DIRECTOR'S CUT EP1
THE FIRST DAY I MEET YOU
Inayos ko muna ang left earbud ng headset sa tenga ko 'cause it's a bit loose. I don't know if it's because I'm a perfectionist kaya kahit kaonting hindi pag-sync ng tunog ay naba-bother ako. I tend to want everything in place and working.
Sumasakit ang ulo ko sa magulo at kalat.
I was about to hold the glass door's handle of a coffee shop nang may pares ng dalawang kamay na naunang humawak doon. Agad na kumunot ang noo ko. Then I glance on my right and saw a woman panting for air na tila ba galing siyang running marathon. Naka-bun ang buhok niya but there were loose strands of hair that escapes from her pencil pinned bun.
Iniangat niya ang mukha sa akin at ngumiti.
Napakurap-kurap ako. It was weird to compliment a stranger, but her smile suited her beautiful face. It was like watching a main heroine portraying a sunny and bright personality. 'Yong mga eksena na biglang babagal ang oras nang ngumiti ang bidang babae kung saan magkikita ito at ng bidang lalaki.
"I'm sorry," aniya. "I'm a bit in a hurry."
Siya na mismo ang nagbukas ng glass door. She didn't wait for me. Nang matauhan ako, muntik pang tumama ang glass door sa mukha ko dahil masyadong malakas ang pagbitaw ng babae sa hawakan.
"Fuck," I cursed under my breath.
Pumasok ako sa loob at pumila sa counter. Apat lang kami sa pila. I'm the last one so far.
It's still 9 in the morning. Lumabas lang ako para bumili ng hot chocolate sa malapit na coffee shop sa labas ng MS. It was my usual morning routine. And that was the first time I saw her here. Sa tagal na nang pagtatambay ko rito. Halos kabisado ko na ang mga loyal customers ng coffee shop na 'to. Kaya mabilis kong napapansin ang mga dayo sa hindi.
Hindi ko alam kung bakit naaliw akong sundan ang bawat galaw ng babae kanina. It's almost her turn. Isang customer na lang at siya na ang susunod. Basing from her behavior. She seems like in a hurry. I wonder kung anong trabaho niya? Or kung bakit siya nagmamadali? Not that it really matters.
She was tall, pero hanggang leeg ko lang siya. Morena at very Filipina beauty. She was wearing a white shirt, naka tuck-in ang harap nun sa itim na skinny jeans nitong suot. She matched it with white laced sneakers. Though I find the red handkerchief tie on her neck weird. O, and a small sling bag that she's wearing.
Curious na curious ako, 'di ko alam kung bakit. I crossed my arms over my chest. May tao sa harap ko pero pasimple kong sinisilip ang babae; tilting my head just a bit on my right just to have a clear look.
Mukhang magbabayad na siya dahil kinakalkal na niya ang bag niya. From that impatient look on her face, it shifted to different emotions, shock, annoyed, stressed and worried. I saw how she discreetly grimace. Para bang kukutusan niya ang sarili.
Let me guess, she forgot her wallet.
In movies, it happens all the time.
I couldn't help my laugh. Nilingon ako ng lalaki sa harap ko. I immediately put a serious look. I don't know, but I find her really amusing. Umalis sa pila ang lalaki sa harapan ko kaya wala akong choice kundi ang umabante sa pila. Nasa likod na ako ng babae.
"Shuks! Wait. Do you accept debit card?"
"Sira po ang card terminal po namin ngayon ma'am. Cash lang po talaga."
"Paano ba 'yan. I forgot my wallet in the studio." Studio? Which studio? Sa MS ba? Inilabas niya ang cell phone at nag-dial ng number. Tumabi muna siya. "Hang on, may tatawagan lang ako."
"Good morning, direk, same order lang ba?" bati sa akin ni Melissa. Kilala na niya ako dahil nga madalas ako roon.
"Yes, please, thanks."
"Sige po, direk."
The woman suddenly looks at me. I saw recognization in her eyes. Para bang kilala niya ako.
"Direk Alt?" tawag niya sa akin.
So she really knows me?
"Yes, why?"
"Thank God! I'm Scroll, ako ang bagong stylist ni Crosoft D'Cruze. We were not properly introduced yet kasi first day ko ngayon." Pinagdaop niya ang mga kamay sa harap niya. "But please, can I ask for a favor? Pwede ba akong umutang ng 500?"
"Ha?"
"Promise, babayaran ko naman e. Pabalik naman na ako ng studio. Naiwan ko lang ang isa kong wallet sa isa ko pang bag. Please? Please? Please?"
Damn, she's cute.
"S-Sige," biglang sagot ko.
Fuck, Alt. What the hell? Paano kung scammer siya?
"Thanks!" Binalikan ni Scroll ang dalawang order niyang iced coffee at kinuha 'yon. "Miss, si direk na magbabayad ng mga 'to, ha? Thanks." Pagkatapos niyang makuha ang order niya ay basta-basta na lang niya akong iniwan.
I was left dumbfounded.
Just what the hell happened?
"Direk," Melissa cut me off from my reverie, "ikaw na rin ba magbabayad nung binili ni ma'am?"
Ibinalik ko ang tingin kay Mel. "Yata?"
"Eh?"
"I'll pay." Inilapag ko ang isang buong one thousand bill sa counter. "Isama mo na rin 'yong order ng babae."
"Sige po, direk."
Napailing-iling ako. Ako na nga ang nagbayad. Iniwan pa ako. She's really something. Just to make sure. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Crosoft. Good thing, sinagot niya agad ako.
"Alt, why? Bakit? Ano 'yon?"
Bakit ba ako napapalibutan ng mga weird na mga tao?
Anyway. "Just confirming, may stylist ka bang ang pangalan ay Scroll?"
"Yes, why?"
Good, she's not a scammer.
"Okay." Kinuha ko na ang order at ang sukli. "Pabalik na ako ng studio. Ikaw ang sisingilin ko."
Agad siyang lumabas ng coffee shop.
"At bakit po?"
"May utang siya sa'king one thousand."
"Pakjuice!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro