Chapter 17
"GROWING up, I always wanted a family..." Naibaling ni Scroll ang tingin sa mukha ni Alt. He was looking at the vast sea in front of them. "Because I ruined mine." A painful smile suddenly curved on his face.
Sa pagkakataon na 'yon. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
She stares at the beautiful ocean in front of them. Mesmerized on how the water glistens like millions of diamonds was intentionally spread over it and not just because of the effect of sun rays when it touches the water. She likes the calming sound of the waves when it reaches the shore. The sultry wind of the afternoon that dance with the leaves of trees that sheltered them from the heat of the sun.
But despite the beauty of nature around them. Ramdam niya ang lungkot sa mga malayong tingin ni Alt.
She fill her lungs with fresh air and smile.
"Alam mo," basag niya, "sabi nila, when you carry something in your heart and you have no one to share about the pain, that person will never learn to be happy and will never learn how to move on. Habang buhay mo na lang dadalhin ang masakit na alaalang 'yon hanggang sa mamatay ka."
She paused for a moment before she continued.
"Pain can either make you stronger or weak, it depends. But I believe, embracing it wouldn't be a good idea." Halos sabay silang napatingin sa isa't isa. "Alam mo ba, experience is not the best teacher. Learning from experience is the real best teacher. Experience has no value when you don't learn from it. Kaya kung ano paman 'yan, choose to share the pain with those people who are willing to suffer with you."
She gives him a smile.
"So ano na? What's your story, Mr. Al Timothy Flores?"
"You sure you want to hear it?"
"We've suffered enough together. Isagad na natin. Go! Tell your story. Willing na willing akong makinig sa'yo."
Tipid itong ngumiti bago nagsalita.
"I was ten when my mother left us for another man," simula nito. Ibinalik nito ang tingin sa dagat. "And I knew, she was having an affair behind my father's back." Paminsan-minsan ay may ibinabato itong maliliit na bato sa dagat. "I could have stopped her but I chose not to. Alam mo ba kung bakit?" He glances at her.
"Bakit?"
"Kasi akala ko, kapag itinago ko, I can keep my family together. I thought I could fix things up by hiding the truth from my father. Akala ko, kapag sinunod ko si Mama, hindi niya iiwan si Papa. Kaya kahit na alam kong mali, hinayaan ko lang siya. Ang importante, sa amin siya umuuwi."
"You were ten back then, 'di ba?" halos dumiin ang pagkakasabi niya sa edad ni Alt noon.
How could a ten-year-old witness that kind of relationship? It's traumatizing!
He nodded. "May stable job naman si Papa dito sa Pilipinas noon. Pero dahil masakitin si Skip, he decided to work abroad bilang project engineer sa Dubai. Just to make ends meet and for Skip's medication dahil sa asthma niya. I never believe my Aunt and Uncle's stories against my mother back then. Matagal ko naman nang alam na hindi nila gusto si Mama kay Papa."
"My mother used to work in a club in Manila. Actually, doon talaga sila nag-meet ni Papa. Masasabi kong well off ang pamilyang Flores sa Bataan. Kaya malaki ang pagtutol nila kay Mama. But they had no choice, nang iuwi ni Papa si Mama sa Mariveles ay pinagbubuntis na niya ako. Kahit na nakabukod kami, madalas ko pa ring naririnig na pagsalitaan nila nang masama si Mama."
"Kahit ilang beses nilang gawan ng pangit na kwento si Mama, kailanman hindi ako naniwala. Because I know how my mother loves us. I know, she genuinely cares for us. Hanggang sa, isang araw, bigla na lang siyang nagbago. I tried to understand her. Na baka, nami-miss niya lang si Papa kaya madalas siyang umaalis at ginagabing umuwi."
"Then one night." Kunot na kunot ang noo ni Alt. Tila ba ang mga susunod na eksena ay hindi nito gusto. "Nagising ako at lumabas sa silid namin ni Skip. I saw her kissing another man in the living room. At alam kong hindi lang matatapos sa halik na 'yon ang lahat. To be honest, that was the first time, I felt betrayed. My mother literally broke my heart. I cried all night asking God, why?"
"I asked Him, masama ba akong bata? Pinapasakit ko ba ang ulo niya? Madami na ba akong kasalanan? Pwede pa kaya akong bumawi?" Mapait itong ngumiti. "I blamed myself for our situation. The next day, kinausap ko si Mama. She told me to keep quiet kung ayaw kong iwan niya kami. Inisip ko si Skip at kung anong mararamdaman ni Papa. I turn a blind eye so I can keep my family. I thought I was doing the best for us, but I ended up ruining my family instead."
"Umabot kay Papa ang balita kaya bumalik siya ng Pilipinas para kompirmahin ang lahat kay Mama. Pero sa huli, my mother didn't keep her promise to me. I begged on my knees just so she will choose us but I guess, we no longer mean a thing to her, dahil ang dali para sa kanya na iwan kami. She was too heartless, Scroll."
Napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Alt. Inabot niya ang kamay nito at masuyong ginagap.
"It's her loss. It's not your fault. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama sa panahon na 'yon."
"But why are they blaming me, Scroll?" Nanikip ang dibdib niya nang makita ang sakit sa mga mata ni Alt. She couldn't imagine the pain he had been carrying in his heart for a long time now. At that moment, she was looking at the ten-year-old Alt. Ang malungkot na batang si Alt na iniwan ng ina nito. "Why can't my father forgive me? Why can't he choose me?"
"KUYA, susunod ka ba agad sa'min?"
Ngumiti nang malaki si Alt. "Oo naman, gagawa ng paraan si Papa para magkasama ulit tayo." Isinarado niya ang zipper ng bag ni Skip at ipinasuot 'yon sa walong taong gulang na kapatid. Nakahanda na ang maleta nito. Nasa labas ang ama nila at ano mang oras ay aalis na ang mga ito papuntang airport. "Kaya magpakabait ka, ha?" Hinagod niya ang buhok ng kapatid. "Huwag mong bigyan ng sakit sa ulo si Papa habang wala ako."
"Sumunod ka agad, kuya, ha?" Yumakap ang kapatid sa kanya.
Pinigilan niya ang maiyak. Sa totoo lang, kanina pa niya pinipigilan ang mga luha. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib sa kabila ng ngiti.
"Susunod agad ako."
"Alt, ilabas mo na ang kapatid mo at nandito na ang Tiyo mo! Aalis na sila." Tinatawag na sila ng Tiyang Emee nila. Kumalas siya sa pagkakayakap sa kapatid.
"Halika na, ihahatid na kita."
Hawak ang kamay ng kapatid ay lumabas sila ng silid. Agad niyang nakita ang seryosong mukha ng ama. Simula nang iwan sila ni Mama ay nagbago na rin ang turing nito sa kanya. Mas malamig na ito sa kanya. At kung tumawag man ito para makimusta ay laging si Skip ang hinahanap nito.
Mapait siyang ngumiti.
Okay lang 'yan, Alt. Alo niya sa sarili. Magiging okay rin ang lahat.
Si Skip ang na petition nitong dalhin sa Dubai. Mas maalagaan kasi ito roon. Hindi kasi naalagaan ang kapatid dito sa kanila. Simula nang ibenta ni Papa ang bahay at lupa nila sa Mariveles, sa tiyo at tiya na siya nito naninirahan. Nagpapadala na lamang ng pera ang ama sa kanila. Pero dahil nga masakitin si Skip, napagdesisyunan ni Papa na dalhin na lamang ang kapatid sa ibang bansa.
Lumipas ang ilang buwan, hanggang sa naging ilang taon, wala siyang narinig sa ama. Pero umaasa pa rin siyang babalikan at kukunin siya nito.
"Tiyang, hindi pa ba tumatawag si Papa?"
"Umaasa ka pa bang babalikan ka ng ama mo rito?" may pang-uuyam na balik tanong ng tiyahin niya. Humigpit ang hawak niya sa mop. "Hindi ka na babalikan ng ama mo." Malakas na tumawa ang matanda. Pinanlilisikan siya nito ng mga mata. "Itong perang pinapadala sa'yo ni Arthuro kulang pa 'to sa amin."
"Hindi naman po 'yan para sa inyo," matapang na sagot niya. "Para sa pag-aaral ko po 'yan –" Napaatras siya nang biglang taasan siya ng kamay ng tiyahin niya. Takot na dumapo na naman ang palad nito sa mukha niya na madalas nitong ginagawa.
Ilang beses na siyang nasaktan ng tiyo at tiya niya. Madalas siyang pumasok sa eskwelahan na may pasa sa katawan at mukha.
"Aba'y sumasagot ka na sa'kin, ha?! Manang-mana ka sa ina mong pokpok! Ewan ko ba kung bakit 'di ka niya dinala." Marahas na bumuntonghininga ito. Napangiwi siya nang tampalin nito ang noo niya. Napaigik siya nang mariin nitong hawakan ang braso niya pagkatapos at hinila sa direksyon ng banyo. "Kung ako sa'yo, maglinis ka ng banyo at nang magkasilbi ka naman."
"T-Tiyang...n-na-nasasaktan po ako..."
Malakas na itinulak siya nito papasok sa banyo dahilan para matumba siya sa tiles na sahig. Lalo siyang napangiwi nang tumama ang likod niya sa inidoro. Hawak pa rin niya ang mop.
"Hindi ka na babalikan ng ama mo rito! Kung 'di mo gusto ang pamamalakad namin sa bahay na 'to. 'Di lumayas ka! Potang ina, nanggigil ako sa mukhang 'yan! Dapat pagbalik ko, malinis na ang bahay at may nailuto ka na kung ayaw mong makatikim ng bugbog mula sa'kin."
"I often found myself, crying in my room every night. 'Yong kwarto, sobrang liit pa, storage 'yon dati. Lumipat ako roon nang umalis si Skip."
"Nanggigil ako sa tiyahin mo!" Totoo! Naiinis siya. "Saan ba siya? Babatukan ko na 'yon e."
Natawa si Alt. "I've never seen them. I was 16 when I left Mariveles. Gaya nang sinabi ko sa'yo noon, hindi na ako bumalik ng Bataan."
"What about your father?"
"My father remarried and settled in the US. May constant communication naman kami ni Skip and I know my father is aware of it but didn't care of me. I then realized why he hated me so much. I lied at him. And I look a lot like my mother. Siguro, sa tuwing nakikita niya ang mukha ko, he will always be reminded of my mother's unfaithfulness and how his son betrayed him."
"Still, hindi mo kasalanan, bata ka pa noon."
"But I can't turn back time, Scroll."
"And they have no right to put the blame on you." Hinuli niya ang mga mata nito. "You were only trying to save your family because you don't want to lose them."
Umangat ang isang kamay nito sa kanyang ulo. May ngiting tinapik nito nang marahan ang kanyang ulo.
"So your house -"
"I built that house because I always wanted a home." Bumaba ang kamay nito. "But I guess, money can only buy you a house but cannot give you a home." Niyakap niya ito bigla. Naramdaman niya ang gulat nito sa ginawa niya. "Scroll?"
"That's why you're fond of Danah, nakikita mo ang sarili sa kanya."
He nodded. "Maybe it was one of the reasons why I like to marry Bria. Kasi alam ko ang pakiramdam na walang kompletong pamilya. Bria and I are also alike in so many ways. We both have a tough childhood. We have a complicated family. Naisip ko na mas maiintindihan namin ang isa't isa. Maybe we can start anew and give Danah a complete family this time."
"'Till Crosoft came back for her."
"And even if he didn't, I can never replace Crosoft in her life." Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. "At some point in my life, I feel grateful that Bria rejected me. If not, I might have missed the chance of knowing you. Crosoft took Bria away in my life but brought you here to meet me instead."
Napangiti siya. "Exchange partners lang?"
"Hindi naman kayo mag-ex, bakit exchange partners?"
Natawa siya sa inis sa boses nito. "Tama! Mga foreigners nga pala ang mga exes ko." Kumalas siya sa pagkakayakap niya rito. Nakakunot na ang noo ni Alt at nagsisimula nang maningkit ang mga mata. So adorable! "Pero lahat naman sila walang kwenta. Para sa akin, ikaw pa rin ang pinaka-the-best."
"Sinasabi mo lang yata 'yan para makalimutan ko ang mga ex mong mga kano."
"Oy, hindi ah! Totoo! Manhid man ako pero 'di naman ako sinungaling."
"Can I kiss you?"
Natigilan siya. "H-Ha?" Napansin niya ang pagbaba ng tingin ni Alt sa mga labi niya. Bigla siyang na conscious.
Ang lakas ng kabog ng puso niya nang ilapit ni Alt ang mukha sa kanya. Lalabas na yata mula sa rib cage ang puso niya. Teka lang, handa na ba siya sa first kiss nilang dalawa ni Alt? Luh, Scroll! Bakit ang pabebe natin? Matanda ka na oy. Lumandi ka na. Kiss lang 'yan.
Okay, fine!
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay na dumampi ang labi nito sa mga labi niya. Pero sa gulat niya ay naramdaman niya ang halik nito sa kanyang noo. Naimulat niya ang mga mata at napakurap-kurap.
Bago paman siya makahuma ay bigla siya nitong kinarga. Napasinghap siya at napayakap sa leeg ni Alt.
"Pakjuice, Alt!" sigaw niya rito. "Anong gagawin mo?"
His eyes were sparkling with the same mischief she's seeing in his smile. May feeling siyang may kapilyohang naiisip ito na maaring maging dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.
"Taking you deeper this time."
"Al Timothy Flores!"
Bigla nitong tinakbo ang pagitan ng dagat at ng puwesto nila kanina. At ang walangya, hinagis siya sa dagat. Tang na juice! Kung 'di niya lang kailangan ng jowa. Hihiwalayan niya 'to e. Pero syempre, joke lang.
Mabilis lang naman siyang nakaahon. Sumakit lang ang ilong niya dahil may nakapasok na tubig doon at hindi pa naman masyadong malalim sa parteng 'yon. Hanggang dibdib pa lamang niya.
"Tang na juice ka, ah!" Dinuro niya si Alt na naniningkit na ang mga mata sa kakangiti. Look at this guy, enjoying himself. "Gusto mo bang maging biyudo agad, ha?! Kapag ako namatay, hindi kita patatahimikin."
Yumakap ang mga braso nito sa baywang niya dahilan para magdikit lalo ang katawan nila sa ilalim ng dagat. Nailapat niya ang mga palad sa matigas at malapad nitong dibdib. Have she ever complimented how perfectly toned Alt's body? Sa isip lang pero 'di sa gawa. Oy, parang gusto niyang i-try ang gawa.
"I'm proud of you," aniya. Napatitig ito sa kanya. "Usually sa mga drama, it's always the guy who will comfort the girl, pero sa ating dalawa, mas nakaka-proud ka. So allow me to comfort you in my own little ways, Al Timothy Flores."
"Your existence has always been my source of comfort, Scroll." He gently tucked a strand of hair at the back of her ear. "You're my number three."
Kumunot ang noo niya. "Number three? Number three lang ako sa buhay mo?"
"It's not just a number, honey. Without number 3 after Alt, there wouldn't be a heart."
"Alt, manhid ako, at may pagka-slow din minsan. Pero 'di ko talaga gets. Paki-explain mo nga nang mabuti bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo."
Natawa ito. "When I say, you're my three. It means, this." Hinuli nito ang isang kamay niya para ilapat sa dibdib nito kung saan banda ang puso nito. "You're making me fall for you, even more, Emari Scroll Catapang."
Nag-init ang magkabilang pisngi niya hindi dahil sa sikat ng araw kundi dahil marupok lang talaga siya.
"I'll ask you, Scroll. How do you make a heart emoticon?"
"Copy paste lang online," nakangisi niyang sagot.
"Try harder."
"Ay, gusto ko ng hard –" Kumunot na naman ang noo ni Alt. Tignan mo ang 'sang 'to. Nilalagyan na naman ng malisya. "O, green na naman ang isip. I like hard, okay. Hard questions." Tumawa siya. "Nagagamit ko utak ko sa mga hard... questions."
Napa-iling-iling na lamang ito.
Nag-isip siya. May older version 'yon e. 'Yong mga panahon na nahihilig ang mga tao sa pagkikig-chat sa yahoo messenger. Ah, alam ko na!
"Alt + 3!"
Wait! Alt plus three? Namilog ang mga mata niya nang may na realize siya sa code na sinabi. Lumapad ang ngiti niya. Itinaas niya ang kamay at tatlong daliri lang ang ipinakita niya, dalawa nakatiklop.
"What does that mean?"
"It means marupok ako, I fall for you too."
Tawang-tawa si Alt sa sinabi niya. "Baliw –"
"Din ako sa'yo."
A/N: Sorry it took 2 weeks! Love lots! Happy comments! Miss ko na 'yong mga comments n'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro