Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

MAAGA silang umalis sa bahay, past 5:30 am na yata, tamang-tama sa pagtaas ng haring araw. Si Homer ang nagda-drive ng red Toyota Innova, katabi naman nito sa front seat si Papa. Si Mama at Page nasa likod ng driver's seat at nasa pinakalikod naman sila ni Alt. Kung saan tambak lahat ng mga baon nila sa family roadtrip na 'yon.

"Gusto n'yong mag-falls tayo?" tanong ni Homer.

"Boang ka man diay!" Natawa sila sa paasik na reaksyon ni Papa. "Mag-fa-falls tayo? Saan natin iiwan ang sasakyan, ha?"

"Pa, naman, suggestion lang naman. 'To naman highblood agad."

"Saka na tayo mag-falls," ni Mama, "Babalik pa naman sila Alt at Scroll dito."

"Madami po bang falls dito?" tanong ni Alt.

"Naku, madami, Kuya Alt," sagot ni Homer. "Pinakasikat talaga na dinadayo 'yong Kawasan falls dito sa Santander. Oslob, tapos Santander na, parang tip of the South na. Meron ding mga undiscovered falls sa Alegria. 'Yong Cambais saka Cancalonog. Meron din sa Genitilan, Moalboal at sa Barili. Basta, kung trip mong mag-falls, madami sa South."

"I like to visit that, siguro sa pagbalik namin."

"Usually, kasi, ang mga turista, either DIY or naka van, may tour guide saka may nakabantay sa mga van nila kaya safe na rin," explain pa niya. "Alam mo naman basta falls, nilalakad, saka pinapasok ang masukal na gubat at inaakyat ang mga dapat akyatin. Mauubos ang oras natin. Pero kapag nagka-time pa tayo bago tayo bumalik ng Maynila, isasama kita sa isang hidden falls na wala pa gaanong tao."

"Sa Alegria ba 'yan, ate?" may himig na panunuksong tanong ni Page.

Pinaningkitan niya ng mga mata si Page. "Bakit mo alam?"

"Ay sus, ate! Mas matagal pa akong naninirahan dito kaysa sa'yo. Madami akong alam, chika ko sa'yo mamaya."

"Hoy, Page!" Dinuro ng itlog ni Mama si Page. "Bata ka pa. Saka ka na mag-falls kapag pwede ka nang mag-asawa."

"Ma, anong konek?"

"Madaming nabubuntis sa falls."

"Ano ba 'yan, Maaa!" reklamo niya. "Ang halay! Sinisira n'yo naman ang imahe ng mga falls dito sa atin. 'Di naman sila SOGO."

"Ate, madami ba talagang SOGO sa Maynila?"

Tumango siya. "Oo, kasing dami ng Queensland dito sa atin. Aba'y teka lang! Bakit ba ang dami mong alam sa mga ganyang bagay Page?" Tinaasan niya ng kilay ang kapatid.

"Ate, teacher ako, I know a lot of things."

"Nasa syllabus n'yo ba ang pag-aaral patungkol sa mga motel sa Pilipinas?"

"Patricia Geraldine Catapang, ano 'yang naririnig ko, ha?" ni Papa. "Twenty-two ka pa lang, saka ka na lumandi kapag ibinenta na ni Ellen Adarna ang mga motel niya sa atin."

"E kailan naman 'yon? Kaya madaming single na teacher e kasi wala kaming time lumandi. Laging, bahay at eskwelahan, pati weekends namin nasa eskwelahan pa rin kami."

Tawang-tawa naman si Homer. "Ate Page, hayaan mo, kapag nakasampa na ako sa barko, bigyan kitang seaman."

"Ayoko ng LDR."

"Choosy ng lola!"

"O, kaya 'di ka magkaka-love-life ang dami mong standards sa buhay," ni Mama. "Pareho kayo ng ate mo. Nanggigil ako sa inyo."

"Nag-iingat lang kami Ma."

"Si Mama, napaghahalataang walang standards –"

"Boang ka man diay, Homer!" sigaw ni Papa. "Anong ibig mong ipahiwatig? Pagkatapos ko kayong buhayin, ito lang ibabalik n'yo sa amin. Mataas ang standards ng ina n'yo. Nag-adjust lang siya." Malakas na tumawa si Papa. "Gwapo kasi ng ama n'yo kaya 'di na ako hiniwalayan niyang si Socoro."

"Kabidli nimo Emario!" It means, kadiri in Bisaya. "Tamaan ka ng kidlat sa mga pinagsasabi mo. Naku, Alt, anak, huwag na huwag kang maniwala sa matandang 'yan. Simula nang makilala ako niyan, nabaliw na."

Sa pagkakataon na 'yon, napuno ng tawanan ang sasakyan. Kahit si Alt na tahimik lang sa tabi niya ay tawa na rin nang tawa habang kumakain ng junkfoods. And she like how he's enjoying himself. Paminsan-minsan ay sinasandal nito ang ulo sa balikat niya kapag sobrang tuwang-tuwa siya. Argh! Why do you have to be this cute, Al Timothy Flores?!

"Hindi naman nagkakalayo ang kagwapohan namin niyang si Alt," dagdag pa ni Papa. "'Di ba, Alt? Magkamukha naman tayo."

"Opo," nakatawang sagot nito.

"O, ba't tumatawa ka?"

"Ay tumahimik ka na Emario! Hindi naman nagkakalayo pero malayo pa rin. O, ito, itlog, kainin mo at nang mahimasmasan ka sa pantasya mong 'yan." Pagkatapos iabot ni Mama ang itlog kay Papa ay binalingan nito si Alt. "Kumain ka muna, anak." Buong lunch box pa ang ibinigay. Tinanggalan pa ng balat. "Masarap 'yan."

"Hoy, Socoro bakit may balat pa 'tong akin?"

"'Di tanggalan mo ng balat, problema ba 'yon? Sige na, hijo, magpakabusog ka." Ibinaling naman ni Mama ang tingin sa kanya. Napangiwi siya nang hampasin siya nito sa braso. "Ikaw naman! Alagaan mo naman 'yang asawa mo. Pagsilbihan mo."

"Ma, asawa ako, hindi katulong."

"Tamad ka lang!"

Ngumisi siya at nag-peace-sign. Hindi pa alam nila Mama na sila na ni Alt. Sasabihin din naman niya, pero saka na kapag pabalik na silang Maynila. Baka kasi kapag sinabi na niya, may shotgun wedding na mangyayari.

Hindi sa 'di niya gusto, syempre, Alt should propose properly.

Like, hello?!

Nag-stop-over sila sa isang beach sa Madridejos, Alegria. May simbahan kasi doon, ang St. Joseph kung saan beach ang likod ng simbahan. Pwedeng maligo at mag-rent ng cottage. Wala silang balak maligo, kakain lang sila while watching the beautiful view.

Sa totoo lang, the reason behind the road trip is to make Alt feel that he has a family now; that he is warmly welcome in their family. Gusto niya ang nakikitang saya sa mga mata nito. Para itong bata na pina-pamper nang husto ng pamilya nito. She had never seen that side of him. He looked so alive and genuinely happy. Masyado itong bini-baby ng mga magulang niya.

Kahit si Papa, anak na anak ang turing dito. E, napaka-chossy ng ama niya pagdating sa mga tao. Comfortable din sila Page at Homer kay Alt. She's well aware of how kind and respectful Alt in so many ways. I guess, hindi lang siya ang nakakapansin nun. Alt may look cold on the outside but he had the warmest heart inside.



"GUSTO mo ng ice cream?" baling na tanong niya kay Alt sabay turo sa sorbetero. May iilang customers pa ito, mostly mga bata. "Masarap 'yan." Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palapit sa nagtitinda ng ice cream. "Kuya, duha," aniya sa Bisaya. "Anong gusto mong flavor? Mango o Chocolate? Ay huwag ka na lang mamili. Pwede namang i-mix e. Kuya, mix n'yo ah."

"Sige, inday."

Ibinaling niya ang mukha kay Alt. "When was the last time na kumain ka ng sorbetes?"

"I couldn't remember."

"Alam mo, may sarap talaga ang sorbetes na hindi mo mahahanap sa mga mamahaling ice cream." Kinuha niya ang dalawang cone ng ice cream mula sa nagtitinda. "My treat." Inabot niya ang isa kay Alt bago kumuha ng bayad mula sa maliit niyang sling bag. Inabot niya 'yon sa nagtitinda. "Salamat kuya."

"Ang mura ng tinda n'yo rito. How much is this?"

"That's true, naka-culture-shock ba? Parang times two ang price ng mga goods or pagkain sa Maynila compared dito. This is ten pesos by the way, pero noon, mas mura pa, may five or seven pa dati. But I guess, 'di naman mahal ang dirty ice cream sa Manila."

It was almost 5 pm on her watch. Nag-stop-over sila sa Naga, Boardwalk. Bawal ang pagkain sa mismong boardwalk kaya tatapusin na muna nila ang kinakaing ice cream. Nagsimula silang maglakad.

"I only have few nice memory of my childhood," simula ni Alt. "Pero madalas, ayoko nang alalahanin pa." Malungkot itong ngumiti. "Minsan iniisip ko, sana, pwedeng i-reshoot lahat ng mga bad memories para maging perfect lahat. Sana pwedeng i-edit para maging maganda ang kalabasan. But life, in reality, is far different from reel. Pansin mo, kahit na based on reality ang palabas, pwede pa ring magkaroon ng happy ending kahit na imposible."

Napangiti siya. "Teleserye ba 'yan ng Pilipinas? 'Yong kahit ilang beses nang nanganib ang buhay ng bida, mas madami pa sa siyam na buhay ng pusa ang buhay niya. Parang may kilala ako." Natawa siya pagkatapos.

"It's entertaining for them. People have this weird fondness in teleserye kahit na minsan paikot-ikot na lang ang kwento."

"I guess, we got that from telenovelas. Kasi kung sa ibang drama naman, may sense naman at justifying ang plot. Feeling ko minsan, naka based na rin ang drama duration sa ratings. Kapag in demand, aabot ng 9 years. Kapag minalas, mga ilang buwan lang. Hindi pa yata handa ang Pilipinas to step up the game. Wait, kaya ba nasa noontime show kasi ayaw mong maging drama director?"

"I've been in drama, pero dalawang teleserye lang yata, noong nagsisimula ako, mas gusto ko ang short stories kaya mas naging focus ako sa mga movies. But prior to that, my big break is in the indie film industry."

"Ay talaga? Anong genre mo? Horror? Action?"

Kumunot ang noo nito. "Kapag ba lalaki, horror at action agad? Can't we do romance?"

Natawa siya. "So full pledge romance director ka? Wow! Paano nangyari 'yon? Kinilig ba naman ang mga nanonood?"

"My movies are massive hits. Don't underestimate my skills in movie directing, honey. You've never seen me directing in person."

"Nakita ko na! Lagi ako sa noontime show."

"It's different." Nakita niya ang pagtatampo sa mukha nito. "I bet you've never seen any of my movies."

Natawa siya, she linked her arm on his arm. "Dapat mag-research ako ng mga movies mo. Bibili ako ng copies at papanoorin ko isa-isa." Iniangat niya ang mukha rito. "Ang cool mo, Alt. Usually, kapag may sad past, they tend to write tragic stories."

"Well, I write tragic stories before. Madalas, pinapatay ko ang bidang lalaki o babae sa ending. It's really satisfying, honestly."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Anong satisfying doon, ha?" Namilog naman ang mga mata nito. He's giving her an innocent look. The angst of this man! "Pakikiligin mo kami tapos papatayin mo ang bida? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon, ha?"

"Kaya nga tragic 'di ba? May sinabi ba akong happy ending sila?"

Napabuga siya ng hangin at napa-iling. "At hanggang ngayon gumagawa ka pa rin nang mga ganoong kwento?"

Umiling ito. "Hindi na. Madami na akong napatay."

"Murderer!"

Tawang-tawa naman ito sa kanya. "I like it when you argue to me like this. I'm kind of fascinated with your reactions. It's addicting to see different emotions in you."

"Movie ba tingin mo sa'kin?"

"My kind of movies." He smiled. "I could watch you all day without getting bored." Bumaba naman ang mga mata nito sa mga labi niya. "May dumi ka sa labi."

"Talaga?" She let go of his arm and tried to wipe the dirt on her face pero mukhang wala naman.

"Come closer, let me do it."

Hinawakan siya ni Alt sa magkabilang braso at pinihit paharap dito. Pag-angat niya ng mukha ay saktong dumampi ang labi nito sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ang malakas na kabog ng puso niya sa ginawa nito. Pak juice!

It was only a mere touch of their lips pero feeling niyang kasing init na siya ng Bulkang Mayon. Napakurap-kurap siya. She literally couldn't think and speak.

Alt smiled.

"Sweet." That mischievous smile of him! He doesn't usually give her that kind of smile. "I guess, I'll have another favorite in my list."

Nanggigil na pinalo niya ito sa braso. Napatingin siya sa paligid. "What the hell?!" aniya sa pigil na sigaw. "Paano kung makita tayo ng mga magulang ko?"

Ibinaling nito ang tingin sa kaliwa nito. "Nakita nga nila." May itinuro ito. 

"Shet!" she cursed.

Wala na yatang lakas ang mga binti niya nang makita ang mga magulang at kapatid niya. Halatang nagulat din ang mga ito. Wala nang kumurap e. Humigpit ang hawak niya sa isang braso nito.

Kakaloka! May audience pala sila.

Marahas na ibinalik niya ang tingin dito. "Alam mo ba ang implikasyon ng ginawa mo?"

Inosenteng tumango ito.

"Let them be, we can't hide our relationship forever. At kahit 'di natin sabihin, hindi naman tanga ang pamilya mo. It's really obvious that I like you. Ikaw lang talaga ang manhid."

Napamaang siya. "Wow!"

"Don't worry, as I said, I'm not pressuring you, I want us to enjoy this relationship that we have at the moment. I want you to know me better. I also want to understand you more. Let's not rush things. Love stories in real life are not your typical 2-hour movie kind of thing. It takes time."

"Parang teleserye?"

"Well, it depends, minus the exaggerations along with its plotline."

He shrugged his shoulders and chuckled after. 

"I agree."

Inabot nito ang kamay niya. It wasn't just a simple holding hands. Alt laced his fingers securely with her fingers. Para bang wala na itong balak na bitiwan siya. She couldn't help her smile.

They walk towards the entrance of the boardwalk.

"So what made you change your mind, direk?"

"Change what?"

"To stop making tragic stories?"

She saw him smile. "I guess, when you're too broken inside, some still wanted to be whole again." Ibinaba nito ang tingin sa kanya. "It's not fun to suffer alone, might as well, grow old with someone who is willing to share happiness and sadness with me."

"Have you found that someone who is willing to be a tribute?"

"I believe, I'm holding her hand right now." Ibinalik nito ang tingin sa harap. "It's really up to her if she wants to be with me for the rest of her life because I don't mind spending mine with her and her bizarre craziness."

"May nakapagsabi na ba sa'yong you have this sweet way of putting out words together, direk?"

"Why?" he chuckled, glancing back at her with that puppy-like eyes.

"Minsan ka lang magsalita pero nakamamatay po, direk."

Siya na kinikilig. Siya na marupok. E 'di, siya na rin maganda.

"Talaga ba?"

"Pa-manhid ka, direk."

Lalong natawa si Alt. "One."

"One? Anong one?"

"You're my number one today."

Kumunot ang noo niya. "Alt + 1? Wait, ano bang emoticon ang lalabas kapag 1?"

"A smiley face."

"A smiley face?"

"You made me very happy today, Scroll. Thank you."

Napangiti siya. "You deserve it. You deserve all the love, Alt." Binitawan niya ang kamay nito. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito sa ginawa niya but she kept her sweet smile. Lumipat siya ng puwesto sa harap nito. "You deserve me." She then tiptoed to give him a quick kiss on the lips.

She can't help her giggle seeing his red face. Pati ang tenga nito ay namumula. Aw, the adorable Alt that she loves.

"Alt, 1. Scroll, 100."

She gives him a flying kiss before running away from him.

Pero hindi pa siya nakakalayo ay biglang may humawak sa pupulsuhan niya. Napasinghap siya nang pihitin siya ng kamay na 'yon paloob sa mga bisig nito. She immediately recognized Alt's scent. 

And before she could utter a word.

Sinapo ng isang kamay nito ang mukha niya as his other arm held her closer around her hips. Bahagya niyang natingkayad ang isang paa nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. Napigtas yata ng ilang segundo ang lahat ng ugat niya sa puso dahil bigla 'yong huminto sa pagtibok.

And when Alt's lips started kissing her, lahat yata ng matinong bagay na nasa isip niya ay naitapon na niya sa dagat. Naipikit niya ang mga mata at gumanti ng halik. She threw her arms on his neck and opened her mouth for him.

Alt was kissing him with such gentleness and passion. It was filling butterflies in her stomach. Nakakapanghina pero nakakabaliw. Tila ba, pinaparamdam ni Alt ang pagtitimpi nito sa mahabang panahon. It was like, hearing him saying, finally.

Parehong habol ang hininga na kumalas sila sa isa't isa. Pinagdikit nito ang mga noo nila while they both catch their breaths. Bigla naman siyang inatake ng hiya. Surely, they've drawn attention from other people.

"Why did you do that?" mahina niyang tanong dito.

"I've always directed that scene in a movie," nakatawa nitong sagot. Nagtama ang mga mata nila and she saw how satisfied he was at the moment. He looks genuinely happy. "I wanted to know the exact feeling if you do it in real life."

"Alt –"

"And I have to admit. Honey, it made my heart skipped a beat for a moment."





A/N: Thank you for your support. Dedicating this chapter to @salemheussaff. Praying for your success. God Bless! Love lots everyone. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro