Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Pythagorean Theorem

After class, agad akong nagpaalam kay Rika na hindi ako sasabay sa kanya sa pag-uwi. Noong una, she gave me a weirded look at tinanong kung may date ako. Napansin din niya ang ga-bundok na textbooks sa mga bisig ko. I just gave her a smile and ran off. Whatever happens, kailangan kong makagraduate!

Narating ko ang library ng mas maaga kaysa sa napag-usapan naming oras ni Jake. Mabuti na rin at wala gaanong tao sa paligid. Hindi kami machi-chismis. Sa panahon kasi ngayon, ang tao ay nabubuhay sa kwento ng iba. Parang mga walang magawa lang ang peg!

Nakaupo lang ako sa loob ng library at nagmumuni-muni nang bigla akong nakarinig ng mga pag-iyak. I followed the sound and saw a girl sitting at the back of the library. Nagtatago siya sa mga naglalakihang bookshelves. Mukha siyang isang freshman. Nilapitan ko siya.

"Ah.. 'Neng, okay ka lang ba?"

She looked up at me with her big puppy eyes at mabilis na umiling. "Wala po." Pinunasan niya ang mga luha sa mata at lalagpasan na sana ako nang may binulong siya, "Ayoko lang po talaga ng uwian." At agad na siyang nakaalis. I was left puzzled by her action. Ngayon ko lang siya nakita sa school na 'to. Hindi siguro siya gaanong active?

Bumalik na ako sa table at mayamaya pa'y dumating na ang hinihintay ko. Excited na akong matuto!

"Hey there, Jakey! Ano girl? Tara na! Let's learn learn learn!" Natatawang bati ko sa kanya. Honestly, gumaan talaga ang loob ko nang aminin niya sa akin na bakla siya. Atleast, diba? Alam kong pawang chismis lang yung may gusto daw siya sa akin and all. Nakakahiya kaya yun!

"Shh! Ang ingay mo!" Saway niya sa akin. He sat across of me at hindi ko maiwasang matitigan ang mukha niya. Payat siya at maputi. He wore glasses and his black hair fell on his forehead.

Napansin kong namula ang mga tenga niya.

"A-Ano.. Tititigan mo na lang ba ako buong tutor lesson natin...g-girl?"

Hindi ko napigilan ang tawa ko. Nakakatawa naman siya! Parang ilang na ilang sa pagiging girlalu niya!

"Hahahaha! Sige na, hindi na.. Oh, ano? Anong subject muna ang aaralin natin?"

Jake cleared his throat and then fetched a super thick book from under the table. Teka, saan galing yan?! Inadjust niya ang salamin niya at taimtim na sumagot:

"Mathematics muna."

Parang gusto ko nang tumakbo paalis.

*

"So, again, what does the Pythagorean Theorem state on the given example?"

Tinitigan ko siya. I tried to absorb what he taught me earlier, pero nang haluan na niya ng number at letters, parang dudugo na ang ilong ko. Pilit kong inaalala ang mga sinasabi niya kanina without checking the notes I made. Sabi niya, noong third year pa namin natutunan ang Fita-gorina churva pero bakit wala akong maalala? Jusko. Inborn ba talaga sa akin ang pagiging mahina sa math?

"Ummm.... Next question please?"

Nasapo niya ang noo niya sa sagot ko. He took in a deep breath and shook his head in disapproval. Mukhang susuko na ang tutor ko sa akin. Naku, paano na ito?! Hindi na ba talaga ako makakagraduate?!

Napayuko ako. Bakit ba kasi ang hina-hina ko sa studies? Bakit ganun? Kapag mga story books, ang dali-dali kong natatandaan ang mga detalye at bawat eksena, pero kapag yung mga nakasulat na sa textbooks, halos dumugo na ang utak ko, hindi ko pa rin makabisa?

"Sorry."

Naramdaman ko siyang tumingin sa akin. I feell humiliated.

"Para saan?"

"Kasi hindi ko kaya.."

Nang mag-angat ako ng tingin, I saw Jake scratch his head and sighed. Konting-konti na lang, alam kong susuko na siya. Hays. Ang malas ko talaga. Bakit ba kasi ipinaglihi ako sa malas?

"Huwag mong iisipin na hindi mo kaya. Iniisip mo kasing hindi mo magagawa ang isang bagay, kaya sa una pa lang, magkakamali ka na talaga. Have faith in yourself." Mahina niyang sambit.

I smiled. May saysay rin naman pala ang mga sinasabi nitong geek na 'to. Huminga na rin ako nang malalim at tiningnan ang orasan. It was only 4:30pm. Kailangan kong makagraduate!

"Tara, Jakey! Turuan mo 'ko, ulit!"

He sweatdropped. "From the top?"

"Oh yes! Lalamunin na natin itong Fitagorilla theory---"

"Pythagorean Theorem,"

"----Yeah! Whatever! Tara naaaa!"

At lumipas ang sumunod na oras na puro pagsasagot ng word problems, pagcacalculate, at pagpapasakit ng ulo ang inatupag namin. Unti-unti, medyo naiintindihan ko na ang mga lessons namin at feeling ko nga mas natuto ako ngayon. Or baka kasi hindi lang talaga ako nakikinig kina ma'am nang mai-discuss niya ito sa klase namin? Well, that doesn't matter anymore! Pigil-hininga kong pinanood ang pagchecheck ni Jake ng mga sagot ko. Sabi niya, kapag naka-15 out of 20 man lang ako, ok na raw kami for the day.

"1....2....10....14."

"WHAT?!"

"Ay, hindi ko pala nabilang yung isa. Fifteen. Congratulations, Ella!"

Halos mapaluha ako. Omg! Totoo ba ito? Malawak akong napangiti sa kanya. Gosh! This is so impossible! Ang galing ko! Pero bago pa man ako tuluyang makapagsaya, he stood up, packed his things and reminded me,

"Lessons pa lang yun noong first grading pa natin. Bukas natin itutuloy. Sinusundo na 'ko."

Ngek! Naku, pero okay na yun. Atleast hindi nagtapos ang araw na wala akong natutunan! I started packing my things na rin at mabilis kong hinabol si Jake napapalabas na sana ng pintuan.

"Yow, Jakey! Um, sino nga pala ang susundo sa'yo?"

"Ah, si Kuya Jospeh. Bakit?"

At sa sinabi niya, halos mabitawan ko ang mga librong hawak ko. Feeling ko nga rin nagningning yung mga mata ko. "REALLY?! Pwedeng pasabay?!" Alam ko, ang feeling close ko masyado.. Pero anong gagawin ko? This is my chance na mapansin na rin ako ni Joseph Gomez! Gosh! Kung kanina akala ko, ako ang pinakamalas na nilalang na nabubuhay sa mundo.. Ngayon parang ako na ang pinakaswerte!

Kumunot ang noo ni Jake. "Huh? W-Well.."

Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, someone caught my attention. Sa kabilang kalsada, I saw the girl from earlier. Palinga-linga siya sa paligid at mabagal na naglalakad with her bag. Diba dapat kanina pa siya nakauwi? Hmm.

Hindi ko na namalayan, nakatawid na pala ako ng kalsada at sinusundan ko siya. "Neng, wait lang.." Pero hindi niya ako pinansin at bagkus, tinakbuhan pa ang beauty ko! I furrowed my eyebrows. Anong problema nun?

Beep! Beep!

Nagulat ako nang biglang may nagbusina sa likuran ko. Nang lingunin ko ito, I saw a white ferrari at halos malula ang mga mata ko sa ganda nito. Nagtaka ako nang magroll down yung window sa may passenger's side at nakita ko ang mukha ni Jake.

"Tara na. Akala ko ba sasabay ka?"

Jake? Omo! That means...

Sumilip ako sa may driver's side at nasulyapan si Joseph. My heart went erratic at tila napipi ako. He smiled at me and told me to hop in. Pinigilan kong kiligin at binuksan na lang ang pinto ng backseat.

This is gonna be one exciting journey!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro