Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

ISA na namang mystery box ang natanggap ni Scroll. Kaibahan lang, it was given to her through express courier. It was a doll chopped into pieces, blood was spread on it. Her anxiety had reached its core. Takot na takot siya nang buksan niya ang box kanina.

Agad siyang pinuntahan ni Alt, kasama nito si Crosoft at ang pinsan ng half brother nitong si Hanzel na si Peter. May kasama itong pulis na naka civilian na tumingin ng mga mystery box na pinadala sa kanya.

Naupo sila sa sofa sa sala. Nakalapag ang dalawang box sa gitna ng coffee table.

"How long have you known this man, Scroll?" tanong ng kasama ni Peter na si Senior Police Inspector Lark Castillo. He's the same age as Peter, probably around 28. He's from the investigative team of PNP.

"A year, I met him in an online dating site."

Sa kwento ni Peter, hindi na raw ito FBI agent, he resigned 2 years ago. May iba na raw itong trabaho ngayon but he can still help them. Kaya sinama nito ang kaibigang pulis para maimbestigahan ang mga mystery boxes na pinapadala sa kanya at para makahingi ng advice sa dapat nilang gawin.

"Did he asked any sexual favors from you? Like videos or lewd photos?"

Mabilis na umiling siya, she waved her hands dismissively. Hindi nakatakas sa kanya ang pag-igkis ng isang kilay ni Crosoft. Parang kapag sinabi niyang, oo, itatapon siya nito palabas ng building.

"No, hindi ako ganoong klaseng babae. And he never asks, thankfully, but even if he did ask for it, 'di pa rin ako magbibigay."

"That's good, usually kasi, most women will do sexual favors in exchange for money. 'Yan ang normal scenarios ng mga babaeng nakikipagkilala online with foreigners. These scandal videos are used as blackmails or threats. If wala namang sexual favors involved, mas safe sabihin na, walang scandals na mailalabas online. Ang kailangan na lang nating imbestigahan ay kung sino ang tao sa likod ng mga mystery box at kung ano ang motibo niya."

"I tried checking the sender's details with the courier used," singit ni Peter, "kung saang branch at kung kailan 'yon pinadala, siguro, dapat ding puntahan 'yon, check if may cctv sa lugar. Baka makita kung sino ang nagpadala. We have the name, maybe we can locate this certain Milagros Punzalan, if that was her real name."

"Will Scroll be safe here?" tanong ni Alt. Naibaling niya ang tingin dito. "Sa tingin ko kasi, madami siyang alam tungkol kay Scroll. And she's staying alone here, kahit ang security, nalulusutan niya."

"As of now, ang person of interest natin ay si Lewis," sagot ni Lark. "Siya lang ang may malaking motibo na gawin ito, considering the details Scroll had given to him. We can file a restraining order against him, idadagdag natin 'yong sexual assault na nangyari sa bar at attempted rape for putting a drug on her drink, but it doesn't really guarantee na 'di siya makakalapit. He can always find ways. As of now, isang side pa lang ang naririnig but we have enough proof to file these cases already."

"May nakuha kaming video sa bar, hindi masyadong malinaw, pero kapag inayos ang quality, makikita ang mukha ni Lewis at ang paglagay niya ng kung ano sa iniwang baso ni Scroll. Lark and his team will investigate more. They have already listed names of our possible witnesses."

"Don't worry, hindi 'to makakarating sa media. Kailangan n'yo lang muna sumama sa akin sa presinto para ma-ipa-blotter ang nangyari, though this is a bit late, pero mas mabuti na rin na nai-report ito."

"Thank you," aniya at tipid na ngumiti. "We will do that."

Kanina pa siya tense, she's fidgeting on her seat. But thank God, may mga kaibigan siyang tutulong sa kanya. Kahit papaano nakampante siya. Habang tumatagal, lalong humihirap ang sitwasyon niya. All because of Lewis and her blue eyed baby dreams.

Ngayon, pinagsisihan na niya lahat ng mga desisyon niya sa buhay. Minalas talaga siya nang sobra sa pagkakataon na 'to.

"Siguro dapat, lumipat ka muna nang matitirhan Scroll," napatingin silang lahat kay Crosoft. "You're obviously not safe here. You need a place kung saan hindi ka mahahanap ng obsessed na taong 'yon."

"He's right," sang-ayon ni Lark.

"It would be better if you don't stay in places you're familiar with," dagdag ni Peter. "Don't go out alone, do not login in your social media accounts for the meantime and change your number. In that way, mas masisigurado nating hindi ka niya masusundan at mati-trace."

"Sige," tango siya.

"It's just for the meantime, Scroll. We'll do our best to dig down all information about Lewis Henderson. We'll keep you updated."



"YOU can stay in my house."

Marahas na naibaling ni Scroll ang mukha kay Alt. Ito ang nagmamaneho ng kotse. He glanced at her for a split second bago nito ibinalik ang tingin sa daan. Hindi niya alam kung tamang solusyon ba 'yon? Isang lalaki at isang babae titira sa iisang bubong?

"I think that's a great idea," segunda naman ni Crosoft na nasa likod nila. Sumama ito hanggang sa presinto pero 'di na ito lumabas. "Scroll, dapat doon ka muna kay Alt tumira. Anyway, ang alam ng lahat mag-asawa naman kayo."

Gusto niya sanang kumbinsihin ang sarili na concern ang boss niya sa kanya pero sa uri ng ngiti nito ay para na naman itong nambubugaw ng kliyente.

"Concern suggestion ba 'yan o dahil lang sa admin ka ng loveteam namin?"

Tumawa ito. "Pwedeng both?"

Bumuntonghininga siya. "I don't know if it's a good idea. Saka ang dami ko nang utang na loob sa'yo Alt. I think, this would be too much."

"It's really okay, Scroll. Sa tingin ko rin naman kasi, 'di ka pa makakapagtrabaho ulit." Kumunot ang noo niya nang ilapit ni Crosoft ang mukha sa gitna nilang dalawa ni Alt. Nakasandal ang mga siko nito sa hiligan ng upuan. "At saka mag-isa lang ako sa bahay. Hindi mo rin ako laging makikita dahil gabi na ako umuuwi at madaling araw akong umaalis."

"Alt is right. Hindi dahil sa ship ko talaga kayong dalawa pero dahil ayoko ring ipagkatiwala ka sa ibang lalaki. The last time na hinayaan kita sa karupukan mo, muntik ka nang mapahamak. Kung insensitive lang ako, tiniris na kita nang pinung-pino at sinermonan nang wagas. Kahit i-search mo pa sa internet, wala kang mahihitang impormasyon sa direktor na 'to." Itinuro nito si Alt. "Ni wala ngang picture 'yan sa Wikipedia. Kaya malabong matunton ng Lewis na 'yon ang mansion nitong si Flores.

"Compliment ba 'yan D'Cruze o panghuhusga?"

"Both pa rin," nakangising sagot nito.

"Still -"

"I insist." Naibaling niya ang tingin kay Alt. "I also made a mistake. Dahil sa ginawa kong eksena sa bar ay nasira ko ang imahe mo sa ibang tao. We couldn't correct that for the meantime but allow me to make it up to you for that."

"Bakit ba feeling ko nanonood ako ng romance movie?" kinikilig na singit ni Crosoft.

"Masaya ka?" pabalang niyang tanong rito. "Saya-saya natin e."

"Huwag ka ngang basag trip," saway nito sa kanya. "Let me just remind you - the both of you, rather, kayong dalawa ang naglagay sa mga sarili ninyo sa sitwasyong 'to. Meaning nun, compatible kayo."

"Bakit naman kami naging compatible?" nakakunot-noong tanong niya.

"Pareho kayong engot."

"Wow, naman!" napamaang siya. Kumunot naman noo ni Alt pero hindi na nagkomento. "Hiyang-hiya naman po kami sa'yo."

"Huwag na nega vibes, Scroll. Magsilbing aral 'to sa'yo, ha? Sinayang mo lang tuition fee mo. But it doesn't mean, you'll stop working for me. You'll still be my stylist. I can find another makeup artist but not a stylist. I'll call you by time to time."

"Bayad ba 'to?"

"Pati kuryente ni Alt, babayaran ko para sa'yo."

"Totoo?" ni Alt.

"Joke lang, madami akong anak na bubuhayin. Mapapatay ako ng asawa ko."

"Dalawa pa lang naman anak mo, ah," dagdag pa ni Alt.

"Dalawa pa lang, meaning, may balak pa ako."

Natawa siya. "Hindi ba nagsisisi si Ate Cam na pinakasalan ka niya?"

"Hindi, mahal ako nun. Kahit na lagi akong nabubugbog ng asawa ko. Ay maiba ako, Scroll, virgin ka pa pala? Bakit?"

Biglang na i-preno ni Alt ang sasakyan. Inihit naman siya ng ubo. Tang na juice talaga 'tong amo niya. Walang preno ang bibig!

"Talaga bang kinu-question 'yan?!" inis na asik niya rito.

Ngumisi ito. "Oy, Alt." Tinapik nito si Alt. "Alam mo na."

"Tigilan mo nga ako Crosoft." Pinaandar na ulit nito ang kotse. "Puro kamunduhan na naman nasa isip mo."

"Gusto ko lang naman ma-enjoy n'yo ang feeling na may minamahal. Pero huwag kayong ma pressure. Hindi naman nasusubok ang pag-ibig sa mga ganoong bagay. Mataas naman ang pasensiya ko. I can wait kung hanggang kailan n'yo mari-realize na kayo talaga ang itinadhana ng langit at ng sanlibutan. In-expect ko ang progress after one month."

Wow! Hindi pini-pressure pero within one month agad? Minsan talaga, 'di niya ma gets ang iniisip nitong amo niya. Sa personalidad kasi nito, hindi kapanipaniwalang ulirang asawa at ama ito ng dalawang chikitings.

Lakas ng trip sa buhay.

"Iuuwi na kita Crosoft, ang ingay mo," ni Alt.

"Sige lang, para makapag-solo naman kayo. Suportado ko 'yan."

Napakamot na lamang siya sa noo. Ay ewan!



UMAWANG ang labi niya nang makita ang bahay ni Alt mula sa salamin ng kotse nito. Nakatayo 'yon sa isang exclusive subdivision sa Cavite. She didn't expect a house, actually. Akala niya nakatira ito sa isang condo o apartment. Ang weird lang kasing isipin na isang bachelor nakatira sa isang malaking bahay that is an hour away from his work.

Bumukas ang wooden gate na lagpas sa height ni Alt kahit matangkad na ito. Lumabas ang isang may edad nang babae na sa tingin niya ay katiwala nito sa bahay.

Ipinasok at iginarahi ni Alt ang kotse sa parking lot sa gilid ng bahay. Hanggang sa paglabas niya ng kotse ay hindi niya mapigilan ang mapamangha sa exterior ng buong bahay. Dalawang palapag 'yon pero mukhang may sariling attic. The house looks modern but homey. Ang sarap sa mata ng mga halaman sa front garden at materials na ginamit sa bahay. This is art!

Kahit siguro sinong titingin sa bahay ni Alt ay mamamangha. Kung mapapadaan lang siguro siya, ang unang papasok sa isip niya, ang sarap tumira sa ganitong bahay. Maganda at malaki ang bahay ni Crosoft pero mas nagustuhan niya ang bahay ni Alt.

Simple but classy.

"Ikaw lang nakatira rito?!" hindi niya napigilang tanong.

Dumiretso si Alt sa likod ng kotse para kunin ang mga gamit niya. 'Yong digital sewing machine lang ang mabigat sa mga dala niya. Nahihiya siyang dahil 'yong body form mannequin niya sa bahay pero pinilit siya ni Alt kaya dismantle na lang niya para magkasya sa kotse. Makapal ang mukha niya pero nakakahiya pa ring ilipat ang halos lahat ng gamit niya sa pananahi sa hindi naman niya bahay.

"Manang Rosa is not a stay in house keeper," tukoy nito sa may edad na babaeng tumutulong ditong maibaba ang mga gamit niya. Shuks! Dapat siya ang gumagawa nun. "Pero araw-araw siyang nandito para maglinis, maglaba at magluto para sa'kin. Taga rito lang din siya, so hindi hassle para sa kanya."

"Magandang hapon po, ma'am," bati sa kanya ni Manang Rosa.

Tinulungan niya ito sa pagbaba ng mga gamit niya. "Magandang hapon din po," ngumiti siya. "Matagal na po ba kayo rito?"

"Simula po nang lumipat dito si Sir Alt."

"She was referred by a friend to me, and so far, she's the best."

And again, she saw Alt smile again. He always has this warm smile that he doesn't often show to other people. Sa sobrang dalang, parang ang challenging pangitiin ng isang Alt Flores.

"C'mon, let's get inside. I'm sure, Manang Rosa cooked something for us."

Sumunod siya kay Alt papasok sa bahay. At sa ikalawang pagkakataon, gusto na niyang i-glue ang bibig at baka mahulog na talaga sa sahig. If she fell in love with the exterior look of the house, damn, the interiors are amazing! Halatang pinag-isipan at pinaglaanan ng panahon.

It has an open floor plan kung saan makikita mo talagang malaki ang buong ground floor. The living room, the dining, the bar counter and the floor to the ceiling glass wall that leads to the cozy garden swimming pool. She loves the design of the ceiling beam and how open it was. The wooden floor na nakakaingganyo maglakad na nakayapak. Ramdam niya ang hangin sa loob since Alt's house is located in a more elevated location. Maganda rin ang view sa labas, ramdam mo 'yong nature.

Most of the colors are in white, light gray and beige.

"Ang ganda ng bahay mo." Ibinaba niya ang box na hawak at napunta siya sa sala.

Tignan niya ang mga picture frames na naka display sa itaas ng book case. Apat lang ang nakita niya. Kid version ni Alt at Skip. Sa tantiya niya ay 7 years old ito sa larawan at 3 years old si Skip. Nakasuot ng jumper ang dalawa habang nakayakap sa baywang nito ang kapatid. Ang cute!

The second photo, graduation photo ni Skip sa college. The third photo is a group picture of them, kasama nila Ate Cam at ang asawa na ni Skip na si Jeymes. The last photo is a recent photo of Alt and Skip - sa kasal yata 'yon ng kapatid nito sa US.

Sa napansin niya, wala itong family photo na kasama ang mga magulang nito. At mukhang, halos special event ni Skip kuha ang mga nakadisplay na larawan.

"May tatlong kwarto sa second floor," narinig niyang wika ni Alt. "You can occupy the one near the attic stairs."

Ibinaling niya ang mukha rito. "Maliit lang ba ang attic?"

"Not so, it's still a room, malaki nang kaonti sa typical na attic. Why?"

Ngumiti siya. "Then, sa attic ako. Magulo kasi akong tao lalo na kapag nananahi. Saka ayokong maabala ka sa kaingayan ko."

"I wouldn't mind, wala naman ako lagi sa bahay."

"You make me wonder why you have this house so big by yourself. Ang expensive kung trip mo lang to own this kind of house."

"I have my own reason." Tinalikuran na siya nito. "C'mon, I'll take you to the attic. I'll help you with your things first bago tayo kumain. Ayokong nakakalat ang mga gamit mo sa sala."

Napasimangot siya.

Hayan na naman si Mr. Clean na may buhok. But on the other side, ano kaya ang story behind this house?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro