Chapter 46: Blind
"Because I'm torn between wanting you to be happy and wanting you to love me."
Napaatras ako sa sinabi niya. My heart skipped a beat. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Jake. Hinihintay kong sabihin niyang 'joke lang' pero wala. His eyes stayed on me. At may kung anong nabagabag sa loob ko.
I know what this means..
"E-Ella?"
Tumayo ako at napapailing sa kanya. I'm scared.. Ayoko ng ganito. Para akong lalagnatin. Natatakot ako sa mga posibilidad ngayong umamin na siya sa akin. Somehow, everything I knew felt like a lie. And yet, the answers were there all along..
"El.. Saan ka pupunta?"
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ni Jake. At saka ko na lang pala narealize na humahakbang na ako papalayo sa kanya. Napalunok ako. Ano ang dapat kong sabihin? May sasabihin ba dapat ako? Ang lahat na lang ba ng bagay, kailangan ng eksplenasyon?
Jake.. Bakit?
Suddenly, all the moments we had came flashing back. Parang puzzle na pilit binubuo ng utak ko ang mga pangyayari. Ang lahat ng mga ngiti niya sa akin.. Ang pagsulyap niya. Ang mga titig niya. Shit. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Nahihirapan na rin akong huminga..
"I-I can't.." Ayan lang ang lumabas sa bibig ko bago ko siya tinalikuran. Nanginginig na rin pala ang mga kamay ko.
"Kanina ka pa namin hinahanap."
Nagulat ako nang may magsalita sa aking harapan. I lifted my gaze and saw Coby, still in his play clothes, and Lin. Nagtatakang binalingan ako ni Coby. He smiled hesitantly. "Wala ka dun nung natapos yung play. Jake, okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?"
"W-Wala."
At hahakbang na sana ako papalayo nang matagpuan ko naman sina Renon at Rika sa likuran nila. They silently watched me na para bang alam na nila kung ano ang naganap kanina. Hindi pala parang.. Talagang alam nila.
"Don't run away from him just because you're scared." Seryosong sambit sa akin ni Rika kahit na bakas sa kanyang mata ang pag-aalala.
Tinakpan ko ang mga tenga ko.
"Just shut up!"
Ayoko na.. Kumplikado na nga ang lahat eh! Parusa na nga yung nandito ako sa katawan ng bwiset na 'to! Bibigyan pa ba nila ako ng iisipin?! Pero deep inside, alam kong hindi yun ang dahilan kung bakit ako tumatakbo palayo ngayon..
"ELLA!"
Narinig ko ang boses ni Jake sa malayo. I fought the urge to cry and continued running out of the school campus. Wala na akong pakialam kung ano ang tingin sa akin ng mga taong nadadaanan ko. Ang importante lang ngayon, ay ang makaalis ako sa lugar na 'to.
Dinala ako ng mga paa ko sa may village namin. Wala nang tao sa lansangan at nakasarado na rin ang ilang establishments.
Minsan, mas nakikita pa ng bulag ang katotohanan.
I shook my head in frustration. Ayoko nang marinig ang mga salitang yan!
"Arf! Arf! Arf!"
I stopped in my tracks. A? C? Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Sigurado akong may mga tutang tumahol! Sinimulan ko nang maglakad-lakad.
"Nasaan kayo?" Pagtawag ko. Pero ilang sandali pa ang lumipas, namayani na ang katahimikan sa buong lugar. Umihip ang malakas na hangin na nakapagpatayo sa mga balahibo ko. Nasaan sila?
"Arf! Arf!"
Lumingon ako sa may kaliwa kung saan ko narinig ang mga tahol. At doon ko nakita ang dalawang tuta na nakaupo sa may sidewalk. Naluluha ako nang makita kong kumawag ang mga buntot nila. I never imagined myself being this attached to these puppies.
"Tara na, uwi na tayo..." Pag-aaya ko pero nagulat na lang ako nang bigla silang tumakbo papalayo. Hindi na ako nagdalawang-isip at hinabol ko sila.
"Sandali!"
"Arf! Arf!"
Parang may gusto silang puntahan. Wala na akong nagawa kundi ang sundan sila.
Your eyes might be the windows, but the heart will always be the door.
Hanggang sa mga sandaling ito, parang naririnig ko pa rin ang mga sinabi noon ng batang babae sa akin. Para bang may gusto siyang mangyari.. Pero ano?
"Arf! Arf!"
Hindi na ako pamilyar sa lugar na ito. Pero nang makita ko ang malaking tulay, saka ko lang napagtantong nasa may dulong bahagi na kami ng bayan namin. Madilim ang paligid at may iilang streetlamps lang na nakailaw dito.
"Arf! Arf!"
Nagtataka man ako, patuloy ko pa ring hinabol ang mga tuta hanggang sa parang namamanhid na ang mga paa ko. Mas naguluhan ako nang makita kong tumalon ng tulay ang dalawang tuta. Wtf?!
"T-Teka---!"
Nanlalaki ang mga mata ko sa nangyari. Pero ang mas nakakabahala ay yung ayaw sumunod sa akin ng mga paa ko. My feet continued running towards the edge of the old bridge.
"Shit!"
Naririnig ko na ang malakas na pagragasa ng tubig sa ibaba. "A-Anong nangyayari-----AAAAAHHH!"
May kung sinong tumulak sa akin para mahulog ako. Takot na takot ako pero alam kong walang makakarinig sa mga sigaw ko. Masyadong malayo ang tulay na ito sa mga kabahayan.
Parang tumigil ang mundo ko nang nasa ere ako. At habang bumubulusok ako pababa, nasilayan ko ang pamilyar na batang nakatayo sa may gilid ng tulay. Yung bulag na batang babae. Para akong nawalan ng hangin sa baga nang makita ko siyang ngumiti at kumakaway sa akin. Sa may tabi niya, nasilayan ko ang pagkawag ng buntot ng dalawang tuta.
What the heck...?
I closed my eyes nang maramdaman kong lumubog ang katawan ko sa malamig na tubig. Hindi ako marunong lumangoy.. Ito na ba ang katapusan ko? Mamamatay na lang ba akong nakalagak sa katawan ni Jake Gomez?
Ang saklap naman pala ng buhay ko.
"ELLA!"
Napadilat ako sa ilalim ng tubig nang marinig ko ang boses na iyon. Paano nangyari yun? Paano ko narinig ang boses niya? BAKIT SIYA NANDITO?!
Nakita ko na lang ang paglusong ng katawan ko papalapit sa akin. Jake. Lumakas ang kabog dibdib ko. Sinubukan kong abutin ang kamay niya habang pilit siyang sumisisid sa akin pero nahihirapan akong makagalaw.
At hindi ko alam kung bakit, pero parang kaluluwa ni Jake Gomez ang nakita kong humawak sa kamay ko bago ako nawalan ng malay.
Mas marami ka pa ngang magagandang bagay na makikita, once na matutunan mong buksan ang puso mo sa iba.
Nabulag ba talaga ako?
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro