto lang 'to ng aksidente. Let's just go with the flow hangga't wala pa tayong naiisip na solusyon." I told him. Napamaang siya sa sinabi ko pero napapayag ko rin siya.

Hindi ko na lang ipapaalam sa kanya na chance ko na rin ito para mas mapalapit sa kuya niya.

What could possibly happen, right?

***

A/N: Gotta love the new look 😍 sa palagay ko, mas buhay at eventful talaga 'tong revised version. Paano na kaya ngayon at nagkapalit na ng katawan sina Jake at Ella? See you next update!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro