DIRECTOR'S CUT EP 7
I'M NOT HOLDING BACK
"ALAM MO," naibaling ko ang tingin kay Bria, "may napansin ako sa'yo. Tahimik ka na ngang tao pero mas tumahimik ka pa ngayon. May problema ka ba Alt?"
"Wala," tipid kong sagot.
"Love life lang kulang sa'yo e. Saka mukhang naka move on ka naman na sa'kin. Matagal na nga yata. Bakit 'di mo kaya ligawan si Scroll?"
"Bakit ba lahat kayo gusto n'yong ligawan ko si Scroll?" I asked calmly.
"Wala naman." Bria smiled. "You look good together. Saka napapansin kong close kayo."
"Close?" I scoffed. "I don't think so."
"Nag-aaway nga kayo lagi pero 'di naman kayo napaghihiwalay. Alam naman ni Scroll na kapag nagdikit kayo, aasarin at babarahin mo lang. Pero lumayo ba siya sa'yo? Hindi, 'di ba?"
"She's just like that dahil gusto niya rin akong asarin."
"Pero ikaw? Bakit lapit ka pa rin nang lapit?"
Natigilan ako. Titig na titig sa'kin si Bria. Iniangat ko ang mug ng hot choco sa bibig nang hindi inaalis ang tingin dito. Should I answer her question?
"Sagutin mo ako, bakit nga?"
Ibinaba ko muna ang mug sa mesa bago ulit nagsalita. "It's pretty obvious, Bria. We're working in the same place. Magulo ang babaeng 'yon. Ayoko nang makalat."
"Madami namang makalat sa studio ah. Bakit 'di mo pinapansin?"
I squinted my eyes at her. "Don't go there. Wala kang mahihita sa'kin."
I like Scroll, yes. But I have to keep it to myself. At least, kung masaktan man ako, no one would know. No one would ask if I'm fine or not? I don't need to explain my side. I don't need to pretend I'm fine.
"But seriously, Alt. If you like someone, tell her. Huwag mong paabutin sa point na may ibang lalaki na namang dadating sa buhay nila."
Bahagya akong natawa. "Bakit noong nagtapat ako sa'yo wala naman akong napala?"
"Because someone is meant for you, at hindi ako 'yon."
"Hindi lang siguro ako kamahal-mahal na tao kaya hindi ako napipili."
Damn, I sounded bitter. Pero hindi ko naman na mababawi ang sinabi.
"Hindi, huwag mong isipin 'yan. Hindi pa lang dumadating 'yong babaeng magpapabago sa isipang 'yan. You're a nice guy, Alt. Danah loves you. Alam kong magiging mabuti kang asawa at ama. At ngayon pa lang sinasabi ko sa'yo, sobrang suwerte ng babaeng mamahalin ka."
I smiled.
"Thanks. I really appreciate that, Bria."
WITHOUT uttering a word inabot ko kay Scroll ang isang Apple C2 drink. Namilog ang mga mata niya. She looks confused.
"Akin 'to?"
I nodded. Hawak ko rin ang sariling C2 drink. "Dalawa ang nabili ko."
Natawa ito. "Adik ka ba? Bakit ka bibili ng dalawang drink kung ikaw lang din pala iinom?" Natuwa ako nang tanggapin nito ang bigay ko sa kanya. But I didn't show it to her. I kept a poker face. "Thanks."
"You're welcome."
"Mabait ka ngayon."
"Mabait naman talaga ako." I paused. "Ahm, Scroll."
"Yes?" sagot nito nang hindi ako tinitignan. May ka chat yata ito sa cell phone.
"May gagawin ka ba mamaya?"
"Ha? Wait, lang." Itinaas nito ang 'sang kamay. Someone is calling her. "I'll have to take this call. Tumatawag 'yong boyfriend ko." Boyfriend? Kailan pa siya nagka-boyfriend? "Excuse me, thanks sa C2, Alt."
Iniwan na niya ako.
I could only look at her from a far distance. Na lagi ko namang ginagawa. Bumuntonghininga ako. Bumaba ang tingin ko sa hawak na bote ng juice. Lagi na lang ba ganito? Lagi na lang ba talaga akong hindi napipili?
Ano bang mali sa'yo, Alt?
"GUSTONG-GUSTO kong ibuhos sa'yo ang isang balde ng kumukulong tubig para matauhan ka. Alam mo tawag diyan, Alt? Ka-bitteran sa buhay. Ipagpatuloy mo 'yan at ang makakatuluyan mo ay import sa puno ng balete." Marahas na bumuntonghininga si Crosoft. "Sarap mong kutusan. Nanggigil ako sa'yo!"
"Bakit mo ba kasi pino-problema ang love life ko?"
"Na set na sa utak ko na kayo ang bagay ni Scroll."
"So kami mag-a-adjust?"
"Parang ganoon na nga."
"You're weird."
"Alam ko." Bumungis-ngis ito. Mayamaya pa ay naging seryoso si Crosoft. "Pero wala talaga akong tiwala sa kanong boyfriend ng 'sang 'yon. Lagi kasing nagmamadali 'yang si Scroll. Madalas, kapag minamadali ang bagay, nandoon ang mali. Gets mo?"
Hindi ako sumagot.
But I agree.
"Kaya, Alt. Bantayan mo ang 'sang 'yon. Hindi dahil ship ko kayong dalawa. Take care of her for me – bilang isang kuya o kaibigan man lang. Huwag ka nang mainis sa'kin. Busy akong tao, pero ikaw, mukhang wala ka namang ginagawa, bantayan mo muna si Scroll."
"Bakit parang pinapalabas mong wala akong ambag sa ekonomiya ng bansa?"
Tumawa si Crosoft. Tinapik niya ako sa balikat. "Alt, payo ko lang sa'yo, go the world and multiply."
"Baliw."
NAGISING ako sa paulit-ulit na pag-ri-ring ng cell phone ko sa itaas ng mesita. Marahas na inabot ko 'yon. My eyes hurt when I look at the screen. Bumangon ako para sagutin ang tawag ni Scroll.
Ano na naman kayang nangyari sa 'sang 'yon ngayon? Madaling araw na.
"Scroll?" sagot ko sa paos na boses. "Anong oras na ba? For Pete's sake, it's already one in the morning."
"Alt, sorry, pero kailangan ko ng tulong mo."
Narinig niya ang maingay na sounds sa background. Na saan ba ang 'sang 'to?
"Ba't ang ingay riyan? Where are you exactly?"
"Nasa Xclusives ako, familiar? It's a famous bar here in Taguig. I can't go out. Mukhang kinausap ni Lewis ang mga nagbabantay sa exit at entrance. I saw him put something in my drink. Alt, please help me. I need you to pick me up here." Doon na ako natigilan ng sobra nang marinig kong umiiyak na siya. Nakaramdam na ako ng kaba at takot. "I'm sorry. Sana nakinig na lang talaga ako sa inyo ni Kuya Crosoft."
"Wait for me there." Mabilis na bumangon ako at kinuha ang susi ng kotse sa ikalawang drawer ng bedside cabinet. "I'm on my way. In the meantime, avoid him at all costs. Don't drink anything. Pero huwag mong ipapahalata ang uneasiness mo. Just act normal. Relaks ka lang."
"Thank you. Bilisan mo."
Mabilis akong nagpalit ng damit at hinablot ang itim na jacket. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng bahay at pumasok sa kotse. Huwag na huwag kong makita ang mukha ng lalaking 'yon at baka kung ano pa ang magawa ko.
MASAMA na ang tingin ko sa dalawang bouncer sa harap ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa dalawang 'to. Ayaw akong papasukin.
"Why can't I go in?" I demanded.
Nauubos na ang pasensiya ko.
"Club is full, sir. Bumalik na lang kayo bukas."
"Wala akong interes bumalik dito bukas."
Hinawakan ko sa mga balikat ang dalawa at may puwersang itinulak ang mga ito palayo. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Agad akong binati ng maingay na tunog ng music na lalong nagpapainit sa ulo ko nang mga oras na 'yon. Nasundan agad ako ng dalawang bouncer at pilit na hinila palayo pero nanlaban ako.
I didn't even think twice – sinuntok ko ang dalawa sa mukha sa sobrang galit ko. Hindi ako nagpaawat kahit na madiin na madiin ang pagkakahawak nila sa mga braso ko. Nahawi ang mga taong nagsasayawan dahil sa kanilang tatlo.
"Sir, lumabas na kayo!"
"Huwag na kayong manggulo!"
"Sandali lang naman ako, bakit hindi n'yo 'yon maintindihan?!" Namataan ko na si Scroll. I saw how uncomfortable she was on her seat. Halos lingkisin na ito nung foreigner na kasama nito. "Diyan lang kayo!" I warned.
Lumapit na ako. Nakasunod pa rin ang dalawang bouncer, only this time, they're keeping their distance.
"I hope you feel the same way too, honey. I would really love to spend more days with you -"
Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita.
"I hate to ruin your moment sir, but I believe, you're flirting with a married woman."
And I have no idea why I said that. Basta ang nasa isip ko, dapat mailayo ko si Scroll sa lugar na 'yon. Wala na akong pakialam pa.
Tumayo ang foreigner na kasama ni Scroll.
"What do you mean?" iritabli nitong tanong.
"Alt!" singhap ni Scroll but I saw relief in her face.
Thank God, she's okay and I'm not too late. Mabilis na hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palapit sa katawan ko.
"I'm her husband," kalmado ko pa ring sabi.
Kumunot ang noo ni Lewis. "Her husband?" Ibinaling nito ang tingin kay Scroll. "I thought you're single?"
"I'm sorry, let me explain." Bumulong sa'kin si Scroll. "Naman, bakit ganito ang drama natin? Bakit ako pa masama?" Humawak ito sa braso ko.
Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang sinabi ni Scroll.
"Umuwi na tayo."
Hinila ko na siya palabas ng exit.
Narinig ko ang biglang pagsinghap ni Scroll. Awtomatikong lumingon ako nang hilahin ni Lewis mula sa akin si Scroll.
"Prove to me that Emari is your wife!" hamon pa ni Lewis.
Umigting ang panga ko at madalim na iniangat ang mata kay Lewis.
"Sino ka para utusan ako?!" iritadong sigaw ko sa walangya.
Ubos na ubos na ang pasensiya ko.
"I'm sorry, Lewis but I lied," salo ni Scroll. " I'm already married. I didn't mean to -"
"You fooled me!" Dumilim ang mukha ni Lewis. Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ni Scroll. Hindi nakalagpas sa'kin ang pag-ngiwi ni Scroll. He's hurting her! "You slut!"
"Kahit kailan hindi ko pa nasaktan ang asawa ko," I fumed. "Now, get your filthy hands off of her." Marahas na inalis ko ang kamay ni Lewis na nakahawak sa braso niya.
"Your wife is a whore!"
"Problema ko na 'yon, gago!"
"What the hell are you saying? Speak to me in English!"
"Problema mo na kung paano ako iintindihin. Nasa Pilipinas ka kaya magta-Tagalog ako. Ikaw ang mag-adjust!"
Umigkis ang kamao ko sa mukha ni Lewis. Malakas ang pagkakasapak ko sa walangya kaya humandusay agad ito sa sahig. Sa pagkakataon na 'yon nasa kanila na ang buong atensyon ng lahat – as if it care!
"Sa susunod mag-aral kang managalog bago ka pumunta ng Pilipinas para magkaintindihan tayo! 'Tang ina mo!"
Muli kong hinawakan sa braso si Scroll at hinila na palabas ng bar na 'yon. Mainit na mainit pa ang ulo ko. Hindi ko ma control ang galit. Hindi lang sapak ang makukuha ng kanong 'yon sa'kin. I will make sure he will rot in jail – or better yet even in hell. Kung saan namumuhay ang kagaya niyang demonyo!
Huminto kami kung saan ko na-i-park ang kotse. I was trying to calm my self. Pero sa tuwing naalala ko ang eksena kanina, lalo lang akong nagagalit. Paano kung nahuli ako? Paano kung may masamang nangyari kay Scroll?
Fuck!
"Just look at you!" Hinawakan ko siya sa magkabilangbalikat saka ko hinuli ang tingin nito. "Damit pa ba 'yang suot mo? Halos makita na lahat sa'yo."
"Sorry na nga e. 'Di ko naman ginusto -" she trembled while speaking.
Mariin kong naipikit ang mga mata.
I could still feel my erratic heartbeat - parang ayaw pang kumalma ng puso ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magbalibag ng mesa. Everything is making me angry.
I'm losing myself, Scroll because of you. And seeing you this vulnerable and defenseless... mas gusto kong sisihin ang sarili kaysa isumbat sa'yo ang pagkakamali mo.
I let out a heavy sighed.
Bakit ba hindi ko magawang magalit sa'yo, ha?
Ayoko nang pigilan ang sarili ko. Pagod na pagod na akong magpigil. I want to protect you kahit na tanggihan mo pa ako. Mananatili pa rin ako sa tabi mo hanggat wala pang nagmamay-ari ng puso mo. Ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa'yo kahit ilang beses mo pa akong tanggihan.
"I'm sorry," mahina kong sabi. Pinakawalan ko na siya at marahas na naisuklay ang isang kamay sa buhok. "Let's just go home," sabi ko na mas kalmado kumpara kanina, "I don't want to argue. I'm still mad."
"Salamat –"
Pero hindi rin ako nakatiis.
Bigla ko siyang niyakap. I just want to hug her. For one last time, gusto ko lang i-convince ang sarili ko na okay lang si Scroll. Na walang masamang nangyari sa kanya. I want to feel her alive and breathing in my arms.
"A-Alt?"
"Are you okay?" I gently asked, niyakap ko pa siya nang mahigpit.
I buried my face on her neck and filled my lungs with her scent. Para akong batang nawala sa kalagitnaan ng madaming tao. I feel restless and tired. But Scroll found me and hug me – the longing in my heart to be this close to her brought genuine happiness in me.
It feels like... home.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro