Chapter 16
"LET'S GET MARRIED."
Napatitig siya sa mukha ni Alt. Tama ba ang naririnig niya? Mukha namang hindi ito nanti-trip ng mga oras na 'yon.
"H-Ha?"
"Let's get married when you're ready."
Bago paman mag-sink-in sa kanya ang lahat iniwan na siya ni Alt. Naibaling niya ang mukha at katawan sa direksyon nito. Is he walking out? 'Yon lang 'yon? Wala man lang paliwanag? Kaloka, ha?
"Wait! Hindi ko ma gets."
He stopped. Nilingon siya nito. "Ano pa bang kailangan kong gawin para mapansin mong gusto kita, Emari Scroll Catapang!"
Her eyes widened in disbelief. "Haaa?" bahagyang tumaas ang kanyang boses. "G-Gusto mo ako?"
"See? You're not even aware."
"Wait! Teka lang. Seryoso ka ba?"
"Sa labas tayo mag-usap, ayokong magmura sa loob ng simbahan."
Muli siya nitong tinalikuran at dire-diretsong lumabas sa pinasukan nila kanina. Siya naman, para siyang na blanko na ewan. Hindi pa nag-si-sink-in sa kanya ang lahat. Pak juice! Did Alt just confessed?
"Alt, wait!"
Humabol siya rito.
Naabutan niya ito sa plaza na nakaupo sa sa isa mga bench na nandoon. Nakatingin ito sa dagat. He don't seem mad. Wala lang talagang emosyon ang mukha nito.
"Hoy Alt." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. He didn't say a word. "Let's talk." Naupo siya sa tabi nito. Bahagyang nakaharap dito. "Seryoso ka ba talaga?"
"Seryoso ako. Manhid ka lang."
Napamaang siya. "Wow! Alam mo naman pa lang manhid ako bakit 'di mo pa sinabi sa'kin?"
"Because you never notice me. Laging lumalagpas ang tingin mo sa ibang tao. Hinihintay kong titigan mo rin ako but you never did."
Wait. Seryoso talaga. Alt likes me. Fudge! Pigil niya ang ngiti. The hell she care kung masakit sa panga ang pagpipigil ng kilig.
"Kailan pa?"
"Matagal na. I was just in denial at that time. You caught my interest noong sinugod mo si Chrome sa set at pinagpapalo ng walis tingting. Crazy girl!" Alt tried his best to hide his laugh. Instead, it ended a smile on his face.
"Baliw! 'Yon din 'yong tinapon mo ako sa basurahan."
"I did that because he was not worth it. Kung hindi ako lumapit, he was about to lay a hand on you. And besides, the garbage can was a props. Malinis ang mga nilagay roon na mga basura so move on."
Napakurap-kurap siya. "Really? I-I didn't know..."
"At first, akala ko, na-a-amuse lang ako sa kabaliwan mo. It was entertaining to see you doing crazy things. Naaliw ako sa tuwing nagbabangayan kayo ni Crosoft. Kung paano mo siya sagutin. You were like a breath of fresh air. Since then, I started looking forward seeing you in MS."
"And when the management told me they wanted your boss in the show I was kind of happy about it. It would mean, I would be seeing you around more often. It was crazy. I once thought I had lost my mind. What the hell, why you? Why Emari Scroll?"
"Choosy mo ah. Lagi mo nga akong inaaway."
He chuckled. "Honey, it's because you never notice me. Para akong hangin sa mata mo. I figured out, that when I argue with you, you give me your attention. You argue back. You talk to me. You roll your eyes at me. You look at me straight in the eyes."
"So kaya pala lahat na lang nang sinasabi ko ay mali para sa'yo."
"You're not always wrong. I just want your attention."
Okay, Scroll. Ikalma muna ang puso. Pak juice! Does that mean, the feeling is now mutual? Pwede na siyang lumandi nang sagad? But let's do that later. She wanted to know more.
Ibinaling nito ang tingin sa harap. "When you told me you're dating Lewis. Nasabi ko sa sarili ko. Fuck, I lost the chance again. Nagparaya ako kay Bria. Pati ba naman sa'yo, magpaparaya rin ako?" He scoffs. "Tang ina, na naman?"
"That's why you tried to stop me?"
"I tried. I prayed that you realize he's not the man for you. That God would spare you from harm. Pero sabi ko rin, if he's really the one, then fine, for the second time, I'll accept my defeat." This moment, he glance at her. "But it hurt so much here." Inilapat nito ang isang palad sa may dibdib. "You don't know how scared I was when you called me for help. I was ready to kill someone that night. I was so furious and angry at that bastard."
Napangiti siya. "Alt..."
"I have always been in love with you but you never look at me. Hindi mo napapansin ang mga ginagawa ko para sa'yo. Akala ko noong una, medyo slow ka lang, pero grabe, ang manhid mo pala."
Tawang-tawa siya.
"But I'm not pressuring you, Scroll. You can always reject me if you want. I won't take that against you."
It feels like her stomach is filled with butterflies. She couldn't really explain how his confessions overwhelmed her. Ganito pala ang feeling na alam mong malapit ka nang magka-love-life. Masaya na mahirap i-explain.
Isang minuto yata silang natahimik pareho.
"So ano na?" basag niya.
"I don't know. It's up to you."
She took a deep breath and breath out. "Let's try." Sabay na naibaling nila ang tingin sa isa't isa. Namilog ang mga mata nito. Tila hindi makapaniwala. She smiled. "I want to try. Let's date?"
"Seryoso?"
She nodded. "Let's date."
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito.
"So it's for real this time?"
Muli siyang tumango. "Totohanin na natin." May naalala siya. "Pero let's not tell anyone for now. Let this be our little secret. Okay ba?"
"I wouldn't mind as long as you're officially mine."
Literal yatang nahulog ang puso niya nang muli itong ngumiti. Syet! Buhay ka pa ba, Scroll? May jowa ka na, dae!
"Napatid ba ng kamanhidan ko ang pasensiya mo?" pigil niya ang tawa. "Aw!" Napangiwi tuloy siya nang pitikan ni Alt ang noo niya.
"Nanggigil na ako sa sobrang manhid mo. Bahala kang mag-adjust sa nararamdaman ko. Gusto kita. Deal with it."
"WELCOME TO OSLOB!"
Nakatalikod siya sa dagat at nakaharap kay Alt. Parehong naka taas ang mga kamay sa ere. Papasikat pa lamang ang araw at ang lamig pa ng hangin. Buti na lang may kakilala siyang rentahan ng bangka para makapag-whale-watching silang dalawa ni Alt.
"You want to whale watching? You don't even know how to swim."
Ngumisi siya rito. "Hello! May lifevest naman po. Saka, magaling kang lumangoy. Laban lang! 'Di ba Kuya Choi?"
Si Kuya Choi 'yong kaibigan ng papa niya na nagpaparenta ng bangka at mismong nagiging tour guide ng mga foreigners na ayaw mag-tap sa mga resorts sa Oslob. Mas mura kasi kapag sa iba at hindi sa mismong resort.
Saka, exclusive pa kasi silang dalawa lang ni Alt ang nasa bangka. Well, kasama si Kuya Choi at ang assistant nitong si Paeng.
Five-thirty pa lamang ng umaga pero mas mabuti na rin 'yong maaga sila para 'di sila abutan ng mga turista. Dagsa pa naman 'yan ngayon. Pero may iilan na rin silang nakita na naghihintay sa mga bangka ng mga ito. Most of them are foreigners.
Hindi siya pinayagan na mag two-piece bikini. Pinagsuot lang siya nito ng rush guard. Okay na rin, they have a matching black rush guard top. Hers was a pair. Black board shorts naman ang pair ng kay Alt. His shades was on and of course his cap. Wala pang araw naka sombrero na.
Pareho nilang hawak ang snorkel nila at nakasuot sa kanila ang waterproof nilang string bag. Alt brought his go pro.
Alt was towering her from the foreigners sight. Napapatingin kasi siya, hindi dahil bet niya, tinitignan niya lang kung madami silang kasabay. Pero ang possessive ng boyfriend niya e. Nambabakud agad.
"Huwag kang mag-alala, 'di kita ipagpapalit," mahinang sabi niya rito.
Niyuko siya nito. "I don't like the view on that part."
Natawa lang siya. Ay ewan!
"Ngayon lang ba kayo mag-ha-honeymoon?" Kuya Choi asked, inabot nito sa kanila ang kanya-kanyang lifevest.
"Ngayon lang nagka-time, Kuya Choi. Busy e. Alam mo na."
Natawa ito. "Okay lang 'yan. Ang importante nagka-oras kayo para mag-enjoy muna. Aalis na tayo mayamaya para mauna tayo." Nilingon nito si Paeng. "Eng, dalhin mo na 'yong mga isdang ipapakain natin."
"Sige po, boss!"
"Is it okay to watch these whale sharks?" asked Alt. "Hindi ba natin sila nagagambala o nasasaktan?"
"Kung ako lang, in-advice ko talaga sa mga turista na kung maari huwag hawakan at lumapit nang husto. Makikita naman talaga sila lalo na kapag sinwerte tayo na dumami sila. 'Yong iba kasi, masyado silang nanggigigil sa butanding. Hindi mo naman masita."
"Ako, gusto ko lang talaga silang makita up close," dagdag pa niya. "Pero ayoko rin silang hawakan. Baka kasi masaktan ko lang sila. Titingin lang tayo. Saka, hindi kompleto ang OSLOB experience kapag 'di mo sila nakita."
"Tama."
Tumango-tango si Alt. "Let's just swim a bit closer but let's avoid getting in their way para 'di natin sila matamaan o masaktan."
Nang mag-ala-sais na ay sumakay na sila sa bangka. Hindi naman talaga sila lalayo nang husto mula sa dalampasigan. May iilang bangka na ring nag-aabang. Alt and her are sitting across each other.
"First time mo?" basag niya.
Naghihintay na lang sila na may lumapit na whale shark.
"I travel a lot. Mas tamang sabihin, first time kong may kasamang mag-travel."
"Anong feeling na may kasama ka?"
"Masaya," may tipid na ngiti sa mukha nito.
Ngayong inalis ni Alt ang shades at sombrero nito mas nabigyan siya ng pagkakataong makita ang buong mukha nito. Nililipad ng hangin ang may kahabaan na nitong buhok. His eyes are shifting from one place to another. At sa tuwing may nagugustuhan ito ay kinukunan niya iyon ng video gamit ng go pro nito.
"Which do you prefer? Seas or land?"
"I like both."
"I see –"
"But I like it more when I'm with you."
Hindi ito nakatingin sa kanya but he was smiling. Busy ito sa pagkuha ng video sa paligid. Na hindi niya alam kung totoo o kunwari lang may ginagawa.
"Bakit 'di mo sabihin sa'kin 'yan na nakatingin sa'kin?" hamon niya rito.
Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "May gusto ko bang marinig maliban diyan?"
"Well, depende sa'yo kung anong gusto mong sabihin sa'kin."
"Bakit 'di ka na makulit ngayon? Parang ang awkward mo sa'kin."
"Hindi ah. Wala pa lang akong energy kasi umaga pa."
"Naging tayo lang parang takot ka nang lumapit sa'kin. Dati naman kulang na lang i-glue mo ang sarili sa'kin. You're acting weird, Scroll." Alt was obviously teasing her.
Actually, he was partly true. Ngayon na alam niyang pareho sila nang nararamdaman ni Alt parang bigla siyang tinubuan ng hiya. Dati kasi, wala siyang pakialam kung ma turn off man ito sa kanya. But this time, nagiging conscious na siya.
"Just be who you are, Scroll. I like it when you're crazy."
"Sorry, am I making you uncomfortable? Nag-a-adjust pa lang siguro ako. It's different kasi now that we've leveled up our relationship. Ang ending, ang awkward na tuloy natin." Tumawa siya pagkatapos.
"I'm still me, Scroll. The only difference now is that I'm being open with how I really feel about you."
Ngumiti siya rito.
"I like you Alt. I do."
"Maganda na ang umaga pero mas lalong gumanda nang sabihin mo 'yan."
Malakas na natawa siya. "Ang weird talaga. Sanay ako na nag-aasaran at nag-aaway tayo. Hindi ako sanay na kausap ka bilang boyfriend ko."
"You'll get used to it. I'll make you get used to it."
"Meron na!" Halos sabay silang napalingon ni Alt kina Kuya Choi. May itinuro ito sa dagat. "May isa na malapit. Pwede na kayong lumublob."
Excitement washed over her. Mabilis na tumayo siya. "Oh –" nahigit niya ang hininga nang muntik na siyang mahulog sa dagat dahil sa ginawa niya. Alt immediately pulled her back. Ending, she was close of straddling him. His arms wrapped around her. For a few seconds, they had an intimate moment of gazing at each other's eyes.
She grinned at him. "Thanks!"
Pero tang na juice, sobrang lakas na ng tibok ng puso niya sa mga oras na 'yon. Sasabog na yata. Juice ko!
"Don't do that again. It's not safe." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at maayos siyang pinaupo. "I'll go first then we'll swim together."
Lalong lumaki ang ngiti niya. "Tuturuan mo akong lumangoy?"
"We should have stayed near the shore kung gusto mo lang namang turuan kitang lumangoy." Pinisil nito ang ilong niya. "Ikaw talaga, sometimes, you have a lot of spur of the moments ideas."
"Mamaya na lang pagkatapos nating mag whale shark watching."
"Later."
Naunang lumusong sa tubig si Alt suot ang snorkel gear nito at go pro. Ilang segundo muna ang lumipas bago ito umahon. Inalis nito ang snorkel sa mukha.
"Come, we're closer."
"Talaga?" Tinulungan siya ni Kuya Choi na makababa ng bangka pero dahil nga may sa pagkabaliw siya. Tumalon siya mula sa bangka. She heard Alt shout her name in pure frustration.
Hindi naman siya nalunod kasi may suot siyang lifevest. Si Alt kasi, tinanggal nito ang lifevest nito. Malamang, swimmer e.
"The fuck Scroll!" sigaw nito sa kanya nang makaahon siya.
"Woah! Ang sarap ng tubig."
Hindi niya pinansin ang inis sa mukha ni Alt.
Malamig pero habang tumatagal medyo warm na ang feeling sa ilalim. Nasasakal lang siya ng suot niyang lifevest.
"Hindi ako comfortable sa lifevest. Feeling ko iaangat lang niya rin ako. Hindi ako makapag-dive." Nakasimangot niyang sabi. "Hubarin ko na lang kaya? Nandiyan ka naman e."
"You'll be the death of me."
Kunot na kunot na ang noo nito sa kanya.
"Sige na, hawakan mo na lang kamay ko. Let's dive together. Kahit ilang seconds lang, makita ko lang sila. Please!" She clasped her hands in front of him.
He held a sighed. "Fine! But don't ever let go of my hand. Kundi ibabalik talaga kita sa bangka. Doon ka manood."
"Promise!"
Alt help her to remove her lifevest. Inabot nito 'yon kay Kuya Choi habang nakahawak siya sa bamboo pole ng bangka na nagsilbing parang pakpak nun. Binalikan naman agad siya nito. Alt was making sure she's safe. Nakikita niya 'yon sa mga simpleng kilos nito. Ito pa ang nagsuot ng snorkel niya pagkatapos nitong magbigay ng instructions sa kanya.
It was their first date together.
Iba. Sa dagat nag-date. Serena ka 'te?
At nang makita na niya nang mas malapitan ang whale shark it took her breath away. It was so much better than seeing it from online sites. What a beauty!
Alt never let go of her hand. Wala rin siyang nararamdamang kaba o takot. Alam niya kasing hindi siya pababayaan ni Alt. He was taking videos of the whale shark and her. Hindi sila masyadong lumapit kitang-kita naman e. Saka ang laki talaga ng mga ito.
Such wonders of the earth.
Sana talaga maalagaan sila ng mga tao.
TAWA lang sila nang tawa ni Alt habang kumakain ng lunch sa may dalampasigan. May baon naman silang pagkain at may nakapuwesto naman sila sa ilalim ng isang malaking puno. Ang aliwalas ng paligid at ang asul ng dagat. Hinawakan na niya ang buhok dahil lagi na 'yong tumatakip sa mukha niya dahil sa lakas ng hangin.
"Move closer," Alt gestured one finger, "I'll tie your hair."
Hindi niya alam kung bakit may rubber band sa string bag nito. It didn't matter anyway. Mula sa likod ay tinali ni Alt ang buhok niya in a ponytail.
"Talaga bang hindi ka nagka-girlfriend?" basag na tanong niya.
"I had few pero halos hindi ko sineryoso."
Tumaas naman ang isang kilay niya roon. So may nauna pa pala kay Ate Cam? Sino-sino ang mga 'yan Al Timothy Flores, ha?!
"Wow! So playboy ka pala noon?"
"I don't think so," he chuckled. "Done."
Ibinaling niya ang tingin dito. "Why? Bakit 'di mo sineryoso ang mga past relastionships mo?"
"The younger Alt was cynical and jerk." Napansin nito ang pagtitig niya rito. "I hope this doesn't convince you to break up with me." Although he sounded humorous. She could hear in his voice a distinct seriousness in his tone. "I'm not as good as you think of me, Scroll. They say that the quiet ones are the most vicious one."
"I don't judge a book by its cover. Come on, you can tell me anything."
Tipid itong ngumiti bago ulit nagsalita.
"I hated everything in my life back then," he paused for a brief second, "para bang, kahit anong gawin ko. Nobody wanted me in their lives. Nobody wanted Al Timothy to be part of their family."
It broke her heart hearing the sadness in his voice. Tila may malalim na sugat sa nakaraan nito na hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang naghihilom. The pain is still there. It's all written on his face. It's still making him feel upset and disappointed. His eyes that she loves the most couldn't even pretend he's fine.
Inabot nito ang kanyang kamay. He held it firmly but he was holding her hand with gentleness.
"Growing up, I always wanted a family... because I ruined mine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro