Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"I DIDN'T know you're into this kind of story, Alt."

Kahit hindi iangat ni Alt ang tingin alam niyang si Crosoft 'yon. Naupo ito sa tabi niya. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.

"Bakit 'di ka pa umuuwi?" tanong niya.

"Hinihintay ko si Cam. May meeting lang siya sandali." Sandali itong natahimik. "Ganito ka ba mag-move-on? Nagbabasa na lang ng mga kabit themed novels?" Tumawa ito pagkatapos.

"I'm reading because this book will be adapted as a TV Movie." Isinirado niya ang libro gamit ng isang kamay at itinabi muna 'yon. Ibinaling niya ang mukha kay Crosoft. "Sinisira mo momentum ko, alam mo ba?"

Tinawanan lang siya nito lalo. Ano pa bang makukuha niya sa isang Crosoft D'Cruze? Wala. Mahirap na nga kausapin. Madalas pang puro kalokohan alam. Sometimes, he wonders, why and what did Bria saw in this man? Nag-wa-wonder pa rin siya kahit alam na niya ang sagot.

"Miss mo na si Scroll?" pag-iiba nito.

"Nagpapakasaya na 'yon kasama ng nobyo niyang kano."

"I sense a strong distress in your voice."

"Itigil mo na ang pambubugaw mo sa aming dalawa. Scroll and I aren't what you think of. At hayaan mo na siya sa kung anong gusto niya. Matanda na siya para pagsabihan. Alam na niya ang tama sa mali."

"Alam mo kung bakit single ka pa rin? Maliban sa nakakasuka mong sense of fashion ay masyado kang tradisyonal. Loosen up a bit, Alt. Wala na tayo sa panahon kung saan dadating na lang ang pag-ibig at hihintayin mo na lang 'yon. Pero feeling ko hindi naman talaga nag-e-exist ang panahon na 'yon." Kumunot ang noo niya. Ano na namang pinagsasabi nito? "Kailangan naman kasi may effort kapag may gusto kang tao, 'di ba? Pinaghihirapan mo at ipinaparamdam mo sa kanila ang pagmamahal na 'yon."

"Saan na naman papunta ang usapan na 'to Crosoft?" The last time na nag-usap sila. Nagbaliktanaw sila sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Baka naman sa pagkakataon na 'yon, tatalakayin naman nila ang buhay ni Andres Bonifacio.

"What I'm saying -"

"Nag-effort naman ako kay Bria, bakit hindi pa rin ako ang pinili niya?"

"Kasi ako ang mahal niya?"

"Kaya nga, kahit na mag-effort ka, kung 'di naman ikaw ang mahal, hindi pa rin ikaw ang pipiliin. Stop romanticizing the reality of love. If it's not for you, then it will never be for you - ouch!" Langya! Binatukan pa siya ng loko. "What the hell?!"

"Gustong-gusto kong ibuhos sa'yo ang isang balde ng kumukulong tubig para matauhan ka. Alam mo tawag diyan, Alt? Ka-bitteran sa buhay. Ipagpatuloy mo 'yan at ang makakatuluyan mo ay import sa puno ng balete." Marahas na bumuntonghininga ito. "Sarap mong kutusan. Nanggigil ako sa'yo!"

"Bakit mo ba kasi pino-problema ang love life ko, ha?!"

"Na set na sa utak ko na kayo ang bagay ni Scroll."

"So kami mag-a-adjust?"

"Parang ganoon na nga."

"You're weird."

Bumungisngis ito. "I know."



GUSTO na yatang pagsisihan ni Scroll na sumama pa siya kay Lewis na mag-bar. She didn't know he's into this. Pinilit pa siya nitong magpalit ng mas revealing na damit kanina which hindi siya comfortable. Hindi siya mahilig mag-bar at lalo na mag-PDA. Though, she was not new to this. Talagang sa US, liberated ang mga tao. 'Yon lang talaga ang hindi niya na adapt nang nasa New York siya.

She's wearing a sexy velvet backless - halter dress na hanggang itaas ng tuhod niya ang cut. She matched it with her lace up black stilettos. Nakapatong kanina ang itim niyang blazer but Lewis told her to left it in the car.

Hindi na rin siya okay sa madalas na paghimas nito sa nakalantad niyang legs at paghalik-halik nito sa exposed rin niyang mga balikat. Dapat nasa adjustment stage pa sila dahil ilang araw pa lang naman simula nang magkita sila ng personal. This is really not what she imagined him to be. Hindi niya inasahan ang wild side nito.

"C'mon, Emari, let's dance!" Pilit siya nitong hinila papunta sa gitna kung saan malanding nagsasayawan ang halos lahat. "Loosen up, babe!" sigaw pa nito dahil halos hindi na sila magkarinigan sa lakas ng music sa loob. Hinapit siya nito sa baywang. Halos maramdaman na niya ang pagkalalaki nito. Bwesit! Hindi na talaga siya natutuwa. "We'll gonna have fun later," bulong nito sa tenga niya. "I know, you'll love it."

Kahit saan-saan na lang napupunta ang mga kamay nito. Pasimple niya 'yong inaalis na nakangiti pa rin. Grabe! I change my mind. Bahala na! Maging single na lang siya forever. 'Di na siya uulit.

"Excuse me, Lewis. I need to go to the restroom!" sigaw niya.

"Okay, I'll wait for you, babe." Pigil ang sariling masuntok ito nang hawakan nito ang pwet niya at pisilin 'yon. Dear Lord, give me patience. Baka mapatay ko na talaga ang lalaking 'to!

Mabilis na hinanap niya ang restroom. Marahas na binuksan ang pinto ng isa sa mga cubicle na naroon. Tinakpan ang inidoro at naupo roon. Naikuyom niya ang mga kamay. Bwesit! Bwesit talaga. Gigil na gigil na siya sa lalaking 'yon. Ipapa-deport na niya 'yon. Manyak! Ano sa tingin nito ang tingin sa kanya? Na easy to get siya? Gago siya!

"Kasalanan mo 'to Scroll e!" nanggigil niyang sermon sa sarili sa mababang boses. "Hayan, malaking scam pala ang lalaking 'yon. Naniniwala ka agad. Sarap mong i-flush sa inidoro. Lusutan mo 'tong pinasok mong gulo."

Nag-inhale at exhale siya. Kailangan niyang kumalma para makapag-isip siya nang maayos.

"Okay, ito ang gawin mo. Umalis ka na lang at hayaan mo na lang ang abnoy na 'yon na mag-isa. Maghanap kamo siya ng girlfriend na poste."

Tumayo na siya at lumabas sa cubicle. Tinignan niya ang sarili sa salamin at nag-ayos. Uuwi na siya at walang makakapigil sa kanya.

Paglabas niya ay namataan niya si Lewis na may kung anong inilalagay sa inumin niyang iniwan kanina. Bigla siyang kinabahan. Hindi naman siya tanga. Pamilyar naman siya mga ganoong eksena. Alam niyang drugs 'yon o anything na pwedeng ikapahamak niya.

Agad siyang nagtago nang mapansin niyang lumingon ito. Natutop niya ang dibdib. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Napangiwi siya nang sobra. Mabuti na lang talaga suot-suot niya ang sling purse niya lagi. Nandoon ang wallet at cell phone niya. Kailangan niyang makalabas sa bar na 'yon. O 'di kaya, tumawag ng tulong.

Muli niyang sinilip si Lewis mula sa puwesto niya. May kausap na itong dalawang bouncer. Isa ang dalawang 'yon sa apat na nagbabantay sa labas kanina. Lalo siyang napangiwi. Hell yata ang pinasok niya. Dios ko! Dios ko! Hindi na talaga ako lalandi. Last na 'to. Hihintayin ko na lang lalaking inilaan N'yo sa akin.

Iginala ng dalawang bouncer ang tangin sa paligid. Mukhang hinahanap siya. Mabilis na bumalik siya sa loob ng restroom. In-lock ang pinto ng cubicle kung saan siya nagkulong kanina.

Nanginginig na i-denial niya ang numero ni Crosoft pero naka-ilang-ring na ay hindi pa rin sumasagot ang boss niya. Malamang Scroll, ala una na po kaya nang madaling araw. Takte naman e.

In-scroll niya ang log calls niya at agad niyang nakita ang numero ni Alt. Tinawagan niya 'yon.

"Please Alt, pick up the phone. Sana gising ka pa. I need your help," naiiyak na talaga siya sa sitwasyon niya. Mayamaya pa ay may sumagot na sa kabilang linya. "Thank God, Alt!"

"Scroll?" anito sa paos na boses. "Anong oras na ba? For Pete's sake, it's already one in the morning."

"Alt, sorry, pero kailangan ko ng tulong mo."

"Ba't ang ingay riyan? Where are you exactly?" Kahit kasi sa restroom ramdam ang vibrations ng malakas na music sa lugar.

"Nasa Xclusives ako, familiar? It's a famous bar here in Taguig. I can't go out. Mukhang kinausap ni Lewis ang mga nagbabantay sa exit at entrance. I saw him put something in my drink. Alt, please help me. I need you to pick me up here." Umiyak na talaga siya. "I'm sorry. Sana nakinig na lang talaga ako sa inyo ni Kuya Crosoft."

"Wait for me there." She heard the sound of his keys at ang mabilis na mga kilos nito. "I'm on my way. In the meantime, avoid him at all costs. Don't drink anything. Pero huwag mong ipapahalata ang uneasiness mo. Just act normal. Relaks ka lang."

"Thank you. Bilisan mo."

Namatay na ang linya nito. Napaigtad naman siya nang marinig ang boses ni Lewis sa labas ng restroom.

"Emari? Babe, are you there?"

Anong gagawin niya? Hindi siya pwedeng manatili roon dahil magtataka na ito. Kailangan niya pa rin na lumabas. Humugot siya nang malalim na hininga.

Okay, Scroll. Relaks. Act normal. Basta tandaan mo, huwag na huwag mong inumin ang drinks na ibibigay niya. Kaya mo 'to!




THIRTY MINUTES na yatang naghihintay si Scroll kay Alt. Ilang alibi na ang nahabi niya kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya iniinom ang ladies drink na nasa harapan niya. Sumayaw na siya at kung ano pa, pero wala pa ring Alt. Uhaw na uhaw na siya. Pati tubig, iniiwasan niya.

Nang mapagod ay naupo ulit siya sa table nilang dalawa ni Lewis. Lumapit naman ang lalaki at naupo sa tabi niya. Agad na inakbayan siya nito. Kumalat na naman ang kilabot sa buong katawan niya. Naiilang talaga siya sa tuwing hinahawakan siya nito.

Inabot nito ang ladies drink na hindi pa rin niya iniinom at pinahawak 'yon sa kanya. "Here, let's have a drink." Napapatitig siya sa asul na mga mata nito. Bakit hindi niya agad napansin ang huwad na pagkatao nito? Ibang-iba ang Lewis na nakilala niya at ka-video-call niya noon. The Lewis in front of her is a legit douche bag.

Itinaas din nito ang sariling drink. "I'm really happy that we have finally meet, Emari. I have been dying to see you for months now. You don't know how I grateful I am. You're such an amazing woman." Naramdaman niya ang isang kamay nito sa hita niya. Kating-kati na talaga siyang sipain ito. Manyak! "I hope you feel the same way too, honey. I would really love to spend more days with you -"

"I hate to ruin your moment sir, but I believe, you're flirting with a married woman."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Alt sa likod. Naka-itim na track pants, manipis na gray t shirt at itim ring tsinelas lang ang suot ni Alt. May dalawang bouncer sa likod nito na kung hindi siya nagkakamali ay sinusubukang pigilan ito.

"What do you mean?" Tumayo si Lewis para harapin si Alt.

"Alt!" singhap pa niya.

Para lang maniwala si Lewis sa dramang binuo ni Alt. Tang na juice, Alt Flores. Ginawa mo pa akong other woman. Mabilis na hinawakan siya nito sa braso at marahas na hinila palapit sa katawan nito.

"I'm her husband," kalmadong sagot ni Alt.

Kumunot ang noo ni Lewis. "Her husband?" Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "I thought you're single?"

"I'm sorry, let me explain." Bumulong siya kay Alt. "Naman, bakit ganito ang drama natin? Bakit ako pa masama?" Napahawak siya sa braso nito.

"Umuwi na tayo." Sa halip na sagutin siya ay hinila siya nito sa direksyon ng exit doors. Akala niya ay hindi na sila susundan ni Lewis pero nahawakan siya nito sa isang braso dahilan para mapasinghap siya nang marahas siya nitong hilahin.

"Prove to me that Emari is your wife!" hamon pa ni Lewis.

Umigting ang panga ni Alt at madalim na iniangat ang mata kay Lewis. "Sino ka para utusan ako?"

'Yon ang unang beses na nakita niya ang ganoong ekpresyon mula kay Alt. Ito ang pinakakalmadong taong nakilala niya kaya alam niyang mataas ang pasensiya nito at hindi agad-agad nagagalit.

"I'm sorry, Lewis but I lied," salo niya. " I'm already married. I didn't mean to -"

"You fooled me!" Dumilim ang mukha ni Lewis. Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Napangiwi siya. "You slut!"

"Kahit kailan hindi ko pa nasaktan ang asawa ko." Marahas na inalis ni Alt ang kamay ni Lewis na nakahawak sa braso niya. "Now, get your filthy hands off of her."

"Your wife is a whore!"

"Problema ko na 'yon, gago!"

"What the hell are you saying? Speak to me in English!"

"Problema mo na kung paano ako iintindihin. Nasa Pilipinas ka kaya magta-Tagalog ako. Ikaw ang mag-adjust!" Umigkis bigla ang kamao ni Alt sa mukha ni Lewis. Literal na nanlaki ang mga mata niya dahil sa lakas nang pagkakasapak nito rito. Talagang humandusay ito sa sahig. Sa pagkakataon na 'yon, nakuha na ni Alt ang atensyon ng lahat. "Sa susunod, mag-aral kang managalog bago ka pumunta ng Pilipinas para magkaintindihan tayo! 'Tang ina mo!"

Muli siyang hinawakan ni Alt sa braso at kinaladkad palabas ng bar. Hindi na siya nagreklamo pa kahit na gulong-gulo na rin ang isip niya sa mga eksenang nangyari kanina. Dinala siya nito sa nakaparada nitong sasakyan. Kunot na kunot pa rin ang noo nito nang buksan nito ang pinto ng driver's seat. Inilabas nito ang isang itim na jacket at pinasuot 'yon sa kanya.

"Just look at you!" Hawak siya nito sa magkabilang-balikat. "Damit pa ba 'yang suot mo? Halos makita na lahat sa'yo," inis na sermon nito sa kanya.

"Sorry na nga e. 'Di ko naman ginusto -"

Bumungtonghininga ito.

"I'm sorry." Bumaba ang mga kamay nito at marahas na naisuklay ang isang kamay sa buhok. "Let's just go home. I don't want to argue. I'm still mad."

"Salamat," aniya sa mababang boses. Pero ang 'di niya inasahan ay ang biglang pagyakap nito sa kanya. "A-Alt?"

"Are you okay?" Hindi niya inasahan ang sunod na naging tanong nito. May pag-aalala at lambing sa boses nito. Talagang nagulat siya.

"Okay lang ako, Alt."

"Bukas na kita sesermonan. For now, I'll take you home. Wash up and get rest."

Tumango lamang siya habang yakap pa rin siya nito. Gusto niya sanang mag-hug-back pero hindi na lamang niya itinuloy. Sesermonan siya bukas e. Still, she wasn't able to contain her smile. Tumagos sa puso niya ang pag-aalala nito.

Thank you Alt.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro