Chapter 8
PAGBUKAS ni Scroll sa glove compartment sa front seat nagulat siya nang makita ang isang maliit na pulang kahita ng sing-sing. Kinuha niya 'yon at bumaling ng tingin kay Alt.
"Magpo-propose ka ba?"
He only glanced at her for a split second. Inabot ng isang kamay nito ang kahita ng sing-sing. "Nakalimutan kong ibigay sa'yo." Nang mag-red-signal ay huminto ang kotse. This time, nagkaroon ito ng oras para buksan ang hawak. Kumikinang pa ang dalawang simpleng white gold rings. "Just in case, someone wonders, why are we not wearing our rings."
Namilog ang mga mata niya. "Gumastos ka pa para rito?"
"Hindi ako gumastos. Bigay sa'kin 'yan ni Skip."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit ka bibigyan ng couple's ring ng kapatid mo?"
"Ibigay ko raw sa girlfriend ko. Akin na kamay mo." Inabot nito ang kanang kamay niya at isinuot ang sing-sing sa ring finger niya. "I'm just not sure if this fits – oh!" Natigilan ito nang makitang perfect fit ang sing-sing sa daliri niya. Napakurap-kurap siya. Ohh? "It fits."
Hindi maluwag at hindi rin masikip, sakto lang talaga sa daliri niya.
"Alam mo, lalo tayong hindi magkaka-love-life sa ginagawa nating 'to, Alt," natatawang puna niya. "Tatanda talaga tayong single."
"May willing naman sigurong tumanggap sa'kin kahit iniwan na ako ng una kong asawa." Isinuot nito ang sariling sing-sing. Saktong nag-green-signal na kaya itinutok ulit nito ang atensyon sa pagmamaneho. "Pero pwede mo namang pag-isipan na huwag akong iwan," he chuckled.
"Sinasabi ko sa'yo Alt, kapag ikaw nahulog sa'kin, magbubunyi talaga si Crosoft."
"Hayaan mo ang isang 'yon."
Inihilig niya nang maayos ang likod sa upuan at pinakatitigan ang sing-sing sa kamay. "Pero in all fairness, bagay sa'kin." Sandali siyang natahimik bago ulit nagsalita. "Pero kapag naayos na ang gulo ko, ibabalik ko rin 'to. Ibigay mo 'to sa totoong girlfriend mo."
"No, it's fine. You can keep it. Matagal na sa'kin 'yan. Wala lang akong mapagbigyan."
"Hindi, isasauli ko 'to. Sayang. May pagbibigyan ka rin nito. Tiwala lang." Ngumiti ito. "Hindi tayo mamamatay na virgin. Ay, virgin ka pa ba?" Bigla itong inihit ng ubo. Natawa siya. "Ano ka ba? Okay lang 'yan. Men can explore. Hindi na bago sa'kin 'yan. We all have needs."
"Sa kakasama mo sa amo mo, pati pag-iisip niya, nakuha mo na rin."
"Oy, hindi ah. Saka, pareho na tayong nasa tamang edad. 'To naman, masyadong conservative."
"Kaya tayo na-i-issue dahil 'yang bibig mo, kung anu-ano na lang din lumalabas."
"Sino kaya sa atin ang nag-drama roon sa bar?"
"I'm not denying it, my fault."
"Pero thankful pa rin ako sa ginawa mong 'yon kahit na ang gulo-gulo ng setup natin ngayon. But don't you worry, habang nasa pamamahay mo ako, aalagaan kita at ang bahay mo."
"Parang gusto kong pag-isipan ang bagay na 'yan."
Napamaang siya. "Wow naman! Ang choosy natin, Alt Flores, ha?!"
Natawa lang ito. "To be honest, si Bria lang ang naging close ko," bigla ay pag-iiba nito. May ngiti pa rin sa mukha nito. "But we never had this kind of relationship. She tends to always put a wall between us. Hindi ako makapasok sa buhay niya. She wouldn't let me. Kahit 'di ko sabihin ng pormal, alam niya na gusto ko siya."
"But you courted her, right?"
"I did, pero busted ako e," he chuckled. "Lalo na noong bumalik si Crosoft. Alam ko na, I wouldn't stand a chance. At kahit siguro, tanggihan ni Crosoft si Bria nang paulit-ulit, hindi pa rin ako mamahalin ni Bria. Her love for Crosoft is unconditional. It only rests but it never fades. At kapag may pagkakataon, mabubuhay ulit at patuloy na magmamahal kahit na walang kapalit."
Bumuntonghininga siya. "Pero hindi mo pa rin siya iniwan."
"Hindi ako ang klase ng tao na nang-iiwan, Scroll." Tipid itong ngumiti. "I know how it felt to be left alone. Ayokong gawin 'yon sa iba nang walang malalim na dahilan."
Napatitig siya sa mukha ni Alt. Hindi ito nakatingin sa kanya pero ramdam niya ang bigat at lalim ng sinabi nito sa kanya. Alt is a walking mystery pero kahit ganoon, wala yata siyang napansin na may taong nangahas na tanongin ito sa buhay nito.
Na curious na tuloy siya.
But if she asks, will Alt let her?
Humugot siya nang malalim na hininga at ngumiti. Maybe some other time. 'Yong ma-sa-scam niya itong umamin. Hahanap siya ng tamang oras.
"But anyway, para sa'kin, ideal man ka –"
"You know what they always say, that you don't always end up with your ideal man."
Ngumisi si Scroll. "Ideal man ka, pero 'di kita ideal man."
"I see." Alt was suppressing a smile.
Kumunot ang noo niya. "What?" Para kasing may naglalarong panunukso sa tuno ng boses at ngiti nito. 'Di niya lang gets.
"Nothing."
"Nothing means something."
"Ikaw, ano sa tingin mo?"
She made a face. "Ewan!"
Natawa lang ito sa naging reaksyon niya. "Mag-behave ka sa studio. Ayokong madagdagan issue natin. Dinagdagan mo pa nung pipino mo." She glared at him. "Don't give me that look, Scroll. I appreciate that you felt offended by their alleged accusations for me pero mali pa rin ang pag-react mo."
"So saan papunta ang sermon mo na 'to?"
"I'm just telling you to be careful. Baka sa susunod, naglalakad na tayo sa aisle ng simbahan."
"Magdadasal tayo ng sabay?"
"Hindi," iling nito. "Magpapakasal nang totohanan."
"Willing ka?!"
"Sirang-sira na ang imahe ko, sa tingin mo may magpapakasal pa sa'kin?" may asar sa boses nito. "Kaya panagutan mo na lang ako. Hindi na ako magpapaka-choosy. Bigyan mo na lang ako ng anak."
Umawang ang bibig niya. "Langya ka! Gagawin mo pa akong inahin." Pinalo niya ito sa braso ng paulit-ulit. Tawang-tawa lang ito sa ginagawa niya. "May hidden desires ka yata sa'kin e."
"My house and lot na ako."
"Kahit na!"
"Kotse."
"Kahit na!"
"Complete health and death insurance. Take it or leave it?"
Sa huli ay natawa na lang siya. "Ewan ko sa'yo! Pepektusan kita mamaya."
"Tsk, akala ko pa naman, madadala kita sa pera."
"Akala mo lang 'yon. Pero hindi! Hindi!"
Who would have imagined this side of Alt? May witty side naman pala ang tahimik na si Alt Flores. Kailangan lang nang kaonting push.
"ALAM mo dapat ang ginagawa mo, Scroll. Hinahatiran mo ng lunch ang asawa mo. Hindi ang makikikain ka lang rito sa set," puna sa kanya ni Crosoft.
Kasalukuyang kumakain ng early lunch ang mga staff at mga artista sa parang tambayan ng mga ito. May mesa roon at may flat screen tv kung saan nanonood ang mga ito kapag hindi ito ang host sa programa sa mga oras na 'yon. Lagi siyang tambay roon kahit noon pa. Kaya magkakakilala na rin halos silang lahat.
"Sumama ako kasi sabi mo, kailangan mo ako ngayon, kasi wala kang mapiling outfit," sarcastic niyang sagot dito.
"Ikaw, nanggigil na naman ako sa'yo."
"At saka, ba't pa ako maghahanda e, madami namang pagkain sa studio? Halos may fiesta lagi. Pinagluluto ko naman si Alt sa bahay."
Mayamaya ay biglang sumilay ang panunukso sa mukha nito lalo na sa ngiti ni Crosoft. Hayan na naman sila, didiga na naman ang 'sang 'to ng pambubugaw lines.
"Kumusta buhay asawa? Masarap ba ang gabi n'yong dalawa lagi?"
"Paanong masarap, e 'di naman kami nagkikita lagi sa bahay dahil sa trabaho niya. At huwag ka na ring umasa, boss. Hindi kami magpapadala sa pambubugaw mo."
"Ano ba kasing hinahanap mo sa isang lalaki?"
"'Yong kagaya mo –"
"Bakla rin?"
"Hindi!" Mabilis na iling niya. "At hindi naman sa ayaw ko kay Alt. Feeling ko kasi, hindi ako right person for him. Masyado akong burara at madaldal para sa taste niya," mahina niya lang sabi. Ayaw niya ring marinig siya ng iba. Mabuti na rin na busy ang lahat sa pagkain at pag-chika sa mga katabi ng mga ito. "Feeling ko as friends lang talaga kami."
"Masyado kang pa-showbiz, itulak kita riyan."
Napasimangot siya. "Ang brutal mo talaga sa'kin."
"Baka ayaw mo lang subukan dahil sa lagi ko kayong tinutukso."
"Isa na rin 'yon."
"Alam mo, Scroll. Walang masama kung titignan mo siya ng may malisya. Pareho kayong single na dalawa. Wala ring nililigawan 'yang si Alt. At wala ka ring taste sa mga lalaki. Kaya ako na mag-a-adjust. Ako na gumagabay sa'yo."
"'Yan tayo e."
"Huwag kang maghanap ng isang katulad ko. Hindi ako ideal. Kahit itanong mo pa 'yan sa Ate Cam mo. Isa akong malaking tang na juice sa buhay niya. Imagine? Pitong taon muna ang lumipas bago ako nagkalakas loob na balikan siya. Who in the right mind would give another second chance to that? If Cam didn't love me that much, I would be nothing right now."
Ngumiti ito.
"I was an asshole back then, wala akong paninindigan sa buhay and I'm a bit selfish. Sa lahat ng mga ginawa ko sa Ate Cam mo, kahit ako, masasabi kong hindi ko deserve ang pagmamahal niya sa'kin. But Cambria changed me. You see, you don't need to look for your ideal person. You just have to find that right human being who will make you feel that you're enough and worthy of love despite your flaws. Look for someone who will change you into a better version of yourself. Someone who will complete you."
"At si Alt 'yon?"
"Hindi ko sinasabing si Alt 'yon. But what are the odds?"
"Ito ang first time na may in-advice ka sa'kin na maayos."
Tumawa ito. "Ganda, 'no?"
"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig sa isang Crosoft D'Cruze," she chuckled.
'Yon talaga ang hinangaan niya rito. Her boss' love for his wife and kids despite everything. Parang ang saya lang na magkaroon ng isang asawang kagaya ng boss niya. Pero sabi nga nito, hindi lahat ng ideal ay applicable sa lahat.
"Curious lang ako, bakit ba, ship na ship mo kaming dalawa? Ang solid e."
"Alt reminded me of Cam. Why? How? Bakit 'di mo subukang kilalanin nang maagi ang asawa mo at nang malaman mo."
"As a friend," dugtong niya.
"As a friend," ulit nito. "At hindi ko na rin kayo tutuksuhin. That's a promise. I will let both of you figure things out by yourselves."
"Mabuti pa."
"Alam ko rin naman kasing, kayo rin magkakatuluyan." Tumawa ito pagkatapos. 'Yan tayo e!
NAPANGIWI siya nang mabasa ang isang viral post patungkol sa pagtatanggol niya kay Alt. Walangya! Issue na naman pati 'yong pipino ni Alt. 'Di na ba matatapos ang mga issue na 'to? Paborito yatang subaybayan ng tao ang buhay niya sa social media ngayon.
Mabuti na lang at hindi ma social media ang mga magulang niya at hindi chismosa ang mga kapatid niya. Hindi pa siya pinapauwi sa kanila para mag-explain.
"Scroll," tawag ni Alt sa kanya.
Agad niyang nilingon ito. Seryoso ang mukha nito at may hawak pang isang basket ng pipino. Nanlaki ang mga mata niya. Alt look annoyed as hell.
"Ba't may pipino ka?!" halos pasigaw niyang tanong.
Mabuti na lamang at wala gaanong tao sa parking lot. "Ano sa tingin mo? 'Di ba masarap pipino ko?" Lumapit ito at inabot sa kanya ang basket ng pipino. Napangiwi siya sa bigat nun. Ano ba 'to, batong pipino? Bigat, ha?! "Hayan, ubusin mo."
"Ang mga tao talaga ngayon, walang ibang magawa kundi ang gumawa ng issue."
"Kaya sa susunod, huwag puro bibig ang gamitin."
"Oo na, 'di na ako magsasalita para 'di ka na mapahamak." Binuksan nito ang sasakyan at halos sabay silang pumasok sa loob. "Hindi ba nila napansin na maputi 'yong inangkin kong anak? Hello, walang maputi sa ating dalawa." Ibinaling niya ang tingin kay Alt. "Well, mas maputi ka sa'kin nang slight. Iba kasi ang pagkamoreno mo. Parang perfect tan. Ako kasi, morena talaga pero makinis."
He narrowed his eyes at her. "So sinasabi mong hindi ako makinis?"
"Wala akong sinabi na ganyan ah. Sinasabi ko lang na, ang kutis mo, pang-artista. Saka, nasabi ko na ba sa'yo na gwapo ka?"
"Kapag sinabi mong gwapo ako, malamang sa malamang, inaapoy ka ng lagnat."
Natawa siya. "Gwapo ka nga. 'Di ko lang sinasabi sa'yo kasi banas ako sa'yo. Pwede ka sa mga historical drama."
"Sinasabi mo lang 'yan dahil may ginawa ka na naman." Pinaandar nito ang sasakyan. "Kilala na kita, Scroll. Mag-seatbelt ka." Tumalima siya. "Saan mo gustong kumain?"
"Ikaw, saan mo gusto?"
"Drive thru na lang tayo."
"Alam ko na! Burger na naman kakainin mo."
Napapansin niya talaga na mahilig sa yum burger si Alt. Aside sa mahilig ito sa matamis at hindi ito umiinom ng soft drinks at kape.
He smiled. "Napansin mo pala."
"Hello?" Humalukipkip siya pagkatapos ibaba ang basket sa may paanan niya. "Lagi tayong magkasama. Sa tingin mo 'di ko mapapansin?"
"Point taken. Kung ayaw mo sa fast food, we can look for another place."
"Okay lang, kahit ano na lang din ang akin. Basta hindi pipino."
Natawa ito. "O, akala ko ba, nasasarapan ka sa pipino?"
"Stop it Alt. Hiyang-hiya na nga ako e. Baka isipin pa ng lahat manyak ako." She shook her head. "Grabe! Sirang-sira na talaga imahe ko. Ang alam nila, may asawa ako at may anak tayo. Paano na lang kung pati 'yong totoong rason kung bakit sinuntok mo si Lewis kumalat din online? Mas lalo yata akong mapapahiya."
"Stop overthinking, hindi mangyayari 'yan. The issue will die down eventually. Ongoing pa naman ang kaso natin laban kay Lewis. As long as we keep our relationship lowkey and away from public eye walang mangangahas na ungkatin 'yon. Besides, mukhang naniwala naman silang misunderstanding lang ang cause ng lahat. Wala namang witness na makakapagsabi na nagsisinungaling ka."
She sighed. "Sa tingin mo, Alt. Tama 'yong desisyon ko na itago 'yong totoong nangyari? Para kasing, gusto ko lang takpan ang maling desisyon na ginawa ko. Para hindi ako mapahiya. Nadamay ka pa."
"Nasa sa'yo 'yan. If you're not comfortable with it, I'll support you. Ayoko rin namang mahirapan ka sa sitwasyon natin ngayon." Ilang segundo silang natahimik pareho bago ulit ito nagsalita. "Am I making you uncomfortable?"
She immediately glanced at his direction. "Hindi," umiling siya. "Ayoko lang kasi na mahirapan ka dahil sa'kin. I'm invading your privacy. Pati ikaw ay nasisira na rin ang imahe dahil sa'kin."
"'Yon lang ba ang inaalala mo? Hindi naman dahil sa ayaw mo sa akin?"
"Hindi," ngumiti siya. She was quite bothered by the tone of his voice with his last question. Para bang may narinig siyang lungkot sa boses nito. "Inaalala lang kita. Ayoko rin naman kasing madamay ka sa ginawa kong gulo. You have your image to protect. I don't want people to think bad about you dahil lang sa akin."
At sa pagkakataon na 'yon ay ngumiti na ito. "Thank you."
Kumunot ang noo niya. "Thank you? Para saan?"
"It's not everyday that I hear people saying they cared for me. So when I hear one, I just want to be grateful."
Napakurap-kurap siya.
"Seryoso ba talagang wala pang nagkamaling mahalin ka?"
Natawa ito. "Isa rin 'yan sa mga tanong ko."
"Baka naman kasi, meron, pero hindi mo ini-entertain."
"Kung meron man, baka takot lang sa'kin."
Nang ibaling nito saglit ang mukha sa kanya ay ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala, kapag na deport na ang Lewis na 'yon ay itatama ko na lahat. For now, magsawa ka muna sa pagmumukha ko."
"Nasa attic ka lang naman."
"Gusto mo tabihan din kita pati sa pagtulog?" biro pa niya. "Para magsawa ka talaga."
"Ewan ko sa'yo," natawa lang si Alt.
"Pero 'di nga, malaki ba talaga ang pipino mo?" Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng mga hita nito. "Para naman kapag umamin na ako. May nasabi pa rin akong totoo –"
"Scroll!"
Malutong na tumawa siya at yumuko sa may paanan niya para kumuha ng tatlong klase ng pipino. May maliit, tama lang at malaki at mahaba.
"Alin dito ang sa'yo?" Nag-red-signal kaya huminto ito. Marahas na ibinaba nito lahat ng hawak niyang pipino nang ibaling ang tingin sa kanya. Tawang-tawa pa rin siya. "Ang killjoy nito! Alin nga rito?" Itinaas niya ulit ang hawak na mga pipino.
"Hulaan mo."
"Paano ko mahuhulaan, loko ka! Patingin na lang –"
"Scroll!" saway nito sa kanya nang akmang lalapit siya. Hinawakan nito ang ulo niya at inilayo. "Tumigil ka na nga. Nasa daan tayo."
Lumakas lang tawa niya. "Titingin lang e." Kumunot ang noo ni Alt sa kanya. "Titignan ko lang kung maayos pa zipper ng pants mo. Ito naman, masyadong mahalay mag-isip."
He pointed a finger at her. "Behave!"
A/N: Happy New Year! Simulan natin ang taon ng madaming comments. Happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro