Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"WELCOME TO CEBU!"

"I've been here," sagot ni Alt. Isinuot nito ang black sunglasses sa mata at namulsa.

Nawala naman ang ngiti niya. Sayang naman 'yong effort niya. Tumakbo pa siya para maunahan ito palabas ng departure area para batiin ito. May malaki kasing banner na Welcome To Cebu sa waiting area sa labas ng airport.

"Basag trip ka, ha?! 'Di ka man lang sumabay."

"Where to go next?" pag-iiba nito.

'Di man lang supportive. Tsk!

But in all fairness, hindi ito naka plain black t shirt ngayon. Naka white t shirt lang. At least may change of color. Pagbigyan na natin.

Pinatungan nito 'yon ng dark blue button-down jacket, matched in dark jeans - folded twice or thrice on his ankle, and white shoes. Syempre, mawawala ba ang black cap nito? Naku, never yata kapag nasa labas ito. Sa sombrero ni Alt may forever, promise!

Oh well, Alt will always be Alt. 

Masaya na rin siyang napilit niya itong mag-leave sa trabaho at sumama sa kanya sa Cebu. Actually, hindi naman siya nag-expect na sasama ito. Her reason for coming home is not because she wanted to introduce Alt to her parents as her husband.

She really just missed her family.

At napansin niya ring hindi yata marunong mag-vacation leave ang isang Al Timothy Flores. Marami itong katulong kapag wala ito sa studio. Nandiyan si Direk Ace na assistant nito. Halos alam naman na ng lahat ang takbo ng bawat segment. Saka magagaling talaga ang mga noontime host.

May Crosoft pang nangangain ng microphone.

Kaya Alt deserves to unwind and take a vacation.

"Sasakay tayo ng taxi papuntang South Bus Terminal tapos sasakay tayong bus papuntang Boljoon," sagot niya. Hinanap niya ang paradahan ng taxi. "Ayon! Doon tayo." Turo pa niya sabay hila kay Alt na siyang tumutulak ng luggage cart.

"Mga ilang oras from the city ang b'yahe?"

"Hmm, mga 3 to 4 hours, depende." She looks at her wristwatch. "Alas syete pa lang," nagbilang siya sa kamay, "eight, nine, ten... baka before lunch nasa bahay na tayo."

He covered his mouth, nod, and yawn.

Pagkatapos mailagay sa likod ang mga gamit nila ay pumasok na sila sa loob ng taxi. Magkatabi sila sa passenger's seat.

"Saan po tayo?" tanong ng driver.

"Sa South Bus Terminal kuya," sagot niya in her beautiful Bisaya accent.

Sa bus habang bumabyahe ay panay na ang text niya sa kapatid na si Page. Hindi kasi siya nagsabi sa mga magulang niya na uuwi siya. At hindi rin alam ng mga ito na kasama niya si Alt. Pati ang kapatid niyang si Page ay wala ring ideya.

Ngiting-ngiti siya habang ibinaba ang hawak na cell phone sa kandungan niya. Naibaling niya ang tingin sa labas mula sa bintana. She missed Cebu. She missed the south shoreline and highland's charm. The city proper is more urban than the southern and northern parts. Sinong mag-aakala na probinsiya ang Cebu considering these high rising buildings, high-class malls, and residences. At halos hindi rin nauubusan ng tao sa syudad.

But the good thing about her hometown. Malayo na sa ingay at polusyon ng city. All were in the shade of green and blue seas. Halos wala na rin silang nakakasalubong na mga sasakyan at bus. She felt so at ease. Di-aircon nga lang ang sinakyan nilang bus pero sigurado siyang sariwang-sariwa ang hangin sa labas.

Halos dagat na ang nakikita niya sa labas ng bintana.

"We're almost ther –" natigilan siya nang pagbaling niya ng tingin ay saktong bumagsak ang ulo ni Alt sa balikat niya. Tulog na tulog ito sa tabi niya habang nakahalukipkip. "Kaya pala ang tahimik mo." She couldn't help but smile. Maingat na inalis niya ang suot nitong shades para silipin ang mukha nito. "Ang galing ng pagkakagawa sa'yo. Ang gwapo-gwapo," aniya sa mababang boses.

Ang amo ng mukha nito at mukhang malalim at mahimbing na ang tulog. Umayos siya ng upo para maisandal nito nang maayos ang ulo sa balikat niya. Itinaas niya naman ang kamay na may hawak ng cell phone para kumuha ng selfie.

"Bagay na bagay, may chemistry," ngiting-ngiting sabi niya.

Halos sumakit na ang pisngi niya sa kakangiti. Kumuha pa siya ng madaming picture nilang dalawa at stolen shots ng isang sleeping Alt. Nang makuntinto ay ibinalik na niya ang shades sa mukha nito. This time, ang isang pares naman ng suot nitong earbuds ang pinagdiskitahan niya.

Ano naman kayang pinapakinggan nito?

She took the other one and put it in her ear.

"Swept away on a wave of emotion. Over-caught in the eye of the storm. And whenever you smile I can hardly believe that you're mine. Believe that you're mine..."

Ibinaling niyang muli ang tingin sa labas.

So you like Westlife, ha?

"This love is unbreakable. It's unmistakable. And each time I look in your eyes, I know why."



"I'M HOMEEE!" malakas na sigaw ni Scroll mula sa labas ng bahay. Sa sobrang lakas nagsilabasan sa mga bahay ang mga kapitbahay nila at ang mga magulang at mga kapatid niya.

Si Alt na nanlaki ang mga mata nang halos palibutan ng mga tao ang bahay nila.

"Boang ka man diayng bataa ka!" sigaw ng ina niya mula sa terasa ng second floor. "Umuuwi ka nang walang pasabi." Mabilis na nawala ito at bumaba ng second floor.

Nginitian niya si Alt. "Relaks ka lang, mabait ang Mama ko. Mukha lang hindi." Ibinaling niya ang tingin sa mga kapitbahay nila. Kumaway pa siya sa mga ito. "Hi! Long time no see. Oy, Milenda nanganak ka na pala. Goryo, musta na? May jowa ka na ba? Naks! Jana, dalagang-dalaga na ah."

Pasimple siyang siniko ni Alt sa braso. "Ganito ka ba talaga umuwi sa inyo? Para kang tatakbong mayora."

Natawa siya. 

"Ano ka ba, malalaman din naman nila. Maliit lang 'tong purok namin. Ang chismis dito sa'min mas mabilis pa kay Flash." She linked her arm with Alt's arm. "Halika na, pasok muna tayo."

Pagpasok na pagpasok nila sa loob ay nakaharang na sa sala ang ina at ang dalawang kapatid na sila Page at Home. Wait! Na saan si Papa?

"Emari Scroll Catapang," seryosong tawag sa kanya ng ina.

"Okay, let me explain –"

"Ito na ba ang asawa mo?" Napalitan nang malaking ngiti ang busangot ng ina. "Welcome home, anak." Nakahanda na sana siyang salubungin ang yakap ng ina nang kay Alt ito yumakap. Para siyang tanga sa posisyon niyang hangin lang pala ang yayakap sa kanya. "Ay, may ibang anak na pala siya?" nasabi na lang niya. Kaloka 'tong nanay niya, oh!

"Naku! Napagod ba kayo sa b'yahe? Gutom ka na ba? Gusto mo magpahinga?" Kumalas ito sa pagkakayakap kay Alt at iginiya ito sa may sofa. "Maupo ka muna. Gusto mo ng juice? kape? tea?Ay ka gwapo ba ani oy." Pinanggigilan pa ni Mama ang mukha ni Alt at kinurot-kurot ang pisngi.

"Maaa!" awat na niya rito. Lumapit siya at inilayo ang ina kay Alt.

"Ate, siya ba 'yong gwapong direktor na asawa mo?" tanong ni Homer, short for Home. "'Yong lagi kong naririnig na pinagchi-chismisan nila Aling Koleng at Ate Belinda."

Kumunot ang noo niya.

'Yong mag-inang 'yon talaga ang numero unong chismosa sa barangay nila.

"Ate, totoo ba talagang nag-asawa ka na?" dagdag naman ni Page.

"Ngano ni? Ngano ni? Nganong nagkagubot man?" Biglang dumating si Papa. May hawak pang tabaco at nakatapis lang ng tuwalya sa baywang. 'Tong Papa niya, akala mo, model ng brief e. "Emari? Anak?" Sumilay ang ngiti nito at niyakap siya. "Nauli lagi ka?"

"Bawal bang umuwi? Na miss ko kayo e."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Nalipat naman ang tingin nito kay Alt na mukhang naguguluhan na sa nangyayari. Para itong batang nawawala na nakaupo sa sofa nila.

"Sino ka?"

"Wait! Wait!" Pumagitna siya sa dalawa. Nasa likod niya si Alt. "Let me explain."

"Emario magbihis ka nga!" sita ng ina niya sa ama. "May bisita tayo. Nandito ang asawa ng anak mo. Mukha kang gigolo riyan."

"Asawa?! Akala ko ba –"

"Magbihis ka muna!"

"Ay bakit ba? Sino ba 'yang lalaking 'yan para bihisan ko pa? Ako ang ama, haharapin ko siya kahit naka brief lang ako."

Hay naku, Scroll! Sabi na sa'yo e. Magkakagulo kapag 'di mo ipinaalam sa kanila na may kasama ka sa pag-uwi.

Humugot siya nang malalim na hininga. "Okay, kalma muna tayong lahat." Isa-isa niyang tinignan ang mga ito. "Kasama ko si Alt. Oo, siya 'yong direktor na sinasabi nila Aling Koleng na asawa ko."

"So mag-asawa nga kayo?" ni Mama. Tinapik nito si Page. "Page, isarado mo ang pinto baka may mga ungo na namang nakikinig." Tumalima ang kapatid at isinirado ang pinto. Ungo means multo o scary creature in Bisaya.

Nagkanya-kanyang upo ang mga ito. Si Papa sa pag-isahang upuan. Si Mama na naupo sa isa pang sofa nila sa sala katabi ni Page. Si Home na nakatayo lang sa likod ni Papa.

Naupo na rin siya sa tabi ni Alt.

Napansin niyang nakatingin ang pamilya niya sa mga sing-sing na suot nilang dalawa ni Alt. Tang na juice! Paano ba niya i-explain ang lahat?

"Magsalita ka na, Emari," basag ng ama sa seryosong boses.

"Okay, so ganito, hindi talaga kami totoong mag-asawa ni Alt," simula niya. Napalunok siya. Grabe, ang intense ng mga tingin. Parang ipapa-garote na siya mamaya. "Tinutulungan lang niya ako dahil nga may malaki akong nagawang pagkakamali na muntik ko nang ikapahamak." Ikinuwento niya ang tungkol kay Lewis hanggang sa kung bakit inakala ng lahat na nagtataksil siyang asawa ng isang sikat na direktor. "Please, saka n'yo na ako sermonan."

"Anak nang –"

"Emari Scroll!"

"Alam ko! Alam ko! Sorry na po." Pinagdaop niya ang dalawang palad. "Kaya nga, malaki ang utang na loob ko kay Alt dahil tinanggap niya ako sa pamamahay niya at tinulungan pang mapakulong ang walangyang Lewis na 'yon."

"Kung wala kayong relasyon na dalawa, bakit kasama mo ang lalaking 'yan?" ni Papa.

"Niyaya ko pong magbakasyon muna sa atin."

"At ano sa tingin mo ang iisipin ng mga kapitbahay natin?"

"Pa –"

"It's okay, sir." Naibaling niya ang tingin kay Alt. "Pwede akong mag-stay sa isang hotel na malapit dito if I'm making you uncomfortable."

Bigla siyang nahiya kay Alt.

"Hindi na, dito ka na lang," bawi naman agad ng ama niya. "Espesyal ka sa buhay ng anak ko kaya bilang ama, dapat espesyal rin ang trato ko sa'yo." 

Ay iba si ama. Gaano ka espeyal Emario Catapang?

Napangiti na siya. 

Pati si Alt ay bahagyang namilog ang mga mata nang ngumiti ang ama niya.

"So kailan kayo magpapakasal ng panganay namin?" biglang tanong ni Papa.

Inihit naman ng ubo si Alt.

"Naku, matanda na 'yang anak namin. Kaya ipamimigay na namin para mapakinabangan naman ang matris niyan." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ng ina. "Ilang anak ba ang gusto mo? Naku! Kahit lima o sampu, kaya niyang si Scroll."

"Wow!" tanging nasabi niya.

Alt look amuse, overwhelm and fascinated by her family. Siya naman, kating-kati na siyang ipasok sa banga ang pamilya.

"Ate, bagay kayo, ang gwapo ni Kuya Alt, oh!" segunda pa ni Page.

"Ako rin, Ate, walang problema sa'kin. Malapit ka nang mawala sa kalendaryo."

"Wow naman! Pamilya ko ba kayo? Isang dugo lang ba ang dumadaan sa mga ugat natin? Kung ibugaw n'yo ako, wagas na wagas. Na orient ba kayo ng boss ko?"

Napuno nang tawanan ang bahay nila.

Kahit ang Papa niya na alam niyang tigasin at matinik sa mga lalaking umaakyat ng ligaw sa kanya noon ay gustong-gusto si Alt. Mukhang excited pa itong manugangin ang isang Direk Alt Flores.

Lumipat ng upo ang ina at hinawakan ang braso ni Alt. Naibaling naman ni Alt ang mukha sa ina.

"Anak," tawag nito kay Alt. "Tawagin mo na lang akong Mama. Huwag mo akong tawaging nanay, dahil nakakatanda. Mama na lang. Okay ba? Naku! Ka gwapo mo talaga. Sa'yo na lang anak ko, ha? No exchange, no return."

"Maaa!"

"Ano ka ba! Hindi ka na makakahanap nang ganito kabait at kagwapong prince tsarming. Sa kakahanap mo ng lalaki, muntik ka nang mapahamak. Huwag ka nang lumayo. Kay Alt ka na lang, bagay kayo, anak, pramis. Maganda ang bunga n'yo. Para kayong puno ng kaimito. Magbubunga kayo ng mga chico."

Kumunot ang noo niya. Teka lang, na-e-stress siya. Ano raw?

"Paano magbubunga ng chico ang kaimito?"

"Sample lang 'yon, huwag mong dibdibin, konti lang 'yan e," aniya sabay nguso pa nito sa dibdib niya.

Napamaang siya at na-i-krus ang mga braso sa dibdib. "Hoy, Socoro Catapang, grabe ka sa'kin ah. Anak mo ako!"

Tawang-tawa ang ina sa kanya. "I love you, 'nak. Pakasal na kayo, ha?" Ayaw na talagang lumayo ng ina kay Alt. Sa napansin niya, tila, natutuwa naman ito sa mga kaadikan ng mga magulang niya. He was smiling. "Hoy, Homer, Page, at Emario, walang kakanta sa labas. Asawa ng Scroll natin ang kasama niya. At ikaw rin, anak, ha?" Baling nito kay Alt. "Huwag mo nang pag-isipan. Sinisigurado ko sa'yong matibay ang matris ng anak ko."

Sa pagkakataon na 'yon, natutop na niya ang noo. Napapailing na napapangiti na lamang siya. Sa tingin niya ay mag-e-enjoy naman si Alt sa bakasyon nito. Ma-e-stress lang siya.

Saktong pagbaling niya ng tingin kay Alt ay napatingin ito sa kanya.

Naglapat ang mga labi niya. 

Pasimple niyang itinaas ang isang kamay at nag-peace-sign.

"Sorry," she mouthed after.

He didn't say a word but she saw how his eyes sparkle and smile. That darn, puppy-like eyes. Argh! Bakit ba sobrang adorable ni Alt sa tuwing binibigyan siya nito nang ganoong tingin?

Marupok pa naman ako!



PABALIK na sila ng bahay ni Alt. 

Nagprisenta siyang siya ang bibili ng inasal na manok saka softdrinks. Isinama niya si Alt para mabigyan niya ito ng kaonting exposure sa simpleng pamumuhay sa Boljoon. Nag-traysikel lang sila papuntang merkado at bumaba sa may gilid ng daan kung saan nakatayo ang sari-sari store ni Aling Mema.

Naglalakad na sila pauwi.

Hawak ni Alt ang dalawang litro ng Coke at hawak niya ang plastic ng inasal na manok.

"Pasensiya ka na sa Mama at Papa ko. Lakas talaga trip ng mga 'yon sa buhay," she chuckled after.

"Now I know, kung saan ka nagmana."

"Oy, 'di naman. Well, may saltik talaga kaming magpamilya. Kami 'yong klase ng pamilya na itatawa na lang ang mga problema."

"It's actually nice to have that kind of family." Tipid lang ang ngiti nito pero totoong-totoo. The genuinity in his words reflects in his eyes.

"Taga Manila ka lang ba? O may province ka rin?" pag-iiba niya. Baka sa pagkakataon na 'yon magawa niyang makapag-open-up sa kanya si Alt.

"I was born and raised in Bataan."

"Saan sa Bataan?"

"Sa Mariveles, taga roon kasi ang Papa ko."

"Maganda raw doon. Doon nga madalas nag-sho-shooting ang mga artista."

"Maganda naman."

But why do he sounded sad?

"Gusto ko pumasyal doon. Ikaw? Kailan ka huling bumalik ng Mariveles?"

"Matagal na. Fifteen years old pa yata ako noong umalis ako. Since then, hindi na ako bumalik ng Bataan. It's a long story."

"It's okay. I like long."

Kumunot ang noo ni Alt.

"Story," dugtong pa niya, sabay ngisi. "I like long story. Kasi kapag short, nakakabitin. So dapat long. Long story."

"Bakit kapag ikaw ang nagsasabi may ibang meaning?"

Natawa siya. "Malisyoso ka lang talaga. Walang ibang meaning 'yon. Kaloka ka!"

Sa pagkakataon na 'yon, she saw him smile again.

"To tell you honestly, I envy those kinds of family." Natigilan siya sa sinabi ni Alt. Hindi naman 'yon nito napansin dahil patuloy pa rin sila sa paglalakad. "Para bang, kapag meron ka nang ganyan kasayang pamilya, masarap umuwi."

"Nagi-guilty ako sa part na 'yan. May pagkakataon kasi na nati-take-for-granted ko sila."

"You should value your family, Scroll. Hindi lahat ng tao sa mundo may ganyang mga magulang. They seem like the kind of family who values support, understanding and trust. Hindi sila ang klase na huhusgahan ka at iwawanan ka lang sa ere."

Napangiti siya. "Alam mo, sobrang bless ko nga to have them."

"It had been so long since someone ask me to call her, mama. Hindi ko na nga maalala kung kailan ko huling ginamit ang salitang 'yon."

"Alt?"

"You wouldn't mind me calling your mother, mama?"

"Alam mo, kahit isipin mo pa siyang tunay na ina, okay lang sa'kin. I would be much willing to extend my family to you. Para hindi lang ako ang may masayang pamilya. Ikaw rin. Okay ba?" Nag-thumbs-up siya rito.

Sumilay ulit ang ngiti sa mukha nito. "Kaso ayokong maging kapatid ka."

"Ay grabe siya! Grabe ang hate sa'kin?" Naningkit ang mga mata ni Alt. Ano na naman kayang maling nasabi niya? "B-Bakit?"

"May nakapagsabi na ba sa'yong manhid ka?"

Nag-isip siya.

Parang wala naman.

Wala pa naman.

Umiling siya. "Bakit?"

"Halika na, bumalik na tayo at baka hinahanap na nila tayo." Iniwan siya ni Alt at naunang naglakad sa kanya. 

Naikiling niya ang ulo sa kanan.

"Anong nangyari sa isang 'yon? May lakad?" Mabilis na hinabol niya ito. "Honey, wait!"



A/N: Happy Weirdy Weekend! Mahaba 'to. Enjoy! Happy comments. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro