Chapter 24
SCROLL can sense the discomfort in Alt. He looks calm pero mukhang may malalim na iniisip ito. Nasa sala na ang ina nito. Sinundo niya ito dahil gusto ni Alt na sa bahay ang mga ito magkita at mag-usap.
Nang akyatin niya ito sa bahay, tahimik lang itong nakaupo sa gilid ng kama, may malalim na iniisip. Hindi agad siya nito napansin. Kaya kumatok na siya sa pinto para makuha ang atensyon nito.
"Alt?"
Tila nagulat pa ito nang bahagya nang tawagin niya. "Scroll."
Isinirado niya ang pinto sa likod niya at nilapitan ito. "Nandito na ang mama mo. Ready ka na ba?" malumanay niyang tanong rito.
"I-I don't know." Mapait itong ngumiti. Inabot nito ang dalawa niyang mga kamay habang nakaangat ang mukha sa kanya. She could feel the uneasiness in the way he holds her hand. It was quite tight and uneasy. "Parang gusto kong mag-back-out," he chuckled.
Naupo siya sa tabi nito, bahagyang nakaharap dito. "It's okay." Umangat ang isang kamay niya para haplosin ang pisngi nito. His face softens; there was a shy smile on his face. "You'll be fine." She smiled.
"Akala ko noong una, handa na ako. That I can now see her without feeling hurt. But knowing that she's just downstairs, I'm having cold feet. I don't know if it's hate or bitterness... pero paano kung sumbatan ko siya, Scroll? What if magalit ako nang sobra at madami akong masabing masasamang salita sa kanya?"
How can this man be so kind and forgiving despite the painful past that her mother gave to him? Iniisip pa rin nitong baka masaktan nito ang ina nito. If it happened to other people or to her, malamang sa malamang, ang nasa isip nila, they deserve all the blame and hate for making our lives miserable.
And yet, here's Alt Flores, caring for his mother's feelings who have selfishly left him and scarred his heart.
"Alt, she will understand. It's okay if you feel that way. Nasaktan ka. We are still human after all. We have feelings. Pero alam ko, hindi mo magagawang saktan nang sobra ang mama mo. I know your heart." Ginagap niya ang mga kamay nito. "Kaya alam ko na, magiging maayos ang pag-uusap n'yo ng mama mo."
Malalim na bumuntonghininga ito. "I hope so."
Tumayo siya para hilahin patayo si Alt. "Lumabas ka na. Naghihintay sa'yo ang mama mo."
"Hindi ka aalis?"
"Si Manang Rosa lang ang umalis, hindi ako kasali. If you need me, nandito lang ako sa itaas. Don't worry, hindi ako makikinig. Aakyat ako sa attic." Nakangiting itinaas pa niya ang isang kamay.
"I doubt that."
Ginulo nito ang buhok niya. Napasimangot siya. Hello, kalahating oras niyang inayos ang buhok tapos guguluhin lang. But still, hindi naman siya nainis nang sobra, lalo na nang makita ang pagngiti nito. She wouldn't mind having messy hair if it would make Alt happy.
Mula sa likod ay inilapat niya ng dalawang palad para maitulak ito palabas ng kwarto.
"Bumaba ka na. Masamang pinaghihintay ang bisita."
"Akala ko ba, masamang pinaghihintay ang pagkain?"
"Pareho lang 'yon. Dali na –" Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. "Alt?"
"Can I have at least have a hug from you?"
Napangiti siya at gumanti ng yakap dito. "You'll be fine." Tinapik niya ang likod nito. "Sometimes in life, we also have to face our fears for us to be fully happy. Kapag kasi patuloy natin 'yang tinatakbuhan at iniiwasan, it will forever haunt us. We will never be free. We will never learn to be genuinely happy."
"I know."
"Kaya okay lang 'yan. Normal 'yan sa mga teleserye. Gusto mo videohan ko pa kayo?"
Bahagya nitong pinaglayo ang mga katawan nila nang hindi inaalis ang mga braso sa baywang niya. Kunot na kunot ang noo nito sa kanya. "Minsan, iniisip ko talaga kung anong nakita ko sa'yo at minahal kita nang sobra?"
Natawa siya. "Alam ko sagot riyan, honey. Kagandahan. Nabaghani ka sa aking natural na kagandahan."
Sinilip-silip pa nito ang mukha niya. "Saan banda?"
Pinalo niya ito sa balikat. "Bwesit ka!" Tinawanan lang siya nito pagkatapos ay ninakawan ng halik sa pisngi.
"Hindi ko alam ang gagawin sa buhay ko kung hindi kita nakilala."
Napangiti siya.
Hindi niya rin alam ang gagawin kung sakaling mawala si Alt sa buhay niya. But one thing is for sure, it will really hurt as hell.
FOR 18 long years, he hasn't seen his mother's face. It felt surreal seeing her now at a close distance. Did he miss her? Did he still hate her? He couldn't really tell. Matagal na niyang inisip na hindi na muli sila magkikita ng ina. And that his parents never really cared for him. At siya lang talaga ang nag-iisip na baka nagtatampo lang sa kanya ang ama at may nagawa siyang mali kaya iniwan sila ng ina.
"Hi," bati niya rito.
"A-Alt..."
Agad niyang napansin ang pagkapahiya nito. Inayos nito ang nagusot na blouse at mahabang palda. Hinaplos ang maikling buhok na unti-unti nang napapalitan ng puting mga buhok. She look so different.
His mother used to be so beautiful in his memory pero tila binago ito ng taong lumipas. Maganda pa rin si mama but she looks so exhausted and stressed. She looks so unhappy. Para bang, matagal na simula nang huli itong ngumiti.
He heard everything from Scroll. Lahat ng mga pinagdaanan ni mama. Alam niyang naghirap ito nang sobra. And he hated the fact that the man she chose didn't take care of her. He hated his mother for choosing him over them, kung hindi ito sumama sa lalaking 'yon, hindi nito mararanasan ang ganoong hirap. Magiging masaya pa sana ito.
Everything would have been a lot better for her.
If Mama didn't leave.
"A-Anak..."
"Kumusta po kayo?" Hindi niya alam kung may emosyon ba ang boses niya o wala. Or he sounded heartless.
"Mabuti... mabuti naman... ikaw? Mukhang masaya kayo ng asawa mo." May mga luha sa mga mata nito pero mabilis nito 'yong pinupunasan. "Ang ganda-ganda pa ng bahay n'yo. Natutuwa akong makitang nasa mabuti kang kalagayan, anak. P-Pasensiya ka na, siguro, iniisip mong ang kapal ng mukha ko para magpakita ulit sa'yo. G-Gusto... gusto ko lang personal na humingi ng patawad sa'yo... sa kapatid at tatay mo." Sa huli ay hindi nito napigilan ang mga luha.
Nagsimulang manikip ang dibdib niya. He didn't know how to approach or console her. Para siyang bato na 'di mapilit ang sarili na gumalaw. He was stuck.
"Patawarin mo ako, anak. Alam ko na nasaktan kita... kayo. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Maiintindihan ko kung susumbatan mo ako ngayon. M-Magalit ka lang sa'kin. Tatanggapin ko 'yon. Huwag mong pigilan ang sarili mo."
Akala niya, mapipigilan niya ang sarili, but he was wrong. The pain was still there. The questions were still there. He needed answers.
"Galit ako," aniya, pigil ang sariling mga luha. His chest hurts just the same with his broken self. Bumalik lahat sa kanya nang pinagdaanan niya simula nang iwan siya nito. "M-Ma, bakit?" his voice broke. He hasn't used that word for a long time and it hurt so much.
"Patawarin mo ako, anak."
"Ma, bakit mo nagawa sa'min 'yon? Bakit mo kami iniwan nang ganoon lang? Alam mo ba kung gaano kahirap sa'kin 'yon? I felt betrayed. Ma, ginawa mong miserable ang buhay ko!"
Iyak lang nang iyak ito. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga. Ilang buntonghininga ang napakawalan para gumaan lang ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. But it never lessen the pain and the heavy feeling he has been carrying in his heart for years.
"A-Anak..." hagulgol nito.
"Minahal n'yo ba ako, Ma?"
"Mahal na mahal kita anak –"
"Pero bakit n'yo pa rin ako iniwan? Bakit n'yo pa rin pinili ang tang inang lalaking 'yon? Kung hindi mo pinili ang gagong 'yon, 'di sana may nag-aalaga pa rin sa'yo. 'Di sana, nakatira kayo sa magandang bahay. Hindi kayo naghihirap ngayon!"
"A-Alam ko..." Pinagdaop nito ang mga kamay sa harap habang iyak nang iyak. "Alam ko... mali ako... patawad..."
"I had no one." Naramdaman niya ang paglandas ng mga luha sa kanyang mga mata. He couldn't hide how hurt he was. "Papa hated me. His family blamed me for everything. I had to suffer it alone. 'Yong mga panahon na may sakit ako, walang nag-aalaga sa'kin. 'Yong mga panahon na wala na akong makain at ang hirap-hirap na, Ma. W-Wala akong malapitan. Wala akong mahingan ng tulong. Walang nagsasabi sa'kin na... okay lang 'yan, anak. Kaya mo 'yan. Buhay kayo ni papa, pero wala naman kayong pakialam sa'kin –"
Bigla siya nitong niyakap. Sa pagkakataon na 'yon, naramdaman niya ulit ang mainit na yakap ng ina. He couldn't stop crying. He was hurt but he couldn't deny the fact that deep in his heart, he had always longed for this day, kung kailan muli niyang maramdaman ang yakap ng mama niya.
He missed her... so much... that it hurt seeing how miserable she was.
"Anak, hindi totoo 'yan. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. At huli na ang lahat para sabihin ko 'to sa'yo pero walang araw na hindi kita inisip kahit na alam kong nasaktan kita sa naging desisyon ko. Pero naduwag akong balikan kayo dahil alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Naging makasarili at masama ang mama mo. Karma ko ang nangyari sa'kin."
He found himself hugging his mother back. Mahigpit pero hindi sa paraan na masasaktan niya ito.
"Mama..." he sobbed.
"Alt, anak..."
"Iiwan n'yo pa rin ba ako?"
"Hindi, hindi na, anak. Nandito na ulit si Mama. Hindi na ulit ako aalis."
"Mama..."
HINDI mapigilan ni Scroll ang mga luha habang tinitignan ang mag-ina. Kanina pa naninikip ang dibdib niya. She had never seen Alt cry like that. She had known him as a man who knew how to hide his emotions. He always acts strong and unbothered even though he was too broken inside. He had endured all those pain by himself.
Umakyat siyang muli sa attic.
Iyak pa rin siya nang iyak hanggang maupo siya sa gilid ng kanyang kama. Ayaw niyang maging selfish kay Alt. Mahal na mahal niya ito pero he deserve to know about her real condition. Ayaw niyang dumating ang panahon na magsisihan silang dalawa.
Naiyuko niya ang ulo.
"Gaya ng sinabi ko, Scroll. We can try a lot of options but we cannot asure na magiging madali sa'yo ang pagkakaroon ng anak." Although she expected to hear the same findings, para pa rin siyang pinagsakluban ng langit. Naninikip ang dibdib niya. Gusto niyang umiyak. Sana sineryoso niya ang sinabi ng doktor niya noon. "I suggest, you should tell your partner about your condition. Let us hear his side. Then, we will try all the ways para magkaroon kayo ng anak."
Noong una siyang bumisita sa isang OB, tinapat na siya nito na mas malaki ang chance na hindi siya magkaanak dahil nga masyadong irregular ang period niya. Hindi niya alam, pero nainis siya noon dahil masyadong insensitive ang doktora na 'yon. She didn't mind dahil wala rin naman siyang planong magkapamilya pa noon.
Nagpasama siya kay Link noong isang araw. She received the same findings, pero sinabi naman nito, they can try other fertility treatment options, pero hindi nga lang assurance na mabubuntis. It will really be difficult.
And she really wanted to bear Alt's child.
Na-fu-frustrate siya na baka hindi niya maibigay ang pamilyang deserve ni Alt. Naiinis siya sa sarili kung bakit may ganoon pa siyang kondisyon. Bakit hindi siya gaya ng ibang babae na madali lang mabuntis?
Iyak lang siya nang iyak.
Hindi niya talaga alam kung paano sasabihin kay Alt ang tungkol sa sitwasyon niya. Takot siyang makita ang dismaya sa mukha nito kapag sinabi niyang, baka hindi sila magkaroon ng anak. Ayaw niyang mapilitan ito. She also wanted him to be happy.
Paano pa niya mabubuo ang pamilyang pinapangarap nito?
"YOU'RE QUIET," puna ni Alt sa kanya. Naibaling niya ang mukha rito. Papauwi na sila ng bahay. Umuulan pa. Kanina pa ba siya tahimik? "May problema ba?"
Tipid siyang ngumiti. "Wala naman. Pagod lang siguro."
"Inaalagaan mo ba naman ang sarili mo?"
"I'm fine. Don't worry."
"Napapansin ko lang kasi... madalas kang tahimik nitong mga nakaraang araw."
"Ganoon ba?" Pinasigla niya ang mukha. "Hindi ka sanay? May mga panahon talagang 'di ako makulit. Stress lang siguro ako. Anyway, kamusta na ang mama mo?"
"She's staying with Skip right now. Bukas isasama siya ni Skip sa studio. Idol niya kasi raw si Crosoft." Napangiti siya sa nakikitang kislap ng mga mata at ngiti ni Alt. Pagkatapos ng araw na 'yon. Mas naging masaya ito. Mas dumalas ang ngiti. It was a totally different Alt. "Ewan ko ba kung bakit madaming umiidolo sa boss mong 'yan."
Natawa siya. "E kasi, scammer 'yon. Dinadaan ang mga tao sa pa cute at pagiging gwapo. Magulo naman kausap."
"I think, he already knows about us."
"Feeling ko din."
Biglang i-pinark ni Alt ang kotse sa gilid ng daan.
"Remember the one I said to you noong nasa simbahan tayo ng Boljoon?" Napatitig siya dito. Bigla siyang kinabahan. "Sinabi ko, let's get married when you're ready."
"Alt –"
"Pwede ko bang i-revise 'yon?" Sa gulat niya ay bigla itong dumukwang para buksan ang compartment sa harap niya. Namilog ang mga mata niya nang makita ang isang maliit na pulang kaheta ng sing-sing. "I want to try my luck this time."
Binuksan nito ang box at bumungad sa kanya ang isang napakagandang rose diamond ring. Namilog ang mga mata sa ganda nun. It was too beautiful. Pero hindi niya alam kung deserve niya ba ang sing-sing na 'yon.
"Alt –"
"Emari Scroll, will you marry me?"
Doon na bumuhos lahat ng emosyon niya. Naiyak na lang siya bigla. Lahat ng frustrations niya nitong nakaraang araw parang ngayon lang nag-sink-in sa kanya. All her failed attempts of telling Alt the truth were all replaced of her fear of losing him.
"Honey, what's wrong?" bumakas ang pag-aalala sa boses nito. Itinabi muna nito ang sing-sing para hawakan ang magkabila niyang mukha. She couldn't help her tears. "Tell me. You're making me worry."
"I-I'm sorry," aniya sa pagitan ng pag-iyak. Ibinaba niya ang mga kamay nito. She can see through his face that he didn't like what she did. "I'm sorry, Alt. But I-I can't..."
Kumunot ang noo nito. "W-Why?" He looks so lost. It pained her more to see him like that. "I-I don't understand. Akala ko ba –"
"Alt, listen." She tried her best to calm herself. "I know you have heard of this line a lot of times in movies. But believe me, it's not you, it's me. I need to be honest with you."
"That's bullshit, Scroll."
"Alt, please, makinig ka muna sa'kin. I want you to think about it. Pag-iisipan mong mabuti kung gusto mo talaga akong pakasalan –" Napaigik siya nang hampasin ni Alt ang manibela ng sasakyan.
"Ano bang dapat kung pag-isipan?!"
Her lips trembled from crying. Masakit na masakit na ang dibdib niya. "I'm sorry."
"Why do you keep on saying sorry, Scroll? Tell me what's wrong?! May nagawa ba akong masama?"
"Alt, I can't give you a child." Nanlaki ang mga mata nito. He looks so disappointed. Nasasaktan siya. "That's why I want you to think about it!" May diin ang bawat pagkakabitaw niya ng salita. "Ayokong dumating tayo sa punto na pareho nating pagsisihan ang desisyon na ginawa natin. I want you to choose the things that would make you whole and happy. I don't want to be selfish, that's why I want you to think."
"Scroll –" akmang hahawakan siya nito nang lumayo siya.
"Kaya mas mabuti sigurong, let's give each other space for now." Inalis niya ang seatbelt sa katawan. Lalabas siya kahit umuulan. She needed to get away from him before she regrets everything. "Kung ano man ang magiging desisyon mo. I'll respect it." Pilit siyang ngumiti rito. She was literally dying inside. "I'll let you go if that's what you want."
She yanked the door open and left Alt inside the car. She heard him call her name pero madali siyang nakapara ng taxi. Agad na sumakay siya roon, hindi alintana ang lamig dahil nabasa siya ng ulan. Iyak pa rin siya nang iyak.
At mula sa sidemirror ng taxi, nakita niya ang paghabol ni Alt sa kanya pero huminto rin ito at hinayaan ang sariling mabasa ng ulan.
Marahas na pinunasan niya ang mga luha.
It's okay, Scroll. You're a strong independent woman. It's okay to be single forever. But instead of making her feel better. It made the feeling worst. She missed Alt already. At alam niyang, araw-araw niyang mami-miss ito at iiyakan.
At araw-araw siyang magiging bitter sa buhay.
A/N: I'm sorry but I have to break your hearts for now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro