Chapter 35: Valentines [2/3]
Keep your eyes on me and let everything fall into place.
***
"A-Ayoko na ng mga bagay na temporary lang."
Narinig namin sinabi ni Renon. Nagkatinginan kami ni Jake. He smiled at me. Finally, he's realized that much. Ang kasikatan at pagtanggap ng madla ay pang-temporary lang.. Pero ang pagtanggap sa'yo ng isang taong nagmamahal sa'yo, panghabambuhay yun. Someone will eventually accept you no matter who you are. And I'm glad Renon found his someone.
Nakita namin ang paglapit niya kay Rika. I saw my bestfriend's eyes widened. Hindi maalis ang mga mata niya kay Renon. Rika, don't be scared.. You deserve a guy like him.
"Mukhang magkakaaminan na!" Kantyaw ni Ethan. I nodded. Si Coby naman, nakatingin lang sa dalawa na nag-uusap na.
Ano ba yan! Ang aga-aga may kadramahan. I smiled. Pupunta na sana ako sa kanila nang bigla akong hinatak ni Jake paalis ng crowd. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wait! Hindi ba tayo---"
Nang makalayo kami, he shook his head and stated, "Hayaan na natin sila. Ang kwentong ito ay hindi lang umiikot sa kanilang dalawa, El." Napa-pout ako. "Kj! At kelan ka pa naging concern sa privacy ng mga tao?" Dinungaw ko yung kung nasaan sina Rika at Renon. I saw them already hugging each other. Nagsisialisan na rin yung ibang estudyanteng nakichismis lang.
"Maayos na ba yung program para mamaya?"
Tumango ako sa tanong ni Jake. Actually, hindi ko talaga alam na kasama pala sa trabaho ng pagiging siya ang i-organize ang mga school programs. Nakakatuwa, ang dami talagang ipinagkakatiwala kay Jake. Nagsimula na kaming maglakad papuntang library. Kahit kasi Valentines, walang patawad yung iba naming teachers at go lang ng go sa pagpapa-quiz.
"Ang hirap maging ikaw." Naibulong ko sa hangin pero I'm pretty sure na narinig niya iyon. Jake turned to me. "Mas mahirap maging ikaw. Kailangan kong magpaka-babae kahit na hindi ko gusto."
Magkatapat kaming naupo sa mesang malapit sa bintana. I grabbed a Science book na nakapatong lang sa table at sinimulan ko na iyon buklatin. Makalipas ang ilang minuto, napansin kong nakatitig lang sa akin si Jake. Kami lang dalawa ang nasa library at laking pasasalamat ko dun. Ang karamihan kasi, pinagkakaabalahan ang mga nililigawan/crush nila.
"What?" Tanong ko. Nakakaconscious kasi eh.
Umiling siya at nag-iwas ng tingin. "I just can't help but wonder if we'll still be close even if this situation never happened." Napatitig din ako sa kanya. If this situation never happened? "I doubt it. Malamang niyan wala pa rin akong pakialam sa'yo nun."
It was my honest opinion. Kung sakaling hindi kami nalagay sa sitwasyon na 'to, hindi pa din ako magdadalawang-isip na gamitin lang siya para mapalapit kay Joseph. I wouldn't give a damn about Jake kahit na alam ko noong beki siya.
"Aray." Nasabi ni Jake sabay ngiti sa akin. I sighed. Para tuloy akong naguilty. Sa totoo lang, ang dami kong gustong linawin sa kanya. Isa na doon ay yung tungkol sa pagsisinungaling niya sa aking bakla siya. I mean, ano ang rason niya? I just don't get it.
"El,"
I looked at him. At nagulat ako nang may iba akong nakitang ekspresyon sa mukha niya. Fear suddenly took over me for an unknown reason. Agad kong iniba ang usapan. Baka kung saan pa mapunta.
"Ah, kukuha lang ako ng libro. By the way, alam mo ba kung ano ang paboritong cupcake flavor ng kuya mo?"
He paused and frowned. "Chocolate." Tumango ako at tumayo na para kumuha ng kung anong libro.
When I reason the Science and Technology section, nakita ko si Ms. Aika Velgado roon. She was about to reach for a book nang tinawag ko siya,
"Ma'am Aika,"
Napapitlag siya sa boses ko. She nervously faced me and smiled. "O, ikaw pala Jake. You're still studying at a time like this? Ang sipag talaga.." Biro niya. I looked at her closely. Babae ako, kaya siguro napakadali kong marecognize yung fake smile niya. Malungkot yung mga mata niya. Just like the eyes of Sir Caleb at Miss Keya. Silang tatlo.. they're all broken.
Papunta na sana kami sa may table at plano kong kausapin si Ma'am Aika nang marinig namin ang boses ni Sir Caleb,
"Ella, nakita mo ba si Ma'am Velgado mo? Is she here?"
Agarang nagtago sa likod ng isang bookshelf si Ma'am. Sumenyas siyang huwag kong ibubunyag na nandito siya. I nodded at lumapit ako kina Jake at sir.
"Sir Caleb, wala dito si Ma'am. Pero parang nakita ko po siya kanina sa labas." Tumango si sir sa akin at nagpasalamat pagkatapos ay umalis na rin. I sighed. He looks disheveled. Parang walang tulog. Nakita na kaya nila si Miss Keya?
Lumabas si Ma'am Aika mula sa pinagtataguan niya. "Salamat Jake."
"Ma'am, bakit kayo nagtatago kay Sir Caleb?"
Nanlaki ang mga mata ni ma'am sa tanong ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko eh. Napabuntong-hininga siya at naupo sa pwesto ko kanina. Jake looked at me, puzzled. Nagpatuloy ako, "You still love him po, hindi ba? Kung ganun, bakit ka nagtatago sa kanya ngayon?"
"Thank you for the concern, Jake.. Pero ano ang gagawin ko? Ikakasal na dapat siya.. Pero pakiramdam ko, nagkagulo ang lahat nang dahil sa akin. His fiance ran away from their home at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung nasaan siya. Sinisisi ko ang sarili ko. It feels like I'm at fault." Napayuko si Ma'am Aika. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Jake sat across of her and said,
"Kung anuman ang dahil ng fiance ni sir para umalis, nakasisigurado po kaming para yun sa ikasasaya niya rin po." Jake looked at me, "nakilala po namin si Miss Keya at base na rin po sa sinabi niya, she felt like their relationship won't work out. Hindi niyo po kasalanan na mahal pa rin kayo ni Sir."
Ma'am Aika then cried. "Nang dahil sa lecheng pagmamahal niya sa'kin, may nadamay! I feel guilty kasi ngayon, nawawala ang fiance niya! Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. He wanted to talk to me, kahapon pa, pero natatakot ako, Ella. Ayoko."
Umiling ako.
"Ma'am, natural sa tao ang matakot. Pero mas nakakahiya yung tatakbuhan mo na lang ang lahat.." I said at hindi ko alam kung bakit napadako ang mga mata ko kay Jake. He was staring at me, too.
To Be Continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro