DIRECTOR'S CUT EP 3
"I thought you'll focus on your noontime show?" Inabot sa'kin ni Bria ang script ng isang sketch comedy sitcom na idi-direk ko. "Why changed of mind?" She smiled.
"I recently received the offer. Run through with the script before accepting it. Besides, isang araw lang naman 'tong i-sho-shoot. It's a light comedy sitcom, why not?"
Tumawa si Bria. "'Yon nga e. Ikaw na hindi nga mangiti-ngiti magdi-direk ng isang comedy sitcom? Sure ka?"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "You're doubting me? I have directed a few rom-com films in the past. Just because my personality doesn't match a casting call for a comedy story that doesn't mean I don't know humor. Ikaw nga, horror story ang genre mo, pero kaya mong mag-romance."
There was a proud smile on her face. "Of course, I am a versatile director."
"Pero dahil bitter ka, you tend to write stories with bittersweet endings. 'Yong bidang babae, sa huli hindi rin sila magkakatuluyan. You like the star crossed lovers, pinagtagpo pero 'di tinadhana na mga kwento. You like to hurt people with those bittersweet endings."
Sumimangot si Bria. It was my turn to laugh. Ito ang gusto ko kapag kasama si Bria. I can bully her stories and directing styles. But that doesn't mean she's not good. She's really one of the best in MS. Gusto ko lang talaga siyang biruin dahil pikon.
"Wow, ha? Sino ba sa atin ang pumapatay ng bida?"
"I'm not denying it." I held my hands up. "That's my crime. At least not in a gruesome way like yours. Tapos sa ending may biglang sisigaw kasi may part 2."
"Yaks! Hindi kaya ganyan mga movies ko."
She looks annoyed already. Madali talagang mapikon 'tong si Bria. Pareho lang ng asawa niyang si Crosoft. Mas seloso lang 'yon.
"Kapag movies pinag-uusapan ang daldal mo," aniya. "Pero kapag sa ibang bagay, hininga lang nakukuha namin sa'yo."
I chuckled. "I'll take that as a compliment."
"Anyway -"
Pag-angat ko ng tingin sa labas ng coffee shop saktong dumaan si Scroll. She was smiling while holding her phone. Mukhang may ka chat na naman. Sino na naman kayang ka chat ng 'sang 'to?
"Hoy Alt!" Bria snapped. Doon lang ako natauhan. Lumingon ito sa likod, thank God, Scroll is no longer in sight. "Sino ba 'yong tinitignan mo sa labas?"
"Wala," kaila ko.
Pero mukhang 'di ito naniwala. "Sure ka?" Lumingon ulit ito at this time biglang sumilip si Scroll. I almost fell from my seat. Bria was even shocked. Natutop nito ang dibdib sa gulat. "Tang na juice, Scroll!" It was like watching a horror movie at biglang lalabas ang isang duguang babae.
Seriously, Scroll is ... weird.
Malaki ang ngiti ni Scroll at kumaway sa kanila.
"Pumasok ka nga rito. Nanggugulat ka." Bria gestured to the door.
Agad namang pumasok sa loob si Scroll. "Hi Ate Cam." But there was no hi for me. The angst of this woman.
"Invisible ba si Alt? Bakit walang hi?" nagtatakang tanong ni Bria.
"May kasama ka pala?" Iginala nito ang tingin sa paligid. "Wala naman akong nakikita." And to make things believable tumabi ito sa akin - 'yong marahas na pagtabi na may kasama pang sagi. Kamuntik na akong sumubsob sa glass wall. How respectful. "Ate Cam, mag-isa ka?"
"Hindi siya mag-isa, nandito ako," sagot ko.
"Hinihintay mo si boss?"
Patience, Alt. Ano bang utak ang meron sa isang 'to?
Tumawa lang si Bria. "Speaking of Crosoft," tinignan nito ang cell phone, "I need to go na pala. He's done na with his storycon." Ibinaling nito ang tingin sa'kin. "I'll see you around, Alt. Bye, Scroll."
"Bye Ate Cam," kaway pa nito.
At nang umalis si Bria marahas na ibinaling ni Scroll ang tingin sa'kin. "Isang tanong, isang sagot."
"Wow, nakikita na niya ako," pabalang kong sagot.
"Naka move on ka na ba kay Ate Cam?"
Kumunot ang noo ko. "Uunlad ba ang bayan kung sasagutin kita?" I lazily asked back.
Inangat ko ang mug ng iced chocolate na order at ibinaling ang tingin sa labas. Ang ganda sana ng panahon kung sana hindi baliw 'tong katabi ko. Magandang baliw - pagtingin ko sa tabi ay wala na ito.
Nakapila na sa counter.
Patience, Alt.
And again, I have to constantly remind myself that Scroll has no manners. Yes, she has no manners. I was about to leave as well nang makuha na nito ang mga orders nito. And just what I expected, she went out immediately without saying goodbye... to me... again.
I sighed.
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako na hindi niya ako pinapansin. We're not close in the first place. Alt, you're acting weird. Why are you so curious about that woman? She doesn't even care about you. She doesn't seem interested. It was like meeting another Cambria in the name of Scroll.
Great!
Lumabas na rin ako ng coffee shop pagkatapos i-insist sa sarili ko na wala akong mapapala sa mga ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. I guess, life is much easier when you're single.
Paglabas ko, hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako sa bandang kaliwa ko. Then I saw Scroll with two street kids. Isang lalaki at isang babae. Masaya itong nakaupo sa gutter kasama ng dalawang batang lansangan. She was laughing and eating with them na walang ano mang pandidiri.
Kaya pala madami itong binili sa coffee shop kanina.
Napangiti ako na sa huli ay naging iling na may kasamang tawa.
She doesn't see me but she see them. She has kindness in her heart towards less fortunate people. If that's her weakness. Pwede ko kayang idaan sa awa ang lahat para mapansin niya ako?
I can't believe you're thinking this way, Alt.
Tumalikod na ako at naglakad palayo.
You know what, Al Timothy Flores, I don't really understand you. Do you like her or not?
Namulsa ako at napangiti.
I don't know.
Let's see.
I stop nang mapansin kong bahagyang bukas ang dressing room nila Crosoft. Lumabas lang ako saglit dahil may naiwan ako sa kotse. Nang sumilip ako, unang-una kong nakita si Scroll. I-senit-up nito ang cell phone sa vanity table at isinandal 'yon sa salamin. Saka ito lumayo at bigla na lang nagsayaw. There was a faint upbeat music in the background but I'm not sure what song was it.
Sure akong wala itong kasama or else, hindi ito magka-confidence mag-video ng sarili. But I doubt, knowing Scroll's personality. Pasimple kong inilabas ang cell phone at kinunan ito ng picture at video. Pigil ko ang tawa kaya panay ang ngiti ko.
"Hoy!"
"Shit!" Nabitiwan ko ang cell phone.
Mabilis ko 'yong kinuha nang hindi mukhang nagpa-panic. It was Crosoft when I turn around. Damn it. Did he catch me? I hope not.
"Anong ginagawa mo?"
"Nothing, isasarado ko lang ang pinto."
I sounded calm but my heart doesn't. Malakas na malakas ang tibok ng puso ko nang mga oras na 'yon. Alam ko kapag may napansin si Crosoft he will insist what he saw. Baka bukas, ipakasal na niya sa'kin ang stylist niya.
He seems skeptical.
He always has that look - para bang hindi ito naniniwala.
Well, technically, I'm lying at the moment. So to save myself. Ibinulsa ko ang cell phone. "Balik na ako sa booth, ikaw na lang magsara." Iniwan ko siya at kalmadong naglakad palayo.
To be honest, I have a feeling Crosoft wouldn't let this pass.
And so the next day, he asked me this.
"Alt, wala ka bang balak lumagay sa tahimik?"
Naibaling ko ang tingin sa kanya. "Gusto mo ba akong patayin?"
"Hindi naman." Ang seryoso nito ngayong araw. Ang weird. "Naisip ko lang, matanda ka na, may magandang trabaho, may ipon, single at mabait. Siguro panahon na para mag-asawa ka."
Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to. Lumayo na ako sa kanya. Pero umisod pa rin ito palapit sa akin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-ubos sa iniinom na tubig sa loob ng maliit na white styro cup.
"Naisip ko lang. Single ka. Single ang stylist ko. Baka naman."
"Baka naman, ano?"
Ngumisi ito. "Baka lang naman..."
"Baka nga ano?"
"Baka na corned beef." Malutong itong tumawa.
"Ayoko na makipag-usap sa'yo."
"Alt," sinilip nito ang mukha ko. I give him a knotted forehead. "Willing akong ibigay sa'yo ang stylist ko. Sabihan mo lang ako. Ilalakad kita sa kanya."
"I don't like Scroll."
"Oy, sinabi ko bang si Scroll? Bakit siya ang naisip mo?"
Fudge! "Because you only have one stylist," sagot ko nang hindi pumipiyok. God, sabi ko na nga ba.
"Mamatay?"
"Bakit kailangan ko pang mamatay? Nanahimik ako rito." Tumayo ako at iniwan si Crosoft. Baka saan pa umabot ang usapan naming 'to.
"Alam mo number ko. You can call me anytime. Let's discuss the details."
"Bahala ka sa buhay mo."
"Call me!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro