Chapter 34: Valentines [1/3]
Don't give me reasons to break myself,
I'm not made of glass.
***
Third Person's POV
Kahit na labag sa kalooban ni Rika, ay pumasok pa rin siya kinabukasan. Ang totoo niyan, halos hindi naalis sa isip niya si Renon. Eversince that little scene she saw with Renon and Gail, nakaramdam ng selos si Rika. But that's not all.. Kalaunan, she realized she felt something deep for the guy.
Domino effect ang nangyari. It triggered everything. Her doubts, her fears and ambitions.
Idagdag pa sa stress niya ang napansin niyang pagbabago ng bestfriend niya. Yup, she noticed Ella became more distant to her at parang naiilang sa kanya. What gives? Bestfriend naman kita diba? At siguro, bulag na lang ang hindi makakapansin ng pagiging close nila Ella at Jake this past month.
"Paanong nangyari yun??"
Rika kept asking herself pero sa huli, alam niya sa sarili niyang hindi niya kayang sagutin ito ng mag-isa. She sighed. Sa malayo pa lang, nakikita na niya yung mga naghoholding hands. Tapos may balloons pa na hugis puso at mga teddy bears. Ang dami ding nagtitindi ng bulaklak at chocolate sa bangketa.
Tanginang Valentines yan. She thought at nakabusangot siyang umentrada ng gate sabay daan sa pagitan ng dalawang magkasintahang nasa harapan niya.
*
Renon sighed, for the nth time this morning. Kakausapin daw siya ni Jake dito sa Music room, pero hanggang ngayon, wala pa din ito. Naiinis na siya kasi mag-isa lang siya. Renon hates it. He hates being alone with his own thoughts. Ayaw na ayaw niyang bumabalik ang utak niya sa mga panahong nagtatawanan pa sila ni Rika.
Valentines nga pala. Isip-isip niya at napahimalos ang mukha nang mapagtantong wala siyang nabiling kahit ano para sa dalaga.
He silently cursed himself. Iniiwasan siya nito for the past week at hindi na alam ni Renon ang gagawin. Masakit para sa kanya yung pangiisnob ni Rika kada hihintayin niya ito sa labas ng classroom nila. He tried to contact her pero pinapatayan siya nito ng phone. Tapos kada tatangkain naman niyang lapitan ito sa lunch, makikita na lang niyang kasama nito ang ibang mga babaeng kaibigan.
Renon sighed, again.
Mas pabor sana na si Ella ang laging kasama ni Rika eh. Atleast kapag ganun, kaya niyang kontsabahin si Ella or si Jake para maiwan silang dalawa ni Rika.. Ang kaso, ayun nga. Halos hindi na rin magkasama sina Rika at Ella. Lagi kasing si Jake ang kasama nito. Pinopormahan na ba ni Jake si Ella? Bwahaha! Napapangiti siya sa naiisip.
He's happy for Jake. Alam din naman kasi niya ang paghanga niya para kay Ella. Magmula kasi freshman, magkaibigan na sina Jake at Renon kaya sabay nilang pinagmamasdan yung dalawang dalaga sa malayo.
Yung mga pangarap ni Jake, mukhang natutupad na.. Eh, yung akin kaya?
"Hays.. Ang hirap maging torpe! Hindi ko alam kung paano dumiskarte. Kainis." Nasabi na lang niya sa sarili.
Napatayo si Renon nang biglang bumukas yung pinto. Ang akala niya si Jake na, pero nagulat siya nang si Ella ang nandun.
"Ella?"
"Renon! T-Tulungan mo 'ko! Si C-Coby sinasaktan si Rika!"
Nanlaki ang mga mata ni Renon at parang biglang bumilis yung tibok ng puso niya dahil sa kaba.
Tanginang Coby yan!
At tumakbo na siya papalabas ng Music room.
*
Ang daming taong nagkukumpulan sa gulo. Sina Ethan, Fernand at Troy, na bumisita para sana sa gaganapin Valentine's Celebration mamaya, natataranta na rin. Nang makita ni Fernand si Renon, nilapitan niya ito.
"Ren! Kanina pa namin inaawat, wala pa rin! Si Rika---"
Hindi pa man natatapos ni Fernand ang sasabihin niya, nilagpasan na siya ni Renon na galit na galit pero bakas ang pag-aalala. Fernand scratched his head at natatawang bumaling kay Jake. "Ella, sigurado ba kayo dito? Bwahaha! Benta yung acting ko 'no? Pwede na ba ako sa play?" Jake smiled at umaktong parang si Ella. "Pwede na rin. Tara, panoorin na'tin!"
Sa gitna naman ng kumpulan ng tao, marahas na tinulak ni Renon yung mga nanonood. "Mga gago! Excuse me!" Inis niyang sabi. When Renon reached the center, nakita nga niya si Coby na nakhawak sa braso ni Rika. Rika was looking frustrated.
"Ano ba?! Bitiwan mo na ako, sabi eh! Bastos ka ah! Wala naman akong ginagawa sa'yo!!" She yelled.
Si Coby naman, ngumisi. "Oo, wala kang ginagawa sa'kin. Pero ako? May gusto akong gawin sa'yo.."
At bago pa man makalapit si Coby kay Rika, ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Renon sa kinakapatid.
"BITIWAN MO SIYA, GAGO!"
Sinugod niya si Coby. Hindi maitatanggi ni Renon na asar na asar na siya sa kinakapatid. Alam naman niyang may galit ito sa kanya at masyadong nagpapapansin lately, pero hindi na talaga nakakayanan ni Renon ang ugaling ganito ni Coby. Kobtrabida eh! He's starting to hate his guts at hindi ito maganda. Bihirang-bihira lang kasi makaramdam ng matinding galit si Renon.
"Ano ba talagang gusto mo, ha?! Bakit kailangan mo pang idamay si Rika?! Tangina!"
Hingal na hingal na si Renon. Coby spat out blood and smirked. "Sige, hindi ko na kayo papakialaman, sa isang kundisyon."
Nanliit ang mga mata nung binata sa sinabi niya. "What is it?" Kahit ano pa yan, ibibigay na ni Renon. Ayaw niyang nadadamay si Rika sa kahibangan ng kinakapatid niya. She's too fragile to be involved.
Coby's grin widened.
"Bumitiw ka sa pagiging Lysander."
At parang nabuhusan ng malamig na tubig si Renon. What the heck? Pero seryoso ang mga mata ni Coby. Renon felt a weight on his chest at napatingin siya sa nakatitig sa kanyang si Rika. Tila hinihintay din niya yung sagot ni Renon.
He sighed.. Ang hirap nito. Coby knows how Renon valued his career more than anything. At sa pagiging Lysander sa darating na play, maaaring ito na ang maging 'big break' niya. Naiisip niya pa lang yung kasikatang matatamo niya, sobrang saya na ni Renon. He would be loved by the whole school. Mas magiging proud ang Ninong niya.
Tatanggapin siya ng mga tao.
Pero...
Tiningnan niyang muli si Rika. At saka lang na realize ni Renon na may mas mahalag pa pala kaysa ang maging isang batikang theater actor. Renon realized something very important as he stared at Rika's lovely eyes..
"A-Ayoko na ng mga bagay na temporary lang." Bulong niya sabay landas ng luha mula sa mga mata ni Renon.
To Be Continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro