Chapter 9
NAABUTAN ni Scroll si Alt na mag-isang nakaupo sa sala. Madilim ang paligid maliban sa iniwan nitong nakabukas na lampshade. Nakatalikod ito sa kanya kaya lumapit siya. Bumaba lang siya para kumuha ng tubig pero inaantok pa talaga siya.
Humikab siya at tinapik ito sa balikat.
Nilingon siya nito, namimilog ang mga mata habang nasa bibig ang isang stick ng ice cream. Napakurap-kurap siya. Jus mio! Nawala yata ang antok niya nang makita itong kumakain ng ice cream sa kalagitnaan ng gabi.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya, rinig niya ang pagkapaos sa boses niya.
Inalis nito ang ice cream stick sa bibig. "Obvious ba kumakain," kalmado pero bakas ang sarkasmo sa sagot nito sa kanya. Ngayon niya napansin na pinipig pala ang kinakain nito. Napansin na niya noon na may stock itong pinipig ice cream sa ref - madaming stock!
"Nang hating gabi?"
"Nakasulat ba sa ten commandments na bawal kumain ng ice cream sa hating gabi?"
Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. "Hindi naman, pero ang weird lang."
"Ikaw ba't gising ka pa?"
"Nauhaw ako. Kukuha lang sana ako ng tubig." Ngumisi siya. "Pero dahil nainggit na ako sa'yo. Kukuha akong isang pinipig sa ref."
"Bawal!"
"O, bakit?!"
"Bumili kang sa'yo."
"Dami-dami nun e. Mauubos mo ba 'yon?" Iniwan niya ito at patakbong tinungo ang ref. Binuksan niya ang freezer at kumuha ng isa. Nakangiti pang isinarado niya 'yon nang pagbaling niya ay bumungad sa kanya ang mukha ni Alt. "Tang na juice, Flores naman!" singhap at mura niya.
Naidikit niya ang likod sa malamig na katawan ng ref nang bumaba ang mukha ni Alt sa kanya. Halos magdikit na ang katawan nila sa sobrang lapit nito sa kanya.
"Bakit na naman?" asar na tanong niya.
"Sa susunod, bumili ka nang sa'yo."
Humawak ang isang kamay ni Alt sa hamba ng freezer at binuksan 'yon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hanggang balikat lang siya nito kaya madali para ritong i-corner siya sa ganoong posisyon.
Kumuha pala ulit ito ng ice cream.
Umayos ito ng tayo sa harap niya at binuksan ang plastic ng ice cream stick at inabot sa kanya.
"Akin na 'yan," anito, sabay kuha sa naka plastic pang ice cream na hawak niya. Pinagpalit nito ang ice cream nila. "Ako na magbubukas at baka kung saan mo na naman itatapon ang plastic."
Kumunot ang noo niya. "Marunong kaya akong magtapon ng basura, hello?" Mata-touch na sana siya e. Sweet na sana, kaso may kasama pang insulto. "I know the difference of biodegradable and non-biodegredable. Sinulit ko kaya ang tuition fee ko."
Tinalikuran siya ni Alt at tinungo ang trash can sa kusina. Itinapon nito ang supot bago bumalik sa sala. Sumunod siya rito at naupo sa tabi nito sa sofa. Naka-indian-sit pa siya sa itaas ng sofa habang kumakain ng ice cream.
"Ala una na, ba't 'di ka pa natutulog?" basag niya. "Maaga ka pa bukas ah."
"Hindi ako makatulog."
"Bakit?"
"Hulaan mo," baling nito sa kanya.
She can't help but rolled her eyes at him. "Kaya nga nagtatanong, 'di ba? Kung alam ko, 'di sana, hindi ako nagtanong."
He chuckled. "Hindi lang ako makatulog," he paused. "May mga gabi lang talaga na mahirap pilitin ang sarili na matulog."
"Gusto mong pilitin kita na matulog?"
He raised an eyebrow. "Sige nga, paano mo gagawin 'yon? Paano mo ako papatulugin?" may paghahamon sa boses nitong sabi.
"Well, kailangan mo lang pagpawisan at mapagod." Bahagya niyang iniharap ang sarili sa direksyon nito. "Papagurin na lang kita."
Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Sa paanong paraan nga?"
"Sa paraan na pareho nating gusto," ngumiti siya.
"Kinakabahan ako sa ngiti mong 'yan Scroll."
Itinaas niya ang magkabilang manggas ng over sized t shirt niyang suot sa mga balikat. "Ubusin mo muna natin ang ice cream saka natin simulan."
"Ang ano nga?"
"Basta!" Tumalima naman ito at hindi na nagreklamo. Halos sabay lang nilang naubos ang ice cream stick. "Ito, ha? Ganito gagawin natin. Magbato-bato-pick lang tay –" Natigilan siya nang tumaas ang isang kamay ni Alt sa mukha niya. Napatitig siya rito. Nasa mga labi naman niya ang mga mata nito. "B-Bakit?"
"Kahit sa pagkain, makalat ka rin." Alt gently brush his thumb under her lower lip. "Pwede ka namang kumain nang hindi nagmamadali." Bumaba ang kamay nito at tinignan siya sa mukha. "Bato, bato, pick?"
Scroll, focus! "O-Oo! tapos kapag talo, pwedeng magtanong ng kung anong personal thing or info sa natalo. Okay ba?"
Humalukipkip ito. "Paano kung ayokong sagutin ang tanong?"
"Pipitikin ang noo."
"Inaantok na pala ako –" akmang tatayo ito nang pigilan niya. "Scroll?"
"Bakit?"
"Nakayakap ka na sa'kin."
Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize na nakayakap talaga siya kay Alt. Sa sobrang pagpa-panic niya sigurong huwag umalis si Alt ay in-offer na niya ang katawan. Chos! Tumawa lang siya at inalis ang mga brasong nakayakap dito.
"Sorry, na carried away lang." But in all fairness, masarap palang yakapin 'tong si Alt. "Kahit ilang rounds lang. Nawala na antok ko e."
"Fine! Pero isang round lang. Unang makasampu, panalo."
"Push!"
Ginaya siya ni Alt at nag-indian position din ito paharap sa kanya. Pinagdikit nila ang nakakuyom nilang kamay.
"Walang dayaan, ah!" babala niya pa.
"Paano ako makakapandaya rito?"
"Sabagay," umiling siya at humugot nang malalim na hininga. Naglabanan sila ng tingin ni Alt. Dapat siya manalo para madami siyang matanong kay Alt. "Bato, bato, pick!" simula niya.
They simultenously shake both hands at sa unang bukas ng kamay ay gunting ang nagawa niya at papel naman kay Alt.
Napatili siya. "Ahh! Panalo ako." Alt made a tsk, sound. Pinagkiskis niya naman ang mga palad at ngumisi rito. "Paano ba 'yan, Flores. First question na tayo."
"Oo na! Sige, anong tanong mo?"
"Hmm, ito, curious lang talaga ako. Ano ba talaga totoong pangalan mo?"
"Alt Flores."
"Real full name ni Alt Flores."
Napabuga ng hangin si Alt. "Al Timothy Flores." Lumapad ang ngiti niya. Tumaas naman ang isang daliri nito sa kanya. "But don't ever mention it to anyone. Kahit si Bria 'di alam 'yan."
"Bakit ayaw mong sabihin? Ang ganda kaya ng pangalan mo, Al Timothy Flores," with feelings pa pagkakabanggit niya sa pangalan nito.
"No thank you. Now, next."
"Dami mong issues in life, ha?" Pinakita niya rito ang pinky finger niya, tanda na one point na siya. "Bato, bato, pick!" Nahilot ni Alt ang sentido nang manalo ulit siya. She gave Alt a Cheshire smile. Nai-stress na ang lolo, 'di pa nga sila nakakalahati. "Talo ka na naman! Magtatanong ulit ako."
"Don't give me that smile, Scroll. You look creepy."
Pinatamis niya ang ngiti. "Okay, for my second question, naka move on ka na ba kay Ate Cam?"
Tinitigan siya nito. "Ano sa tingin mo?"
"Magtatanong ba ulit ako kung alam ko? Saka, curious lang din ako. Matagal nang kasal si Ate Cam. Tapos ikaw, mag-isa pa rin sa buhay. Wala ka ring nililigawan ngayon."
"Paano ako manliligaw e kasal nga ako?"
Namilog ang mga mata niya. "Kasal ka?" Ba't 'di niya alam 'yon?
"Kasal ako sa'yo."
"Ang faithful natin ah." Natawa siya. "Loko ka! 'Yong totoo nga."
"Naka move on na ako. Matagal na. Kung iniisip mong hindi pa dahil sa wala pa akong girlfriend, sa tingin ko hindi naman laging sagot ang maghanap ng bagong pag-ibig para lang makalimut. Hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo. Hindi naman mawawala ang kakayanan mong magmamahal. Love when you're ready. Only then, you'll know, that you have been healed completely."
Pumalakpak siya. "Wow! Al Timothy Flores, everyone!"
"Puro ka kalokohan. And stop saying my full name, Scroll."
"Ang deep naman kasi."
"Tapusin na natin 'to para makatulog na tayo pareho."
"Sure! Bato, bato, pick! Syet!" Talo siya sa pagkakataon na 'yon.
"My turn now, so tell me, bakit ka takot sa mga vintage dolls?"
"Pwede bang next question na lang?"
"Pitik sa noo o sagot?"
Napasimangot siya.
Bumuga siya ng hangin bago nagsalita. "Noong bata pa ako. May lumang bahay doon sa amin na parang haunted house. E dahil nga sa mga bata pa. Curiousity, hayon, sumama ako sa mga kaibigan kong maglaro roon." Sa tuwing naalala niya 'yon, it still give her the same chills. "Alas singko na 'yon ng hapon. Tapos ako na 'yong taya."
Hindi na niya namalayan na nayakap na niya ang sarili. Nagsimulang umakyat ang takot sa puso niya. Idagdag pang madilim ang paligid. Para bang napasok ulit siya sa nakakatakot at madalim na silid na 'yon.
"If you're not comfortable sharing it," putol ni Alt, "it's fine. Huwag mo na lang ikuwento."
Tipid na ngumiti siya. "Feeling ko hindi na ako makakatulog mag-isa." Bumuntonghininga siya. "Pero ikukwento ko pa rin."
"Scroll –"
"Pumasok ako sa lumang bahay na 'yon dahil nakita ko silang pumasok roon nang sumilip ako habang nagbibilang ako doon sa puno. Pagpasok ko, napunta ako sa isang silid na punong-puno ng mga manika. May iba roon, sira na at nakakatakot na tignan. May mga manika na sunog na ang mukha at wala sa katawan ang ulo."
Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Tila ba nabalik siya sa panahon na 'yon. Takot na takot siya. Hindi makalabas sa silid na 'yon at sigaw nang sigaw.
"Scroll?"
"H-Hindi ako makalabas dahil may nagsarado ng pinto. Sigaw ako nang sigaw pero walang tumulong sa'kin."
"Scroll, stop!"
"Sa paningin ko nabuhay lahat ng mga manika at papunta silang lahat sa'kin. Hinihila nila ako. Tinatawag nila ang pangalan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan at biglang 'di ko na naririnig ang sariling boses –" Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang mainit na yakap na pumulupot sa kanya. Para siyang inahon ng yakap na 'yon mula sa pagkakalunod.
"It's okay," Alt whispered in her ear. Humigpit ang yakap nito sa kanya.
"Alt?" halos bulong na lamang niyang tawag dito.
"I'm here. You're not alone anymore."
Hindi niya namalayan na may luha na pala sa kanyang mga mata. Napangiti siya at gumanti ng yakap dito. Bigla ay nawala ang takot sa puso niya at tuluyan na siyang nilubayan ng nakakatakot na alaalang 'yon.
"Thank you."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. He felt awkward out of the sudden. Napakamot ito sa noo. "Are you okay now?"
Ngumiti siya. "I'm fine, Alt."
Tipid itong ngumiti. "Glad to know. Makakatulog ka ba nang maayos ngayon sa attic na mag-isa?"
"Bakit? Tatabihan mo ako?" she teased.
Sandali itong nag-isip. Seryosong-seryoso ang mukha. Hindi niya mapigilan ang sariling silipin ang mukha nito at sundan ang bawat paggalaw ng mga mata, kilay, bibig at mga kamay nito.
Alt is naturally caring and sweet. Kung gaano ito kahumaling sa mga matatamis, ganoon din yata ang level of sweetness nito sa katawan. And she really appreciates that side of him.
"Pwede akong maglatag sa sahig, if that would make you feel at ease tonight," sa wakas ay sagot nito.
Umiling siya. "It's okay, Alt. May trabaho ka pa bukas – este – mamaya. I appreciate your concern saka 'di naman nakakatakot sa attic."
"Are you sure?"
She nodded with a smile. "I will be fine."
"Well, then, I'll go ahead." Tumayo ito. "Matutulog na ako. Saka na lang natin tapusin ang laro."
"Goodnight, Alt."
"Goodnight, Scroll."
Hindi mawala ang ngiti niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Alt. At nang mawala ito sa paningin niya ay napabuntonghininga siya. Naigala niya ang tingin sa madilim na paligid.
"Syet na malagkit!" mura niya. Napalunok siya at mabilis na tumayo. "Langya ka Scroll, ba't 'di ka pa sumama kay Alt na umakyat?" Nanginig siya sa kilabot at mabilis na tinungo ang hagdanan. "Matutulog na nga ako! Hindi na maganda 'to." Nag-sign-of-the-cross siya. "Mahal ako ni Lord. Mahal ako ni Lord," paulit-ulit na sabi niya habang paakyat. "Mahal ako ni –"
"Scroll."
"Alt!" gulat na sigaw niya nang marinig ang boses ni Alt. Imbes na Lord ay Alt ang naidugtong niya. Pocha! "B-bakit ba? Nanggugulat ka naman e."
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
"Okay nga lang ako. May Dios tayo, hindi Niya tayo pababayaan."
Namulsa ito mula sa itim na jogger pants nito at tumango. "I know."
"Matulog ka na. Baka ako pa masisi ng mga tao mo kapag pumasok kang may eyebags. Isipin na naman nilang 'di kita pinatulog."
Natawa ito nang bahagya. "Goodnight."
"Goodnight, Al Timothy Flores."
"Emari Scroll -"
"Catapang," dugtong niya sa buong pangalan niya.
"Matapang ka nga."
"Honey, of course!"
A/N: Ang saya, dami ngang nag-comment last chapter. Pinakilig n'yo ako. Hope you enjoy this chapter. Love lots everyone! Don't forget to leave a comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro