Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

"GOOD MORNING!"

Nanlaki ang mga mata ni Alt at bahagyang napaatras pa ito nang makita ang mga inihanda niyang pagkain sa mesa. Sinalubong niya ito ng may matamis at malaking ngiti. Suot pa niya ang pink na apron.

"Sinong may birthday?" inosenteng tanong nito.

Natawa siya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. "Walang may birthday pero dahil Sunday ngayon at wala kang trabaho. Pinagluto kita." Iginiya niya ito sa bakanteng silya sa gitna at pinaupo. "Lagi kang wala sa bahay at ngayon lang ulit kita nakita."

"Bibitayin na ba ako bukas at may pa-pista ka sa bahay ko?"

Napasimangot siya. "Ikaw! Pinaghanda ka na nga, dami mo pang sinasabi."

"Magsasalita ako kasi may bibig ako."

"'Di gamitin mo sa pagsabi ng, thank you at salamat!"

He leans one elbow on the table to catch one side of his face before looking at her suspiciously. "May nasira ka, 'no?"

Naningkit ang mga mata niya. Patay! "Wala ah!" kaila pa niya. Actually, meron talaga siyang malaking kasalanan. Kagabi, sumabog 'yong microwave oven. Hindi, napasabog niya.

He squinted his eyes at her. "Nawawala ang microwave oven ko, Scroll."

"Nawala?" Umarte siyang nagulat. Kaso mukhang ang OA masyado. Hindi talaga siya pwede sa drama. "Hala, na saan?" Luminga-linga pa siya sa paligid.

"Saan nga ba?"

"Nasa storage –" umawang ang bibig niya nang ma-realize ang sinabi. Bwesit! Napangiwi siya at mariing napapikit ng ilang segundo. "I can explain!" Itinaas niya ang dalawang kamay rito.

"Madami nang nawawala sa bahay ko Scroll. Pang-ilang gamit na 'to?"

"Alt, sorry!" Pinagdaop niya ang mga kamay. "Hindi ko kasi namalayan kagabi, naiwan ko, kaya hayon, sumabog 'yong baso sa loob."

"Bakit mo pinapainit ang baso?"

"Hot milk," kagat labi niyang sagot.

"'Di sana, nagtimpla ka na lang."

"Gusto ko fresh milk e."

Bumuntonghininga ito. "Lumapit ka," utos nito. Tumalima siya. "Lapit pa." Lumapit pa siya. Tumayo ito sa harap niya at pinitik ang noo niya.

"Aw!" sigaw niya sa sakit. Natutop niya ang noo. "Ang sakit, ha?!"

Humalukipkip ito. "Baka sa susunod wala na akong bahay na mauuwian."

"Ito naman, exag. Hindi naman. Inaalagaan ko kaya ang bahay mo habang wala ka."

"Paanong pag-aalaga?"

Ngumisi siya. "With love – aw!" Tinampal nito ang noo niya. Hay naku! Ang brutal ng lalaking 'to. "Grabe ka sa'kin."

"Kumain na tayo, mag-go-grocery tayo mamaya dahil mukhang inubos mo na ang mga stocks ko sa bahay."



"TEKA! WAIT!" pigil niya kay Crosoft sa kabilang linya. Kausap niya ito sa cell phone. Bahagyang napatingin si Alt sa kanya. Nagda-drive ito ng sasakyan, papunta silang supermarket. "Na saan ka ba ngayon, ha? Pupunta kami riyan? Bakit?"

"Anong kailangan ni Crosoft?" tanong ni Alt.

She simply shrugged her shoulders. Hindi niya maintindihan ang amo. Dire-diretso kasing magsalita. Parang 'di kilala ang tuldok sa bawat pangungusap.

"Na saan ba si Ate Cam?"

"Aalis si Cam, may emergency meeting sa MS. Si Danah may practice rehearsal sa school kasi may event sila bukas. Wala ang yaya ni Font dahil umuwi ng probinsiya. Ako nasa taping, tumawag lang ako para makiusap na kung pwede, kayo muna mag-alaga kay Font."

"Kami mag-aalaga?"

"Kasasabi ko lang, 'di ba?"

Naitirik niya ang mga mata. "Alam ko, hello! Inulit ko lang."

"Kaya nga, daanan n'yo sa bahay si Font para makaalis na si Cam. Kayo na muna bahala sa batang 'yon. Practice-practice, ganoon." Tumawa ito sa kabilang linya. "Ikaw ang mommy, si Alt ang daddy. 'Di masaya! Saka, ninong at ninang naman kayo ni Font. Responsibilidad n'yo rin siya."

"Kami ba gumawa, ha?!"

"Hindi, pero pwede kayong gumawa ng sa inyo."

"Oo na! Dadaanan na namin. Dami mo pang sinasabi. Mapupunta na naman tayo sa pambubugaw mo sa aming dalawa."

"Hindi ako susuko hanggat hindi kayo nagkakatuluyan."

"Good luck!"

Tinawanan lang siya nito sa kabilang linya bago pinutol ang tawag. She sighed and glance at Alt.

"Anong sabi niya?"

"Wala raw mag-aalaga kay Font ngayon," sagot niya. "Baka raw pwedeng tayo muna. Kailangang umalis ni Ate Cam, may emergency raw sa MS."

"I wouldn't mind though."

"Okay lang din naman sa'kin."

"Puntahan na lang muna natin si Font bago tayo mag-grocery, baka kailangan nang umalis ni Bria."

"Nice suggestion."



HAWAK ni Scroll ang listahan at push cart habang karga-karga naman ni Alt ang cute na cute na matabang batang si Font. Hindi niya mapigilang pisilan ang pisngi ng bata kapag napapatingin siya rito. Kagigil!

Isang taong gulang na ang ikalawang anak nila Ate Cam at Crosoft. Madami na rin itong mga salitang nababanggit. Ang gusto niya sa batang 'to. 'Yong kahit simpleng peek-bulaga ay tawang-tawa na ito.

"Shampoo, shampoo," hinanap niya shelves ang brand na lagi niyang gamit. "Ah 'to!" Inabot niya ang napiling bote ng shampoo at conditioner at nilagay sa cart. "Alt, anong brand ng shampoo mo?"

"Ako na." Ito na mismo ang naglagay ng napili nito sa cart. "May balak ka bang bilhin lahat ng mga makikita mo rito?"

Ngumiti siya rito. "Mabuti na 'yong prepared." Ibinalik niya ang tingin sa punong-puno nang grocery cart. 'Yong malaking cart pa 'yon ah. "Para 'di tayo pabalik-balik. Wala pa namang tindahan sa bahay n'yo."

Nagpatuloy sila sa paglalakad at paglilibot sa mga shelves.

"Ikaw lang ba ang nag-go-grocery or si Manang Rosa rin?"

"For personal necessities, yes. Pero kung stock ng mga pagkain, binibigayan ko lang si Manang Rosa ng budget. Siya na bumibili nun para sa akin."

"Curious lang ako, sino-sino na ang nakapunta sa bahay mo?"

"Maliban sa kapatid ko, ikaw pa lang."

"So may condo unit ka?"

"Oo, pero hindi ako madalas doon."

"Bakit?"

"Wala lang, trip ko lang."

Natigilan siya nang pagbaling niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Alt. Hindi ito nakatingin sa kanya at mukhang may sariling mundo ito at ni Font. Sinasagot lang yata siya nito base sa mga naririnig nito sa tenga nito.

"Mahilig ka sa bata?"

"Hindi sa lahat."

Natawa siya. "Alam mo, bagay sa'yo maging daddy, siguro ang bait-bait mong ama." Natigilan ito at naibaling ang tingin sa kanya. "Isipin mo, ha? Masama talaga ugali ko minsan. Matigas pa ulo ko at makalat pa ako. Pero ang taas ng pasensiya mo sa'kin. At hindi lang sa'kin, kahit sa mga tao mo sa noon time show."

"Hindi minsan, madalas."

Napamaang siya. "Hoy!" Pinalo niya ito sa braso. "Mabait kaya ako."

"Mabait ba 'yang Ninang Scroll mo, Font?" Marahan nitong hinawakan ang likod ng ulo ng bata at pinailing. "O, hindi raw."

"Sobra 'to! Hindi mo naman binigyan ng chance si Font."

"Lagi ka raw, highblood sabi ni Font."

"Anemic ako!"

Natawa si Alt. "Ewan ko sa'yo."

"Totoo!"

"Matulog ka nang maaga para 'di ka maubusan ng dugo."

"Kaya nga! So hindi ako highblood." Ngumisi siya. "Kitams!"

"Ikaw, puro kalokohan 'yang laman ng utak mo."

"Oy, hindi ah. Ikaw nga lagi laman ng utak ko."

Namilog ang mga mata nito. "Anong ginagawa ko riyan sa utak mo?"

"Iniisip ko lagi, kung kumain ka na ba? Hindi ka ba late? Ligtas ka bang nakakauwi? Mga ganoong bagay."

"Concern?"

"Oo naman! Syempre, bilang isang kaibigan, inaalala rin kita." Ngumiti si Alt. Pero may kakaiba sa ngiti nitong 'yon. Hindi nga lang niya ma gets. "O, bakit?" Ngumisi siya. "Na touch ka, no?" aniya na may himig ng panunukso.

"Buti na lang, wala tayo sa isang romantic film."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"

"Wala ka na bang bibilhin? Bayaran na natin 'yan. Gutom na ako." Iniwan siya nito at naunang maglakad sa kanya.

"Hoy! Tapusin mo 'yong sinabi mo. Ayoko ng cliff hanger! Walang abangan bukas sa real life."

"Meron. Akala mo lang wala. Pero meron."



ALIW NA ALIW siya sa pagtingin kay Font. May binili lang saglit sa hardware si Alt kaya naupo muna sila sa isang art kiosk. May mga mesa at coloring materials para mapintahan nila ang isang walang kulay na molded figurine. Bumili siya ng dalawang pares. Isang babae at isang lalaki na kapag pinagdikit mabubuo ang puso na hawak ng mga ito.

"Wow! Ang galing naman," hindi niya maiwasang punahin ang pagkukulay ni Font. For a kid his age, parang ang galing nitong humawak ng paint brush. Pati ang pagkukulay nito sa babaeng figurine ay maganda kahit na may lagpas. "Gusto mo bang maging artist when you grow up?"

Mabilis na tumango ito at humagikhik. Hinayaan niya lang madumihan ang kamay at damit nito. May pamalit naman silang dala.

"Sige, bibilhan kita ng art materials sa birthday mo at sa pasko. You like that?" Malaki ang ngiting tumango ito at humagikhik ulit. "Sus! Ang cute-cute talaga ng batang 'to. Ang gwapo-gwapo. Paano ka ba ginawa, ha?"

"Teka, 'di ba siya 'yong babaeng nag-viral sa internet?" Natigilan siya nang marinig ang dalawang babaeng nag-uusap sa 'di kalayuan. Isa rin sa mga magulang na nagbabantay sa mga anak na naglalaro roon. "May anak na rin pala siya. Pero nagawa pang makipagrelasyon sa isang foreigner."

Napakamot siya sa noo. Patience, Scroll! Hayaan mo na sila. Madami talagang chismosa sa planet earth. Inabala na lamang niya ang sarili kay Font.

"Ang swerte-swerte niya dahil tinanggap pa rin siya ng asawa niya kahit na malandi siya," tuloy pa rin ang panlilibak ng dalawang babae sa kanya. Nagsimula nang umasim ang mukha niya. Ibato niya kaya 'tong figurine niyang hawak sa dalawa at nang matahimik. "Saka gwapo rin, pero baka hindi siya mapaligaya ng asawa niya sa kama kaya naghanap ng iba."

"Weak siguro pagdating sa romansa."

Nangangati na anit niya. Pigilan kamo siya ng mga anghel na may-awa sa mga chismosang mga nilalang at baka masapak niya ang dalawang 'to.

"Baka maliit ang –"

Okay, fine! Tama na!

May ngiting ibinaling niya ang mukha sa dalawang babae. "Excuse me, hindi maliit ang pipino ng asawa ko. Sa totoo nga niyan, masarap nga 'yon e, saka matigas." Halatang na eskandalo ang dalawang babae sa sinabi niya. Hindi naman bastos ang pagkakasabi niya, mahinahon pa nga siya e. "At hindi ako naghahanap ng ibang pipino dahil masaya ako sa asawa ko. Seloso lang siya kaya akala niya afam ko 'yong sinuntok niya sa video na hindi naman talaga akin. Bridal shower 'yon ng kaibigan ko at binabastos ako ng kanong 'yon na pwede nang pumasang pangwasak ng iceberg sa Titanic. Ini-explain ko lang at kung ano-ano na lang kasing lumalabas sa social media tungkol sa'kin. Alam n'yo rin ba na pwede ko kayong kasuhan ng libel at cyberbulling?"

Matalim na ang tingin niya sa dalawa.

"Kaya kung ako sa inyo, mananahimik na lang ako. Set as a nice example to your kids. Huwag kayong manira ng tao sa harap ng mga anak ninyo." Ngumiti siya sa mga ito. "You're welcome."

Ibinaling niya ang mukha kay Font. "Galing-galing talaga ng baby ko. Gwapo na nga. Magiging future alagad pa ng sining. Manang-mana ka talaga sa amin." Hinalikan niya sa noo ang bata at niyakap.

Pasimple niyang tiningnan ang dalawa na sa mga oras na 'yon, parang puputok na sa inis. O, sige, inisin n'yo pa ako.

"Sorry," biglang dumating si Alt. "Ang haba ng pila sa hardware. Naghintay ba kayo nang matagal?"

"Hindi naman, honey," iling niya sa malambing na boses. Hindi nakatakas sa kanya ang pagkunot ng noo nito sa kanya. "Actually, nag-enjoy nga kami ng anak mo rito."

"Ha?"

Tumayo siya at kinarga si Font. Mabilis na kumapit siya sa braso ni Alt. Nakatingin pa rin sa kanya ang dalawang babae.

"Honey, let's go, excited na akong umuwi sa mansion natin." Tinawag niya ang in charge roon. "Miss, paki-box 'yong work of art ng anak ko. Tapos na kami." Tumalima ang babaeng bantay at iniligpit ang mga gawa nila.

Mababali na yata ang leeg ni Alt sa kakatingin nito sa kanya at magdidikit na yata nang tuluyan ang mga kilay nito. Ngumiti lang siya rito. Huwag ka nang magsalita, Alt, dios ko! Masisira ang eksena.

"Mag-uusap tayo mamaya," he mouthed.

"Mamaya," kinindatan pa niya ito.





"ANG gwapo talaga ng batang 'to, no?" Nakatulog na si Font sa pagod. Nakaunan ito sa hita niya. Iuuwi na nila ang bata sa bahay nito. Nasa likod sila ng sasakyan dahil bawal ang bata sa harap. "Ang dami sigurong paiiyakin ng batang 'to paglaki. Sabagay, Spanish bread ang ama na may pagka-monay."

Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Alt mula sa rear view mirror. "Monay? Spanish bread?"

"Oo, Spanish-Chinese!" Tumawa siya. "Half Filipino, half Spanish, and half Chinese. O, saan ka pa? Kita mo naman sa mukha ng amo kong 'yon. Sinalo yata lahat ng kadyosahan sa mundo."

"Crush mo?"

"Ina-admire ko lang, saka bonus lang naman mukha ng boss kong 'yon. Kinagwapo niya ang ugali niya. Kahit na madalas masarap pektusan lalo na kapag nagsalita na. Walang preno." Napangiti siya. "Pero malaki ang utang na loob ko kay Crosoft. Madami na siyang naitulong sa'kin. Ni minsan, hindi ako siningil nun. Kasi mayaman daw siya. Baliw talaga."

"I guess, that's also one of the reasons why Bria loves him."

"Alt,"

"Hmm?"

"Naka move on ka na ba?" Natahimik ito. "Okay lang kahit 'di mo sagutin. I understand."

"I'm happy for them," sa wakas ay sagot nito.

May tipid na ngiti sa labi nito.

"Masakit?"

"Pain is a feeling that you can always hide. You cannot run from it. I would be lying if I say, I didn't."

"True, kahit na nasasaktan tayo, nagagawa pa rin nating magmukhang okay. We can still smile despite the pain." Bumuntonghininga siya. "Kaya siguro nag-click tayo. Pareho tayong sawi."

"Hindi ka sawi, naloko ka."

Sumakit yata ang sentido niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung hihilutin niya ang ulo o bibigwasan niya 'tong si Alt. "Wow naman! Sige pa, Alt. Iparamdam mo pa sa'kin. Isampal mo pa sa'kin ang katotohanang na-scam ako."

"It's okay, Scroll. You have me. I got your back." Sige na nga, 'di na siya magagalit. May Alt in shinning armor naman pala siya e. "Anyway, 'yong eksena kanina, 'di mo pa ako sinasagot nang maayos. Sino ang dalawang 'yon? Saka bakit tinawag mo akong honey?"

"Wala! Mukha ka kasing bubuyog."

"Emari Scroll," tawag nito sa kanya sa seryoso nitong boses. Inayos nito ang rear view mirror para matignan siya. "Ano na namang ginawa mo?"

"Pinagtanggol kita."

"Bakit?"

"Sabi kasi nila maliit ang ano mo kaya ako naghanap ng iba. Sabi ko naman sa kanila, malaki ang pipino mo at masarap – araay!" Tumama ang noo niya sa back rest ng upuan ni Alt nang bigla nitong inihinto ang sasakyan. "Alt naman!" Buti na lang hindi nahulog si Font sa kandungan niya.

"Anong sabi mo?" nilingon siya nito.

"Sabi ko malaki ang pipino mo," ngumiti siya rito. Itinaas niya ang isang kamay at nag-peace-sign dito. "Saka masarap," dagdag pa niya.

Pinanigkitan siya nito ng mga mata. "Scroll."

Napalunok siya. "Alam mo ba, maganda ang panahon bukas," pag-iiba niya. "Magandang magtrabaho bukas. Sikat na sikat ang ar – aww!" Napangiwi siya nang pitikin ulit nito ang noo niya. "Ang sakit na, ha?! Bullied wife na ako sa'yo. Mag-divorce na tayo."

"Walang divorce sa Pilipinas." Pinaandar ulit nito ang sasakyan. "I guess, you're stuck with me."

"May annulment."

"Who says?"

"Hello, nasa batas ng Pilipinas."

"Sorry, honey, I don't do return and exchange."





A/N: Happy New Year Everyone! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro