Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

SCROLL was awakened by Alt's soft and warm kisses on her exposed back up towards her shoulder. Inaantok pa siya though she could sense that the sun is already up kahit sa kabila ng mga nakababang kurtina ng kwarto.

"Sun's up, honey," he whispered sensually, it sounded so sexy in her ears.

Damn, ang aga-aga, Alt, tinutukso mo na naman ako. He didn't stop there. His slid one arm underneath her para magawa siya nitong yakapin pagkatapos nitong ilapit ang katawan sa kanya. She could feel the warm feeling of his body underneath the sheet. Malamang, kasi pareho silang walang damit sa ilalim ng kumot.

"Are you tired?" He rested his head on her shoulder.

"Ano sa tingin mo?" paos niyang balik tanong dito. Hindi pa rin niya magawang maimulat ang mga mata. She's still sleepy and tired.

Malakas ang loob nitong magpuyat kagabi dahil day off nito kinabukasan.

"Tinatamad na ako ngayong araw," he chuckled. "Dito na lang tayo."

"Kung matutulog lang ang agenda natin, I'm good. Pero kung hindi, babangon na ako mamaya, mga after one hour." Nakangiting pinihit niya ang sarili paharap dito. She hugs him this time and she comfortably leaned her head on his chest. "But for now, let's just stay like this. I missed you."

Bahagyang natawa ito. "Araw-araw naman tayong nagkikita."

"Kahit na, busy tayong pareho, sa umaga at gabi lang naman tayo nagkakasama, minsan kapag pumunta ako ng studio."

"We'll have more time together."

"Really?" Lalo siyang napangiti nang maramdaman ang matamis at mainit na halik nito sa kanyang noo. She loves it when Alt give her kisses on her forehead. Parang mas kinikilig pa siya roon kaysa kapag hinahalikan siya nito sa labi. But still, she loves it both.

"Open your eyes."

"Why?"

"I want you to look at me."

Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo rito habang unti-unting iminumulat ang mga mata. Binati siya ng magandang ngiti ni Alt. Those expressive and honest eyes of him that she really loves. Wala na, buo na ang araw niya kahit nagsisimula pa lang.

"Siguro madami nang nahumaling sa mga mata mo?"

"Why?" he innocently asked.

"You're one of those rare people in the world who have a deep set of expressive puppy-like eyes. It's too beautiful... and too honest."

"And it only sees you."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Pagod na ako, Al Timothy Flores."

Tawang-tawa si Alt sa kanya. Pinanggigilan tuloy siya nito ng yakap. "Why do you always find faults in everything I say?"

"Talino lang 'yan," nakatawa niyang sagot.

"Kaya hindi na naging boring ang buhay ko dahil sa'yo. Alam na alam mo kung paano ako pangitiin at patawanin."

"Alam mo ang tawag diyan, Alt? In love ka lang talaga sa'kin kaya kahit walang kwenta joke ko, natatawa ka pa rin."

"Hindi naman sa lahat. Minsan din talaga, 'di ko na naiintindihan mga joke mo."

"Gaano kadalas ang minsan?"

"Hmm, mga, araw-araw?" he was suppressing a laugh and the angst of this man, 'di man lang talaga itinago na natatawa ito. He was literally making fun of her.

"Wow, ha?!" napamaang siya.

"But most of the time, I always want to stand next to you, kahit na hindi mo naman ako pinapansin." Naipikit niya ang mga mata nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. They shared a short but sweet kiss that made both of them smile after. "For me –" Hindi na nagawang maituloy ni Alt ang sasabihin nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid.

"Good morning, kuya! I'm hom –"

Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang gulat na mukha ni Skip. Halatang hindi rin nito inasahan ang makikita. Shuks! Napangiwi siya sa isip nang ma-realize kung gaano ka awkward ang tagpong 'yon. Unti-unti niyang ibinaling sa ibang direksyon ang mukha saka nagtalukbong ng kumot.

"Skip?!" gulat na tawag ni Alt sa kapatid nito.

Nakakahiya!

Skip caught them in a very naughty situation.

Feeling niya tuloy nasa drama sila. Mag-boyfriend sila Alt at Skip. Siya ang kabit ni Alt. Fistea! Ang awkward.

"I don't understand? What the hell is happening here? Why are you sleeping together? Scroll? Akala ko ba –"

Skip is gay but he doesn't really sound one. He doesn't speak like one and he doesn't dress like how other perceived gays should wear and act. In short, pareho sila ni Crosoft.

Lalo siyang napangiwi. Tang na juice! Naalala niyang may sinabi pala siya kay Skip noon na hinding-hindi siya magkakagusto sa kuya nito.

"Fuck, Skip, what the hell are you doing here? Basta-basta ka na lang pumapasok sa kwarto ko. Don't you know how to knock?"

"For pete's sakes, I'm your brother. You gave me keys. At lagi naman talaga akong pumapasok sa kwarto mo para gisingan at sigawan ka." Sandali itong natahimik. Nag-iisip yata. Bahagya niyang ibinaba ang kumot para masilip ito. Pero mukhang wrong move. Iba ang tingin na ibinibigay ni Skip sa kanya. "Emari Scroll Catapang," tawag nito sa buong pangalan niya na tila ba may nagawa siyang malaking kasalanan. Well, technically, she has a lot to explain to Skip.

"I can explain," aniya.

"You should be."


"SO kayo na nang kuya ko?"

Tumango siya. Nasa attic sila ni Skip. Lumabas lang saglit si Alt. May bibilhin lang daw. Niyaya niya itong mag-usap sa attic para hindi sila marinig ni Manang Rosa. Kanina, he was looking at her ongoing works. As usual, nilalait na naman nito ang mga creations niya.

Natawa si Skip pagkatapos. "May pa confession ka pa sa'kin na crush mo ako pero dahil 'di mo ako makuha, si kuya na lang pinalit mo."

"Hoy! Grabe ka. Wala naman 'yan sa plano ko."

"May pa sabi ka pa noon na hindi mo gusto ang kapatid ko at hinding-hindi ka ma-i-in-love sa kanya. Ano na? You just eat all your words, Scroll. You even slept with my brother. No, let me correct that, made love."

Nag-init ang kanyang mga pisngi. Nahihiya siya kay Skip. Of course, he's Alt's brother. Hello, malinaw pa sa memorya niya ang kaartehan niya noon. And yes, she did like Skip more than Alt. Skip was her ideal man, her crush, pero bakla nga ito so she gave up believing she can be a part 2 of CamSoft.

But they're good friends.

Mas close pa kaysa ni Alt noon. You see, bilog talaga ang mundo. Madalas ang mga ayaw natin noon ay siya ring magugustuhan natin sa hinaharap. Kaya nga, huwag magsalita ng patapos. Baka kainin lang din natin lahat ng mga sinabi natin sa susunod.

"I've heard everything from Cam." Close din sila Skip at Ate Cam. Pero mas inasahan niyang si Crosoft ang magbabalita kaysa sa huli. Pero sa dalawa. Mas panatag siya sa tsismis na hatid ni Ate Cam kaysa ni Crosoft. She doesn't trust her boss's talent in storytelling. "At first, akala ko magiging platonic lang ang relationship n'yo, so I didn't mind. Knowing what you have said to me before. Naniwala talaga akong walang malisya sa pagitan n'yong dalawa."

Tinignan siya ni Skip.

"After all those hate relationships between the two of you, sa huli, mamahalin n'yo lang din pala ang isa't isa." Natawa siya. Hindi niya rin talaga inasahan 'yon kay Alt at sa sarili niya. "Have he proposed?"

"I don't know. Pero sabi niya, let's get married when I'm ready. Propose na ba 'yon?"

"Ano sa tingin mo?"

"Yata?" Hindi pa siya sure sa lagay na 'yon, ha? "I don't know. Hindi pa kasi namin napapag-usapan ulit."

"Alam mo, Scroll. Sa aming dalawa, mas malaki ang pagpapahalaga niya sa salitang pamilya. He love kids. He like to build his own family. That's why, he made this house. Naalala ko pa noon, sabi niya, ang bahay na 'to ang magbibigay sa kanya ng totoong saya at pamilya."

Skip had a bittersweet smile on his face. Ramdam niya ang emosyon ng bawat salitang binitawan nito.

"We don't often see each other. Simula nang magseryoso ako sa gusto kong gawin. I left him here. Alone. Again." He sighed. "Hindi rin talaga ako naging mabuting kapatid sa kanya. Nang malaman ni papa na bakla ako, nagalit siya sa'kin, he almost disowned me, umuwi ako ng Pilipinas para humanap ng kakampi. Alt took care of me kahit na siya mismo, nahihirapan ding buhayin ang sarili. I was a spoiled brother to him but I never heard him complain. Kahit na madalas, sakit sa ulo lang ang ibinibigay ko sa kanya."

"It's because he loves you."

"I know," malungkot itong ngumiti, "he loves me too much, too much, that often times, I realized how unworthy I am."

"Malaki lang talaga ang puso ng kuya mo. Huwag mo nang i-overthink, he loves you, period."

"And if he loves you, then I'll support him. I also wanted him to have his own family." Iginala nito ang tingin sa buong silid. "Masyadong malaki ang bahay na 'to para sa isang tao." Saka sa kanya. "I would be happier if you can make my brother's dream family come true."

Ngumiti siya.

Pero sa pagkakataon na 'yon, sa kabila ng ngiti niya, may nabubuong pangamba sa puso niya. Tila ba may kinalimutan siyang bagay sa nakaraan na hindi niya na ulit pinagtuonan ng pansin sa ngayon. It's making her uncomfortable.

"But anyway, kaya ako umuwi ng Pilipinas," pag-iiba nito.

"Ha?"

She suddenly felt at lost with their conversation. Kinailangan pa niyang i-replay lahat sa isip ang mga napag-usapan nila para maintindihan niya si Skip pero talagang, nawawala siya, 'di niya mabuo-buo ang topic sa isip niya.

"I received your message."

Namilog ang mga mata niya. "Anong message?"

"Have you forgotten? You asked me a favor." Naningkit ang mga mata niya. Favor? Teka, wait! Scroll, focus. "Kung magagawan ko ba ng paraan para magkausap si kuya at si papa."

"Wait, what?!" gulat na react niya. "Na send ko ba 'yon sa'yo?"

Sa naalala niya, hindi niya nagawang ma-i-send ang message na 'yon kay Skip. Paanong?

"Scroll, lutang ka na masyado." Ipinakita nito ang message na natanggap nito sa cellphone mula sa kanya. "See? I was in Paris when I received your message. I flew immediately here to talk about this personally with you."

"Wow, from Paris?"

"Mayaman ako, huwag kang basag trip."

Natawa siya. "E, kumusta naman ang asawa mong si Jeymes at ang anak n'yong si Milan?" Milan is Skip and Jeyme's daughter. The couple conceived the child through a surrogate mother. "Iniwan mo rin e. Saya-saya mong mag-travel mag-isa."

"Iniiba mo usapan, Emari Scroll."

"Oo na, I accidentally sent it," amin na niya. She had no idea, how it happened, pero baka nga, na send nga unintentionally. "So, sa tingin mo, may chance na magkausap sila?"

Bumuntonghininga si Skip. "Siguro?" he then shrugged his shoulders. "We can try."

"Hindi naman siguro tayo itatakwil ni Alt pagkatapos?"

"I doubt."

Napatingin sila sa isa't isa.

"Hmm?"

"You see, I don't think, Alt still hates our father. Si papa lang talaga ang ma pride."

"Sana nalulunok ang pride. Kaso mahirap kapag bareta. Sana powder." Nakahanda na ang tawa niya nang paningkitan siya ng mga mata ni Skip. "Oy, tatawa na 'yan."

At natawa na talaga si Skip sa sinabi niya. "Bwesit ka, seryoso ako, Scroll."

"Seryoso rin ako, oy! Grabe 'to."

Skip sighed again but this time, nakangiti na ito. "I will try."

"Thanks."

"You must really be special," mayamaya ay basag ni Skip.

"Why?"

"Alt never let me stay in this room."

Namilog ang mga mata niya. "Seryoso?"

Nakangiting tumango ito. "Attic is meant to someone, I guess?" He shrugged his shoulders. "Someone special? Someone like you?"

Natawa siya. "Gusto mo ng gunting?"

"Oo, puputilin ko na 'yang buhok mo."


"OUCH!"

Napangiwi si Scroll nang matusok sa karayom. Automatic na dinala niya ang natusok na daliri sa bibig para sipsipin ang dugo.

Sakto namang pumasok si Link.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong agad nito.

Inalis niya ang daliri sa bibig. "Natusok lang. Malayo sa bituka."

"Alam mo, may napansin ako sa'yo ngayon, parang may malalim kang iniisip." Napatingin siya sa pinsan. "Kanina, habang papasok ka ng boutique, diri-diretso ka lang, kung 'di ka pa pinagbuksan ni Kuya Noel, baka may bukol ka na ngayon." Si Kuya Noel, ang guard ng Emari.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Sa totoo lang, hindi siya okay. May bumabagabag talaga sa kanya. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinabi ni Skip sa kanya.

I would be happier if you can make my brother's dream family come true.

Bigla siyang nanghina at napaupo sa silya.

"Naalala mo noon, Link..." basag niya.

"Ang ano?"

"Noong nagpasama ako sa'yo sa OB."

Nang magtama ang mga mata nila, alam niyang, pareho na sila ng iniisip ng pinsan niya. Namilog ang mga mata nito na tila ba, may narinig itong masamang balita. She had to visit an OB dahil sa pagiging irregular ng period niya. Nasa lahi talaga nila 'yon, sa father side.

Napabuntonghininga siya. "Hindi kasi ako mapakali. Siguro dapat akong magpa-check-up ulit para sure."

"Hindi ba, dapat magpapa-second-opinion tayo noon pero kinailangan mo nang bumalik ng New York kaya 'di tayo natuloy. Hindi ka na ba nagpa-check-up doon?"

Umiling siya. "Hindi. I don't know. In-denial siguro ako that time. O takot lang akong marinig na baka, pareho lang din ang magiging findings ng doctor sa'kin. Actually, now that I remember it, I feel uncomfortable. Feeling ko, niloloko ko lang sarili ko, pati na rin si Alt."

Lumapit si Link sa kanya para tapikin siya sa balikat.

"Gusto mo samahan kita? Pa second opinion tayo."

She saw the concern on her face. Wala pa siyang pinagsasabihan nun. She literally forgot about it. Inisip niya kasi na baka, mali lang ang findings ng doktora sa kanya. And she was still young at that time. Her focus was on her dreams.

Pero sa pagkakataon na 'yon.

She was no longer the happy go lucky, Emari Scroll. She now wanted to have her own family with Alt. Pero natatakot siyang, baka mabigo lang niya ito. She feared to see a disappointment on his face.

"I-I don't know," mapait siyang ngumiti. She feels indifferent. Lost with all the right reasons to think. "I'm scared."

"I'm sure, we have other options."

"But what if, wala?"

"Kaya nga, we will consult."

"I would really hate myself if –" Niyakap siya ng pinsan.

"Don't overthink, okay? We will find ways. Don't pressure yourself. Madami pa tayong options. Let's not conclude yet."

"But what if..."

Hinawakan siya sa magkabilangbalikat ni Link. Pilit nitong hinuli ang kanyang mga tingin.

"What if merong paraan?" Malalim siyang bumuntonghininga. "Huwag ka ngang nega. Wala sa lahi natin ang weak. Laban lang. Huwag mo masyadong i-pressure ang sarili sa mga bagay na hindi pa naman natin alam kung totoo o hindi. Remember, 90 percent of our worries are not true. Smile!"

Pilit siyang ngumiti. "Link..." 

"Not that smile."

Humugot siya nang malalim na hininga at bumuntonghiningang muli. Sa pagkakataon na 'yon, ngumiti na siya nang totoo.

"Huwag kang mag-alala. Everything will be fine." Niyakap siya nito ulit. "Kung ano man ang pangarap na gusto ng honey mo. Alam kong matutupad mo 'yon."

Sana nga.

Please, Lord.

She doesn't want to worry. She wanted to be hopeful. Sana, mali siya. Sana, pwedeng magkamali ang findings ng doctor.

She will really be heartbroken.

Bigla namang tumunog ang cell phone niya. Mabilis na inabot niya 'yon mula sa mesa. Peter's name showed on the screen. Agad na sinagot niya ang tawag. 

"Peter?"


A/N: Keep safe, stay at home, read and flood comments. Love lots!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro