Chapter 12
HINDI mapigilan ni Scroll ang mapangiti.
Madi-deport na si Lewis at hindi na ito makakabalik ng Pilipinas. He was proven guilty lalo na't matibay ang mga nakuhang evidence against him. Madi-detain muna ito sa Pilipinas para pagbayaran ang mga kasalanan nito. Serves him right! Hay naku! 'Di na talaga siya magtitiwala sa kahit kanino kahit jowang-jowa na siya. Dapat kilalanin niya muna ang tao bago siya magtiwala.
She absentmindedly stirs her juice with the straw.
Naisip niya lang bigla.
She didn't really fully know Alt. Pero bakit okay lang na pagkatiwalaan niya ito? Well, if she thoroughly thinks about it. Obviously, in a lot of aspects, Alt was way better than Lewis - WAY BETTER.
Oo, minsan arogante at inaatake ng mood swings. But his care is just too genuine. Kahit na he doesn't often show emotions at mukha itong walang pakialam sa'yo, but he's really kind and considerate with other people.
Naikiling niya ang ulo sa kanan niya.
"Sa totoo lang, ideal man talaga siya," wika niya sa kawalan. Umayos siya ng upo at bahagya pang naniningkit ang mga mata as she try to assess more Alt's personality na para bang nakaupo ito sa harap niya. "Choosy ka ba? O talagang wala lang talagang nakapansin nun?"
Na-i-imagine niya itong pinaningkitan siya ng mga mata. She did try her best to suppress her smile. It was weird to say, pero kapag nagdidikit na ang mga kilay nito at naniningkit na ang mga mata ay naku-cute-tan siya rito.
He's adorable when annoyed.
Baka nga, natatakot lang lumapit ang mga babae sa kanya. Sabagay, sino ba naman kasing lalapit sa isang gwapong mukhang itatapon ka lang sa basurahan kapag nabanas siya sa'yo?
She giggled at a memory.
Bwesit talaga ang lalaking 'yon. Literal talaga siyang binasura. Noon, naiinis siyang maalala 'yon. She was publicly humiliated, of course! Ngayon, parang na realize niyang may mali naman talaga siya.
She made a scene. May dala pa siyang walis.
Naiinis kasi siya kay Chrome. Napakapalakero. Tapos, ginugulo pa nito ang relasyon nila Crosoft at Cam. Tapos niloko at pinaasa nito ang favorite niyang female celebrity sa kabilang istasyon na former ka love team nito.
Hello! Hindi naman sisikat si Chrome kung 'di ito ipa-partner.
Her lips pursed and twist in disgust. "Jerk!"
"Who?"
Bigla ay may umukupa ng bakanteng upuan sa harap niya.
"Ate Cam?" may gulat sa boses niya.
Natawa ito. Ate Cam seem amused by her stunned expression. "Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo riyan."
"Kanina ka pa?"
"Kadadaan ko lang. I saw you talking to yourself, baka ko, nakakakita ka na ng mga spiritual beings." Napangiwi siya. Nakatambay siya sa isang coffee shop malapit lang sa MS at nakapuwesto malapit sa glass panel wall. Lahat siguro nang mga dumaan sa coffee shop na 'yon ay iniisip na nababaliw na siya. Kakahiya! "So, who's the jerk?"
She clicks her tongue and leans her back on the seat.
"Si Chrome."
"Si Chrome? What did he do?"
"Wala naman, naalala ko lang 'yong sinugod ko siya sa studio at itinapon ako ni Alt sa basurahan."
Natawa ulit ito. "Ang tagal na nun, 'di ka pa nakaka-get-over?"
"Hindi sa ganoon."
Hindi niya napigilan ang sarili na titigan ito. Bigla, may mga tanong siyang gustong hanapan ng sagot. Noon naman hindi niya 'yon masyadong pinagtutuonan ng pansin. Ngayon, tila ba, bothered na siya.
"Ate Cam," basag niya. "Okay lang ba magtanong ng mga personal na bagay?"
"Ano naman?"
"Kasi, iniisip ko talaga, alam ko namang 'di napipilit ang pag-ibig, pero sa tagal n'yong magkaibigan ni Alt, talaga bang wala kang naramdaman sa kanya?"
Kumurap-kurap ito at bahagyang natawa pagkatapos. "You never ask me that question before, ah?"
"Kaya nga e. Baka magtunog chismosa ako or kung ano."
"Actually, okay lang naman. Hmm, paano ko ba sasabihin?" Humalukipkip ito at ilang segundong nag-isip bago ulit nagsalita. "True, we've been friends for a long time. Noong nalipat ako sa MS Manila, he was the first director I've worked with. Akala ko nga sobrang strict at terror niya, but he wasn't as snob as I thought he was at first. In fact, he was discreetly kind and considerate. May shock factor ako sa part na 'yon." Natawa ito at umayos ng upo.
Hindi niya napigilan ang mga ngiti.
True.
"Pero that time kasi, naka focus ako sa future namin ni Danah. Being a single parent, ang hirap pagsabayin ang trabaho at pagiging ina. Love was never an option. And honestly, it never crosses my mind. I'm grateful to have Alt in my life, mas naging madali ang pag-adjust ko sa trabaho dahil sa patience niya sa pagtuturo sa'kin. He was a great friend and mentor."
She saw gratefulness in Ate Cam's smile.
"He never pressured me kahit na madalas siyang nagpapalipad hangin. He made sure na hindi kami magiging awkward sa isa't isa despite his feelings for me. He was just waiting for me to give him a chance. Still, I'm grateful that he has always been the best father figure in Verdanah's life. At gayon din naman si Danah sa Tito Alt niya. She loves him dearly."
"Aside from that, I always have this feeling na hindi ako ang tamang babae para sa kanya and I felt like, he was still in search of something. May bahagi sa nakaraan niyang hindi pa siya handang sabihin sa lahat. Sa totoo lang, even to me, he's having a hard time sharing his life. I don't know why, but I believe, there is another reason why Alt wanted to be Danah's father. Hindi ko nga lang alam."
Napa-isip din siya
Ano kaya ang rason ni Alt?
"Even his full name?" tanong pa niya.
Natawa ito. "Sinabi niya sa'yo?" Napailing-iling ito. Amuse na amuse. "Ilang beses ko siyang kinulit pero 'di niya sinabi. Bwesit 'yon ah. May favoritism talaga ang keyboard na 'yon." Hindi niya alam, pero may mumunting saya na yumakap sa puso niya. So siya lang talaga sinabihan nito? "You must be so special in his life?"
"Napilitan lang 'yon," she chuckled.
Nang dahil sa bato-bato-pick nilang dalawa.
Ilang segundo silang binati ng katahimikan.
"Even if Crosoft didn't come back," naibalik niya ang tingin kay Ate Cam nang magsalita ulit ito, "Alt and I will only remain as good friends." Ngumiti ito. "Alam ko kasing, may babaeng magpaparupok sa matigas na pagkatao ng isang Alt Flores."
May kakaiba sa tingin ni Cambria sa kanya – may panunukso.
"Hindi naman ako kasing mamasang ng dyosa kong asawa pero pinapaalam ko lang sa'yo na isa rin ako sa mga nagshi-ship ng love team n'yo."
Natawa siya. "Wow, ha?!"
"Well, pareho kayong single, why not, 'di ba?"
"Feeling ko talaga magpapa-fiesta kayo kapag kami nagkatuluyan."
Cam smiled and softly laugh.
"But don't mind us, Scroll. Just be honest with yourself. Pakinggan mo lang ang puso mo at kung anong sinasabi niyan sa'yo. At the end of the day, your happiness is what matters most than other people's opinions. Okay?"
She nodded. "Thanks, Ate Cam."
"You're welcome. Anyway, papunta ka ba sa studio?"
"Galing na ako roon. Papunta akong Emari."
"I see."
"DIREK, sinusundo ka na ng asawa mo."
Agad na sinalubong siya ng tuksuhan at tilian ng mga kasamahan ni Alt nang dumating siya sa isang bbq restaurant. Bahagyang mainit ang lugar dahil sa loob talaga nagluluto ang mga customers. Napansin niya rin ang ilang bote ng alak na naubos na ng grupo ng mga ito.
So naglasing si direk? Wow!
Nagmadali siyang pumunta roon nang tawagan siya ng isa sa mga staff ni Alt. Lasing na raw ito at nagpapasundo. Mula sa bahay ay nag-taxi siya dahil alam niyang dala ni Alt ang kotse nito. Siya rin naman ang magda-drive.
"Na saan na ang boss n'yo?"
Biglang tumayo si Alt. Muntik pa itong mabuwal nang mawalan ito ng panimbang. Mabuti na lamang at napahawak ito sa mesa. Umayos ito ng tayo at ngumiting namumungay ang mga mata at pulang-pula ang mga pisngi.
"Honey!" pasigaw na tawag nito sa kanya.
Literal na nanlaki ang mga mata niya. Ano 'to? Kung maka honey ang 'sang 'to, wagas! Lalo tuloy itong tinukso ng mga kasamahan nito.
"Ayiie, sana all may asawa," tukso ng mga ito rito.
Sumusuray na lumapit ito sa kanya. Nakaharang ito sa harap niya kaya alam niyang 'di mapapansin ng mga kasamahan nito ang pasimpleng pagsita niya rito. Pero ang loko, talagang sinipa na ng kalasingan.
Inosenteng namilog lang ang mga mata nito.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. "Honey," tawag nito sa kanya sa malambing na boses.
Hindi niya alam kung matatawa siya o ewan. Ang cute, bwesit! Sarap nitong kuhaan ng video para may ipam-blackmail siya rito kapag nawala na ang kalasingan nito.
Bigla siya nitong niyakap. "Akala ko 'di ka dadating."
"Umuwi na nga tayo." Pagtingin niya sa mga kasamahan nito akala mo nanonood ng teleserye e. Halatang mga lasing na rin. "Umuwi na tayo bago mo pa pagsisihan ang lahat ng 'to bukas," bulong niya rito.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang-balikat.
"Iuuwi mo na ako?" nakangiti nitong tanong. Bwesit, Alt! Tigilan mo ako sa kagaganyan mo. Binitiwan siya nito at hinarap nitong muli ang mga katrabaho. "Iuuwi na raw ako ng asawa ko." Nagulat naman siya nang patagilid na yakapin siya nito at inihilig pa ang pisngi sa ulo niya. Kung makayakap ang 'sang 'to, nambabakod.
"Sana all inuuwi..." sabay-sabay ng mga kasama nito.
Alanganing ngumiti siya. Pinalo niya ang mga kamay nito. "Ang kulit mo! Umuwi na nga tayo." Inabot ni Sam sa kanya ang itim na sling bag ni Alt. Nakaalalay siya rito habang palabas sila ng restaurant. "Hoy Al Timothy, hindi porket wala kang trabaho bukas ay maglalasing ka nang ganito, ha?!" sermon niya. "Nandito ba sa bag mo ang susi ng sasakyan?"
"Nasa puso ko," nakangisi nitong sagot.
She rolled her eyes in response. "Hahampasin kita ng tubo riyan e. Gusto mo bang umuwi o hindi?"
Malutong na tumawa ito. Nagawa pa nitong guluhin ang buhok niya. "Nasa bulsa ng pantalon ko. Kapain mo na lang."
"Ako talaga kakapa?"
"Opo," inosenteng tumango ito. Hinawakan nito ang isang kamay niya at inilapat 'yon sa dibdib nito, sa may bandang puso. "Kapain mo sa puso ko."
"Al Timothy!"
Tawang-tawa ito. "Ang saya, may asawa ako."
Ay grabe! Maaga yata akong tutubuan ng uban sa lalaking 'to. Pinakatitigan niya ito. Gusto niyang hampasin ng bag si Alt but he was giving her a puppy eyes. Bwesit! Ang unfair, ha? Lahat ba nang nalalasing ganito?
Ganito ka gwapo?
"Sinasabi ko sa'yo Alt, bukas, pagsisihan mo lahat ng 'to."
"Why would I regret marrying you?" Umangat ang isang kamay nito para marahang tapikin ang kanang pisngi niya. His smile never left his face. "You're the best thing that happened to me."
"Sabihin mo sa'kin 'yan kapag 'di ka na lasing." Hinaklit niya ito sa braso at hinila sa parking space. Pigil na pigil niya ang ngiti. "Halika na, iuuwi na kita."
Hindi ako kinikilig! Hindi talaga! Slight lang. Argh!
TINIGNAN niya ang sarili sa salamin. Suot niya ang isa sa mga polo ni Alt. Hanggang hita niya ang taas nun. Nakalas na niya ang dalawang butones nang bumalikwas ng bangon si Alt mula sa kama.
Napakurap-kurap siya.
Ito naman, tila nakakita ng multo. He looks horrified, confused and lost. Magulo ang buhok at walang suot na pang-itaas. His eyes were swollen from sleep. Malamang! Pinahirapan siya nito kagabi. Na bwesit na siya nang sobra.
"What happened?" tanong nito sa paos na boses.
Titig na titig ito sa ayos niya. She looks like a woman he had a one night stand with. Actually, maaga siyang nagising at sinukat niya ang polo nito para sana i-measure kung sakto lang 'yong ginawa niyang polo rito. She was actually wearing a denim short and beige spaghetti blouse underneath. Hindi lang halata.
May kalokohan siyang naisip bigla.
She seductively brushed a hand on her hair. "Hindi mo naalala?"
"Did we..."
"Did we, what, Alt?"
"Did we..." Nahuli niya ang paglunok nito. "You know, that thing," may frustration na sa boses nito. He look so awkward and shy. Napansin niya ang biglang pamumula ng tenga nito. "Did we do it last night?"
"Ano sa tingin mo?"
Nahilot nito ang sentido. Pigil na pigil niya ang ngiti. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata niya.
"I-I'm... not... sure... I... couldn't remember anything." Umakyat siya sa kama at paluhod na lumapit dito. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa niya. "W-What... are you... doing?"
"Do you want me to remind you?" malandi niyang tanong.
Nahirapan talaga siyang akayin ito paakyat ng silid nito. Ang kulit-kulit e. Ilang beses niyang pinigilan na huwag maghubad hanggat hindi siya nakakaalis pero naghubad pa rin. He was only wearing his boxers underneath these freakin gray bed sheets.
"Scroll!" Itinaas nito ang kumot hanggang sa mga balikat nito.
"Yes, honey?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Honey?"
Marahang tumango siya. "Yes, honey." Kinapa niya ang may bandang hita nito. Nagitla ito at naestatwa. "You're so naughty last night kaya." Hinimas-himas niya ang hita nito mula sa kumot.
"Please, don't do that, Scroll."
"Why?" she teased him even more.
"I need to take a shower!"
Parang nasilihang bumaba ito ng kama at tumakbo papasok sa banyo. Tawang-tawa naman siya habang nakatingin sa nakapinid na pinto ng banyo.
Scroll, one. Alt, zero.
"Honey, baka gusto mo nang may taga sabon?!" tukso pa niya. "Hindi pa ako naliligo. Baka lang naman –"
Mayamaya pa ay narinig na niya ang malakas na lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo. Okay, baka next time, pwede na.
She giggled.
"Sige Alt Flores, maglasing kap –" natigilan siya nang may maalala. Bumalik sa isipan niya ang ibabang bahagi ng katawan ni Alt kanina. Napasinghap siya at natutop ang bibig. "My gosh! Did I made him – gosh! Really?" Biglang nag-init ang mga pisngi niya. Naipaypay niya ang isang kamay sa mukha.
Bumaba siya ng kama at lumabas ng silid ni Alt.
Pero tang na juice! Kahit ipikit niya ang mga mata ay 'di talaga nawawala ang imahe ang umbok sa suot nitong boxers kanina.
Huminto siya at humarap sa pader saka niya inumpog ang ulo roon ng tatlong beses.
"My eyes need holy water. Lord, how to unsee?"
Pero sakabila nun ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Bwesit! Ang sakit-sakit na ng mga pisngi niya. Nakagat niya ang ibabang labi.
Hay naku! Ang landi, landi ah! Ang aga-aga, Scroll. Hampasin kitang hagdanan e.
Humugot siya nang malalim na hininga at muling inuntog ang ulo sa pader.
"Ma'am Scroll, okay lang po ba kayo?"
Mabilis na umayos siya ng tayo at nilingon ang nagsalita – si Manang Rosa. Kung tignan siya nito, parang iniisip nitong nasisiraan na siya ng ulo. Malamang, Scroll. Iuntog mo ba naman ang ulo mo sa pader. Okay ka lang?
Ngumiti siya sa ginang. "Okay lang po ako, tini-test ko lang kung matibay ang haligi ng bahay." Hinaplos niya ang pader. "Matigas naman." Nag-thumbs-up pa siya rito. "Pulido ang pagkakagawa."
Mas naloka yata si Manang sa sinabi niya.
Siya rin.
Naloloka sa sarili.
"Sige Manang, ligo muna ako."
Mukhang siya rin kailangan nang maligo at nang mabawasan na ang kadumihan ng utak niya. Bato ang gagawin niyang pansabon para mawala lahat ng dumi.
Teka, parang masakit 'yon, ah.
"Naihanda ko na ang agahan n'yo ni Sir Alt. Sabihan n'yo lang ako kung may kailangan pa kayo. Nasa kusina lang ako."
"Sige po, salamat."
"Nga pala, nagdala ako ng madaming pipino, madami kasi sa bahay, dala ng anak ko galing probinsiya."
"Malaki ba, manang?"
"May maliliit pero mas madami ang malalaki. Bakit?"
Napahawak siya sa magkabilang-pisngi. "Ayoko na mag-isip. Maliligo na ako manang. Nade-demunyo na isip ko." Tinalikuran na niya ito at dirediretsong umakyat ng attic.
Scroll, juice ko, maawa ka sa kaluluwa mo, behave! Kalimutan mo na 'yong boxer shorts ni Alt. Nakakaiyak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro