Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

"AALIS KA NA?"

Umangat ang tingin ni Scroll kay Alt. Nasa huling dalawang baitang na siya ng hagdan. Pilit ibinababa ang malaki niyang maleta.

Nakatayo ito sa ibaba ng hagdanan. Mukhang galing itong kusina dahil may dala itong baso ng tubig.

He's in his usual home clothes. Plain gray shirt and black cargo shorts.

Alt look anxious and troubled with that stern face he was giving her. Tila hindi nito gusto ang nakikita.

"A-Ano -"

"You will leave me just like that?"

"Kasi nga -"

"I'm disappointed, Scroll."

Bigla na lang siya nitong tinalikuran. Ay grabe! Kung patapusin nga kaya siya nito bago siya nito walk-out-an. Iniwan niya ang maleta at sinundan si Alt sa direksyon ng dining room.

Hinawakan niya ito sa kaliwang balikat para pahitin paharap sa kanya.

"Sino ba may sabi sa'yo na aalis ako?"

Ibinaling nito ang tingin sa maleta niya. "I can see it, Emari Scroll."

Even in the tone of his voice parang extreme talaga ang disappointment nito sa kanya.

Ang sakit nang pakinggan ng Emari Scroll. Para siyang tinatawag ng nanay niya para sermonan.

"If you want to leave, then fine with me. You're welcome."

Napahawak siya sa kanyang baywang. Hindi siya naiinis. Natatawa siya sa reaksyon ni Alt but she did her best not to laugh. Napapangiti na siya sa isip.

He clearly don't want her to leave. Actually, na touch siya sa discreet action na 'yon.

"Bawal ba maglaba rito?"

Kumunot ang noo nito. This time, she could no longer suppress her laugh.

"Maglalaba?" ulit nito.

"Maglalaba ako." Itunuro niya ang maleta. "Lalabhan ko lahat nang nasa loob ng maleta na 'yan. Hindi ako aalis. Maglalaba lang ako. Kaloka ka!"

"I - I thought ... " His face softened. She saw relief on his face even if he was not smiling. "E bakit naka maleta ka pang maglalaba?"

"Takot kang mawala ako?"

Bumalik ang blankong expression ng mukha nito.

"Ayoko lang ng mga taong umaalis na hindi nagpapaalam. It's annoying."

"So ayaw mo muna akong umalis sa bahay mo? I can stay here?"

"Nasa sa'yo 'yon."

"You're not annoyed with me?"

"At least may nagbabantay ng bahay ko."

Tinalikuran siya nito at naglakad sa direksyon ng sala. Naupo ito sa sofa at inilapag ang baso ng tubig sa glass table sa harap. Hawak na nito ang remote ng tv.

Sumunod siya rito at naupo sa tabi nito.

Nakatutok ang mga mata nito sa telebisyon. He's switching channels every 3 to 5 seconds lalo na kapag 'di nito nagugustuhan ang palabas.

"Alt, tutal, okay na ang lahat, wala na ring pagbabanta sa buhay ko. Baka, dapat na rin siguro akong umalis sa bahay -"

"I won't stop you if that's what you want."

"Maghahanap pa ako ng bagong malilipatan."

"Okay."

May mood swings ba ang lalaking 'to?

"Saka kapag umalis ako. Magpapaalam naman ako. Hindi ko naman ugaling mag-disappear na lang bigla. Hello?! Masakit kayang maiwan sa ere. 'Di sana, naging eroplano na lang ako kung iiwan lang rin ako sa ere."

Tumayo na siya at binalikan ang iniwang maleta.

"Maglalaba muna po ako!" paalam niya.

Naghahaba ang leeg niya para silipin ang mukha ni Alt na hindi man lang siya nililingon. Nanlaki ang butas ng ilong niya at kumibot-kibot ang mga labi.

"Labhan ko rin kaya ang 'sang 'to at nang mawala ang inis sa'kin," bulong niya sa kawalan bago hinila ang maleta sa likod bahay.

Ang dami kasi niyang lalabhan. Hindi na kasya sa laundry basket kaya ipinasok na lang niya lahat sa maleta.

Kaso mukhang masama ang gising ni Alt ngayon. Galit yata sa ginawa niyang pang-go-goodtime kagabi.

Hello! Sino ba ang naglasing?

Mainit ulo kasi may hangover. Dapat nga magpasalamat pa ito, inuwi niya ito.

She heavily sighed.

Oh well, at least, hindi siya mapi-pressure na maghanap ng bagong apartment. Masaya na siya sa attic ng bahay ni Alt. Kahit siguro mag-asawa ito ay sa attic lang siya.

Loka! Makikiapid ka pa.

May balak maging kabit, Scroll?

Nakangiting inilabas niya ang lahat ng damit mula sa maleta.

"'Di pakakasalan ko na lang si Alt para may bahay at lupa na ako." Napahagikhik siya. "Legal wife pa."

Bigla niyang na imagine ang sarili na namumuhay bilang maybahay ng isang Direk Alt Flores.

Kinilig siya nang sobra.

Pinanggigilan niyang i-strech ang violet niyang panty. Nasa ganoon siyang state of kabaliwan nang biglang dumating si Alt sa laundry area sa likod bahay.

"Shet!" mura niya, sabay baba nung panty niyang hawak.

"Just to clarify, nothing happened between us last night?" seryoso nitong tanong.

"Gusto mo bang meron?" tukso pa niya.

"Emari Scroll."

Tumawa siya. "Joke lang! Masyado kang seryoso ngayon. Wala nga. Lasing ka lang. Pinagtripan lang kita kanina."

"I'm just making sure."

"Rest assured walang nangyari. You're still holy," she chuckled. But she was curious though. "But what if," she trailed off. Napapatitig ito sa kanya. "May nangyari nga? Anong gagawin mo?"

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko?"

"Pakakasalan mo ako?"

"Yes, but the last say will always be yours. Ayoko rin naman kasing pilitin ang isang tao na makasama ako kung ayaw niya. She has all the rights to say no if she doesn't want to have me in her life."

Hindi niya napigilan ang sariling titigan nang husto ang mukha nito. She saw pain in his eyes but he was able to conceal it immediately. Tila ba, sobrang nasaktan na ito noon. Hindi lang dahil sa kabiguan nito kay Ate Cam.

She has feeling that it's deeper than what she's thinking right now.

Alt seem scared in asking people if they want to stay in his life. He feared that they would say no.

Maybe, in the past, his childhood was full of rejections.

"Alt are you okay?"

"I'll be in my room. If you need anything, ask Manang Rosa."

Tinalikuran na siya nito at pumasok ulit sa loob ng bahay.

Napabuntong-hininga siya.

Naalala niya ang mga picture frames na naka display sa sala. She wondered where his parents are.

"What's making you feel like this, Alt?"



"NA saan si Alt?" tanong niya kay Lisa. Ang babae na lang kasi ang naabutan niya sa director's booth.

"Si Direk? Nasa props storage. May titignan lang daw e, kasama ni Direk Ace."

"'Yong storage sa studio natin?"

"Oo, kung saan namin nilalagay 'yong mga props ng mga segment shows. Alam mo ba?"

"Oo, alam ko. Sige, Lis, salamat."

Umalis agad siya at tinungo ang direksyon ng storage room. Ang alam niya, malapit lang 'yon sa exit papuntang basement parking.

Palipat-lipat ang tingin niya sa mga pintong nadadaanan niya hanggang sa huminto siya bahagyang nakaawang na pinto na may nakapaskil na Storage Room.

Pero mukhang wala namang tao sa loob at nakapatay pa ang ilaw. Umalis na kaya si Alt?

Pumasok pa rin siya sa loob. Sisilip lang sana siya nang biglang sumarado ang pinto sa likod niya. Napasinghap at napatili siya sa gulat. Sa pagkakataon na 'yon. Tuluyan nang dumilim ang paligid.

Uminit din ang pakiramdam niya dahil closed room 'yon. Walang bintana at walang aircon. Kinapa niya ang pinto at nang mahawakan ang knob ay hindi niya 'yon mapihit pabukas.

"Tulong!" sigaw niya sabay malakas na katok sa pinto. "Buksan n'yo 'to!" Ilang beses siyang sumigaw pero wala siyang naririnig na yabag ng mga paa sa labas.

Ramdam na niya ang pawis sa gilid ng mukha.

Scroll, don't panic. Relaks lang. Humugot siya nang malalim na hininga at bumuga ng hangin. Kinuha niya ang cell phone sa bag. Maiiyak yata siya dahil walang signal.

Malakas na kumatok ulit siya sa pinto. Halos balyahin na niya gamit ng braso at balikat pero ayaw pa rin.

"Tulong! May tao ba riyan?! Please, help! Alt! Alt! Tulong!"

Nahihirapan na siyang huminga dahil wala talagang hangin na nakakapasok sa loob. Pinagpapawisan na siya nang sobra.

She open her phone's flashlight para makita ang paligid. Napalunok siya nang mapansing sa isang panig ng silid ay may mga manika. Nakatingin sa kanya ang pinakamalaking manika na kamukha ni Annabelle.

Napaatras siya.

"Alt?"

Nagsimula na siyang matakot. Para siyang iniipit ng dalawang pader. Feeling niya lumiliit ang silid at papalapit sa kanya ang mga manika. Bumalik sa kanya ang eksenang nangyari sa kanya noong bata siya. Noong makulong siya sa lumang bahay.

Nanginig ang buo niyang katawan. Naririnig niya ulit ang boses ng mga manikang tumatawag sa kanya.

"Alt!!!" umiiyak na sigaw niya.



"O, Direk!" Napansin agad ni Alt ang pagtataka sa mukha ni Lisa nang magkasalubong sila sa hallway. "Hindi ba kayo nagkita ni Scroll?"

Kumunot ang noo niya. "Scroll is here?"

She nodded. "Hinahanap ka niya. Papunta siyang storage room."

"Hindi ko siya nakita. Hindi na rin kami tumuloy roon ni Ace dahil pinatawag siya ng creative team."

"Naku! Baka nga nandoon pa siya sa storage room."

"Storage room?" Naibaling niya ang tingin kay Sam. "Sira ang pinto ng storage room. 'Di nabubuksan sa loob. Pero baka may tao pa roon. Nakiusap kasi sila Dom na sa storage muna raw ilagay 'yong mga vintage dolls kasi mas malapit sa parking. Maaga kasi raw iba-byahe sa set bukas."

"May mga manika sa loob ng storage natin?!"

Now he's starting to worry. Huwag sanang ma trap sa loob si Scroll.

"Opo, Direk."

"I'll go and find Scroll. Lisa, please sumunod ka sa storage, just in case, Scroll got locked up inside, dalhin mo ang susi ng storage room."

"Sige po, Direk."

Mabilis ang kilos na tinungo niya ang daan papunta sa storage room. Malayo pa lang ay may naririnig na siyang malakas na pagbayo ng pinto.

"Alt!"

Tinakbo na niya ang pasilyong 'yon nang marinig ang sigaw ni Scroll.

"Alt, tulooooong!" umiiyak na ito sa loob.

"Scroll! I'm here." Pinihit niya ang knob ng pinto and just as he expected hindi niya 'yon mabuksan. "Relax, take a deep breaths. I'm here outside."

"Alt," she was sobbing. Damn it! Nasaan na ba si Lisa? "Tulungan mo ako...na...natatakot ako rito..."

"Don't look at those dolls. Papunta na si Lisa. Dala niya ang susi. I'll get you out of there, okay? Calm down. Everything will be okay. They're not gonna hurt you."

"Alt...pls..."

Idinikit niya ang kalahati ng mukha sa malamig na katawan ng pinto.

"Scroll, honey, listen to me," aniya sa malambing at mahinahong boses. "I'm just here outside. Don't be scared."

"But they're here inside."

"They're not real. Hindi ka nila malalapitan. Ganito, think of happy thoughts. Good memories that makes you laugh. Okay?"

"I'm scared..."

C'mon Alt, think! Damn, naba-blanko ang isip niya. Kailangan niyang ma divert ang isip ni Scroll.

Where the hell are you, Lisa?

Humugot siya nang malalim na hininga. You can do this, Alt.

"If you look at your keyboard, you see U and I together." He didn't hear a response from Scroll, still, he continued. Crap! He's not really good at this. "Look underneath, it says JK."

He heard Scroll laugh. "Bwesit ka!"

Finally, he felt a sense of relief.

"Akala ko sa H nagsisimula ang happiness. Sa U pala."

He heard her laugh again inside. Mas malakas na kaysa noong una.

He can't help his smile.

"Sabi ni Peter Pan, think happy thoughts and you'll fly. E ba't pag-iniisip kita, I fall?"

"Korni mo!" tawang-tawa pa rin ito.

"Alam mo ba noong una kitang makita na lowbat ako. Na lowbatfirst sight sa'yo - "

"Direk!"

Oh, shit.

Tawang-tawa pa rin si Scroll sa loob. Pinaseryoso niyang muli ang mukha, void of any traces of smiles.

"What took you so long?"

"Sorry, Direk." Inabot nito sa kanya ang susi.

Agad na binuksan niya ang pinto.

Nagulat siya nang may mga brasong mabilis na yumakap sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng mukha ni Scroll sa dibdib niya.

"Thank you!" Humigpit ang yakap ni Scroll sa kanya.

Umangat ang isang kamay niya sa buhok nito at marahang hinaplos iyon.

"I told you, I'll get you out of there."

He felt her chuckled on his chest. "Ang korni mo! Saan mo nakuha ang mga 'yon?"

Napangiti siya. "You don't need to know." Naibaling niya ang tingin kay Lisa. Tila kinikilig pa itong tignan sila. Sinenyasan niya itong umalis na.

Nag-peace-sign ito bago tuluyang iwan sila.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Her eyes are swollen from too much crying. She was sweating.

"You want water?"

She nodded. "Nagugutom din."

He gently tap her hair. "Let's eat first before we head home."

"Bakit ba may mga manika kayo rito?"

"Long story." Inakbayan niya si Scroll at hinapit pa lalo sa katawan niya bago inakay palakad. "Saka ko na ikukwento."

"Muntik na akong mamatay sa loob. Buti na lang korni ka. Nawala takot ko." Tawang-tawa ito.

"Saya ka?" he teased in sarcasm.

Sunod-sunod na tumango ito. "Benta sa'kin lahat ng jokes mo. May tinatago ka pa lang talent e."

"You're not allowed to share that to anyone. Lagot ka sa'kin."

"Don't worry, your secret is safe with me."

"What do you want to eat?"

"Ikaw?"

"Hindi ako nakakain," he chuckled.

"Anong pwedeng kainin sa'yo?"

He squinted his eyes at her. "Emari Scroll."

Malakas na tumawa ito. "Joke lang!" She give him a peace sign. "Kahit anong gusto mong kainin. My treat. Kasi niligtas mo ako."

"We'll eat yum burger."

"Burger na naman? Lagi ka na lang nagbu-burger." Nanghaba ang nguso nito. "Magsawa ka naman."

"Mahirap akong pasawain. When I love something or someone. I prefer to love them for a long time."

"Naks!"

"Anyway, why are you here? Akala ko may lakad ka ngayon?"

Iniangat nito ang mukha sa kanya. "Alt, may paid leave ka ba?"

"Why are you asking?"

"Gusto mo sumama sa'kin sa Cebu?"



**Struggle is real. I had to write this chapter in my phone 'cause my brother took my laptop charger. Gosh! Enjoy! Happy comments!**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro