Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: Kidnappers

"When I'm around you, I'm feeling insecure about the little things.."

***

Papunta na ako sa library para sana sa tutor lessons namin ni Jake nang bigla akong makarinig ng nagsasalita. I hid behind the lockers. Nakilala ko agad ang boses na yun..

"Ella, seriously? Care to tell me why you and Jake are so close nowadays?"

Rika. Hindi ako maaaring magkamali. I know my bestfriend's voice. It looks like kausap niya siya Jake. So, nakakahalata na rin pala siya? Hays. Sino nga ba ang niloloko ko? Lately, halos magkadikit na kami ni Jake. Kasalanan ko rin naman siguro 'to. I know how critical our situation is, pero hindi ko naiisip na maaaring magduda ang ibang tao. Nasa loob pa ako ng katawan ni Jake, kaya ang dating tuloy parang nanliligaw siya sa katawan ko.

"Girl, wala.. I mean, paano mo naman nasabing close kami ng..ng n-nerd na yun?"

Halatang kinakabahan si Jake sa boses niya. Alam kong mahirap magpanggap na ako, pero mabuti na lang at mukhang nakakayanan naman niya.

"Hays.. Ella, nakikita ko kayo. Nung minsan tinatawag kita para sumabay ka sa'min ni Kelvin ng lunch pero hindi mo 'ko pinansin. We were with him.. Ano nga ba kasi ang meron sainyo?"

Nagkapalitan kami ng katawan, bestie. Kaso, alam ko namang hindi ka maniniwala kaya shut up na lang ako.

"Si J-Jake.. Well.."

"Ano nga?"

"Um... H-He's my.. s-suiter."

At halos lumuwa yung mga mata ko sa narinig kong sabi ni Jake. ANO DAW?! SUITER? Manliligaw? At kailan pa?! Gusto ko sanang umangal pero wala naman akong maisip na ibang idadahilan kapag sinabi kong hindi yun totoo. Hays..

Mahigpit bitbit ang bag ko at saka marahang naglakad papuntang lobby.

Ayoko namang dagdagan ang mga panghihinala ni Rika sa'min. Kahit na sinabi ni Jake na ganun ang setup namin, alam kong hindi kami titigilan niyang si Rika. Delikado na. Gosh! Ang gulo talaga ng buhay ko.. Tapos galit pa nga pala sa'kin si Jake dahil sa bangayan namin kanina.. Mas mabuti nga siguro kung hindi muna kami mag-tutor lessons ngayon. Pakiramdam ko mas bibigat lang ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

I sent a message to Jake that I can't go. Nang maibulsa ko na ang cellphone, ay nakita ko si Ma'am Guelco sa may gilid ng parking lot. Nakaupo siya run at parang.. umiiyak?

Bigla kong naalala yung mga sinabi ko sa kanya kanina. Baka nga tama si Jake.. Baka nga masyado naman akong harsh kanina. Nag-aalinlangan man ako, ay lumapit pa rin ako kay ma'am. She raised her head at tiningnan ako nang umupo ako sa tabi niya at iniabot ang panyong nasa bulsa ko. She smiled sadly and took it. Ngayong nakikita ko si ma'am ng malapitan, I realized the little ressemblance she has with Selena.

Huminga ako nang malalim. Keri mo 'to, Ella..

"M-Ma'am.. Sorry po sa nasabi ko k-kanina."

Mapait niya akong tiningnan. "Hindi, Jake.. Tama ka. Naging pabaya nga ako kay Selena."

Nakita kong tila natulala siya sandali bago bumuhos ulit ang mga luha niya. I then noticed the piece of paper beside her. I got curious. Napansin din siguro ni ma'am na nakatingin ako dun.

"May nag-fax nito sa office kanina.. S-Sulat ng mga dumukot kay Selena."

Hindi ako nagdalawang-isip na basahin ang mensahe. My eyebrows furrowed. Anong kalokohan 'to?!

"One hundred thousand pesos para mabawi siya?! Ma'am, bakit.. A-ano---"

"Alam ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko kundi ang ibigay ang hinihingi nilang ransom money? Buhay ng anak ko ang nakataya dito.. Ayoko nang magsisi sa huli." Makahulugan niyang sabi.

I took in a deep breath at tiningnan ang address na naroon. Parang alam ko 'tong cafe na ito ah? Marahan kong ibinalik ang papel kay ma'am at nagpaalam na. They won't be getting away that easily. I thought with a hint of determination.

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko at nakita ang reply ni Jake:

Alam kong gumagawa ka lang ng excuse. I'll be there in a minute. Diyan ka lang sa may parking..

I rolled my eyes. Bahala siya kung maabutan niya ako or hindi! Dali-dali kong tinext si Joseph at sinabi kong hindi ako makakasabay sa kanya pag-uwi. I reasoned out that I have some projects to do. Syempre hindi ko naman pwedeng ipaalam sa kanya ang plano kong pag-iimbestiga dun sa lugar kung saan makikipagkita ang mga kidnappers ni Selena, diba?

Oo, ayan talaga ang plano ko ngayon.

"Jake!"

Napalingon ako sa tumawag. Tinaasan ko siya ng kilay habang papalapit na siya sa akin.

"Tinawag mo ba talaga akong 'Jake', Jake?"

He smiled at me. "I'm glad hindi mo 'ko iniwan. Saan ang punta natin?" Kumunot ang noo ko. Ang akala ko ba galit pa sa'kin ang isang 'to?

"Galit ka pa sa'kin, diba?"

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko at nagkibit-balikat na lang siya. Ang moody naman pala talaga ng lalaking 'to. Napailing ako, sabay nagpara ng isang jeep papuntang cafe na yun. Hinila ko siya kahit na alam kong naguguluhan siya.

"I'll explain on the way there. Tara na!"

*

Pagkarating namin sa cafe shop, walang katao-tao. Pinasok pa namin ang loob para sana magmatiyag pero wala kaming nakita na kahina-hinala.

"Baka naman mali 'tong shop na 'to?"

Hindi ko na lang pinansin si Jake at lumabas na kami ng cafe. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa mapansin ko ang isanv pamilyar na puting van na nakapark sa di-kalayuan. Nanlalaki ang mga mata ko.

"J-Jake.."

Sumeryoso na rin ang hitsura niya pagkakita sa sasakyan. "Base from your expression, that's the van, right?" Marahang lang akong tumango. Lumapit kami sa parang bodega kung nasaan ito at may nakita kaming tatlong lalaki. May hawak silang mga bote ng alak at nagtatawanan sila.

"Mabuti na lang pala at mayaman ang pamilya nung bata!"

"Tangina, pre.. Kikita tayo ng malaki dito! Dapat pala dati pa natin 'to naisip."

Kumulo ang dugo ko. Mga tanga. Akala siguro nila hindi maiisip ng mga tao na nagsinungaling sila sa sulat noong sinabi nilang nasa Batangas sila. At isang malaking give-away na ang hindi maayos na pagkakapark ng van nila. Tinangka nila itong itago pero nakikita pa rin. Stupid goons!

I froze on the spot nang magsalita ang isa pang kidnapper,

"Tutal kukunin na din naman yang bata bukas.. Bat di na lang muna natin siya tikman?"

What the heck?!

I gritted my teeth in frustration and anger. Ipinatong naman ni Jake ang kamay niya sa balikat ko. He looked worried. I can't tell anymore.

"Ella, tumawag na tayo ng pulis."

"Hindi!"

I stood up from my hiding place. Sabay-sabay na napalingon sa akin yung mga lalaki. Si Jake naman, napa-sapo ang noo. Kahit naman ako, di ko alam kung anong ginagawa ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro