Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

AGAD na naningkit ang mga mata ni Alt nang maabutan siya sa kusina. Sino ba namang hindi? She didn't feel like doing anything productive today - not in the name of fashion and all. Dahil 'yon lang naman talaga ang definition ng productive work sa buhay niya.

So sobrang stress niya nitong nakaraang araw, she needed a diversion, 'yong hindi tungkol sa fashion at passion niya. Ang dami niyang inasikaso, lalo na ang on going operation ng Emari na hindi niya na nabibisita at hanggang video call at tawag lang siya sa manager niyang si Link.

Actually, she still has a lot of things to fix but she's calling this day, her day off from everything at baka mabaliw na siya kapag dinibdib niya lahat. Medyo bagsak pa naman siya sa parteng 'yan - medyo lang naman. Kayang-kaya pa namang lumaban ng dibdib niya.

"What did you do?" Alt asked in his usual tone of voice - 'yong kalmado lang pero super typhoon ang kasunod kapag may mali sa magiging sagot niya.

Today is Sunday, wala itong trabaho. Pero umalis ito kanina kasi may pupuntahan daw. Akala niya ay late itong uuwi pero hindi pala - akala lang niya. Naabutan tuloy siyang gumagawa ang mortal sin sa bahay nito - ang magkalat.

Ngumiti siya. "Hope you don't mind, I'm borrowing your kitchen just for today." Ipinagpatuloy niya ang pagmamasa ng dough.

Lumapit ito at isa-isang tinignan ang kalat sa kitchen counter. Inangat nito ang ilang mga baking products at binasa ang mga brands nun. "You're baking?" Iningat nito ang mukha sa kanya.

"I'm making cookies. Mahilig ka ba sa matamis? Napapansin ko kasing you like drinking hot chocolate than coffee. I guess, sugar rush works better for you than caffeine."

Tumaas ang isang kilay nito at humalukipkip. "You just answered your own question."

"Pwede namang mali ang observation ko, pwede mong itama." Lumapad ang ngiti niya. "Ang kalat ko ba? Medyo lang naman e."

"I like to disagree with you about that."

Tumawa siya. "Alam kong clean freak ka, pero sayang kasi 'yong kusina kung 'di gagamitin. Kung pwede sanang sa attic na rin ako mag-bake, ginawa ko na. Kaso, 'di pwede kaya dito na lang."

Hinarap niya ito na ngayon ay nakasandal na ang likod sa marbled counter top at bahagyang nakabaling ang mukha sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha nito pero alam niyang 'di ito galit o naiinis.

Pinagdikit niya ang dalawang palad na halos kasing kulay na ng mga harina. Hindi lang ang kusina ang magulo. Alam niyang pati siya ay mukhang inaway ng mga harina.

"Pagbigyan mo na ako. Maglilinis naman ako pagkatapos."

Itinaas nito ang isang daliri. "Make sure to clean these mess." Naglapat ang mga labi niya sa isang ngiti at tumango. "So, aside from being making clothes, you cook and bake?" pag-iiba nito. Umikot ito sa counter top at naupo sa stool chair paharap sa kanya.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. "I'm not really good in academics but I excel more in the creative side and extra curricular activities. Ako kasi 'yong klase ng tao na kapag may nakakuha ng interest ko, sinusubukan ko."

"Like Lewis?"

Naitirik niya ang mga mata. "He was a nightmare."

"Well, sometimes we learn from our stupidest mistakes."

"Bakit mo ba kasi bino-brought-up?"

He shrugged, "I'm just making conversation."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Alt Flores, just because you offered your house to me doesn't give you all the rights to make fun of me."

"I'm not making fun of you. I'm just trying to know you better."

Napatitig siya rito. "Know me? By starting off with Lewis?"

He leaned one elbow on the counter to catch one side of his face. "Bakit gusto mong mag-asawa ng foreigner? What's the difference in marrying a Filipino?"

"It's a childhood dream of mine. Ang ganda kasi ng mix kapag dalawang lahi."

"I find it really lame."

Sumimangot siya. "I know, pero 'di naman lahat ng mga foreigners ay masasama. I lived in New York for a long time, so I kind of understand the cultural differences."

"Nagka-boyfriend ka roon?"

"Few dates."

"No long terms?"

"Well, 'di kasi siya priority ko that time. I was too busy building my dreams there so I never really had the chance to focus on building a romantic relationship with men. And I sense that they were only after the intimate part but not the personal connection."

"So why still choose a foreigner?"

"Ano ba 'to? Thesis defense or job interview?"

"Women are complicated. Today, they want this. Tomorrow, they'll change preferences. I'm not sure if it also applies when they fall in love. Will it be, today, I decided to love you. Then tomorrow, I realized things wouldn't work out for the both of us kind of thing?"

"For a film director who loves making romantic films, you're quite cynical."

"Real life is not a novel."

Natigilan siya sa sinabi nito.

True, novels are too perfect. It's a guilty pleasure to distract ourselves from the harsh reality. That's a clear fact, plotted naman na 'yon since from the start. It's just a matter of putting the right amount of boundary between fiction and reality.

"Then why are you writing stories and making films then?"

"Because some people need an escape from reality. Something they can call home and give them comfort."

Ngumiti siya. "You sounded like a pessimist with an optimist point of view, Alt."

"I'm weird, right?"

Umiling siya. "Hindi naman. I find you interesting." Parang may ibang meaning ang interesting. "I mean, unique, a person with substance."

Sumilip ang tipid na ngiti sa mukha nito.

"Maiwan na muna kita," anito at tumayo. "May tatapusin lang ako sa itaas." She nodded. "Clean as you go, Scroll," paalala na naman nito bago tuluyang umalis.

Ngumiti siya at tumango ulit.

Hindi niya maiwasang sundan ng tingin si Alt. Ewan niya, ha? Pero something is telling her that Alt has a story to tell. His calmness and on point words are hard to ignore.

Siya lang ba ang nakapansin roon? Napansin din ba 'yon ni Ate Cam?

Iginala niya ang tingin sa buong bahay.

"Kahit ang bahay na 'to may something," bulong niya sa kawalan. "May nabasa ako noon. You will know a person by the things he or she owns. How he or she dresses and how he or she uses his or her words. Mahanap nga 'yon."

Akmang iiwanan niya ang ginagawa nang maalala niyang mapapatay siya ni Alt kapag 'di siya naglinis.

"Sige, mamaya, tatapusin ko muna 'to."

Focus Scroll! Focus! Kalinisan sa bahay ni Alt ang isulong.


"HAYAN! Hi, Alt!" malaki ang ngiti na kumaway siya sa camera. Tinawagan niya through Skype si Alt. Ang laki-laki pa ng mukha niya sa screen ng iPad niya. Kunot na kunot naman ang noo nito sa kanya. "Akyat ka sa attic."

"Nasa second floor lang ako nakipag-video-call ka pa."

New account 'yon, ginawa niya 'yon para may communication pa rin siya sa mga tao niya sa Emari, although, si Link lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya sa Emari. She's her cousin, ito ang store manager ng Emari.

"Sayang kasi, ang lakas ng internet, akyat ka na dali. I need your help."

"Ano na naman?"

"Basta! Sige na."

"Fine."

Pinatay nito ang connection and a minute after, narinig na niya ang yabag ng mga paang paakyat ng attic. Ang pinto nun ay nasa sahig ng silid. The attic has a pull down stairs. May pipindutin lang sa ibaba para bumaba 'yon. Meron din nun sa loob mismo ng attic, it's like a switch. Kaya, kapag nakatago ang stairs, 'di rin napapansin na may attic talaga.

Bumukas 'yon at sumilip ang ulo ni Alt. Naningkit ang mga mata nitong nang igala ang tingin sa paligid.

"Ayoko rito -" akmang isisirado ulit nito ang pinto nang pigilan niya ito.

"Alt, wait!" Hinawakan niya ang hamba ng pinto. "Tiisin mo muna. Kailangan ko lang ang katawan mo." Nanlaki ang mga mata nito. "I mean, kailangan ko lang ng pagbabasehang measurements."

"May mga mannequin ka naman diyan."

"Kailangan ko ng model." Hinawakan niya ito sa braso at hinila paakyat hanggang sa makatayo na ito sa harap niya. "Sandali lang naman. Kapag may measurements na ako, okay na, makakababa ka na."

"Where's your baked cookies?"

"Nasa kusina, inilagay ko sa cookie jar."

"I'll get one -" akmang aalis ito nang yakapin niya ito sa baywang - nang mahigpit mula sa likod.

"Hindi ka aalis!"

"Scroll?"

May design siyang naisip kanina habang nagbi-bake. Hindi niya maalis sa isip niya kaya iginuhit niya at ngayon kating-kati na siyang tahiin. Wala pa siyang tela but she can find ways. She only needed Alt's measurements dahil bagay na bagay rito ang gagawin niyang damit.

"Mabilis lang 'to, promise."

She let go of him.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at pinihit paharap sa kanya. Hanggang dibdib lang siya nito kahit na matangkad siya. Naka shawl sa mga balikat niya ang tape measure. Inabot niya ang maliit niyang spring notebook mula sa mesa at inalis mula sa pagkakaipit sa kanyang buhok ang lapis.

Her long brown hair cascaded on her back as soon as the pencil slipped out from her hair.

"You're full of surprises, Scroll. After this, ano na naman kaya ang gagawin mo?"

Inangat niya ang mukha rito at ngumiti. "Hindi ko pa alam." Hinila niya ang tape measure at naunang sukatin ang balikat nito. "Maiba ako, kumusta ang MS? Wala bang naghanap sa'yo na reporter?" Sunod ang shoulder length at arms length nito. "Hindi pa natin itinatama ang rumor about us."

"Iniisip nga nila na asawa kita. Even if they don't say it straight to my face, I can sense it by their actions."

"Anong ginagawa mo?"

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko?"

Sinukat niya ang baywang nito, halos yumakap siya rito. "I don't know, baka kasi, dahil sa'kin mas lalo kang 'di makapag-asawa."

Hindi pa nila tinatama ang issue. She's a fashion vlogger and blogger, she has over a million subscribers at the moment in YouTube at kahit na sikat siya sa social media, she didn't really consider herself a celebrity. Posting fashion videos started in Crosoft's channel hanggang sa in-encourage siya ng boss niya to make her own.

Prior to that, may blog account talaga siya, where she shares her tips on how to slay events in wearing fashionable clothes without spending too much. She made those accounts to expand her audience to social media, mas may chance na makilala ang Emari kapag nag-promote siya roon.

Alt, on the other hand, is a famous film director, madami na itong blockbuster movies. Unlike celebrities and influencers, hindi naman point of interest ang buhay ng mga direktor sa entertainment industry.

Maliban na lang kapag nali-link sa mga sikat na personalidad.

"'Di ikaw na lang pakakasalan ko."

Inihit siya ng ubo. Marahas na naiangat niya ang mukha rito. "Seryoso ka?"

"Hindi ka rin naman makakapag-asawa, 'di quits tayong dalawa."

Umayos siya ng tayo sa harap nito at hinigpitan ang tape measure sa may dibdib ni Alt. He winced in pain. Kumunot agad ang noo nito sa kanya.

"Damay-damay na pala 'to, ha?"

"Well, at least, we're both suffering. It's better than I suffer alone."

Napamaang siya. "Alt Flores?!"

Tumawa ito. "Let's suffer together."

Imbes na mainis ay natutuwa pa siyang marinig ang tawa nito. She was able to unlocked that side of him - that playful side of him.

Pabirong pinalo niya ito sa braso. "Loko ka talaga!"

"Tapos ka na ba?"

"Hindi pa!" Lumuhod siya para masukatan ang leg length nito. Nasa ganoon silang sitwasyon nang pumasok si Manang Rosa. Ang singhap nito ang nagpatigil sa kanya.

"Sorry, akala ko kasi mag-isa si Ma'am Scroll," nasilip pa niya mula sa binti ni Alt ang na-e-eskandalong mukha ng matanda sa pag-aakalang may ginagawa silang kababalaghan ni Alt. "Bababa na muna ako -"

Pak juice! Sino ba namang hindi? Nakaluhod siya sa harap ni Alt. In Manang Rosa's point of view, iba talaga ang makikita nito. Langya! Isang panibagong issue na naman para sa kanilang dalawa ni Alt.

"Manang Rosa, it's not what you think -" pagtatama sana ni Alt pero mabilis na naisarado ng matanda ng pinto. Saktong pag-angat niya ng mukha kay Alt ay nakababa ang tingin nito sa kanya. "Tumayo ka na nga riyan, Scroll."

Imbes na mapahiya ay natawa siya. "Teka lang, 'di ko pa nasusukat ang isa."

Nahilot ni Alt ang sentido. Pero kitang-kita pa rin niya ang pagpipigil nito ng ngiti. Alam niyang, pareho sila ng iniisip, na napapansin na rin nitong kapag talaga sila naglapit, ang daming issue na nabubuo.

"Tama na 'yan, ako na lang magsusukat ng sarili ko," awat na nito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro