DIRECTOR'S CUT EP 5
LOVESICK
Uminom muna ako ng gamot.
Kanina pa masama ang pakiramdam ko. I woke up feeling under the weather. Still, I insisted to go to work. Inisip ko kanina na mawawala rin 'to kapag uminom ako ng paracetamol. I feel better for awhile pero mukhang hindi lang simpleng sakit sa katawan ang meron ako ngayon.
Nabigla ako nang biglang may sumalat sa noo ko.
"Mainit ka." Napatitig ako sa mukha ni Scroll. "Bakit pumasok ka pa e may lagnat ka pala?"
Dahan-dahan ko lang na inalis ang kamay niya. "I'm fine." Naipikit ko ang mga mata nang bahagyang maramdaman kong umikot ang paligid. Napahawak ako sa mesa. "Damn," I cursed under my breath.
"You're not fine." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na pinaupo sa silya sa likod ko. "Have a rest. Huwag mong pilitin kung 'di naman pala kaya."
"Himala, mabait ka sa'kin."
And she noticed.
"Napansin ko lang wala ka sa mood at ang tahimik mo. Tapos kapag naglalakad ka parang matutumba ka na."
"You're watching me?"
"Hindi sa tinitignan kita pero na ba-bother lang ako. Dapat kasi iinisin kita ngayon pero mukhang bad timing dahil mukhang mamamatay ka na."
I scoff. "Ewan ko sa'yo."
Pero bakit lihim akong natutuwa na napansin ako ni Scroll ngayon? Pati yata utak ko may lagnat. I took a deep breath and let out a heavy sigh. Mabigat talaga ang pakiramdam ko. Now I'm not sure if I can still drive.
"Malayo ba bahay n'yo?"
"Bakit?"
"Ihahatid na kita."
Namilog ang mga mata ko. Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Mukhang sa aming dalawa mas may lagnat yata 'tong si Scroll kaysa sa akin.
"Scroll, kung gagawin mo lang 'to para i-date ko 'yong kaibigan mo. My answer is still no."
"Sino si Bell? Hindi ah. 'Yong chaka na 'yon. I cut ties with her."
"Then what's with the concern?"
"Masama bang tulungan kita?"
"Masyado kang mabait sa'kin ngayon. Kinakabahan ako sa'yo."
Natawa ito. "Baliw! Hindi ba pwedeng may day off din tayo? Alam ko sa susunod na araw mag-aaway na naman tayo pero pagod akong makipag-inisan sa'yo at may lagnat ka pa. I decided to be good to you muna."
Tumayo na ako. "It's okay. I can take care of myself." Tinalikuran ko na siya.
"You obviously can't take care of yourself." Natigilan ako. "Sino mag-aalaga sa'yo? Wala ka namang girlfriend. Skip is not here."
Nilingon ko siya. "Ako lang ba? O nag-vo-volunteer kang alagaan ako?"
Matamis na ngumiti ito. Sumikdo naman nang malakas ang tibok ng puso ko. I don't know why it affected me so much. Siguro dahil 'yon ang unang pagkakataon na may gustong mag-alaga sa'kin. I never expected it from her.
Lumapit ito at inilahad ang isang kamay sa'kin. "Give me your keys. Ako na magda-drive."
"S-Sure ka ba talaga?"
"Oo nga, sabi. Ang kulit e." Nagulat ako nang biglang bumaba ang mga kamay nito para kapain ang lahat ng bulsa ng pantalon ko. Napalunok ako. Shit!
"S-Scroll!" awat ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilangbalikat at bahagyang inilayo sa'kin. Mas magkakasakit yata ako sa ginagawa nito. "You can't just do that."
"Do what?" inosenteng tanong nito sa'kin.
"You can't just touch anyone like that. Don't do that again. Ikapapahamak mo 'yan."
Ngumiti ito. "But you're Alt. Mainit lang dugo natin sa isa't isa pero alam kong mas pipiliin mong itapon ako sa basura kaysa pagsamantalahan ako." Itinaas nito ang isang kamay. Nakuha na pala nito ang susi ng kotse ko.
"Dati ka bang snatcher?" na tanong ko na lang.
She gave me a grin. "Bakit? Na snatch ko na ba ang puso mo?"
Hinalamos ko ang palad sa mukha nito. "Tigilan mo ako. Mas magkakasakit ako sa mga pinagsasabi mo."
Malakas na tumawa si Scroll. "May sakit ka na nga, hindi ka pa rin supportive sa'kin."
"Alam ba ng boss mong iba ang tinatrabaho mo ngayon?"
"Wala naman siyang pakialam e. Sabi niya, basta raw ikaw, kahit habang buhay pa akong 'di na bumalik sa kanya, okay lang daw. Baliw talaga 'yon. Ikaw at ako?" Natawa ulit ito. "Imposible. No offense, ha? Pero 'di ko pa na-i-imagine."
Isako ko na lang kaya 'tong babaeng 'to? Talagang sa harap ko pa, Scroll? May sakit na nga ako. Harap-harapan mo pa akong binabastos.
"Sabagay, wala ka namang imagination."
Napamaang ito. "Wow, ha?"
Tinalikuran ko na siya. "Wait for me in the parking lot. Aabisuhan ko lang ang mga kasama ko." Saka ko siya iniwan.
I sighed.
I don't want to argue with my mind today. I'll worry about everything tomorrow.
Naalimpungatan ako nang may kamay na tumapik sa balikat ko. Naimulat ko ang mga mata. I slept? Gaano na katagal? Kinusot ko ang mga mata para maging malinaw ang mukha ni Scroll. Sinalat muli nito ang kanyang noo.
"You're still hot."
"Thank you," I faintly chuckled. It was a joke, of course.
"Baliw. That wasn't a compliment."
"I know." Umayos ako ng upo. It was a wrong move. Umiikot na naman ang paningin ko. Shit. This is not good. "Where are we?"
"In my apartment building. Bigla ka na lang nakatulog tapos ang lakas pa ng ulan sa labas. Halos wala na akong makita. Since mas malapit ang bahay ko dito ka na lang magpalipas ng gabi."
"In your apartment?"
Tumango ito. "Wala akong extra room pero you can use my bed. Okay lang ako sa sala."
"No." Kahit nahihirapan ay umiling ako. "I'm fine in the living room."
"Hindi. Sa kwarto kita."
"No. Sa sala."
"'Di magtabi na lang tayo tutal ayaw mo namang magpatalo sa'kin."
"May sakit na nga ang tao nakikipag-away ka pa rin."
"Nag-aaway tayo kasi ayaw mo makinig sa'kin. Kapag sinabi kong sa kama ka. Sa kama ka. Kapag sinabi kong sa sala ka. Sa sala ka."
Naipikit kong muli ang mga mata. Nilalamig na ako. "Whatever," sabi ko na lang. Ayoko na rin makipag-away.
"Halika na, lumabas na tayo para makapagpahinga ka."
Inilalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa unit niya. I sitted in the couch dahil hindi pa raw nito nalilinis ang kwarto nito. Kahit na nakapikit ay naririnig ko lahat ng bawat kilos niya. Ang bawat galaw ng mga gamit sa bahay na inaayos at nasasagi nito. Scroll was a walking disaster trying to fix all her mess.
"Okay na 'yong kama." Inilalayan niya ako hanggang sa makahiga ako sa kama. "Pero feeling ko dapat magbihis ka muna nang mas komportableng damit."
"Wala akong dala -"
"It's fine. I have spares." Kumunot ang noo ko. "Huwag ka ngang judgmental. Stylist ako ni Crosoft. I have my own clothing brand. Malamang sa malamang may spare ako."
"I'm not saying anything."
Lumabas si Scroll sa kwarto at sa pagbalik nito may dala na itong nakatiklop na mga damit.
"O, 'yan, magpalit ka." Inabot nito ang mga damit sa'kin. "Babalikan kita dito para makakain ka." Nakaangat lang ang mukha ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili na tignan ang mukha niya. "Bakit?"
I smiled. "Thank you."
"Ang weird," aniya, kunot na kunot ang noo. "Ang bait natin sa isa't isa."
"Mamatay na yata ang isa sa atin bukas."
"Malamang ikaw 'yon."
Bahagya akong natawa. "Ayaw mo talaga sa'kin, 'no?"
"Huwag mo akong iniinis para 'di ako magalit sa'yo."
Kapag 'di ka naman naiinis sa'kin 'di mo naman ako napapansin. I hope I didn't say it loudly or else, I'm done for today. Why am I so honest?
"Anyway, be back."
"Okay," I nodded.
Ang lampshade lang ang iniwang bukas ni Scroll. Akala ko ay lalabas na siya ng kwarto but she stayed. Naupo ito sa sahig, sa gilid ng kama kung saan ako nakaharap. Isinandal nito ang likod sa bedside table. And to my amusement, may dala pala itong plato na may ponkan. Para lang itong makikipagkuwentuhan na nakaupo sa sahig.
"Aren't you sleeping yet?" tanong ko.
"Mamaya, kapag nakatulog ka na."
"You don't need to wait for me."
Binalatan nito ang hawak na ponkan. "It's fine. 'Di pa naman ako inaantok."
I let her sat on the floor, doing her thing. Ipinikit ko na lamang ang mga mata. I feel so lightheaded. Mayamaya pa ay alam kong makakatulog na ako. I feel a lot better than earlier.
"Hindi ka ba nalulungkot mag-isa?" basag nito.
Hindi ko inasahan ang tanong na 'yon sa kanya.
"Makiki-chismis ka lang yata sa buhay ko kaya ka nandito."
I heard her chuckled. "Hindi naman. Naisip ko lang, kasi 'di ba, mag-isa ka lang naman."
Inimulat ko ang mga mata.
"I'm used to being alone."
"Matagal ako sa Amerika pero ang hirap pa rin mag-isa."
"Mag-isa ka pa rin naman dito sa bahay mo."
"Point taken, pero alam ko kasing may uuwian akong pamilya. At saka sanay ako na madami kami sa bahay. Kapag umuuwi ako rito, ang lungkot lang. Walang maingay. Walang nag-aalaga. Walang nagluluto para sa'yo."
Tahimik lang ako.
Gusto kong mag-kwento pero hindi ko magawa. Maybe because I'm not comfortable talking about my past. Ayokong kaawaan ako ng tao. Hindi ako ang klase na madaling mag-open-up sa ibang tao.
"Sorry, na offend ba kita?"
"Ha?"
"Baka ko na offend kita. Hindi sa sinasabi kong wala kang pamilya -"
"It's fine."
"Gusto mo?" alok niya sa'kin sa ponkan.
"Busog na ako."
"Alam mo, Alt. Mas okay kang kausap kapag may sakit ka. Sana naging sakit ka na lang." Tumawa ito pagkatapos.
"Baliw."
"Laughter is the best medicine kaya. Tumawa ka naman."
"Masakit lalamunan ko."
"Dami mong sakit."
"Natural may sakit nga ang tao."
"May nurse ka naman."
"Sino? Ikaw?"
"Oo, libre pa. Dapat magpasalamat ka."
"Binigyan mo pa ako ng utang na loob."
"Sisingilin kita balang araw. Pero sa ngayon, magpagaling ka muna. Huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil hindi naman ako mabait sa'yo araw-araw."
"Magkakasakit lang ako kapag mabait ka sa'kin."
Natawa ulit ito. "May schedule?"
Napangiti ako. "Thank you."
Naubos na nito ang isang buong ponkan.
"You're welcome."
Dim lang ang ilaw sa loob pero lumiwanag naman nang husto ang mukha nito nang ngumiti si Scroll. My eyes remained on her face. Is it safe to say that maybe, I have fallen in love with this crazy woman? Just maybe.
I can't explain it.
But there is something in her that is quite addicting. It was like falling in love with the story of each book I read. Enjoying a light romance-comedy movie in the middle of the night. Seeing the sunrise for the first time. She's the kind of story I want to read all day. If she was a movie, I wouldn't mind watching her for the rest of my life.
"O, ba't titig na titig ka sa'kin? Maganda ba ako?"
"May sakit nga ako."
Tinalikuran ko muna siya saka ako ngumiti.
"So maganda nga ako?"
"Wala akong sinabi."
"Ay sus!"
"Umalis ka na nga. Paano ako pa ako makakatulog e salita ka nang salita riyan?"
"Oo na." Naramdaman ko ang pagtayo niya. Ipinikit ko ang mga mata. "Huwag ka munang pumasok bukas. Saka huwag mong sabihin na dito ka natulog sa bahay ko." Itinaas nito ang kumot hanggang sa leeg ko. "Ayokong ma chismis."
"Wala namang magtatanong."
"Kahit na. Sekreto lang 'to."
"Goodnight."
"Magpagaling ka."
"Opo."
"Goodnight, Alt."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro