DIRECTOR'S CUT EP 2
ANG BASURAHAN
Nasundan ko ang pagkunot ng noo ni Crosoft nang iabot ko sa kanya ang receipt. "Five hundred lang ang total sa resibo bakit umabot ng one thousand ang utang ko?" Inangat niya ang mukha sa akin. "Fifty percent agad ang interest? Bombay ka ba?"
"Service fee."
"Wow, ang mahal ng service fee mo."
Ngumiti siya. "I have calculated all the inconvenience your stylist had given me on top of the original receipt."
100 for almost hitting me with that glass door.
400 for leaving me immediately, very disrespectful.
"Pinilit ka ba ni Scroll?"
"I won't go into details."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Scroll!" tawag niya sa stylist. "Lumapit ka rito."
"Boss, bakit?" Ibinaling ko ang tingin kay Scroll. Nang iangat niya ang tingin sa'kin nanlaki ang mga mata niya. It was like seeing a long lost friend for the first time again. At naalala mong may utang ka pa pala. "Oh my god!" Natutop niya ang bibig. "Boss, si direk."
"Oo nga, si direk. Looks familiar?"
"May utang nga pala ako. Wait -" Akmang aalis siya nang hawakan siya ni Crosoft sa pupulsuhan. Hinila siya nito pabalik.
"Sinisingil ako ng 1K, anong ginawa mo? Inabuso mo ba 'to? Pinilit? Pinagsamantalahan?"
Namilog ang mga mata ni Scroll.
"Hindi ah! Umutang lang ako ng 500 kasi nga naiwan ko ang wallet ko at nagmamadali akong bumalik sa studio dahil sabi mo rush ang iced coffee mo."
"Parang sa sinasabi mo, ako yata ang may kasalanan dito ah?"
"Hay naku! Babayaran ko naman e. Pero 'yong sa'yo, ikaw magbayad."
Mag-among ma attitude. Great!
"Hindi na. Ako na magbabayad." Inilabas ni Crosoft ang wallet sa bulsa ng pantalon niya. Inabot niya sa akin ang isang buong one thousand bill. "Sa susunod, huwag kang mangutang kay Alt. May lahi yatang bombay 'to."
"Akala ko boss, 'di problema sa'yo ang pera?"
"Sinabi ko bang pinoproblema ko? Tinatanong ko lang kung bakit umabot ng 1K ang utang mo. Kahit isang milyon pa 'yan, babayaran ko."
"Talaga?"
"In your dreams."
Pigil ko ang pagngiti. Aliw na aliw ako sa palitan ng sagot ng dalawa. Magaling din maghanap ng tao si Crosoft. Kasing kulit at magulo ring kausap.
"Anyway," baling sa'kin ni Crosoft. "This is Scroll, my new stylist. Pasensiya ka na, makapal lang talaga mukha ng babaeng 'to. Hinulma sa semento."
"Grabe ka naman!" react pa ng babae.
"Scroll, nabanggit ko na si Direk Alt sa'yo. He's my former karibal pero dahil ako ang pinili ng Ate Cam mo. Single pa rin siya hanggang ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Anong connection nun?"
"Wala naman, pinag-connect ko lang," malutong na tumawa si Crosoft. "Anyway, maiwan ko muna kayo, sabay kaming mag-e-early-lunch ng mahal ko. I'll be back." Then just like that, Crosoft walked out from the room.
Ibinalik ko ang tingin kay Scroll. Nakatingin pa rin siya sa nilabasang pinto ni Crosoft. I was about to talk to her when she left me again.
Napakurap-kurap ako.
Invisible ba ako sa mata niya? I stayed there for a few seconds pero busy na siya sa cellphone niya. Ngiting-ngiti siya at parang may ka chat.
That's already strike 2, young lady.
"Let's just talk about this tomorrow. I'll send you the screen -"
Natigilan ako nang mapansin ang isang babaeng naka all black ninja costume sa set. Instead of a samurai ay walis ting-ting ang hawak nito na mukhang ano mang oras ay ready nang ipanghampas nito sa target.
God, can this day any better?
Kanina, kinailangan ko pang turuan ng leksyon si Chrome. The guy is already getting on his nerves.
Inalis ng babae ang itim na panyong nakatakip sa bibig niya. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makilala kung sino 'yon.
Scroll?!
"Seryoso ba talaga ang babaeng 'to?"
"Ha?" Ibinaling ni Bria ang tingin sa tinitignan ko. I heard her gasp. "Scroll?!"
"Bwesit ka!" sigaw ni Scroll. "Palakero! Shokoy! Feeling gwapo! Sinaktan mo sila Etherna! Zea! Opra! OTP ko pa naman kayo ni Zea pero walangya ka pinagpalit mo kay Opra!"
Pinagpapalo-palo niya si Chrome nung walis niyang hawak. Nasasalo pa naman ng lalaki pero mukhang napupuno na rin ito.
"Hey stop! Sino ka ba?"
"Sino ako?" Tumawa ito ng pagak. "Ako ang babae sa balete drive!"
"I need to stop them."
Nag-excuse na muna ako kay Bria at mabilis na naglakad sa harap kung saan nag-aaway ang dalawa. I was in the right place and right time when Chrome was about to push Scroll away. If I wasn't lucky enough, matutumba siya at tatama ang likod sa props ng pedicab sa set.
Pumagitna ako at dahil biglaan, nabalya ko si Chrome. Natumba ito sa sahig habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa pupulsuhan ni Scroll para hindi siya tuluyang matumba. Muntik ko pang makalimutang huminga. I almost missed the chance.
At nang makabawi, kinarga ko siya na parang isang sakong bigas sa balikat. I cursed under my breath.
"Baliw ka ba?" inis na tanong ko sa kanya.
Karga-karga ko siya habang naglalakad papunta sa props room. I didn't mind if people were looking at us. Naiinis na ako. Magulo na sa set kanina. Mas ginulo pa ni Scroll. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung hindi ako naging maagap?
This woman is a pain in the ass.
"Bitiwan mo ako! Ano ba?!" Nanlaban pa ito but I held her firmly. "Hindi ako aalis hanggat hindi ko napaghihiganti si Zea."
"Nasa ibang istayon ang Zea mo!"
"Wala akong pakialam. Isinusumpa ko sa buong angkan ni kokey na kailanman hinding-hindi na tatayo ang okra ng Chrome na 'yan!"
Pinatid ko ang pinto ng props room at dire-diretsong ipinasok sa malaking trash bin si Scroll. Tumili pa ito sa ginawa niya.
"Pakjuice!"
Hinawakan ko siya sa magkabilangbalikat para 'di siya makatayo. Kasyang-kasya siya sa malaking basurahan. Of course, 'yon 'yong mga basurahan na karaniwang ginagamit sa mga hotels at malls.
Now, to calm her.
"Stay here," I said in a very authoritative tone.
"Sa basurahan?"
"Nagkakalat ka sa set."
"Alt Flores!"
Pinangkitan ko siya ng mga mata. Ang lakas ng loob niyang tawagin ako sa buong pangalan ko.
"Stay here!"
"Ayoko nga! Lalabas ako!"
"Bakit ba ang kulit mo?"
"May ipinaglalaban ako, okay? Papatayin ko muna ang Chrome na 'yon. Ang dami niyang naagrabyado."
"At ano sa tingin mo ang mangyayari sa'yo, ha? Do you realize how dangerous you did back there? Pwede ka niyang ipakulong dahil sa pananakit mo sa kanya ng walang dahilan. Don't be stupid."
Natameme siya.
"Crosoft and I can cover for you pero huwag na huwag mo nang ulitin ang ginawa mong 'to, malinaw ba?!"
"Gusto ko lang -"
"I don't want to hear any reasons from you. Mali ka pa rin. End of the story."
"Hindi nga ako makukulong pero ipinasok mo naman ako sa basurahan. Adik ka ba? Lakas ng trip mo ah."
"Mas adik ka, naka ninja costume ka pa. Nagpaskil ba ako ng for casting ng baliw na ninja sa labas? Kasi kung oo, ika-cast na kita."
Marahas na bumuntonghininga ako. I can't hide my irritation. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'to.
Inis na inis na siya sa'kin. Sa mukha nito parang ako na lang ang papaluin niya ng walis.
Damn, this girl is crazy.
"Now stay here!" Duro ko pa sa kanya. I give her a death glare that I'm damn serious this time.
Mabilis na lumayo ako at lumabas ng props room. I heard her shouted my name pero naisarado ko na ang pinto. I even locked it before going out. Nasa akin naman ang susi. Babalikan ko na lang siya mamaya.
Nahilot ko ang sentido pabalik ng studio.
"Bakit ba sa tuwing naglalapit tayo Scroll gulo ang lagi kong nahahanap instead of peace of mind?"
And I can't even say no.
Nagsabay kami ni Crosoft sa parking lot. Naka-park ang kotse ko 'di kalayuan sa kanya.
"Uuwi ka na?" tanong niya sa'kin. "Maaga pa ah."
"May lalakarin lang ako. Ikaw?"
"Susunduin ko si Danah."
Napangiti ako. "Tell her, Tito Alt misses her."
"Okay."
Nakahawak na ako sa pinto ng kotse nang may maalala ako.
"Bakit 'di mo nga pala kasama 'yong baliw mong stylist ngayon?"
"Sino? Si Scroll?" I nodded. "Ah, nag-day-off. Binasura mo raw kahapon."
Pigil ko ang ngiti. "Makulit e."
"O, bakit hinahanap mo? Close na ba kayo?"
Binuksan ko na ang pinto ng kotse. "Hindi. Ingat ka sa pag-uwi." Pumasok na ako sa sasakyan at mabilis na pinaandar ang kotse.
"Hoy Alt!"
Nakababa pa ang salamin kaya narinig ko pa siya.
"Bye!" Inilabas ko ang isang kamay para kumaway sa kanya before driving away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro