Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Playgrounds


Matapos ang mga klase ko, I secretly made my way towards the library. Unlike before, agad kong nakita si Jake na inaayos pilit ang palda sa katawan ko. Natatawa ako sa hitsura niya. Para siyang naooffend na hindi mo mawari.

"Ella! Ganito ba talaga 'tong palda mo? A-Ang ikli kasi.. Baka mamaya---"

I cut him off, "OA mo ha! Hanggang tuhod na nga yan. Alangan namang magpalda ako ng hanggang paa, edi nagmukha akong madre?"

He frowned at me at saka ko lang napansin na hindi man lang pala niya pinulbusan ang mukha ko. Ang oily eh. Grabe naman maghandle ang nerd na 'to.

"Di bale nang magmukhang konserbatido kaysa naman mabastos ka."

I rolled my eyes at naupo na sa upuang katapat ng sa kanya. I noticed the pile of books next to him at bigla akong nawalan ng gana sa dami nito. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko,

"Do we really need to continue these tutoring sessions? I mean, hindi ba't nasa katawan kita? So yung kaalaman mo at skills mo bilang nerd---no offense ha--ay magagamit mo para maipasa ang mga grades ko, right?"

Jake's frown deepened. Oops. Parang may mali na naman akong sinabi.

"Exactly. Hindi mo ba napansin? Ang mental skills and personality natin, nagkapalit din kasabay ng pagpapalit natin ng katawan. Yes, it's true that I can easily pass your grades now pero hindi mo ba naiisip na dahil dito, kailangan mong mas magsipag sa pag-aaral dahil nasa katawan kita?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Well, he does have a point. Oo nga, kilala si Jake bilang nerd at presidente din siya ng iba't ibang academic clubs dito.. Mas maghihinala ang mga tao sa paligid kung biglang bababa ang grades niya nang dahil sa'kin. Ugh. Nakakainis naman!

Jake eyed me sternly. "Besides, hindi ko rin naman ipapasa ang mga grades mo kung hindi ka nagsusumikap sa pag-aaral. It's unfair. It can clearly be considered as cheating."

Napahalukipkip ako ng mga braso.

"So?"

And finally, he smiled. "So, magtutuloy-tuloy pa rin ang pagtuturo ko sa'yo. And I'll pass your grades based on the progress you'll be developing. Kung naiintindihan mo na ang lahat ng lessons mo't naipapasa ang mga exams that are meant for me, I'll pass yours and work for that 90 grade you need."

"Um.. At kapag wala akong natutunan sa'yo?"

He shrugged. "Hahayaan kitang bumagsak at hindi makagraduate. As simple as that, Ella. Deal?"

Pinanliitan ko siya ng mga mata. After a few moments, I sighed and nodded my head. "Sige, deal.. Basta walang personalan ha? Baka mamaya mainis ka sa'kin tapos bigla mong ibagsak ang mga grado ko ng sadya! Kukutusan kita kapag ginawa mo yun."

Tumawa si Jake at inilabas ang isang malaking encyclopedia mula sa ilalim ng mesa.

"Ako nga hindi nagrereklamo kahit na alam kong hindi mo mapapanindigan ang pagiging ako eh. Jake Gomez should be a nerd, right?"

I smiled sweetly. "And a nerd he will be! Gosh, this is so weird."

*

Nagtapos ang hapon na yun na sinundo ako ni Joseph. Kilig na kilig nga ako habang nililigpit ang mga nakakalat kong mga gamit. Jake must've notice me kasi nginitian niya ako pero parang hindi genuine ang ngiti niya. Oh, well. Wala naman akong ginagawang masama hindi ba? At alam naman na niyang gusto ko ang kuya niya. Sana nga lang, pagkatapos ang lahat ng ito, mapansin na ako ni Joseph.

When I reached home, sinalubong ako ng mama nila nang may ngiti sa labi. She just got home from their office based from her office attire. Medyo naninibago pa talaga ako lalo na't lumaki akong ulila sa ina. Sa kabila ng lahat, iba pa rin talaga ang pakiramdam ng alaga ng isang ina. I suddenly felt sad for myself. Pero alam ko, walang magagawa ang self-pity. You just need to be strong enough to face life alone.

Wala akong magawa. Nakatunganga lang ako dito sa kama ni Jake. His room had a bookshelve at one side of the wall pero wala kong planong tingnan ang mga iyon. Sumakit na nga ang ulo ko sa dami ng inaral namin, pasasakitin ko pa ba? And so, after I did my assignments, nagdesisyon akong magtungo sa park na may kalapitan mula rito sa bahay ng mga Gomez.

Papalubog na ang araw at halos wala nang tao sa lansangan. This is perfect. I jogged my way towards the benches and sat staring up at the sky.

"Ang ganda.." It was of orange and pink streaks. May mangilan-ngilang ulap na nakadadagdag sa ganda ng kalangitan. God really is the best painter.

Then, nakarinig ako ng mga hikbi. I turned my head towards the playgrounds and saw the freshman girl from before. Naka-uniporme pa rin siya at tinatakpan niya ang mukha niya. Nilapitan ko siya't tinabihan sa swings.

Nang mag-angat siya ng tingin, nagulat siya nang makita ako. I smiled apologetically at her.

"Sorry kung nagulat kita.. Um... Bakit ka nandito? Hindi ka pa ba uuwi?"

Mas naging malungkot ang mukha niya. "Ayoko pong umuwi."

Kumunot ang noo ko. Ayan din kasi ang dahilan niya noong nakaraan. Paano ko nga ba siya makakalimutan? Those puppy dog eyes are really bothering me.

"Anong pangalan mo?"

"Selena po."

"Bakit ayaw mong umuwi sainyo, Selena? May problema ba?"

She bowed her head and whispered, "Wala rin naman akong kasama sa bahay eh.. Laging busy si mommy. Magmula nang mamatay si daddy, nag-iba na siya. Hindi na niya ako inaalagaan at madalas pinapagalitan niya ako.. N-Nagsisisi siya kung bakit niya pa daw ako pinanganak."

Napamaang ang labi ko sa mga sinabi niya. Ramdam ko ang hinagpis ni Selena habang tumutulo ang mga luha niya. So, she's a victim of domestic verbal abuse? Napasimangot na lang ako. Masakit nga naman ang sitwasyon niya. Pero that doesn't mean na hindi na siya uuwi sa kanila. She still needs her mother. Kahit na gaano pa kasama ito sa kanya.

Marahan kong inabot ang panyong nasa bulsa ko sa kanya. She gladly took it and wiped away her tears and blew her nose. I smiled reassuringly at her and said,

"Alam mo, hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng ganyan. Maraming bata sa mundo ang pinanganak na walang mga kinikilalang magulang, kaya't swerte ka pa na may mommy ka. Others would do anything to be in your place. At saka, kahit ganun ang mommy mo sa'yo, hindi yan dahilan para hindi ka umuwi sainyo. She's still your mother, nag-aalala pa rin yun. Try to talk to her and work it out."

Bahagyang ngumiti sa akin si Selena at tumango. Nakagagaan talaga sa pakiramdam ang makatulong ka sa iba. Sana nga lang ay maayos nila Selena ang problema nilang mag-ina.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro