Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"UNDER investigation na si Lewis," imporma ni Peter. "He's under the custody of the police and Lark has been coordinating with the embassy. Malinaw na malinaw sa video footage ang paglagay niya ng kung ano sa inumin mo. Naipasa na 'yon as evidence. Aside from that, may na recover din silang mga hidden cameras sa loob ng inupahan nitong kotse."

Bigla siyang kinabahan. "May mga videos?"

"Yes, they recovered videos, hindi lang namin sigurado kung ikaw 'yon o ibang babae pero sa tingin ko, hindi lang ikaw ang kinatagpo ni Lewis dito sa Pilipinas."

Nakagat niya ang ibabang labi. Pag-angat niya ng tingin sa mukha ni Alt ay seryoso rin ang ekpresyon ng mukha nito sa tabi niya.

"Unfortunately Scroll," naibaling niya ulit ang tingin kay Peter, "mukhang may nailagay na camera sa loob ng unit mo." Nanlaki ang mga mata niya. Lalong kumunot ang noo niya. "Kasama sa mga na recover na videos ay kuha sa banyo at kwarto mo."

"How was that even possible?" tanong na ni Alt, bahagyang nakataas ang boses. Nahimigan niya sa boses nito ang galit.

"We're still checking kung paano nalagyan ng mga hidden cameras ang unit ni Scroll. Sa tingin ko rin kasi, inside job ang nangyari, maaring may binayaran si Lewis para pasukin ang unit at ilagay 'yon sa loob."

"'Yong videos..." Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya. Nagbabanta ang mga luhang gustong kumawala mula sa mga mata niya. Ilang beses niyang nakagat ang likod ng mga daliri niya. "Nakita... n-nakita ba lahat?"

Literal yata na nahulog ang puso niya nang tumango si Peter. Nang kumurap siya sumama ang mga luha niya. Humugot siya nang malalim na hininga. Nakakainis! Gusto niyang suntukin si Lewis. Gusto niyang murahin ang lalaki. Paano nito nagawa 'yon sa kanya?

Alt gently rubbed his hand on her back.

"Will the videos be safe?" tanong nito kay Peter. "I want to make sure na hindi kakalat ang mga videos na 'yon online."

"Don't worry, I'll make sure no videos of Scroll will be uploaded online. I'll check every website."

"Thank you, Peter. Please, do."



RAMDAM niya ang pamimigat ng mga mata. Kanina pa siya umiiyak. Hindi na siya lumabas ng silid niya. Wala rin siyang ganang kumain. Naiinis siya kay Lewis. Naiinis din siya sa sarili niya. Hindi pala sapat 'yong kahit taon mo pang kinilala ang isang tao, hindi pa rin pala nun masisigurado kung mabait ito o hindi.

Masyado siyang naging kampante. Hayan tuloy, nagkandiletsi-letsi ang buhay niya. Ano na Scroll? Okay ka pa? 

Niyakap niyang muli ang unan at umiyak.

"Bwesit! Bwesit talaga!" inis na iyak niya sa unan.

"Scroll?" boses 'yon ni Alt. Kumatok ito sa pinto. "I know you're not okay, but please, kumain ka na."

"Busog pa ako."

"Hindi nakakabusog ang pagkukulong sa kwarto. Wala akong ref nilagay riyan."

"Mamaya na."

"Open the door, please."

Humugot siya nang malalim na hininga bago pinilit ang sarili na bumangon. Yumuko siya para pagbuksan ito ng pinto. Agad na sumilip ang ulo nito. Madilim ang buong attic maliban sa iniwan niyang nakabukas na lampshade. Madilim na rin sa labas dahil gabi na.

"Ano bang gusto mong gawin ko para kumain ka na?" mahinahong tanong nito. "Gusto mo bang ipa-shoot-to-kill ko na lang si Lewis?"

Sakabila ng namamaga niyang mga mata ay nagawa pa rin niyang matawa nang kaonti.

"Baliw!" bahagyang namaos ang boses niya. "Nagda-drama ang tao e."

Tumuwid siya ng tayo at naupo sa gilid ng kama. Tuluyan na rin itong umakyat at hinila ang swivel chair mula sa mesa palapit sa kanya. Naupo si Alt roon paharap sa kanya.

"Ubos na ba luha mo?" 

"Iniisip ko pa lang na nakita nila ang katawan ko gusto ko na ulit maiyak. Wala ngang nangyari sa'min pero nagawa pa rin niyang malagyan ng hidden cameras ang bahay ko," malungkot na amin niya rito. "Kaya siguro pinadala niya sa'kin ang mystery boxes na 'yon bilang pantakot sa'kin. If I didn't left, baka na blackmail na niya ako na ilalabas niya ang mga videos na 'yon kapag 'di ko susundin ang kung ano mang ipapagawa niya."

Umalpas na naman ang ilang mga luha sa mga mata niya.

"Will crying make you feel better?"

Umiling siya.

"Na realize ko ngayon na sobrang hirap ng sitwasyon ko," her lips trembled while speaking. Pilit niyang pinipigilan ang sobrang pag-iyak at baka 'di na talaga siya makapagsalita. "Para bang, gumuho 'yong mundo ko. Parang kailan lang, ang saya ko pa, ini-imagine ko pa ang sarili ko in a romantic relationship na pwedeng humantong sa kasalan. Tapos ngayon, dahil lang sa sobrang pagtitiwala ko, maari pang mawala sa'kin lahat nang mga pinaghirapan ko nang ilang taon."

"May masasabi at masasabi ang iba. Kahit na ikaw pa ang biktima," pagpapatuloy niya, "sasabihin pa rin nilang, malandi, tanga, ginusto mo 'yan. Sa halip na unawain ka ay ikaw pa ang sumasalo ng mali. Mas ikaw pa ang nasisisi. Hindi ko naman ginusto na humantong sa gan'to ang lahat. Kung alam ko lang, sana, 'di ba, itinitigil ko na."

Hinintay niyang magsalita si Alt pero tikom pa rin ang bibig nito.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" basag na niya.

"Hinihintay mo bang mag-advice ako sa'yo?"

"Sa mga movies, usually 'yon ang kasunod na eksena."

Tumango-tango ito. "Gusto mong iinom natin 'yan? May beer ako sa ibaba."

Kumunot ang noo niya rito. "Seryoso ka ba Alt?!" Marahas na pinunasan niya ang mga luha. "Akala ko pa naman bibigyan mo ako ng words of wisdom mo."

"Will my words make you feel better?"

"Siguro."

"Next time, sa ngayon, ang kailangan mo ay kaibigan na makikinig sa'yo at hindi ka huhusgahan. Kung gusto mong umiyak, go and cry. If you want to shout, sige, sumigaw ka. Kung gusto mong magkalat, do it. I'll give you a whole day to do everything that satisfies your emotion as long as it wouldn't hurt you at all, hindi kita pipigilan."

Napatitig siya rito.

Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito.

"Don't hate yourself just because everything is messed up at the moment. We are all messed up, so don't think na ikaw lang ang magulo ang buhay sa mundong 'to. When I said, we will suffer together, then together we will suffer."



"ANONG gagawin natin diyan?!" halos pasigaw niyang tanong kay Alt.

Inilabas nito ang ilang mug, empty beer bottles at plato nito sa loob ng garahe. Inilapag nito 'yon sa sementadong daan. Idinikit nito ang print out ng malaking mukha ni Lewis sa sementadong pader. Inilabas muna nito ang kotse nito dahil mukhang may gagawing ritwal 'tong si Alt.

"Ilalabas natin lahat ng galit mo." Inabot nito sa kanya ang isang helmet, isinuot din nito ang para rito. Red ang kanya. Blue naman kay Alt. "Suotin mo para 'di tumalsik ang mga bubog sa mata mo." Ngayon niya lang napansin na may nakaparada pa lang itim na motor sa garahe din nito. 

"Mag-aaksaya ka ng baso at plato para sa kanya?"

Tumalima pa rin siya at sinuot ang helmet. Ibinaba niya ang transparent face shield.

"It's fine, madami akong pera pambili."

Napamaang at natawa siya. "Sa kakasama mo 'yan kay Crosoft."

He simply shrugged. Inabot nito sa kanya ang mug. "Game?" baling nito sa kanya. "Aim him in the face. Dapat 'di na mamukhaan 'yan bukas ni Manang Rosa."

"Hindi ba tayo maririnig ng mga kapitbahay mo? Baka isipin nilang niloloob ka na rito. Naka-helmet pa tayong dalawa. Mapagkamalan pa tayong akyat bahay."

"It's fine, hindi naman tayo mag-iingay nang sobra." Napasinghap siya nang biglang batuhin ng bote ni Alt ang mukha ni Lewis.

"Hoy!" palo niya sa braso nito.

Natawa lang ito. "I missed this feeling. Your turn."

Humugot siya nang malalim na hininga. She gripped the glass firmly in her hand bago niya 'yon ibinato nang malakas sa print out photo ni Lewis. "Woah!" sigaw niya. Nag-unat siya ng katawan and shake both her hands. Umakyat yata lahat ng energy niya sa buong katawan."God! It feels so good." Parang nawala ang bigat sa dibdib niya. Inabot ni Alt sa kanya ang mug. "Normal ba na nakakagigil siya?"

"It's normal, 'di mo na mamalayang naubos na natin lahat ng gamit ko sa kusina,"  he chuckled.

Alt is weird in a very nice and cool way.

"Do you do this often?"

"Not always, siguro noong kabataan ko, pero may mga lugar na pwede mo 'tong gawin. Babayaran mo lang ang mga babasagan mo. I find it very effective in releasing stress."

"Sa sobrang kalma mong tao 'di ko to in-expect sa'yo."

"I also have my fair share of evil thoughts," he grins, "and deeds."

Natawa siya. Minsan niya lang makita ang side na 'yon ni Alt. 

"Well then, I guess, this would be fun."

"Ubusin mo lahat, huwag kang magtira."

"Yes sir!" sumaludo siya at isa-isang inabot ang empty bottles ng beer. Niyakap niya 'yon ng isang braso at isa-isa 'yong ibinato sa mukha ni Lewis. "Tang na juice ka! Pumutok sana ang pochang itlog mo! Manyak! Manloloko! Scammer!" Nanggigil at sunod-sunod niyang ibinato ang mga plato, mug at bote. "Ma-in-love ka sana sa babae sa Balete Drive! Nanggigigil ako sa'yo! Ipapasampal kita kay Crosoft! Walangya ka!"

Hiningal siya pagkatapos. Pero hindi niya maalis ang ngiti sa mukha. It was very satisfying. Naibato niya lahat ng stress at inis na nararamdaman niya kanina. Nagkalat nga lang sila sa garahe ni Alt.

Nakangiting iniangat niya ang mukha rito. "Thank you."

"That's my girl," he smiled and gently patted her head - este, her helmet.



"SO 'yong naghihintay sa'yo sa labas ay si Alt Flores?" nangingislap ang mata ng pinsan niyang si Link. Pasimple nitong tinignan ang red Toyota Hilux sa labas ng boutique. Nasa loob nun si Alt. Nagka-oras siyang bisitahin ang Emari pagkatapos nilang makipagkita sa lawyer niya. May diniscuss lang ito tungkol sa kasong isinampa niya laban kay Lewis. "May time siya sa'yo? Ay ibaaa!" may himig pang panunukso.

"Huwag mo na akong usisahin. Ikaw masyado kang hype, isa ka rin sa mga member ng love team namin e. Binayaran ka ba ni Crosoft?"

"Coz, kahit 'di ako bayaran ni Papi Crosoft. Our ship will sail pa rin. At hello?! Kailan mo ba mapapansin na bagay kayong dalawa? He's so gorgeous in all aspects. I bet, pati internal organs ni Alt Flores is a work of art. Tignan mo nga 'yang si Alt. Parang inilabas sa mga nababasa natin sa pocketbook. Tall, morenong makinis, and handsome. Ano pa bang hahanapin mo?"

"Magkaibigan lang kami ni Alt."

Tumaas-baba ang kilay ng pinsan niya at mas lalong napangiti. "Ow, so from enemy to friends na pala ang level n'yo. Naku! Trust me, landian na kasunod niyan coz. Like, super landian na talaga ang moments."

Pinanigkitan niya ito ng mata. "Mahal mo ba ang trabaho mo rito Lin Kyline Catapang o gusto mong ibalik na kita ng Cebu?"

"Ito naman, 'di na mabiro. Sige, tumanda kang dalaga. Let me rephrase that my dear cousin, ang alam pala ng lahat ay asawa mo ang aloof at mysterious na si Direk Alt Flores at ikaw ay sumakabilang lalaki - aw!" Napangiwi ito sa pagkurot niya sa tagiliran nito.

"Daldal e. Ito na nga lang trabaho mo, suma-side-line ka pa ng pagka-chismosa."

Ngumuso ito. "Na scam ka lang, naging bitter ka na sa buhay."

"Basta, ang sinabi ko sa'yo. Hindi ako madalas makakadalaw sa Emari pero ikaw muna tumayong store manager at owner. Araw-araw kang mag-report sa'kin."

"Opo! Opo! Huwag kang mag-aalala, aalagaan ko ang Emari habang tinatahak n'yo ni Alt ang daan ng tunay na pag-ibig at kapusukan – wa – wait! Oy, walang sakitan!" Pinalo niya pa rin ito sa braso. "Ay grabe po siya, nanakit!"

Tinawanan lang niya ito.

"Alis na ako. Ikaw na bahala rito."

"Makakaasa ka."



"MATAGAL na ba ang Emari?" basag na tanong ni Alt habang papauwi sila.

"Two years pa lang," nakangiti niyang sagot. "Matagal ko na talagang pangarap na magkaroon ng clothing boutique. Isa ang Emari sa greatest achievements ko in life. From scratch talaga 'yon."

"How's your sales so far?"

"Hindi ko masasabing malaki kagaya ng iba pero may nakikita talaga akong profit kahit 2 years pa lang ang shop. Thanks to my boss's popularity, nakikilala na rin ang Emari."

"Lahat ng display n'yo ay gawa mo?"

"Hindi lahat, pero may mga limited designs na gawa ko talaga. May separate people ako na nagtatahi ng mga designs ko pero hindi ko pa talaga kaya ang mag-produce ng madami so, based on demand lang talaga muna, pero kapag natutukan ko na siya, gusto ko talagang magkaroon ng sariling atelier para sa mga designs ko."

"You don't have enough funds yet?"

"Meron naman, pero pinag-iisipan ko pa talaga, one step at a time kumbaga. As of now, Emari promotes my fashion styles. May mga contact ako ng mga brands sa iba't ibang bansa - not all popular brands pero maganda ang quality ng damit. Bumibili ako sa kanila at in-incorporate ko 'yong mga designs na 'yon sa Emari. So parang if you're looking for a perfect look for certain events, Emari can give you the transformation look without spending too much."

Sumilip ang isang ngiti sa mukha nito.

"That's interesting, I can see that you are really enjoying dressing people."

Lumapad lalo ang ngiti niya. "Sobra talaga!"

"But most of your clothes are designed for men. Why?"

"I'm scared of dolls. Long story, saka ko na ikukwento. One thing din siguro 'yon kung bakit mas nahilig akong mag-style ng mga men's clothes. But it doesn't mean that I can styled women, I can do both, but I prefer dressing up men."

"Ang dami mo na sigurong nakilalang mga male models."

"Madami talaga! Pero walang naging akin," nakatawa niyang sagot.

True, different types of male bodies and faces, each has a different kind of beauty. Pero wala talagang nagkamaling hingin ang number niya. Kung meron man, ang mga managers lang ng mga ito para hingan siya ng tips at opening model stint updates.

"Siguro ay hindi mo pa rin nakikilala ang lalaking para sa'yo."

Humilig siya sa kinauupuan. "Hay naku! Dadating pa kaya siya? At kung meron man, matanggap niya kaya lahat ng tungkol sa akin?"

"Kung ako 'yon, tatanggapin pa rin kita."

"Hindi naman lahat ng tao kagaya mo." At naniniwala siya roon kay Alt. Kahit nga kay Ate Cam, tinanggap ni Alt ang nakaraan nito at si Danah. Minahal pa rin nito si Ate Cam at pinaglaban kahit na nasaktan ito sa huli.

Nanatili pa rin itong kaibigan ni Ate Cam kahit na hindi ito ang pinili ng mahal nito.

"We never know."

"Baka!"

"I'm not good at making people happy, but I hope, I was able to make you feel better."

Bahagyang pinihit niya ang katawan paharap dito. "You're actually good at making people happy, Alt." Ngumiti siya nang ibaling nito ang mukha sa kanya. Sakto namang nag-red-lights kaya nagkaroon sila ng oras para matignan ang isa't isa. "You're just not aware of it. You've inspired a lot, hindi lang nila alam kung paano ka nila mapapasalamatan at kung saan hahagilapin ang isang Alt Flores."

Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Alt's eyes lit up. Nagmukha itong mas bata sa edad nito sa ngiting 'yon. Maihahantulad niya 'yon sa ngiti ng isang bata na tuwang-tuwa sa candy na ibinigay rito.

So rare of him.

"Gusto mo bang magpa-meet-and-greet ako?"

"Not a bad idea!"

Nawala ang ngiti nito. "No, thanks!" Ibinalik nito ang atensyon sa harap.

"Killjoy!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro