Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Saving Chances

Chances are the hardest to save and the easiest to let go.

***

"Ano kaya ang nangyari sa kanila?"

I turned to look at Jake and saw that he was deep in thought. Kumunot ang noo ko. "Malay mo naman magkaibigan lang sila?" Hopeless kong tanong kasi alam ko sa sarili ko ma medyo may crush ako kay Sir Caleb. Napailing sa akin si Jake habang papalabas na kami ng lobby.

"Look at them. Tingin mo ba magkaibigan lang sila diyan sa picture?"

I sighed at tiningnan kong muli yung picture. It's true. Imposibleng friends lang sila dito. You'll recognize the eyes of people who are in love. At sa larawang ito, kitang-kita ang pag-glint ng mga mata nila at halatang kumportable sila sa isa't isa. Nakakainggit. Ano kaya ang feeling nang may lovelife?

"Pero, bakit ganun? I mean, sa inaraw-araw naman na nakikita kong nagkakasalubong sila, parang wala lang. They're acting too formal and casual." Pagdadahilan ko.

Pero kung anupaman ang kasagutan, sigurado akong nag-ugat ito sa malalim na karanasan. People don't act like strangers just because they wanted to. Maari ngang may nakapagpahiwalay sa kanila. It's really a shame to think that couples barely make it through the obstacles of life.

"Hindi ko rin alam, Ella.."

Nang nasa may parking lot kami, nakita namin si Sir Caleb na tila wala na naman sa sarili. He was absentmindedly talking to someone on the phone. Narinig namin ang pinag-uusapan nila.

"Yes... Yes, of course.. Pupunta na ako diyan.. T-Tell her... Tell her to wait for me. Bye."

At saka niya ibinaba ang telepono at nagtungo sa sasakyan niya. Pero, bago pa man siya makapasok sa loob, may lumapit sa kanyang estudyante at kinausap siya. Nagkatinginan kami ni Jake at sabay na tumango nang makita naming nakabukas ang pintuan sa backseat ng kotse ni sir. Alam namin na si Ma'am Aika ang pinag-uusapan nila, at masyado na nga siguro kaming curious pero gusto naming malaman kung ano na ang kalagayan niya at kung ano ang gagawing aksyon ni Sir Caleb.

Kaya naman, para kaming mga ninja na mabilis na pumuslit sa loob at nagtago sa tambak ng mga tela na naroroon. I recognized the cloth as a part of the upcoming stage play. Ayan daw ang magiging kurtina. Hindi ko pa nga pala nababanggit kay Jake iyon.

"Tama ba 'tong ginagawa natin?" I asked Jake in a hushed tone.

Napailing siya sa akin. "Alam naman nating pareho na mali ito eh.. Ano nga ba kasi ang pumasok sa isip natin? I knew being too curious is dangerous!" Exaggerated niyang pahayag.  Mahina akong natawa at natigilan nang bigla niyang idagdag, "tara na.. Labas na tayo rito hangga't wala pa si-----"

We both shut up.

Biglang umandar ang makina at napansin na naming nasa driver's seat na si Sir Caleb. Para siyang lutang at hindi siya mapakali. Kaya siguro hindi niya kami napansin kanina. I smiled when our journey began. Masarap rin namang mag-pasaway at maging chismosa paminsan-minsan. Well, minsan lang..

*

Tumigil yung sasakyan. Lumabas na lang bigla si Sir Caleb at hindi man lang nilock ang pintuan ng kotse niya sa sobrang pagmamadali. Mabilis rin kaming nagtulakan ni Jake palabas ng sasakyan at palihim na sinundan si sir papasok sa isang simpleng bahay. So, dito nakatira si Ma'am Velgado? We slipped through the gates and peeked through the open window.

Nakita naming pinagbuksan si sir ng pinto ng isang matandang babae.

"Nasaan po siya?" Bungad agad ni Sir Caleb. Yung matandang babae, parang nag-aalangan pang sumagot.

"Wala siya dito, Caleb.. Umalis na siya."

Sir Caleb's shoulders slumped. Para na siyang magbi-breakdown s hitsura niya. He looked so devastated. Naawa ako bigla kay sir.

"Ella,"

"Hmm?"

Nawala kay Sir Caleb ang atensyon ko nang kalabitin niya ako. He pointed towards the garden at tahimik kong sinundan ang tingin niya. Wait, is there someone there? Lumapit pa ako at nagkubli sa mga halaman. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko si Ma'am Aika.

She was sitting under a mango tree at yakap niya ang kanyang sarili.

Mukhang siyang giniginaw kahit na hindi naman malamig. Namumutla rin siya. Pero ang mas kapansin-pansin talaga ay yung namumula niyang mga mata.

"Shall we tell Sir Caleb that she's here?" Mahina kong tanong kay Jake.

Napabuntong-hininga siya.

"Pero malalaman niyang sumama tayo sa kanya. Baka pagalitan lang tayo."

Napairap ako sa sinabi ni Jake. I frustratedly stood up and fixed my shirt.

"Seryoso, Jake?! Nagkakalabuan na nga yung dalawa, tapos 'yan lang pala ang iniisip mo?" Inis kong sabi sa kanya bago ko hinabol si Sir Caleb na papalabas na sana ng gate.

"Sir!"

Napalingon siya sa boses ko at nagulat siya nang makita niya ako.

"Jake? What are you doing here?!"

I looked at him, sternly. "Sir, nasa may garden po si Ma'am Aika.. Dun sa may puno ng mangga."

Kumunot ang noo niya. "H-Ha? Teka, anong pinag---?"

Pero hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko na lang siyang hatakin papuntang garden. Kainis eh! Ang slow talaga ng mga lalaki. Dapat talaga magkaayos na sila Ma'am Aika at Sir Caleb.. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko nagtataguan lang silang dalawa. Hindi naman nila pwedeng gawin yun, diba?

"Teka, Jake.."

Sir Caleb stopped. Natuod siya nang makita niya si Ma'am Aika na umiiyak sa ilalim ng puno. He immediately rushed to her side and knelt infront of her. Nagulat nga rin si Ma'am Aika nang makita siya at ikinulong siya sa mga bisig nito. Sir Caleb hugged her like there's no tomorrow. I smiled and stepped back. Nasa tabi ko na si Jake and he somehow looked pleased and annoyed from what I did. Nagkibit na lang ako ng balikat.

"Bakit ka umiiyak? Aika.. B-Bakit mo ba ako iniiwasan?"

Ma'am Aika smiled sadly. "Kasi kinailangan ko."

"Huh?"

Pinunasan ni ma'am ang mga luha niya and only then had I realized that meant.. Si ma'am ang tumapos sa relasyon nila noon.

Ms. Velgado stared off into a distance.

"Magmula nang maghiwalay tayo ng landas noong college at nakapasa ka sa entrance exam ng dream university mo, I knew I needed to distance myself from you."

Naguluhan si Sir Caleb at halatang nasaktan din siya. "P-Pero, bakit?"

Ngumiti lang ng mapait si ma'am,

"Caleb, when you see the person you love become a stable person..that's when you need to take a few steps back and let him grow. It's not stupidity. Maturity ang tawag dito. I needed to break our ties to give you the space for new ones. At masaya akong makita kang masaya."

Sir Caleb then let his tears fall.

"A-After all these years.. Akala ko pinagpalit mo 'ko. A-Akala ko naging selfish ka.. A-Akala ko.."

"Marami ang umaasa at nasasaktan sa maling akala."

He took in a deep breath and worriedly watched her.

"May sakit ka pala."

"Obviously."

Napakamot siya sa ulo niya. Halatang hindi niya malaman ang mga susunod na sasabihin.

"So.. Paano na tayo?"

Ma'am Aika stood up and started walking back to their house nang sabihin niyang,

"Walang tayo. Tapos na yun, Caleb. Man up.. You're getting married next month, remember?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro