Chapter 15
"MAHILIG ka ba kumain, Alt?" her mother asked.
"Naku! Sobra, mukha lang hindi pero, ang lakas kumain niyan," sagot naman niya.
"Anong favorite food mo, Kuya Alt?" sumunod na nagtanong si Page.
"Yum burger sa Jollibee. Pero usually, lagi niyang in-order 'yong cheese burger with large fries and large pineapple juice," sagot pa rin niya.
"Nagka-kape ka ba?" tanong naman ng papa niya.
"Naku! Hindi 'yan nagka-kape. Mas prefer niya ang mga chocolate drinks. Tumataas ang energy niya sa matatamis in other words. Kung 'di n'yo natatanong, madami 'yang stocks ng mga snacks at juice sa ref. 'Yong pinaka-favorite niya. 'Yong lychee juice na may nata de coco." Nag-isip pa siya nang mga sasabihin. Nang maalala, naipitik niya ang dalawang daliri. "I'm Coco 'yong brand. Saka -" hindi na niya naituloy ang sasabihin pa dahil halos ang mga ito ay nakatingin na sa kanya.
Pati si Alt sa tabi niya ay namilog ang mga mata.
"Eh?"
"Sige pa, Scoll, ano pang alam mo na 'di alam ni Alt na gusto niya?" pabalang na tanong ng ina niya sa kanya. "Tutal, mas kabisado mo pa ang mga gusto at 'di gusto nitong si Alt. Isagad mo na ang pagkukwento."
"Oo nga, ate!" segunda naman ni Page. "Si Kuya Alt lang tinatanong namin. Bakit ikaw sumasagot?"
Ibinaling niya ang mukha kay Alt. "E, ang tagal sumagot."
"Paano pa ako makakasagot e, ibubuka ko pa lang bibig ko, nasabi mo na."
Ikiniling niya ang ulo at may ngiting ibinaling ang mukha sa pamilya niya. Si Papa na pinaniningkitan siya ng mga mata - suspicious looking. Si Mama na may panghahamon na tingin pero halatang nanunukso. Si Page at Homer na ang ngiti abot tenga.
"'Di sorry," sabi na lang niya, "hayaan mo, sa susunod na tanong 'di na ako sasagot." Itinaas niya ang isang kamay para sa isang pangako. "It's all yours."
"O, siya, tama na 'yan," ni Papa. "Kumain na tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain."
"Buti pa ang pagkain masamang pinaghihintay," she mumbled.
"Hindi naman masamang maghintay," mahinang sagot sa kanya ni Alt.
Siya lang yata ang nakarinig. Walang nag-react e.
Naiangat niya ang mukha rito. He was not looking at her dahil busy ito sa paglagay ng kubyertos sa pinggan niya na inabot ni Home rito.
"Alt, anak," tawag ni papa rito, "ikaw na ang manguna sa pagdadasal. Marunong ka ba?" Siniko naman ito ni mama.
"Ano ka ba, Emario, malamang marunong magdasal ang batang 'yan."
"Aw, mabuti, kasi 'yang si Emari, sa paglamon lang magaling."
Nanlaki ang butas ng ilong niya. "Ako na naman nakita n'yo."
"Maganda 'yong, may gagabay sa kanya," dagdag pa ni papa.
"Huwag n'yo nga pini-pressure si Alt," awat na niya, "nasa sa kanya pa rin naman 'yon kung mamahalin niya ako o hindi. But for now, ikalma lang muna natin ang usaping pag-aasawa hanggat wala pa akong groom. Okay ba?"
"Alt, anak, bukas ba ang isip mo sa arranged marriage?"
"Maaa!"
"Tumahimik ka Scroll. Si Alt ang kinakausap ko. Ano, hijo, pwede nating pag-usapan ang proseso. Willing kaming magbigay ng dowry."
Tumayo siya at pumwesto sa likod ni Alt. Tinakpan niya ang dalawang tenga nito gamit ng mga palad. "Huwag mo na silang pakinggan."
Sa huli ay tinawanan lang siya ni Mama. "Maupo ka na nga, Scroll. Kumain na tayo. Bukas, ipasyal mo ang irog mo. I-display mo."
"Ilalabas ko talaga siya para 'di n'yo ma-harass."
"Sinong ilalabas mo Emari?" tanong ni Papa.
"Si Alt."
"Irog mo ba? Ang sinabi sa'yo ng mama mo, ipasyal mo ang irog mo," may himig na panunuksong sabi ni Papa kahit na hindi nakangiti. "So inamin mo rin."
Napabuga siya ng hangin. Padabog na naupo ulit siya.
"Ah, ewan ko sa inyo!"
"Alt, okay lang magsalita." Baling ni Mama rito. "Masyado kang tahimik riyan."
"Okay lang po, naaliw naman po akong tignan kayo," nakangiti nitong sagot.
"Naku, mas maaliw ka kapag inasawa mo 'tong anak namin."
"Talaga po ba?" Bumaling si Alt sa kanya.
"Sabihan mo lang kami. Wala ka namang magiging problema. Butong-buto naman kami sa'yo. Oo mo na lang ang hinahintay namin."
"Oo."
"Ha?"
"Opo." Ibinalik nito ang tingin sa mama niya. "I'm not closing my doors. Let's see."
Hoy, anong ibig sabihin nun? May pag-asa ba ako?
"MATAGAL na simula nang makapasyal ako rito sa amin. Ang magandang gawin ngayon, tutal, maganda ang panahon, hindi mainit at hindi maulan, ang mag heritage walk."
Gustong-gusto niya ang panahon. Mahangin pero ang sikat ng araw hindi masakit sa balat. Such a good weather!
"You spent how many years abroad?"
Halos magkaagapay lang ang mga bisiklita nila. Oh, how she missed this bike. Matagal na 'yon sa kanya. At pinaalagaan niya 'yon kay Page. Pangalawa na niya 'to dahil nasira na 'yong pinakauna talaga. 'Yong gamit ni Alt, kay Homer 'yon.
"Six years."
"That's a long time. Umuuwi ka ba sa loob ng 6 years na 'yon?"
"Every two years. I missed them pero kailangang magtrabaho para sa kanila. Although I missed them so badly at nauubos ang luha ko sa pagkaka-homesick ay nilalakasan ko na lang ang loob ko. I was not only fighting for my family's future but also mine - because it's my passion." Ngumiti siya. "Most of the time, it feels like I'm not working, kasi gusto ko ang ginagawa ko."
Huminto sila sa isang lumang bahay.
"First house." Itinuro niya ang malaking sign sa labas ng lumang bahay. "Bahay ni Dr. Dionisio Niere, 1928." Akmang pepedal na ulit siya nang mapansin niyang titig na titig sa kanya si Alt. "Bakit?"
"'Yon lang 'yon? Walang explanation? Anong klaseng pag-to-tour 'to?"
Natawa siya. "In-expect mo bang history geek ako?"
"You grew up here, of course, you should know."
"Well, Dr. Niere is the very first doctor in Boljoon. Ang bahay na 'to ay ginawang headquarters ng Imperial Japanese Army noong world war 2. Okay na?"
"Oh, alam mo naman pala."
She chuckled. "I'm just messing with you. Doon tayo sa sunod na heritage house." Muli silang nagpedal. "Next is, Balay Cirilo Sestoso."
"Anong meron doon?"
"It's the oldest heritage house in town. It was built in 1882." Mabilis nilang narating ang bahay. "He's a Gobernadorcillo in his time. Gobernadorcillo in Spanish Colonial Period is a governer or municipal judge."
"That's interesting. Emari Scroll speaking history like a pro."
"Compliment ba 'yon o pang-aasar?"
Alt just smiled. "Whatever you think it is."
"Ah, I almost forgot, 'yon palang nadaanan natin malapit sa amin, The Baño Poblacion. 'Yon ang isa sa mga pinakalumang paliguan dito. Pero ngayon, ginawa na siyang labahan ng mga tao rito. Ang kwento, sa banyo raw na 'yon unang nagkita ang mga Spanish colonizers at mga locals."
"Why Boljoon?"
"Because of a miscommunication from Spanish colonizers. Bolho means gushing water. And at that time, rich nga kami sa mga springs of waters. Even at present, meron pa naman. Isa na nga 'yong sa Baño. These colonizers asked for the name of the island and the locals thought they're asking for the name of the water, so they said Bolho. Since then, inisip ng mga Spanish people na ang pangalan ng isla ay Bolho, later on, naging Boljoon."
"What's with Spanish people naming islands based on what they hear and see?"
"Mga assumera kasi," nakatawa niyang sagot. "Mahirap jowain ang mga colonizers. Kahit ayaw mo. Ipipipilit pa rin."
"At least they have the guts to fight what they want."
"On the brighter side, commending nga ang attitude na 'yan. Nasobrahan lang sila. Nakakasakal kaya pinaglaban ng Pilipinas ang kalayaan niya."
"Maling pagmamahal?"
"Maling-mali talaga."
SUNOD na pinuntahan nila ang simbahan ng Patrocinio de Maria o Nuestra Señora del Patrocinio de Maria. It was one of the oldest church in the province of Cebu. May malaking church plaza sa harap. Nakaharap ang lumang simbahan sa dagat.
They parked their bicycles near the old convent na katabi lang din ng stone church. Pinagitnaan 'yon ng Catolica Escuela. It's like a two storey wooden house na may twin stairs sa labas. May cross sa itaas ng bahay.
Hinila niya roon si Alt. "Dito, tumayo ka riyan." Lumayo siya para makunan ito ng picture. "Ngumiti ka naman."
"Ayoko."
"Wow, ha? Kahit isang smile lang."
"Ano naman 'to?" turo nito sa bahay sa likod nito.
Ayaw talagang ngumiti e.
"It's a dorm built noong American Regime. Bali diyan tumutuloy ang mga bata sa iba't ibang barangay bago sila mag-first-communion. Inaabot din ng isang buwan. Parang school, during their stay here, they are taught everything about God and faith."
Habang papalapit sila sa entrance ng simbahan ay panay naman ang libot ng tingin ni Alt sa paligid.
"Ang ganda 'no?"
"It's like a different place. Peaceful and historical."
May itinuro siyang bundok.
"Nakikita mo 'yon?" He nodded. "Pwede nating akyatin 'yon pero sa susunod na araw na lang. It's called Ili Rock. Sa taas nun, makikita mo ang buong bayan ng Boljoon. They said, it used to be one of the fortresses or watchtowers before. Alam mo kasi noong 15th century to 18th century talamak ang raiders o 'yong mga pirata - the Moros. The usual, they steal foods and people to sell as slaves to other islands."
"So Fr. Julian Bermejo directed the construction of a chain of watchtowers run along with the shoreline para i-protect ang mga locals. That's why this church is called the fortress church of the south. Hindi matapos-tapos ang simbahan na 'to dahil sa mga pirata at pakonti ang mga tao dahil ibinibentang slaves ng mga raiders. 'Yong ibang watchtowers nadadaanan lang going here kaso 'di mo nakita kasi tulog ka."
May itunuro pa siya.
"That one, 'yong bell tower, it's actually the blockhouse before. Pupuntahan natin 'yan mamaya. Pero more like, a jail tower 'yan noon ng mga nahuhuling pirata."
"You know the good thing about living in the past?"
"Ano?"
"Rich in natural resources, clean and unabused mountains and waters, and simple living. Pero the sad thing about it. Everyday you wake up with the fear of getting abused and killed. Sa panahon noon, hindi sapat na buhay ka, dapat mautak ka rin at malakas. Who cares about human rights when you need to survive? It's either you live or die."
"True."
"So Ma'am Scroll, ano pa bang aral ang ibabahagi mo ngayong araw?"
"Madami pa," she grinned. "Tulad na lang ng plaza na 'to. Alam mo bang madami silang nahukay na mga remains ng mga tao rito. Ang culture kasi noon. Kapag namatay ang isang tao, lalo na kung isang alta, kasamang inililibing ang mga importanteng bagay at yaman nila. And they usually bury their bodies under the house. Ang creepy lang na isipin na nakalibing sa ilalim ng bahay ang isang tao."
It's true. Wala talagang cemetery noon. But later on, nagkaroon na rin, sa tabi lang ng simbahan pero at present inilipat na lahat. So bone free na ang plaza for now. Or not? Depende.
"Ah, so kung namatay ako, kasama ka ring ililibing?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako kasama?"
"Kasi dapat, kasamang ilibing importanteng bagay at yaman nila."
"Bagay ba ako?"
"Asawa ko."
Natawa siya. "Loko! Mabuti na lang 'di tayo nabuhay noon. Ayoko nga. Papatayin mo pa akong maaga."
Pumasok sila sa loob ng simbahan. Nakasalubong nila si Kuya Mon. He's on his late forties. Kilala niya ito dahil maliit lang naman ang bayan ng Boljoon. Ito ang laging tour guide ng simbahan nila.
"Oy, Scroll, nakauli man lagi ka?"
"Opo, kahapon lang."
Umangat ang tingin nito kay Alt. "Ito na ba 'yong asawa mo? Narinig ko kasi kina Koleng at sa anak niyang si Belinda ang tungkol nga sa pag-aasawa mo."
"Wow naman! Buong Boljoon ba, alam na?"
Tumawa ito. "Alam mo naman ang bibig ng mag-inang 'yon." Inilahad nito pagkatapos ang kamay kay Alt. "Mon nga pala, hijo. Short for Raymond."
"Alt."
"Magandang hapon sa'yo, Alt. Nga pala, Scroll, naipasyal mo na ba ang asawa mo sa bayan natin?"
"Hindi pa sa lahat, ang simbahan ang huli sa araw na 'to."
"Kailangan n'yo ba ng tour guide?"
"Naku 'di na, Kuya Mon. Kaya ko na. Tandang-tanda ko pa naman lahat ng kwento mo sa'kin."
"Ay talaga ba? Mabuti naman. Sige maiwan ko muna kayo. Tawagin n'yo lamang ako kapag may kailangan kayo."
"Sige po, salamat."
"Wala kang balak itama sila?" mayamaya ay tanong ni Alt nang makaalis si Kuya Mon.
"Hayaan mo na. Makakalimutan din naman nilang kinasal ako."
"May balak ka pa bang magpakasal, Scroll?"
"Oo naman. Wala pa nga lang akong groom." Pumasok na sila sa mismong simbahan talaga. 'Yong entrance sa museum kasi sila dumaan dahil sarado ang mismong pinto ng simbahan. "Speaking of kasal. Alam mo ba na ang simbahan na 'to ang may pinamahabang aisle sa lahat ng simbahan sa Cebu?"
Totoo, literal na mahaba ang aisle.
"You mentioned, you like long."
Natawa siya. "I like long. Long aisle as well." Hinarap niya ito. "Noong 16 ako, nilakad ko 'to na para akong bride. Mukha lang siyang maikli, ha? Pero kapag nilakad mo, ang layo pala talaga ng altar."
The interior of the church is a complete contrast to its whitewashed façade. Baroque Rococo altar, a magnificent multi-tiered tableau of centuries-old images of saints with each chamber gilded in gold. And of course its magnificent long aisle.
"This church is already 400 years old and counting. Declared a national treasure because the town was able to preserve its beauty throughout the years."
Hindi niya sinundan si Alt nang maglakad ito papunta sa altar.
"Sa haba ng aisle nila parang may oras pa para magbago ang isip ng bride," basag nito.
Natawa siya. "Totoo! Para sa mga bride na hindi sure. This is the perfect church."
"Gusto mo dito ikasal?"
"Well, in all honesty, pangarap ko talagang ikasal dito. It has always been my dream."
"Maglakad ka nga sa gitna."
"Maglalakad ako?"
"Hindi mo ako lalapitan dito?"
Napakurap-kurap siya. Sabagay, ang lalakas ng boses nila. Aba'y nasa harap si Alt. Siya nasa dulo ng simbahan. Sa may pinto to be exact.
"Sige, wait lang -"
"Huwag kang magmadali. Bagalan mo lang paglalakad."
Kumunot ang noo niya sabay tawa. "Bakit?"
"Titignan ko lang kung bagay ka ngang maging bride ng simbahan na 'to."
"May audition ba ng bride role, direk?" nakatawa niyang tanong habang naglalakad sa gitna.
Ngumiti si Alt. "Bukas ka pa yata makakarating sa altar."
"Grabe naman 'to. Bibilisan ko nang kaonti. Okay na po ba 'to, direk? Papasa na ba akong bride?"
"Bagalan mo nang kaonti. Ngumiti ka. Kunwari may hawak kang mga bulaklak."
Sinunod niya lahat ng utos nito. At talagang ngayon niya napansin na pareho pala silang nakaputi ni Alt. He was wearing a white shirt and black jeans. She, on the other hand, was wearing a white dress na of course sinuotan niya ng shorts sa ilalim kasi nga magbibisiklita sila.
"Okay na po, direk?"
"Look at me."
"Bakit?"
"I'm supposed to be your groom. Bakit kung saan-saan ka nakatingin?"
"Sorry po, direk. 'Di ko po kasi nabasa ang script."
Tang na juice, ka Alt. Ano naman 'tong drama mo? Kapag talaga ako nainis, tatawagin ko na si father para maikasal na tayo for real. Na saan na ba si father? Ready na ako. Father game ka na ba?
"Ay! Nagbago na pala isip ko," biro pa niya.
Akmang tatalikuran niya si Alt nang marinig niya ang pangalan niya. "Emari Scroll!"
She slowly turns in his direction.
Hindi niya mabasa ang ekpresyon ng mukha nito but it was close to showing disappointment. Ngumiti siya rito at nagpatuloy sa paglalakad. A moment after, she saw how Alt face lit up. She saw the relief on his face.
"Joke lang, 'to naman."
"If you become a runaway bride. You will not pass the audition."
"Sino ba groom ko kapag pumasa ako?"
Malapit na siya kay Alt.
"Depende sa usapan."
Hanggang sa magkaharap na sila sa harap ng altar.
"Bakit ba tayo nakaputi ngayong araw?"
He just simply shrugged.
"Direk, ano na pong gagawin ko?"
"Let's get married."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro