Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

SCROLL just fell asleep like that. 

Hindi tuloy mapigilan ni Alt na mapailing at matawa nang mahina. Kahit kailan talaga, this woman never fails to amuse him. Tumigilid siya ng higa at humalukipkip. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapangiti habang tinititigan ang maamo at magandang mukha ni Scroll.

Malalim na ang paghinga nito, tanda na tulog na tulog na talaga ito. Pagkatapos siya nitong harass-in ay tinulugan lang siya nito.

Only his Scroll can do that to him.

"You dare to sleep by yourself," aniya sa magkahalong amusement at sarkastikong tono ng boses. "Sa susunod 'di na kita patutulugin."

Ilang segundo pa niyang tinitigan ang mukha nito na tila ba nanood siya ng isang magandang pelikula. He could stare at her all night and he wouldn't get bored. Umangat ang isang kamay sa ulo nito. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.

"You must be so tired today."

Inabot niya ang cell phone sa bedside table at kinunan ito ng mga stolen photos. After a while, puro scan na lang ang ginawa niya sa photo gallery ng cell phone niya. He had kept photos of her in his phone. Most of those photos are taken secretly. That's one of the reasons why he never let anyone borrow his phone.

He also has his own little secrets to keep.

Naibaling niya ang mukha sa mahimbing pa ring natutulog na si Scroll sa tabi niya. Itinabi na niya ang cell phone. Iniwan niyang nakabukas ang isang lamp shade bago umayos ng higa sa tabi nito.

He gently pulled her closer and let her head rest on his arm. Pinayakap niya ito sa kanya as she snuggled to him. Itinaas niya ang kumot hanggang sa balikat nito at mahigpit na niyakap.

"Good night, hon," bulong niya sabay halik sa noo nito.

For the past few months, his nights are no longer as sad and quiet as it used to be. Bringing Scroll in this house feels like he already found his home.



SCROLL was in the middle of taking out the pins of the dress she's making na siyang suot ng fitting mannequin, when she felt her hair was moved from her right shoulder to her left. Natigilan siya nang maramdaman ang isang mainit na halik sa kanyag leeg at balikat kung saan inalis ang kanyang buhok.

Agad na pumulupot ang isang pares ng kamay sa kanyang baywang. Agad niyang naamoy ang pamilyar na bangong 'yon. Napangiti siya.

Alt rested his head on her shoulder after.

"Uunahin mo pa rin ba 'yan kaysa sa akin?" may pagtatampong tanong nito.

Natawa siya at pinagpatuloy ang ginagawa. "Malapit ko na 'tong matapos."

"Nakalimutan mo bang may date tayo ngayon?"

"Hindi po," nakangiti pa rin niyang sagot, "hinihintay lang kitang dumating." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Agad na hinarap niya ito. "Wow!" Hindi niya napigilan na pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look the same."

Tawang-tawa ito sa kanya.

"Akala ko naman mag-e-effort ka?"

Alt is in his usual outfit. Black shirt, black jeans at black sneakers. Alam niyang dala nito ang sombrero nito at iniwan lang muna sa kotse nito. Maliban sa itim din nitong wrist watch ay wala na itong accessories sa katawan.

"Akala ko rin ba tanggap mong ganito talaga ako manamit?" Inabot nito ang tape measure na nakakwentas sa mannequin. "By the way, how do you use this?"

Kumunot ang noo niya.

"Ha?"

Hindi naman tanga si Alt. He surely knew how to use a tape measure.

Alt moved closer to wrapped the tape measure on her waist. Lumayo ito nang bahagya sa kanya pagkatapos. Which she find weird. Bago paman siya makapag-react ay bigla nitong hinila ang dulo ng tape measure na hawak nito dahilan para mapasama siyang mahila palapit sa katawan nito.

She fell directly in his arms. Literally, sumubsob talaga siya ng yakap kay Alt dahil sa ginawa nito but he held her securely in his arms. Bago pa ulit siya maka react ay bigla na lamang siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Napakurap-kurap siya sa gulat. Hindi yata siya huminga ng ilang segundo.

Nanlambot ang mga tuhod niya nang kumalas ito sa kanya. Akala niya matutumba siya, mabuti na lang may natira pang lakas ang mga tuhod niya. Agad na naramdaman niya ang pag-akyat ng init sa mga pisngi.

Hindi naman siya na inform na may bagong gamit na pala ang tape measure sa buhay.

"Let's go."

Pakjuice! Pagkatapos siya nitong i-tape-measure, let's go agad?

"Hello, naka dress po ako?" angil niya. Umikot pa siya paharap dito. For goodness sake! She's wearing a floral off-shoulder yellow dress pero ang boyfriend niya parang nasa bahay lang.

Iginala nito ang tingin sa paligid. There are a few racks for clothes around her working room-slush-office in Emari. Iilan doon ay suot pa ng mga mannequins. Bigla siya nitong iniwan at lumabas ng office. In less than 3 minutes ay may dala na itong damit.

"Change," inabot nito sa kanya ang mga damit.

"You want me to change?"

He nodded.

"Then you change as well." Ngumisi siya. Kumunot ang noo ni Alt. "May couple's shirt ako."

"No –"

"O, yes! Wait."

Mabilis na kinalkal niya ang laman ng pinakamalaking drawer sa ilalim ng mesa niya. She had it customized and design it by herself. It was a black and white couple's shirt. Naka wrap and fold pa 'yon sa plastic. Nang mahanap ay binalikan niya si Alt at ipinakita ang mga t shirt.

"Tadan!"

At nang sa tingin niya ay tatanggihan siya nito nang makita ang design ay namilog lang ang mga mata nito at tawang-tawa pagkatapos.

"Seryoso ka ba?" tanong nito.

Tawang-tawa pa rin ito.

Itim ang t shirt nito na may naka print na bold letters of his name ALT. Hers, isang white shirt na may print na +3. Kaya kapag magkatabi sila it will form as ALT + 3.

"Hoy, nag-effort ako rito ah." Marahas na ibinigay niya rito ang t shirt nito. "Suotin mo 'yan. Walang basagan ng trip."

"Hindi halatang pinag-isipan mo 'to ah."

"Bahala ka, basta suotin mo 'yan."

"Sino ba may sabi na tatanggahin kita?"

"Wala, kasi we will suffer together."

"You're cute."

"Hindi ako cute, maganda ako."

"Then, you're beautiful. Madali naman akong kausap. C'mon, let's change, together?"

She sticks her tongue at him. "In your dreams!" Tawang-tawa lang si Alt sa kanya. Naniningkit na ang mata sa sobrang pagka-aliw. 



'YON ang unang pagkakataon na lumabas sila for an official city date. They watched a movie and eat out. They stroll in the park and talk about life and dreams. Mas nakilala niya nang husto si Alt. She appreciates him even more. Sobrang na realize niya ang ka manhidan niya. 'Di sana, matagal na siyang may love life kung 'di lang siya tanga.

But still, maybe, this was the perfect time to fall in love.

And Alt to open up his life.

Nang makauwi sila sa bahay ay agad siyang umakyat sa attic para kumuha ng damit at makapag-hot-shower sa second floor. Nakabihis na siya ng cute pink pajama terno niya nang umakyat si Alt sa attic. Naabutan siya nitong nagpapatuyo ng buhok gamit ng tuwalya habang nakasilip sa labas ng bintana.

Lumapit ito sa kanya at sumilip din sa tinitignan niya.

"Ang daming bituin ngayon, 'no?" basag niya habang nakangiting nakatingin sa malawak na kalangitan.

"I know a better place for stargazing."

Sinundan niya ito ng tingin nang umalis ito sa tabi niya. Humila ito ng upuan at inilipat 'yon sa gitna ng silid. Pumatong ito roon at may kung anong hinawakan. It was a small wooden grip handle na akala niya wala lang talaga. Gamit nun, Alt slid a portion of the ceiling on his right at bumungad sa kanila ang glass ceiling na sinunod nitong buksan.

Namilog ang mga mata niya.

"Seryoso?" Lumapit na siya rito. Sumilip siya sa nakabukas na ceiling. Lalo siyang namangha nang makitang mas maganda ngang mag star gazing sa bahaging 'yon ng attic. Who would have thought? "Ano ba 'tong bahay mo Al Timothy?"

Alt chuckled. "Do you want this glass ceiling closed or not?"

"Isarado mo na lang, lalabas ang aircon, pero 'di literal, ha?"

"Okay." Isinarado ulit nito ang sliding glass ceiling or window kung ano mang tamang term na 'yon. Pagkatapos ay bumaba na sa upuan at itinabi 'yon. "I used to look at the sky a lot kaya pinagawa ko 'to sa attic. Distressing, kumbaga."

"So minsan, sa attic ka rin natutulog?"

"I usually sleep in the attic."

"Pero nang dumating ako, doon ka na sa ibaba?"

"Ako nag-adjust, kakahiya naman po kasi sa'yo."

Natawa siya. Pinalo niya ito sa braso. Tinawanan lang siya ni Alt. "Loko ka talaga! Sinabi ko bang mag-adjust ka?"

"Hindi, gusto ko lang na hayaan ka sa mga bagay na magpapasaya sa'yo."

She smiled. "Thank you."

"Basta ikaw, malakas ka sa'kin. Wait here." Lumapit ito sa kama at nilipat ang foam sa sahig kung saan nakatapat ang glass ceiling. Pinagpagpag nito ang mga unan bago ipinatong sa foam. "Bed is better than the grass in my front yard. You can leave one lamp shade on kung ayaw mo ng madilim."

"Sa ibaba ka ba matutulog ngayon?"

Nagtama ang mga mata nila. "Do you want me to stay here?"

She can see through his eyes the hope of her saying yes. And even if he wouldn't hope, she would still want him to stay.

"Stay," may ngiting sagot niya, "ang laki ng bahay tapos magkahiwalay pa tayong matutulog."

Lumapit na muna siya sa closet para kunin ang baby cucumber pillow na gawa niya. Kalahati ng katawan niya ang haba nun. Medyo chubby at super fluffy. Parang hotdog pillow lang.

Kunot na kunot ang noo ni Alt nang makita ang yakap niyang unan.

"Ano na namang kabaliwan 'yan Scroll?"

Ngumisi siya. "I like long..." she paused for a while just to tease him, "pillow."

Iniharap niya ang cucumber pillow rito. Tawang-tawa siya sa gulat na reaksyon nito. Para bang gusto nitong sabihin sa kanya, bakit ko ba mahal ang babaeng 'to? Sorry, Alt, no return, no exchange po tayo rito.

Imbes na cartoon face na mukha ni cucumber pillow ay nilagyan niya ng frame kung saan nilagay niya ang picture ng seryosong mukha ni Direk Al Timothy Flores. 'Yong mukhang itatapon ka sa basurahan.

"Gwapo mo riyan, 'di ba?"

Napailing lang ito sa kanya. "Kailan mo pa 'yan ginawa?"

"Bago lang, kaso tinago ko lang at baka mabwesit ka na naman."

Humiga na siya na kutson na yakap ang pipino pillow niya. Hindi na nawala ang ngiti niya dahil sa tatlong bagay na mayroon siya sa mga oras na 'yon. Ang pipino niyang unan. Ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit. At ang lalaking willing siyang pakasalan kahit ano mang oras.

Tinapik niya ang space ng kama sa tabi niya. "Mahiga ka na."

"Inaantok ka na?" Tumalima naman agad ito.

"Oo, pero pwede pa akong makipagkuwentuhan sa'yo kung gusto mo."

Magkatabing nakatingala sila sa kalangitan. "Ano pa bang pwede nating pag-usapan?"

"Curious lang ako, paano kung willing makipagkita sa'yo ang mama mo at mag-sorry siya sa'yo? Would you give her the chance?" Natahimik ito. "Alam ko na mahirap gawin pero what if lang naman, magtagpo kayo ulit, anong gagawin mo?"

"I-I honestly don't know," mahina nitong sagot. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Talking about her now, I'm feeling indifferent. I haven't spoken to my father for years. And I haven't seen my mother for more than a decade now. Kaya 'di ko sigurado kung ano nga ang mararamdaman ko."

"What about Skip? Don't he want to see his mother?"

"I don't know. And I don't think, gusto rin kaming makita ni mama. If she loves us, she shouldn't have left us." Alt sighed. "Pero minsan, naiisip ko, if mabibigyan ako ng pagkakataon na makita ulit siya, ayokong magalit nang husto sa kanya, gusto ko lang talaga itanong sa kanya kung totoo ba talaga 'yong pagmamahal na ipinakita niya sa amin noon. Siguro, kahit papaano, magiging okay ako, Scroll. I guess, knowing the truth would somehow allow me to forget the past and dwell only in the memories that brought genuine happiness in my childhood."

Naibaling niya ang tingin dito.

Alt had a bittersweet smile on his face. 

"Gusto ko rin makausap ang papa ko bago man lang ako ikasal. I have a lot of things to talk with him. If you'll ask me if I hated them?" He glanced at her. "I did. Half of my life I spent hating them. But when God gave me a reason to stop hating my life, I realize that I don't want to die alone and to live broken forever. I want to fix my life and pick up all the pieces that would make me whole again."

"You should," inabot niya ang isang kamay nito at masuyong pinisil 'yon. "You deserve to know the truth Alt. If it would lessen the pain, do it."

Niyakap siya nito. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. "I will. Soon."

"Alam mo, sabi nila, trust is like a fragile glass. You can try fixing it but you can never bring back the same beauty it had before it was broken into pieces. I also believe that, in life, sometimes, what brokes us, makes us stronger. If we put it in a positive perspective, brokenness means braveness. Scars mean, we survived. And it's when you know how great your heart is when you learn that you can forgive those people who have broken you inside."

Humigpit ang yakap niya rito.

"At hindi ako magsasawang sabihin sa'yo na proud ako dahil sa kabila ng mga pinagdaanan mo sa buhay. You remained the same kind and adorable Alt that God wants you to be. And I believe, your kind heart will be rewarded with more than you could ever ask for."

"HE already did."

Umangat ang mukha niya rito. "Talaga?"

"Of course," he smiled.

"Ako ba 'yan?"

"Ano sa tingin mo?"

"I think, it's sino ba sa tingin mo?"

She cupped his face and kiss him. Halatang nagulat ito sa ginawa niya but when she felt him smile while kissing her back. She knew Alt was up for the challenge. And when he moved on top of her. She immediately threw her arms on his neck as they both deepened the kiss.

Parehong may kumawalang ungol sa mga bibig nila. They nibbled and suck each other's lips. Explored every corner and taste each other's sweetness. Nagsimulang maglikot ang mga kamay niya. Humaplos sa likod at balikat nito. And when she felt Alt's warm hand inside her pajama blouse tila may kilabot siyang naramdaman. Lalo na nang humaplos ang mainit na palad nito sa impis niyang tiyan papunta sa gilid ng kanyang baywang paakyat sa kanyang dibdib. And when she heard the snap of the hook of her bra's lock, nagising siya bigla sa kabaliwan niya.

Bahagya niyang naitulak si Alt. Pareho nilang habol ang hininga. She couldn't properly think at the moment. Lust is consuming her thoughts and body. And she could see the same want and longing in Alt's eyes despite the dim light of the room.

"Teka lang, bago natin ituloy." Talagang may ganito pa Scroll? "Sinasabi ko sa'yo, first time ko 'to kaya huwag kang madahas."

Alt chuckled. "Nanonood ka ba ng mga love scene sa mga palabas?"

"Oo, madalas sabihin ng mga lalaki, I'll be gentle. Sasabihin mo rin ba 'yon mamaya?"

Now, Alt is so amused at her. Usually sa mga ganitong eksena, men tend to be sexy, hot and possessive pero sa kaso ni Alt. There is too much cuteness in how his eyes sparkle with genuine amusement.

"Porke ba't direktor ako pati sa ganitong bagay gagawin kong drama?"

"Wala, naisip ko lang naman. Na offend ka?"

"Hindi naman. Naisip ko lang na kahit sa anong sitwasyon, palagi tayong nagiging rom-com dahil sa mga hirit mo. Can we just make love in peace?"

"Nag-aaway ba tayo?"

"I don't think so –" She cut him off nang bumangon siya para pagpalitin ang posisyon nila. "Scroll!" Walang sabi-sabi na hinubad niya ang t shirt nito. Tawang-tawa siya sa pa virgin na reaksyon ni Alt.

"Ang bagal e. Dali na. Hinubad mo na hook ng bra ko." Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng pajama blouse niya. "Let's star –" Bago paman siya matapos sa ginagawa ay naipagpalit na ulit nito ang posisyon nila.

Nagtama ang mga mata nila.

"Let me handle this," seryosong sabi ni Alt.

Sa pagkakataon na 'yon tila nagbago ang aura nito. He's serious but teasing. And even the sound of his deep and partly hoarse voice sounded sexy in her ears. Bumaba yata ang temperatura sa silid.

"Seryoso ba talaga tayo dito?" nakatawa niyang tanong.

"You already undress me, Scroll."

"So?"

"Should we stop?"

"Of course not!"

"I agree."




A/N: Haha! Ang kulit. Happy weirdy weekend, weirdies. Don't forget to comment. Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro