Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Gone

Once lost, and it can never be found.

***

Nanlalatang tumayo si Sir Caleb matapos huminga nang malalim. Tila nahihirapan siya base sa ekspresyon ng mukha niya. Jake shook his head and I know na hindi rin niya malaman ang sasabihin ngayon. Ikakasal na pala si Sir Caleb.. If that's the case, shouldn't he let Ma'am Aika go? The way he looks at her.. The way he cares.. Halatang mahal niya pa si ma'am.

Hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa amin.

Sir Caleb frowned. "Care to explain kung paano kayo nakapunta dito? Are you two following me?"

Natameme ako. Ayy, opo sir. Mga chismosa kasi kami kaya nakisakay kami sa likod ng kotse ninyo and tadah! Halos nasampal ko ang sarili ko. Hindi ko naman yun pwedeng sabihin, syempre! Hays. Buti na lang at sadyang matalino talaga itong kasama ko,

"Sir, nag-aalala kasi kami kay Ma'am Aika kaya nagtanong kami kung saan ang bahay niya. Tapos nakita na lang po namin kayo." Ani Jake na nag-aala"Ella" mode. He smiled and tried to look innocent. Sa loob-loob ko, natatawa ako sa hitsura niya. Halatang pilit eh!

Naghihinalang tiningnan kami ni sir bago siya nagkibit ng balikat at winika sa mahinang boses,

"Sige. Ihahatid ko na kayo pauwi."

Sinundan namin siya pabalik sa sasakyan and this time, hindi na namin kinailangan pang magtago sa likod.

*

Halos maiyak na ako dito. At hindi dahil sa naapektuhan ako sa tragic love story nila ma'am at sir! Nope! Halos maiyak na ako dito kasi kanina pa ako binabatukan nitong si Jake!

"Aray!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "You do know that I'm in your body, right?!" Inis kong sabi.

Pero si nerd, nagshrug lang at nahiga muli sa kama. Tumalon sa kanya sina A at C at nakikipagharutan.

"Ella, next Monday na yung start ng exams. Baka nakakalimutan mo yung deal natin? Ipasa mo yung exams ko, and I'll gladly pass yours. As simple as that." Nakangiting sabi niya pero bakit parang nakakaloko yung aura niya ngayon? Ugh. Maybe I'm just imagining things.

"And again, bakit mo pa ako kailangang bantayan dito, aber?" Mataray kong tanong.

"Sigurado kasi na matutulog ka lang kung hindi kita tututukan." Flat na saad niya at saka bumaling ang atensyon ni Jake sa mga nagkukulitang mga tuta. Mukhang tuwang-tuwa ang mga ito sa kanya.

I sighed. Paano ba naman kasi? Wala pang isang oras na nakauwi ako dito sa bahay ng mga Gomez, bigla na lang sumulpot si Jake. Sabi niya pinaalam niya daw kina Ate Trish na magpapatutor lang daw ako sa'kin. And of course ate believed and halos ipag-alsabalutan pa ako ng mga gamit dahil sa pangungutyang magtatanan na daw kami. Alam na rin naman na ni Mommy Jana at mukhang tuwang-tuwa na makita ang katawan ko dito. Kuwento nga ng kuwento eh. Sabagay, nakakasawa rin sigurong ikaw lang ang nag-iisang babae sa tahanan.

Hindi ko pa nakikita si Joseph. Kanina pa siya sa loob ng kwarto niya at medyo nag-aalala na ako. Hindi pa kasi kumakain eh, ang dami-dami nang ginagawang school work.

Napahawak na lang ako sa sentido ko.

And now Jake's guarding me for some "night review" kasi kailangan na daw naming mag-double time sa nalalapit na exams. Hays.

Napadako ang mga mata ko sa bintana. Nakasara ito at medyo mainit ngayon kaya't napagdesisyunan kong buksan ito. I was about to go back to reading my history book nang mapansin ko ang isang pangyayari sa may kalsada. Naaninag ko lang yung isang puting van at parang may mga tao. Dali-dali kong sinuot ang salamin ko at halos matameme ako sa nakita ko.

There were two men. Pilit nilang isinasakay sa van ang isang batang babaeng nakauniporme. Si Selena.

Shit!

"Ella---hey, what's wrong?"

Nilampasan ko si Jake at mabilis na lumabas ng kwarto dala ang cellphone ko. He ran after me pero wala na akong pakialam. Jusko, sana hindi nila makuha si Selena! Mabilis akong tumakbo papunta sa kalsada.

"SELENA!"

Pero huli na at nakita ko na lang ang van na nasa malayo na. Naiiyak ako at nararamdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. I let my phone drop to the ground at nakadisplay pa sa screen nito ang dial.

"Ella, anong nangyayari? Gabi na.."

Napansin ko na lang ang hingal na paghawak ni Jake sa braso ko. I shook my head and let the guilt eat me.

"W-Wala na siya..."

"Ano? Anong pinagsasasabi mo?"

Hindi na ako sumagot. I picked up the phone on the pavement and started calling the police hotline para ireport ang nangyari. I can almost imagine her face while struggling earlier. Tangina naman.. At bakit nasa lansangan pa siya ng ganitong oras?! And those bastards!

*

"Kuya Jake.."

Nagpalinga-linga ako. In my dream, I was still in Jake's body. Nasa may park ako nang narinig ko ang pamilyar na boses. Hinanap ko ito at napansin ko ang isang batang babae na nagkukubli sa may mga halaman.

"S-Selena!"

The girl looked up at me and smiled sadly.

"Si mama... Si mama.."

"Ha? Bakit, Selena? B-Ba-----"

Napabalikwas ako nang bangon. Ang sakit ng ulo ko! Pinagpapawisan rin ako nang malagkit. I tried to calm myself but hinihingal pa rin ako kahit na alam kong panaginip lang yun. And then reality came back to me again..

"S-Selena... Jusko.."

Para akong nanghihina. Naalala ko na naman kung paano siya nagpupumiglas nang pilit siyang isinama ng mga lalaking iyon. Napapikit ako. Ayokong isipin kung ano ang maaari nilang gawin sa bata.

I took in a deep breath. Biglang may kumatok sa kwarto ko at sumilip si Joseph sa loob. His face was worried.

"Okay ka lang, bro? Parang sumisigaw ka kanina. Bad dream?"

Tumango ako. "O-Oo, kuya. W-Wala yun."

He gave me a crooked smile. "Kung ano man yan, Jake.. Everything will be alright." At muli niyang isinara ang pinto ng kwarto ko. Napailing na lang ako.. Hindi ako si Jake.. I'm Ella. Pero syempre, that's the least of our problems now.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro