Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Music Fest

She was broken but never hopeless; alone but never lonely. Her eyes reflected pain but projected courage. She was a beautiful paradox

[Credits to the owner]

***

Makalipas ang halos isang oras, nakarating na rin kami sa isang malawak na open field kung saan itinayo ang venue. Sa entrance pa lang, namangha na ako sa magardong sign board: Music Festival '17.

Troy gave our tickets--napag-alaman kong siya pala ang nanlibre---at mayamaya pa, nakihalo na rin kami sa mga taong nagkalat. Ang iba, nagkukumpulan sa mga souvenier booths habang ang iba naman, nagpapapicture sa mga kilalang personalidad sa larangan ng musika. The surroundings were decorated with note-shaped balloons, and multi-colored lights. May mga banderitas at posters din. Napangiti ako. Music lovers will surely have a heart attack.

"Guys, tutugtog rin pala ang Black Musicians mamaya!" Excited na sabi ni Fernand. Natawa naman si Ethan. "Tara, bibili ako ng gitara eh." Pag-aaya nito at sabay naman na silang nagtungo sa nakakahumaling na store na puno ng musical instruments. Si Troy naman, hindi na makaalis kasi hinahatak na siya ng mga babae para makapagpapicture. Ang hirap talagang maging sikat! Buti na lang, wala ako sa katawan ko ngayon. Kundi, baka matulad na ako kay Troy.

"Wooo! Ang saya-saya!"

Napatingin naman ako kay Renon. May hawak na pala itong bote ng alak. Nagsisimula na rin ang tugtugan dahil maggagabi na. Mukhang tinamaan na kaagad ang isang 'to.

Make me fall on my knees

Baby, please

Just don't tell me you regret this

Don't tell me you regret what we have

Napatingin ako sa stage. Naghihiyawan ang lahat dahil sa galing nilang tumugtog. Binasa ko ang naka-flash sa may stage: Black Musicians. Sila pala yung bandang yun?

Take my heart away

Lock it up in your cage

Throw the keys

and keep me begging on my knees

Just please don't regret this

Please don't regret this

Napapapikit ako sa ganda ng boses ng kumakanta. Hindi ako mahilig sa rock music, pero nakaka-inlove yung kanta. Puno ng emosyon. Why is it that people keep pouring out a part of themselves for their works? Hindi ko talaga maintindihan ang tao. Pero ano pa man, ang tanging hangad lang naman lahat ay ang maging masaya.

"Aba, at nandito ka rin pala?"

Napalingon ako sa pamilyar na boses. My eyes widened when I saw Coby, the bully, staring down at me. Malaking tao ito, at nakakatakot yung mapang-asar na ngiti niya. Naalala ko tuloy ang araw na binully niya ako. Paano natitiis ni Jake ang ganitong klase ng tao? But I guess Jake isn't brave enough to fight him. Huminga ako nang malalim. Hindi ko hahayaang mabuhay si Jake na lagi na lang binubully.

"Bakit, masama ba kung nandito ako?" Kalmado kong sagot.

Tila naman mas naasar siya dahil sa pagsagot ko. I inwardly rejoiced. I'll teach you a lesson or two, Coby.

"Tsk. Akala mo ba masisindak mo 'ko, nerd? Ano? Ha?!" bigla siyang lumapit sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Just then, biglang sumulpot ang lasing na si Renon. Galit siyang nakatitig kay Coby.

"Tumakas ka na naman 'no?" Seryoso niyang sabi. Coby frowned pero hindi siya sumagot. Natawa naman si Renon. Magkakilala ba sila? Naguguluhan na ang beauty ko ha!

"Paniguradong malilintikan ka na naman kay ninong kapag nalaman niyang pumunta ka dito." Renon continued. Ninong? So, ninong niya ang tatay ni Coby? Edi matagal na nga silang magkakilala! Pero bakit ganun? Parang hindi naman halata sa kanila.. Not unless..

"Ano? Magsusumbong ka? Gago! Syempre. Ikaw ang paborito, diba? Wala naman siyang pakialam sa tunay niyang anak. Makaalis na nga!" At inis na naglakad na papalayo si Coby. Pero ganonpaman, parang may hint ng hinanakit ang boses niya. I turned to Renon who drank out of his beer bottle. Inagaw ko ito sa kanya at mataman siyang tiningnan.

"Ano yung sinasabi niya?"

Renon snatched the bottle from my hand and shook his head. Parang wala na siyang pakialam sa mga nangyayari sa kanya. "Alam mo naman 'to diba? Coby's dad is my godfather. Nang mamatay ang mga magulang ko, siya ang tumayong ama sa akin. Kung noon pang mga bata kami, galit na sa'kin yang si Coby, mas tumindi pa dahil sa nangyari. He's acting like he's being fucking neglected! Kaya kinakahiya kong kilala ko yang bwiset na yan eh.. Wala nang nagawang matino."

I nodded. Kaya pala.

I stared at the direction Coby went. Lagi talagang may back story ang isang tao, kahit gaano pa man siya kasama. There's always more than meets the eye. Pakiramdam ko tuloy, naawa ako kay Coby. Kulang lang din pala siya sa atensyon. Napailing ako. Ito kaya yung reason kung bakit hindi nanlalaban si Jake kada binubully siya nila Coby? Does he feel pity?

I sighed. Buhol-buhol talaga ang kwento ng mga taong nadadawit sa buhay natin. Gustuhin man natin ito o hindi.

Sa isang iglap, naglaho na naman si Renon. Feeling ko kumuha na naman yun ng alak. Psh. Lumingon ako sa stage. Tapos na palang tumugtog yung Black Musicians. Papunta na sana ako sa may mga booths nang bigla na lang may nanghatak sa akin.

"What the---?!"

"H-Hello!"

Nanliit ang mga mata ko. Kilala ko 'tong bruhang ito ah?! Ah! Siya nga yung babaeng nasa ice cream parlor. Oo tama, hindi ako pwedeng magkamali! Music lover din pala siya? Ay, teka..

"N-Naaalala mo ba ako? Ako nga pala si Lin."

Napapoker face ako. Nagba-blush siya ate! Gosh, hindi ko keri ito ha. Nako, Jake, saludo na talaga ako sa karisma ng anyo mo! May natatago ka rin palang kamandag. Nang mahimasmasan ako, I hesitantly smiled at her. Maganda naman siya, actually, pero mas maganda kami ni Jake.

"Yeah. Ikaw yung babae sa ice cream parlor, right? I'm Jake, by the way."

Tumango-tango siya.. Para siyang may lahi eh. Half-chinese kaya siya?

"Jake.. Ang gwapo naman ng name mo. A-Ahm.. Kasi, pupunta na sana ako sa food bar. Gusto mong sumama?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Libre mo?" Oo na, ako na ang makapal masyado ang mukha.

Natawa si Lin. "Oo naman! Tara!"

At walang sabi-sabi, she held my hand and dragged me towards the food bar. Mula sa malayo, natatanaw ko ang poging mga anyo ni Ethan, Fernand, Troy and Renon na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Naiiyak ako. Kung hindi sana ako hinahatak ng babaeng ito, edi sana kasama ko ang mga adonis na yan!! Tulungan niyo ako mga papa! Huhuhu!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro