Chapter 45: Tears and Scars
Hindi na namin natapos ang play dahil pinasunod ako ni Jake sa kanya sa labas. Patay kami nito kay Sir Caleb.
"Saan ba tayo pupunta?" Sa totoo lang kinakabahan ako sa mangyayaring pag-uusap na 'to. Pakiramdam ko alam ko na pero hindi ko matanggap. I don't know why, but I feel as if things are going to get harder from this day forward.
Will I ever make it through the night?
Tumigil kami nang marating namin ang garden ng school. Madilim na pero sa di-kalayuan, may mangilan-ngilang ilaw na sapat na para makita mo yung mga nasa paligid. The eerie moon hung above the sky. May iilang bituing kumukutitap sa kalangitan. The wind blew and brushed my cheek. Ito na nga siguro ang tinatawag nilang serenity.
Mas maeenjoy ko sana ito kung hindi lang sa kabang kanina pa namamayani sa dibdib ko. I took in a deep breath nang nilingon ako ni Jake.
Para siyang kinakabahan. Nanginginig na rin ang mga kamay niya't nakatitig sa'kin.
"I'm sorry."
Mahina niyang sambit matapos ang ilang sandali. I struggled to took at him. Ayoko man ibigay sa kanya ang atensyon ko, pero hindi ko ito magawa. Sorry? Para akong nanghina. Nakakainis.
"Wala nang magagawa ang sorry mo." Sagot ko sa kanya.
Nakita kong mas lalong naging bigo ang expression sa mukha ni Jake. And unconsciously, I know, nahihirapan siya.
"A-Alam ko, El.. Pero sana mapatawad mo pa rin ako. Oo, kasalanan ko ang lahat.. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. I'm not worthy to talking to you anymore. Nakikialam ako sa buhay mo, p-pasensya na."
Napaos ang boses niya sa huli. His eyes told me a sad story. A untold story behind his soul. Nakikita ko kung paano nangungusap ang mga mata ni Jake Gomez, at hindi ko alam kung paano ko ito makakalimutan.
Napalunok ako. Naalala ko yung mga araw na inis na inis ako sa taong ito. Yung pasulyap-sulyap niya sa akin kada klase at ang mga pasimpleng pagpapapansin niya. At paano ko ba naman makakalimutan yung araw na nilapitan niya ako't inalok ng tulong dahil sa posibilidad na hindi ako makagraduate noon?
Jake Anderson Gomez..
Bakit?
Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. At sa huli, ang pinakagusto kong itanong sa kanya ngayon ay,
"Bakit mo 'to ginagawa, Jake?"
He sighed. Ngumiti siya nang alanganin at naupo sa damuhan. Sinundan ko siya't naupo sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa bawat kilos ko. He stared at my hands pero agad rin naman niya itong iniangat para magtagpo muli ang mga mata namin. Naalala ko tuloy kanina, kung paano kami nagkaroon ng eye contact habang nagi-ispeech ako sa stage.
"Una kitang nakita noong first year tayo," panimula niya. I want to give him a chance to explain. I want to understand his side of the story. I want to know.. Gustong-gusto kong malaman kung bakit..
Kaya hinayaan ko siya.
"..naligaw ako sa may rooftop noon. First day of classes. Nang ihatid na ako ni Kuya Joseph sa designated room ko, nakita kita kasama ni Rika. I paused when you smiled brightly. Ella, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling iyon. Para bang napawi lahat ng kaba ko nang nakita kitang ngumiti. Pero nakakatawa lang dahil noong kinawayan kita, hindi ka man lang nag-react. Nakakatawa lang kasi ang engot kong tingnan dahil si Kuya Joseph pala yung nginingitian mo."
Nakadungaw si Jake sa malayo. Inaalala yung senaryong iyon. Hindi ko maiwasang alalahanin din ang araw na yun.
"Rika! Tingnan mo oh! Ang pogi nung nasa may pintuan.."
"Ay? So nerdy type na pala ngayon ang gusto mo?"
"Loka, hindi yun. Ang panget kaya niya. Thick-rimmed glasses, tapos mukhang lampa. Ayun oh! Yung nasa likod niya."
"Naku, Ella.. Baka mapunit na yang labi mo sa kakangiti mo. Eh sa hindi ka nga niya napapansin diba? Hoy, babae? Nakikinig ka pa ba?"
Napangiti ako nang mapait. Ayun ang araw na una kong nakita ang magkapatid na Gomez. Syempre, si Joseph lang talaga ang napansin ko noon. Kaya ko lang naman nadapuan ng tingin si Jake ay dahil nakaharang siya eh. Kumbaga, extra lang siya sa paningin ko. Magmula noon, naging bukambibig ko na ang pangalan ni Joseph. Joseph this, Joseph that.. At ngayong napagtanto ko na ang bagay na ito, hindi kaya naririndi ang bestfriend ko sa bunganga ko noon?
"T-Tapos naalala mo ba noong napili tayong maging magkapartner ng P.E. teacher natin noong third year?"
Napalingon ako kay Jake. Third year?? Wait..
"Gomez and Hernandez, kayo ang magkapartner para sa demo."
Asar akong napatingin sa nerd na katabi ko. Inis kong binalingan ang teacher namin.
"Sir! Bulag ba kayo?! Bakit sa lalampa-lampang geek niyo pa ako pinartner? Hindi naman kami magsasagot ng Math problems habang nagjo-jogging! Pisikalan po ito."
Galit naman akong tingnan ng PE teacher namin. "Ms. Gomez, watch your mouth! Current Student council Vice President ang pinagsasalitaan mo ng ganyan---"
"A-Ah, Sir.. Okay lang po. Um.. I-partner niyo na lang po si Ella sa iba. M-May review din po kasi ako sa araw ng demo kaya baka makaapekto po ito sa performance niya."
"Aba, buti naisip mo! May silbi rin naman pala ang utak mo." Sabi ko pagkatapos niyang makumbinsi si sir. Naiiling na lang ang guro sa akin.
Napapikit ako sa alaalang yun. Shit. Ngayon ko lang talaga nabigyan pansin ang mga sinasabi ko noon kay Jake. Pilit kong kinalma ang sarili ko kahit na parang ang bigat ng pakiramdam ko. Dammit, El.. Ang bunganga mo kasi! Huminga ako nang malalim at nahihiyang binalingan si Jake na seryosong nakatingin sa malayo.
Pinagmasdan ko siya.
Ang dami ko pala talagang atraso sa kanya.. Ang dami ko na palang masasakit na salitang nabitiwan sa kanya.
SANA IKAW NA LANG YUNG NAWALA.
Ang sama kong tao..
"J-Jake.. Sorry! Hindi ko---"
Natigilan ako nang ngitian niya ako. Walang halong sama ng loob o ano ang ngiti ni Jake. He's smiling at me sincerely. "Alam ko. Hindi mo na kailangang ihingi ng tawad ang mga sinabi ko kasi lampa naman talaga ako. Minsan rin, hindi ko nagagamit ang utak ko. Thank you for making me aware of that, Ella." Nakangiti pa rin siya sa akin at pakiramdam ko matutunaw na ako. Tangina, mas nakukonsensiya ako sa ginagawa niya..
"You want to know why I'm doing this, right?"
Alanganin akong tumango kahit na nabigla ako sa pagbabago niya ng usapan.
Malungkot na ngumiti sa akin si Jake.
"Because I'm torn between wanting you to be happy and wanting you to love me."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro