Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

INALABAS ni Scroll ang isang lumang box mula sa cabinet ng damit sa silid niya. Amoy na amoy ang moth balls sa sobrang tagal nang natambak 'yon doon.

"What's that?" tanong ni Alt mula sa likod niya.

May ngiting inilapag niya 'yon sa kanyang kama nang hindi ibinabaling ang tingin kay Alt.

"Noong 14 years old ako," simula niya, "nagsimula akong bumili ng mga gamit ng lalaki. From top to buttom."

Naupo sa gilid ng kama si Alt, nakatingin sa kanya habang kumakain ng stick o. Actually hawak nito ang isang buong lalagyan.

"Does it have to do with your passion?"

Nakangiting umiling siya. "May naisip kasi ako noon. Ang ginawa ko. Bumili ako ng isang pares na damit na panlalaki at sapatos. 'Yong size, random lang siya but I made sure it will fit a man in his late twenties or early thirties."

"Why?"

"Sign." Binuksan niya ang kahon. Maayos pa ang mga damit at sapatos sa loob. Iningatan talaga niya 'yon at pinag-ipunan. "Ipapasuot ko 'to sa asawa ko. If it fits, meaning, he was the man meant for me. And that these clothes were also patiently waiting for its owner. Gaya ng paghihintay ko sa lalaking inilaan ng Dios for me. It's destiny."

"Anong size ng mga 'yan?" Pasimpleng sinilip ni Alt ang laman ng box.

Mabilis na ibinalik niya ang takip ng kahon. "Secret!" Tumawa siya. Ibinalik niya ang box sa cabinet. "Sa tamang panahon, kapag -"

"Naging asawa na kita," putol nito sa kanya, "I will know." Nakangiting hinarap niya ito. "But what if, it doesn't fit? Would it affect your feelings?"

"Hindi," iling niya. "Kasi in the first place, hindi naman ang damit ang magdidekta sa'yo kung mahal mo ang isang tao o hindi. O kung dapat mo ba siyang pakasalan o hindi. Syempre, dapat totoo ang pagmamahal. It's one way of saying na bonus na lang na kapag nagkasya ang damit sa kanya. Imagine if it fits? Masasabi mo na lang na sobrang magical ng tadhana ng tao. It makes impossible things possible."

He smiled. "At least."

Naupo siya sa tabi nito. "Why? Nag-aalala ka bang iwan kita kapag 'di nagkasya sa'yo?" biro pa niya.

"Speaking of your ideal men," he sounded sarcastic and annoyed. Natawa siya. Oo nga naman. Alt didn't match to any of her ideal man. "I doubt if I pass your qualifications of men, Miss Catapang."

"Selos ka?"

"Itinatanong pa ba 'yan?"

"So nagseselos ka nga? Matagal na kahit 'di pa tayo?"

"Pwede namang magselos kahit walang tayo. Wala ka nga lang karapatan manumbat."

She couldn't help her smile. He looks so annoyed now than earlier. Halatang nagtatampo.

"Paanong selos?"

"Saya-saya natin ah?"

Tawang-tawa siya. "Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko. Imagine, ang daming may crush sa'yo sa MS pero hindi nila alam, sa'kin ka lang pala may crush. Pero kasi nga ma attitude ako, hindi kita napapansin"

"I don't want to imagine. It's upsetting."

Yumakap siya rito. 

"Alam mong manhid ako pero bakit kasi 'di mo na lang ako tinapat."

Alt hugs her back. 

"I couldn't count anymore all my failed attempts," he chuckled.

Inangat niya ang mukha rito. "I want to know."

He playfully pinched her nose. "In the right time."

She grimaces. "Daya!"

"I'll tell you everything in the right time."

"Bakit feeling ko, gusto mo lang akong gantihan doon sa size ng mga damit?"

Tumawa ito. "Is it too obvious?"

Kumalas siya sa pagkakayakap niya rito. "Sabi na e! Ganti - gantihan lang."

"Para it's a tie."

"Ayaw mo lang magpatalo."

"Of course, we have to suffer together."




"SO bakit ka naging film director?"

Nasa terrace sila ng second floor ng bahay. Gabing-gabi na pero hindi pa sila natutulog. Bukas, babyahe na sila pa city dahil sa gabi ang flight nila pabalik ng Maynila.

Ang bilis ng araw. Isang linggo na pala ang lumipas. Mabilis talaga kapag na-e-enjoy ang bawat araw.

Nasa ikalawang bote na sila ng wine. Hoarder ng wine ang Mama niya. Hindi nito alam na kinuha niya ang dalawa sa mga wine collection nito. Papalitan naman niya, hello!

"It's hard for me to express my feelings. Usually, I express it through writing. I have kept many journals of my thoughts. It's one way of saying, if you want to know me, steal my journals or make me speak."

"I understand, basing from what you've been through."

"I got used of the feeling na mag-isa ako. That no one cared for me. Walang naghahanap sa'kin kung late man akong umuwi o kung bakit nawawala ako. Walang naghihintay sa'kin sa bahay. At some point in my life, nag-rebelde rin ako."

"I shift courses from time to time. Lumilipat ako ng universities. I troubled myself too much so I'll end up hating myself more." Mapait itong ngumiti. "It was one hell of a journey. I couldn't find my direction. Nasabi ko sa sarili ko, sooner or later, I'll find myself taking my own life for hating this world."

"Wala na kayong communication ng papa mo ever since?"

He shook his head. "I couldn't remember the last time I saw him. Kung hindi kay Skip, baka boses niya makalimutan ko na rin."

"Skip found you?"

"Yes, I don't know how he did it, but he found me ruining my life," he chuckled. "Ang pangit ng reunion namin, nasa ospital ako."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Bakit nasa ospital ka?" Bahagyang tumaas ang boses niya.

"Naaksidente ako sa set. I used to do extras for indie films before. Napilayan ng binti at braso. Naubos lang sahod ko sa pagpapagaling at sa mga gamot. Nasabi ko sa sarili ko noon, fuck, wala na nga akong pamilya, mamamatay pa akong walang pera. Walang iiyak, wala ring maglilibing, baka sa Pasig river na lang ako itapon."

Tawang-tawa si Alt. Siya naman, hindi natutuwa. Ang hirap ng sitwasyon nito noon. Naalala niya ang pinagdaanan niya sa New York. Sobrang hirap, kung 'di dahil sa pinsan niyang si Efwan baka nabaliw na siya sa kalungkutan.

Inis na pinalo niya ito sa balikat. "Baliw ka! Tama bang tawanan mo 'yan?"

"It's all in the past, Scroll. Malungkot balikan pero it's one of the reasons for who I am at present."

"Pero bakit ka nga naging direktor? Hindi mo pa ako sinasagot."

"I become a film director because I like taking videos."

"'Yon lang?"

"And editing videos."

"Wow, ang deep ng reason mo."

He was silent for a moment but his smile didn't leave his face.

"I guess, deep inside, I wanted to reshoot my life. In reality, you cannot rewrite your life but you can always edit out your ending." Alt glance at her direction. "I don't want a sad ending. I want a happy one."

Sa huli ay tumawa na lang siya. "Alam mo, minsan, malabo ka ring kausap."

"Alin ba ang malabo roon?"

"Kung bakit ka nga naging film dire -"

"Because I told them," he trailed off. "I'll become the best film director that they can be proud of when I grow up." Nakatingin ito sa kawalan. May ngiti sa labi nito pero ramdam niya ang lungkot sa boses nito. "I was 10 years old when I made that promise."

Napatitig siya rito.

"And I intend to keep that promise." Alt sighed. That was also the first time she saw tears in his eyes. "Hindi ko lang sigurado kung nagawa ko silang maging proud sa'kin."

Nanikip ang dibdib niya. Pati siya naiiyak. But she doesn't want Alt to feel sad.

"Lasing ka na yata e! Umiiyak ka na," nakatawang pang-aasar niya rito.

"Kasalanan mo."

"O, bakit kasalanan ko pa?" Tumayo siya. "Sayaw na lang tayo." Hinila niya ito patayo.

"Wala akong talent sa pagsasayaw."

Hinawakan niya ang isa nitong kamay habang inaabot ang cell phone nito na nasa mesa.

"Ano bang nasa playlist mo?" She checks his music playlist. "Westlife, Boyz II Men, NSYNC, Backstreet Boys, Abba???"

"What? Can't I listen to Abba?"

"Old soul ka pala?"

"Not an old soul, old lang talaga."

Alt shared a heartily laugh this time. 

"Do you sing, direk?"

"Hindi mo natatanong, proud akong sabihin sa'yong wala rin akong talent diyan."

Tawang-tawa siya. Alt is really adorable when he's a bit drunk. He tends to loosen up all his stern and serious aura. He's more happy. 

"I'll choose on your behalf." Kinuha nito mula sa kanya ang cell phone. "I don't often do this, but for you, I will share my hidden talent."

Mayamaya pa ay pumailanlang na ang kantang pinili nito.

"May I have this dance?" Nakangiting inilahad ni Alt ang isang kamay sa kanya.

"Of course!"

And all she thought he will hold her for a dance but instead she found herself wrapped in Alt's warm embrace. Then he started singing with the song; moving their bodies in a slow and intimate dance.

"I look at you and have to smile as we go driving for a while. Your hair blowing in the open window of my car."

Napakurap-kurap siya sa gulat. He sounded like the original singer. A little different in his own version of Passenger Seat because Alt's voice a little bit deep and hoarse.

And he's changing her to you.

"And I've got all that I need... right here in the passenger seat. And I can't keep my eyes on the road. Knowing that you're inches from me."

Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Napangiti siya at gumanti rin ng yakap.

"Honey," she whispered.

"Hmm?"

"I love you."

"I love you too, hon."

Alt gave her a sweet kiss on her cheeks. And it was enough to make her feel special and loved.



ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang makabalik sila ng Maynila. Gaya nang napag-usapan nilang dalawa ni Alt. They keep their relationship lowkey. Wala namang nagbago. They still have to act as husband and wife. He still looks cold and still bears that poker face. But Crosoft is giving them the suspicious looks. Sooner or later, malalaman din nito ang totoo. Kaya bahala itong mag-imbestiga.

Nakasalubong niya si Alt sa hagdan. Paakyat na siya dahil antok na antok na talaga siya. She will take a warm shower first before going to bed. Pero nawala yata ang antok niya nang makita si Alt. Bagong ligo ito at nagpupunas pa ng basang buhok gamit ng puting tuwalya. Pababa ito, may kukunin siguro.

Humikab siya.

"Kakauwi mo lang?" tanong nito.

She nodded. "Busy day. Kumain ka na?"

 Ang dami niyang ginawa ngayong araw. Buong araw siyang nasa Emari para sa asikasuhin ang mga naiwan niyang trabaho. Balak na rin niyang mag-focus na talaga si Emari. Tutal, hindi naman niya kailangang samahan si Crosoft sa bawat lakad nito. Ihahanda na lamang niya lahat ang mga gagamitin at isusuot nito araw-araw at ang PA na nito ang mag-aasikaso rito.

"Kumain na ako bago umuwi. Ikaw?"

"Nag-dinner na rin ako kasama ni Link."

"Okay, matulog ka na, mukhang pagod na pagod ka ngayon."

Ngumiti siya. "Sinabi mo pa. Drain na drain na ako." Nilagpasan niya ito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakaakyat nang lingunin niya ito. Halos magkasabay yata silang napatingin sa isa't isa. Parang may sasabihin. "Okay lang ba sa'yo na..."

"Ang?"

Don't you ever go there, Emari Scroll!

Napiling siya. "Nothing, sige, goodnight, Alt."

Iniwas niya na ang tingin nang magsalita si Alt.

"Can I sleep with you tonight?"

Lumakas ang tibok ng puso niya. 'Yon din sana ang sasabihin niya. Not that, she wanted na may mangyari sa kanilang dalawa. Gusto lang niyang may katabing matulog. Pero open naman siya sa mga ganoong possibility. But she was not sure if Alt will initiate first or baka siya lang din ang maunang gumapang sa kanilang dalawa.

Wala rin talaga siyang trust sa sarili pagdating sa mga ganyang bagay.

Nilingon niya ito. "H-Ha?"

"I-I mean..." Napakamot ito sa noo. "Wala akong gagawin. I... I just want..."

But she trust Alt. 

Alam niyang wala itong gagawing masama sa kanya. He respected her so much. Hindi ito ang klase ng lalaki na pipilitin ang isang babae. He's not Lewis. Alt will never hurt her.

"Sa laki ng bahay mo, malungkot nang matulog mag-isa, 'no?"

He chuckled. "Most of the time."

Ngumiti siya. "Maliligo muna ako, wait for me in your room."

"Okay," he nodded with a smile.

Mabilis na pumanhik siya sa attic at kinalkal ang cabinet niya. Kailangang mabangong-mabango siya ngayong gabi. Na saan na ba 'yong bagong bili niyang shampoo at body wash. Pocha! Walang lychee flavor kaya pwede na siguro ang strawberry. Pareho namang may pagka-pink at sweet.

Huminto siya at hinarap ang closet. "Ito na ba ang panahon para suotin niya ang Victoria Secret niyang panty at bra?" Nakagat niya ang ibabang labi sa kilig. Nag-iinit ang pisngi niya. "Tang na juice, Scroll, matutulog lang kayo, hindi ka rarampa na naka panty at bra sa harap ni Alt."

Bumuga siya ng hangin at kinalma ang sarili.

"Scroll, pagod ka. Pero depende, ah, bahala na si batman."

Saan niya ba itinago 'yon?



NAABUTAN niyang nag-aayos ng higaan si Alt. Nakayapak lang siya at fresh na fresh sa suot niyang white loose shirt na may malaking desenyo ng mukha ni Pooh na may yakap na honey at yellow polka dots pajama. 

Patalon na humiga siya sa malaki at malambot na kama. "Woah! Finally, nakahiga na rin." Inabot niya ang malaking unan at niyakap. "I feel so happy." Bumangon siya para paluin ito ng unan. Namilog ang mata nito sa ginawa niya. "Pillow fight!"

"Akala ko ba wala ka ng energy?"

"Well, I have extra energy to bully you."

Nakaluhod na pinagpapalo niya ito ng unan. A moment after, tila umuulan na nang pillow feathers. Napapasinghap siya sa tuwing gumaganti si Alt. The angst of this man. Kahit talaga sa asaran hindi umaatras ang loko. Tawa lang sila nang tawa habang nagbabatuhan at nagpapaluan ng unan. 

"Whoever loses will replace all these pillows!" ni Alt.

"Well, hindi ako 'yon!"

"Sinong may sabi?"

"I don't intend to lose -" Napasinghap siya nang bahagya siyang itulak ni Alt pahiga sa kama. In instant, he was already on top of her. Napatitig sila sa isa't isa. Nandoon pa rin ang ngiti sa mukha nilang dalawa. "Not fair, Mr. Flores."

"I call this strategy, honey."

"Anong balak mong gawin ngayon?"

"Ikaw, anong gusto mong gawin natin?"

Pigil na pigil niya ang sobrang ngiti.

"H-Hindi ko alam..."

"Matutulog lang ang usapan natin."

"Sabi ko nga..."

"But we can always edit out the ending if you want -" Hindi na niya hinayaang tapusin ni Alt ang sasabihin pa nito. She threw her arms on his neck and pulled him closer for a kiss na agad naman nitong ginantihan. They kissed each other for few seconds before he let her go.  "Do you realize how dangerous that was, honey?" he whispered on her ear.

The warm feeling of his breath fanning on her skin made her heart thrilled. Malamig naman ang silid pero tila nagsisimula nang mag-init ang katawan niya. Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang mumunting halik nito sa kanyang leeg.

"You smell like strawberries," anas nito, she felt him smile as his mouth lingered on her neck.

"Dapat talaga lychee kaso wala e," she chuckled.  

Inangat nito ang mukha para matignan siya.

"You sure about this?"

"Okay, I want to see the pipino now." Kumunot ang noo ni Alt. Tawang-tawa naman siya. "Gaano ba kalaki 'yan, ha?" Akmang sisilip siya nang takpan ng isang kamay ni Alt ang mga mata niya. "Ay ang daya!"

"Emari Scroll!"

Inalis niya ang kamay nito at mabilis na pinagpalit ang puwesto nilang dalawa. Now, she's straddling Alt. She pinned him down on the bed. He has this shock and horrified reaction on his face. Mas lalo siyang napangiti.

"Honey, promise, I'll be gentle."

Lalong namilog ang mga mata nito sa sinabi niya. Pigil na pigil niya ang tawa. Alt looks so hopeless underneath her. Parang gusto na nitong mag-back-out. 

"Ako yata ang kinakabahan sa -" Inilapat niya ang isang daliri sa labi nito.

"Don't, akong bahala sa'yo. Dadalhin kita sa langit."

"Hindi, okay lang, dito na lang ako."

Malanding kinindatan niya pa ito. Nahuli niya ang malalim na paglunok nito. 

"Are you ready?"

"Patayin na lang kaya muna natin ang ilaw?"

"I want full lights. I want to see everything."

"Mag-si-cr lang muna ako." Nagawa siyang itulak ni Alt pero bago paman ito makatayo nang tuluyan ay nayakap na niya ito sa baywang. "Scroll!"

"Walang aalis sa kama na 'to, honey's order!"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro