Chapter 36: Valentines [3/3]
I'm not afraid anymore.
***
Nagdesisyon kami ni Jake na puntahan si Sir Caleb mamaya. Habang sabay kaming kumakain sa cafeteria, kahit na hindi pa rin natitinag yung mga tinginan sa amin ng iba, Renon and Rika suddenly popped out of nowhere. Malawak ang ngiti sa labi ni Renon at inakbayan ako.
"'Tol, the best ka talaga.. Sinabi sa'kin nina Ethan yung naging papel niyo. Salamat." Sabi nito sa akin. I know he's talking about the scene Jake and I made Coby do para mapaamin si Renon sa nararamdaman niya kay Rika. And it worked.
"Jake," he looked at me seriously, "I want you two to know, na kahit na nalaman kong pakulo lang ang lahat, ibibigay ko pa rin yung role kong Lysander kay Coby."
At sa sinabi niyang iyon, kaming tatlo nina Rika at Jake, sabay kaming napa-"HA?!"
Wtf? Ibibigay niya talaga kay Coby?! Hinihintay ko yung pahabol ni Renon. Hinihintay kong sabihin niyang joke lang yun. Pero wala. Seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin.
"Tama nga rin na bumitiw muna ako sa pag-arte, Jake.. Kailangan kong hanapin ang mas matibay na rason para ipagpatuloy yun. Pakiramdam ko kasi, magmula noon, umaarte lang ako para lang magpapansin sa tao.. Pero now, I realized, being loved by a certain person can change my beliefs." Napadako ang tingin niya kay Rika na namumula na. Gosh, nagbablush ang bestfriend ko! Dalaga na talaga siya.
"And besides, gusto kong ipagmalaki ni Coby ang sarili niya. Gusto kong ipagmalaki siya ni ninong. Actually, marunong rin naman siya sa theater eh." Ngumiti si Renon sa'kin, nakita ko na naman ang dimples niya. Hays.
Jake shrugged. "Kung yan ang desisyon mo." Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Kumagat ako ng tinapay bago tinanong ang kanina pa bumabagabag sa isip ko. I looked from Renon to Rika who were sweetly eating beside one another. "So, kayo na?"
At nang lalong namula si Rika, that gave the confirmation. Renon laughed whole-heartedly. Ang saya nilang tingnan. Nakakainggit naman.
"Hindi na dapat yun tanungin, pre! Hahaha! Obvious naman, diba? Pero ang gusto kong malaman.. Ano na ba ang score niyong dalawa?"
Nagkatinginan kami ni Jake, knowing na kami nga ang tinutukoy niya. Sasagot na sana ako na magkaibigan lang kami nang biglang sumabat si Jake,
"I'm dating his brother, kaya kami close ni Jake."
Literal akong napanganga kay Jake. Tangina! Bakit niya sinabi yun? And now that I can basically hear him saying those words while he's in my body, parang ang foreihg pakinggan na nanggaling yun sa bibig ko! Rika's eyes widened at napatitig kay Jake. "R-Really, El?! Kayo na pala ni Joseph?!"
Napapamura ako sa loob-loob ko. Bakit mo pa kasi sinabi yun, Jake?! Pero may isang maliit na boses sa utak ko ang nagsasabing, hindi ba dapat matuwa ka pa nga sa sinabi niya? And that same voice kept telling me na kahit na hindi naman totoo yung cover-up na yun para hindi mapagdudahan ang closeness namin, I should be joyful na kino-consider ni Jake na maging kami ng kuya niya.
Pero kada naiisip ko iyon, something heavy weighs down my chest.
Knowing that I'm guilty because my intentions weren't that clean when I befriended Jake before.
*
Nang matapos kaming kumain, natakasan namin sina Rika from their questions. Pinauna na ako ni Jake sa may event hall para sa program, siya na lang daw ang kakausap kay Sir Caleb. Napabuntong-hininga ako. Para akong naninibagong wala siya. Ang emo mo naman, Ella! So, kailangan ba lagi-lagi kayong magkasama?! Sinaway ko ang sarili ko at pinaayos na yung sound system.
Alas-tres na at nagdadagsaan na yung mga tao dito sa loob. Sa bleachers, nakita ko sina Selena at Ma'am Guelco. The girl smiled and waved at me. Natutuwa ako at maganda na yung samahan nila ng mama niya. Sina Fernand, Ethan at Troy.. Kanina pa pinagkakaguluhan ng mga babae! Ang sarap lagyan ng signboard na: BAWAL HAWAKAN, NAKAMAMATAY. Kay landi nila!
The best thing 'bout tonight is that we're not fighting
Could it be that we have been this way before?
Napabuntong-hininga ako. Sana nandito si Joseph.. Naaalala ko noon nung second year ako. Madalas ko siyang nakikita noon sa may court kasama ang barkada niya at nagbabasketball. Tapos minsan naman nasa may garden siya. Then may time na nagkasalubong kami sa hallway nung third year at kilig na kilig ako nun na hindi ako nakatulog.
Saksi ang school na 'to kung paano ako magkagusto at eventually, nahulog sa kanya. Alam niyo yung feeling na lumalalim yung paghanga mo sa isang tao kahit na nakatingin ka lang sa kanya mula sa malayo? Ayan ang naranasan ko kay Joseph. Siya si Mr. Perfect.
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
"Good afternoon, everyone! Nakapag-bigay na ba kayo ng roses sa mga taong mahalaga sainyo? Eh, chocolates? Naku! Bilisan niyo na habang hindi pa lumulubog yung araw!"
Nagsimula na yung program at si Cyril at Kent ang mga emcee. As usual, sinunod nila yung flow. Maya-maya pa, nagkaroon na ng mga performances mula sa dance troupe ng paaralan at may ilang choir members ang nangharana.
Sa pinakadulong row, namataan ko si Ma'am Aika. Nagpapalinga-linga siya sa paligid. Parang may hinahanap. Tapos ilang sandali lang, dumating si Sir Caleb at pasimpleng inilagay yung roses sa lap ni Ma'am Aika. Nagkantyawan na dahil dun at nakita ko ang gulat na reaksyon ni Ma'am Aika nang yakapin siya ni Sir Caleb.
Maging ang iba, napatingin na rin sa kanila. I smiled. Naaalala ko si Miss Keya at ang sinulat niyang poem para kay Sir Caleb. She loves him, pero alam niya kung paano magparaya para sa taong mahal niya. She knows with what she did, mahahanap na nilang tatlo ang tunay na kaligayahan. Bilib ako sa kanya.
I'm sure you're happy now doing what you love most, Miss Keya.
Or I won't live to see another day
I sweat it's true
Because a girl like you is impossible to find
"El," may kumalabit sa likod ko. I turned around and saw Jake. Dahil lahat ng atensyon na kina Ma'am at Sir, walang nakapansin na nandito kami sa may gilid ng stage ni Jake.
Nagulat ako nang pasimple niyang inabot sa akin ang isang rosas.
I felt my eyes go wide and my eyebrows furrow in confusion. And for a moment, nakita ko ang masayang ngiti ni Jake.
"Happy Valentines."
You're impossible to find..
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro