Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: The Bride

Tell me not in mournful numbers,
Life is but an empty dream.

[The Psalm of Life]

***

"Kamusta ang mga test?"

Ayan ang bungad agad sa akin ni Jake noong nagkita kami sa may lobby. Halos maiyak ako sa tuwa dahil natapos na rin ang day one. Nakakainis lang dahil hindi pa ako pwedeng matulog nang mahimbing mamayang gabi. Day two pa bukas..

"Ayun, sa tingin ko naman maipapasa ko.."

Jake smiled at me. Nakakalulang isipin na kahit na nasa katawan ko siya, naiimagine ko pa rin yung original na ngiti niya. Yung nerdy style na pigil. I don't know if I should be thrilled or not. Baka nga nababaliw na ako.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot. Hindi ako susunduin ni Joseph my loves ngayon. May kailangan daw siyang puntahan. Bago kami makalabas ng gate, nakita naming dumaan ang kotse ni Sir Caleb. I saw his fiance in the passenger's seat. Hindi ko mawari ang mukha niya. Para siyang may malalim na iniisip. Naalala ko na naman tuloy yung mga ngiti nila kanina.

I turned to Jake. "Normal bang hindi umaabot ang ngiti mo sa mga mata mo? I mean, para kang nakangiti, pero yung mga mata mo, malungkot.." Mahina kong sabi.

Bahagyang tumago naman si Jake. "Nangyayari lang naman yun kung hindi ka masaya."

"Hindi ka masaya?"

"Oo. Nakangiti ka, pero hindi ka masaya. Sabi nila ang mga mata ang bintana sa kaluluwa natin. You can determine one's emotions by just staring at his eyes."

Kaya pala. Pareho silang hindi masaya. Si Sir Caleb at ang fiance niya. Malamang hindi ito alam ni Ma'am Aika. Pero kahit na alam niya, pakiramdam ko hindi niya pa rin pipigilan ang kasal ng dalawa. She's too kind to interfere with something so sacred. Pero in the end, it's all a matter of how strong you can handle the situation.

Tinanaw ko yung sasakyan ni Sir Caleb. Nasa malayo na ito. Kelan kaya sila magiging masaya?

*

Napagdesisyunan namin na tumambay muna sa isang pastry shop. Masaya kaming nagku-kwentuhan ni Jake habang kumakain ng chocalate cakes. Nakakatuwang pareho pala namin itong favorite. Kung hindi lang talaga sa magulong sitwasyon namin ngayon, aakalain kong match made in heaven kami. Pero syempre, imposible yun.

"Ano palang pangarap mo sa buhay, El?"

Random na tanong sa akin ni Jake. Ngumiti ako sa kanya.

"Pangarap ko ang kuya mo."

Napataas ang isa niyang kilay. I shrugged.

"Maging teacher."

At ewan ko ba kung bakit siya natawa bigla. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Anong nakakatawa dun?" He grinned at me, "Kung pagiging guro pala ang pangarap mo, di ba dapat noon ka na nagsumikap sa studies mo?"

Napabuntong-hininga ako. "Sa totoo lang, ngayon-ngayon ko lang naman narealize ang bagay na yan..dati kasi, wala talaga akong pangarap sa buhay. Ikaw? Anong pangarap ng isang nerd na kagaya mo?"

Bigla siyang umiwas ng tingin.

"Ikaw."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Para akong nawalan ng boses sa sinabi ni Jake. He can't be serious, right? At sa oras din na yun, natawa siya nang pagak.

"Of course that's just a joke," nginitian niya ako. "Pangarap kong maging Civil Engineer."

"Ahh.. Okay." Para naman akong nanosebleed sa sinabi niya. Ibinalik ko ang mga mata ko sa pagkain. Nagulat ako nang bigla na lang tumayo si Jake at parang natataranta. Agad niyang chineck yung palda niya. Feeling ko alam ko na kung anong meron.. Pinigilan kong matawa sa kanya.

"Nagbaon ka ba ng extra pads?"

Pinandilatan niya ako nang mata. Nakita ko rin ang pamumula ng pisngi niya. "Shh! Wag kang maingay!" Kinapa niya ang wallet niyang dala at saka nagmamadaling nagpaalam,

"May nakita akong tindahan diyan sa tapat.. Bibili lang ako." Parang nahihiya niya pang sabi. Napamura pa nga siya nang ngumiti ako nang nakakaloko. Sinundan ko siya ng tingin. Nagmamadali siyang nagtungo sa may exit pero dahil sa pagiging rush niya, nabangga niya ang babaeng kasalubong niya.

Nalaglag sa sahig yung mga papel na dala nung babae. Natatarantang pinulot ni Jake ang mga ito. Tumayo na rin ako para tumulong. Nang malapitan ko sila, nakilala ko ang pamilyar na tinig.

"Sorry.. H-Hindi ko tinitingnan yung dinadaanan ko."

"Ah, hindi po. Nagmamadali rin kasi ako eh." Magalang na tugon ni Jake. I looked at the woman closely.

Siya nga... Sir Caleb's fiance.

Nagtama yung mga mata namin. She smiled kindly at me. "Ikaw yung estudyante ni Caleb kanina.. Jake?" Tumango ako at iniabot sa kanya yung mga papel na dala niya. Napansin kong mga manuscript ang mga ito. Nagsusulat pala siya?

"Ah, opo.." Nag-aalangang sagot ko. Si Jake naman, inexcuse na niya ang sarili. Akala mo naman matter of life and death na ang hindi siya makabili ng napkin. Hays.

"Ah, ma'am---"

"Just call me Keya."

I nodded. Bumalik kami sa may table namin. Wala na kasing available na table sa loob ng pastry shop kaya tinanong ni Miss Keya kung pwede bang maki-table. Tahimik kami habang hinihintay namin ang order niya. Tiningnan ko siyang maigi. She had an angelic face but I would be more brilliant if she could smile genuinely. Naalala ko na naman tuloy yung napag-usapan namin ni Jake kanina.. Yung tungkol sa pagiging masaya.

Alam kong hindi dapat, pero hindi ko maiwasang maawa sa kanila. Kung hindi naman pala sila masaya, bakit pa nila itutuloy ang kasal?

"Miss Keya, akala ko po umalis na kayo ni sir? A-Ah, nakita po kasi namin kayo kanina.." I hesitantly said.

Biglang ibinaba ni Miss Keya ang mga mata niya. Mahina siyang sumagot, "N-Nagpababa na kasi ako sa may kanto.. Ayoko namang abalahin pa si Caleb na ihatid pa ako hanggang Pasay."

I took in a deep breath and asked the question that had been lingering in my head eversince I saw her.

"Miss Keya.. Bakit hindi ka po masaya?"

Nag-angat siya ng tingin at matamlay na umiling. There's this pain in her eyes that makes me want comfort her. At hindi ko makalimutan ang sinagot niya sa akin,

"What's the use of being his bride when he loves another woman? Hindi ako galit.. Pero hindi rin ako manhid. Mahal ko si Caleb, pero minsan kasi, hindi sapat na mahal mo ang isang tao para masabing masaya ka. He's with me," halos paiyak na siya. Pero for the first time, nasilayan ko yung totoo niyang ngiti, "but his heart isn't."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Ni hindi ko nga alam kung may saysay ba ang mga sasabihin ko.

Huminga muna ako nang lalim.

"Miss Keya, let him go. Kung alam mong nasasaktan na kayong dalawa, hindi ba't mas magandang hanapin na lang ang kaligayahan mo sa ibang bagay?"

She stared at me. Makalipas ang ilang segundo, tumulo na ang mga luha niya..

"You're right. I-It's actually an arranged marriage, pero ako lang ang nagmamahal. Hindi ko na napapansing.. tatlo na pala kaming nasasakal."

Kumunot ang noo ko. But when I recalled the look of love in Sir Caleb's eyes for Ma'am Aika, naintindihan ko na.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro