Chapter 12: Cutting Classes [1/2]
Everything's too beautiful to be wasted by negativities.
***
Kinabukasan, matamlay akong naligo at nagpalit ng damit pamasok. It was Friday and that fact only made me lazier. Ni hindi ko na alintana ang pagkailang ko sa katawan ni Jake at dire-diretso lang ako sa kusina only to be greeted by those bouncing furballs.
"Arf! Arf! Arf!"
Naka-poker face lang ako sa kanila. The white started sniffing my shoes samantalang yung kulay itim, nagpapacute pa sa'kin sa pamamagitan ng pagpapagulong-gulong sa sahig. The heck? Napailing na lang ako at hindi ko na lang sila pinansin. I remembered what Jake told me last night. Masama ba talaga ang ugali ko? Hindi naman ah. Bwiset talaga yung nerd na yun.. Kainis.
"Jake, anak.. Okay ka lang ba? Para kang may sakit."
Nginitian ko si Mommy Jana (yep, I looked up her name. Hahaha! Malamang, magiging mother-in-law ko siya kapag pinakasalan na ako ni Joseph, diba?).
"Okay lang ako ma. Medyo tinatamad lang."
At sa sinabi kong iyon, para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. I stared at her, confused. May nasabi ba ako?
At walang ano-ano, she rushed to my side with a thermometer and an ice bag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagpapanic siya. Huh? Er.
"Anak?! Seryoso ka ba dyan? Naku, anak! Normal naman ang temperature mo ah! Wait, I'll call a doctor!"
Bago pa man ako makapagsalita, nagmamadali na siyang nagtungo sa sala. And then I realized it. Napasapo ako sa noo ko. Loka, Ella! Malamang, nasa katawan ka ni JAKE GOMEZ. Isang STUDY-ADDICT, NERD at BOOKWORM. Meaning, malamang sa alamang, kahit kailan hindi siya tinatamad pumasok sa paaralan! I frowned in understanding. So, hindi sila sanay na normal ang anak nila? Sus. Bakit naman kasi ang abnormal nitong si Jake eh!
"Arf! Arf! Arf!"
Sinamaan ko ng tingin yung mga tuta na kanina pa nagpapapansin sa akin. Wala pa nga pala silang mga pangalan. Tsk.
I bend down and stared at the white puppy.
"Ikaw na ngayon si A."
Natutuwang tumahol siya. I rolled my eyes and turned to the black one who sat on the floor expectantly.
"Oh? Edi malamang kung siya si A, ikaw si B."
Hindi ito umimik. Eh?
I crossed my eyes over my chest.
"Bakit? Anong gusto mong pangalan? C?"
At saka lang nagtatatahol sa saya yung tuta. Nasapo ko ang noo ko. Jusmiyo marimar..
*
Pagkarating sa school, dumiretso ako sa may locker area. Nagpapasalamat ako't walang pakialam sa akin yung mga nakakasalubong ko. Nang mailagay ko na yung ilang libro na dala-dala ko, may biglang tumawag sa'kin mula sa kabilang dulo ng hallway.
"Jake!"
Si Renon.
Nang lingunin ko siya, halos mapamaang ang bibig ko nang makita ko siyang black fitted shirt at jeans. Pakiramdam ko namumula na ako ngayon. Gosh! Hindi maaari, Ella! Hindi ka dapat magtaksil kay Joseph! Marahang kong iniling ang ulo ko at pinaalalang lalaki nga pala dapat ang orientation ko. Mahirap na, baka mamaya mabuko niyang bakla itong si Jakey. Hmm.. Teka, ako pa lang ba ang nakakaalam na beki itong si Jake? I wonder.
Nginitian niya ako at inakbayan.
"Oy, Jake! Sabi ng pinsan ko may play daw na gaganapin next month. Alam mo na ha? Pwedeng-pwede ako." At kumindat pa siya. So, he's aiming to get a lead role in A Midsummer Night's Dream play? I inwardly smirked. Tingnan natin. Ilagay kaya kita bilang puno.
Naalala ko bigla yung sinabi niya sakin kahapon. He just wanted the atensyon of people. Tiyak ito lang na naman ang dahilan kung bakit niya gustong makuha bilang cast. Hindi ba parang ang pangit naman na kaya mo lang gagawin ang isang bagay ay dahil gusto mong mapansin at matanggap ka ng iba? I stared at Renon. Feeling ko naman, mahal niya talaga ang pag-arte. Ang kaso, nabubulag lang siya ngayon. I wish I can somehow help him.
Classes went on in a blur. Nilapitan na rin ako ni Sir Caleb at inilahad ang mga detalye. All I need to do now is to conduct an audition for the roles and manage everythinf afterwards. Sa totoo lang, kinakabahan ako. This is my first time to do such big things! I mean, hindi naman ako pinagkakatiwalaan sa mga ganitong bagay eh. I was just Ella Hernandez. Famous, but cannot be trusted.
At nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit ko ito tinanggap ganyong alam ko naman na si Jake dapat talaga ang mamamahala dito.
Maybe a part of me just wants to prove myself.
Ayos na sana ang lahat. Pero noong pumasok ako sa Science Class, nagulat ako nang si Jake lang ang nadatnan ko run. The classroom was empty! Nagpalingalinga pa ako sa paligid, nagbabaka-sakaling nagtatago lang ang mga tao pero wala talaga! I frowned at maglalakad na sana palabas nang tawagin ako ni Jake with my feminine voice.
"Ella, please. Kausapin mo naman ako. What's the matter? Hindi mo ba natanggap ang mga text ko?"
I adjusted my eyeglasses and remembered I left my phone at home. Sa sobrang katamaran ko, hindi ko na namalayan ang mga gamit ko. But still, I don't want to deal with Jake now. Naalala ko pa din yung sinabi niya sa'kin kagabi. Surely, he wouldn't want to bother with spoiled brat.
"No. Sorry, I need to go."
Pero nakalapit na pala siya. You don't know how weird it is to see yourself look at you like that. Para kong kinakalkula ang sarili ko.
Jakey sighed.
"May kinalaman ito sa usapan natin kagabi, right?"
I rolled my eyes. "Spoiled brat ako, right?" Balik tanong ko sa kanya.
He just shook his head and answered,
"I-I didn't mean to offend you, Ella. I'm sorry."
Napalingon ako sa kanya. He was staring down on the floor and looking so helpless. If was as if I could see his soul doing that. If ever, that would be so creepy.
I checked my watch and took in a deep breath. "Bakit wala sina Ms. Velgado?"
Unti-unti, Jake smiled at me. "I don't know. Maybe natunugan niyang nag-LQ tayo kaya gumawa siya ng paraan para magbati tayo?" He suggested. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Ang assuming mo naman! Ew, girl."
Natawa naman siya. Gulay, ang tinis pala talaga ng tawa ko.
"So, tara?"
"Ha? Saan mo 'ko dadalhin? Waaah! Kidnap!"
At namalayan ko na lang na hinahatak na pala niya ako palabas ng kwarto. It was a good thing na walang katao-tao sa hall kasi kung meron mang makakita sa amin, I knew it would be so alarming to see Ella Hernandez dragging the nerd Jake Gomez off to somewhere.
To Be Continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro