Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

"FOR DRINKS," Scroll paused and look at the beverage list in the menu. "I'll have a cucumber mint lemonade." Iniangat niya ang mukha sa waiter. "May lychee juice ba kayo rito?" Wala kasi 'yon sa menu. Baka pwedeng mag-request.

"Unfortunately, we don't have, ma'am. Lemonade, cucumber, iced tea at soft drinks lang po ang available."

"Ay ganoon ba?" Tiniklop niya ang menu at ibinaling ang mukha kay Alt na titig na titig sa kanya. Ngumiti siya. "Wala silang lychee e. Anong gusto mo?"

"I'll have iced tea," baling nito sa waiter. "Wala ka na bang idadagdag?" Inabot ni Alt ang menu na itinabi niya at kasabay na inabot 'yon sa waiter. Umiling siya. "That would be all. Thanks."

Tumango ang waiter at umalis.

Hindi niya naman maiwasang maigala ang tingin sa paligid. Alt took her in an outdoor rooftop restaurant. It was her first time there. She was not even familiar with the restaurant but the view took her breath away. Ramdam niya ang mabining hangin ng gabi. The city lights were just too beautiful... ang romantic ng atmosphere para sa isang simple birthday dinner.

"Saan mo nalaman ang lugar na 'to?"

"How did you know I like lychee drinks?"

Natawa siya, halos sabay nilang tanongin ang isa't isa.

"Hello? It's obvious," sagot niya. "Madami kang stocks nung lychee drinks na may nata sa ref. At saka, napapansin ko na 'yon noon kahit sa MS."

"You're observing me?"

"Nope, pero napapansin ko lang talaga. Ang weird mo kasi." Namilog ang mga mata niya. "Huwag mong sabihing wala man lang nakapansin nun sa'yo?"

"I'm not sure. Maybe?" Inabot nito ang baso ng tubig at uminom doon. Nangulambaba siya sa harap nito. "What?"

"Why?"

Inilapag ulit nito ang baso. "Ang ano?"

"Bakit nag-effort ka nang ganito?"

"Babayaran mo din 'to. This is not for free."

"Alam mo bang, wala pang gumagawa sa'kin nito?"

He simply shrugged his shoulder and smile. "What are the odds?"

"Thank you, Alt."

"You're welcome."

Bumalik ang waiter at inilapag ang order nilang drinks. Pagtingin niya sa cucumber mint lemonade niyang juice ay may naisip siya bigla. Hinawakan niya 'yon at itinaas.

"You're awesome, Alt." Kumunot lang ang noo nito. She continued. "You're adorable just like this cute-cumber." Hindi niya mapigilan ang sobrang pagngiti.

"Hindi ka ba talaga mag-mo-move-on sa pipinong 'yan, Scroll?" Pigil ang ngiti na umiling siya. Sa huli ay napangiti lang ulit ito. "You're also weird."

"Ang mahal mong pangitiin, ha? Masyadong gold."

"Ngingiti lang ako sa mga bagay na nagpapasaya sa'kin."

Ang sakit na ng pisngi niya sa kakangiti. "So napasaya kita?"

"Paano mo nasabi?"

"Kasi napapangiti kita."

Bumalik ang seryoso nitong mukha. "Natutuwa ako sa ka weirduhan at katangahan mo."

Pinakatitigan niya ang mukha ni Alt, most especially his eyes. Ngayon niya lang talaga napansin na maganda ang mga mata nito. Alt has this beautiful puppy-dog eyes. It shows genuine expressions despite the absence of words.

"You have expressive eyes," bigla ay nasabi na lang niya.

"What do you mean?"

"I don't know... but it always smiles even if you're not."

Namilog ang mga mata nito. Sa ginawa nito ay mas lalo siyang napatitig sa inosenteng mukha ni Alt. He's like a child.

"Kung anu-ano na naman napapansin mo sa'kin."

"Totoo. Your eyes are so genuine."

"Ikaw lang ang nagsabi niyan sa'kin. Should I believe you?"

"Believe me, I don't often lie... well, depende," she chuckled. "But kidding aside, Alt. I love your eyes."

"Mata ko lang?"

"Pati na rin ang personality mo kahit na minsan napaka-pak-juice mo. Masaya ka pa ring kasama. Nag-e-enjoy ako kasi kahit na madami akong nagagawang kasalanan sa'yo ay mataas pa rin ang pasensiya mo sa'kin." She give him a thumbs up. "Okay ka sa'kin."

"Effective 'yon pansit kagabi," he chuckled.

"Pasensiya lang humaba sa'yo?"

"Ano pa ba ang dapat humaba?"

"B-Buhay?"

"Ba't 'di ka sigurado?"

Natawa siya. "Alin ba ang gusto mong humaba?"

Tinitigan siya ni Alt. "Bakit ba kapag ikaw ang nagsasalita may ibang meaning lagi?" seryoso nitong tanong pero nangingislap naman ang mga mata, tila nanunukso.

"Hoy grabe 'to. Hindi naman. It's a matter of how you perceived things in life. It's either matalino ka o green-minded ka lang."

He was suppressing his smile. "Okay."

"Babayaran ko 'yong sapatos. Okay na ako sa surprise, effort at dinner na treat mo sa'kin," pag-iiba niya na lang.

"Napasaya ba kita?"

"Obvious ba? Sobra pa nga e."

"Well, then, your happiness is enough as payment." Napakurap-kurap siya. Seryoso ba 'tong si Alt? "Huwag mo nang isipin 'yon." Yumuko ito sa kaliwa nito para kunin ang isang red paper bag. Inabot nito 'yon sa kanya. "Birthday gift mo. May letter na 'yang kasama, isipin mo na lang, ako ang nagsulat."

Natawa siya. "Bwesit, binasa mo?"

"Malamang, kasi may mata ako."

"Thank you." Sinilip niya ang white shoes sa loob. My embroidery design 'yon ng mga red roses. Matagal na niyang gustong bilhin 'yon. She couldn't help her smile. "Prank ko lang talaga sa'yo 'to. Babayaran din naman kita."

"Ang lakas ng trip mo sa buhay."

Niyakap niya ang paper bag at matamis na nginitian si Alt. "Iti-treat sana kita, as a token of my gratitude sa ginawa mo para sa'kin. Kaso ako pa ang na surprise."

"You like red roses?"

"Sinilip mo?"

"Ako bumili, sa tingin mo 'di ko natignan 'yan?"

Natawa ulit siya. "Sabagay!"

Bakit ba natutuwa siya mga pabalang na sagot nito?

"So you like red roses?"

Tumango siya. "I like red roses. Matinik -"

"Parang ikaw, tinik sa utak."

Napamaang siya. Pero hindi na siya nag-react pa. She will let this pass. Hindi naman nakaka-offend.

"Parang ganoon na nga?" she chuckled. "I'm a thorned red rose."

"Not everyone likes a thorned rose."

"Kasi nakakasugat." He nodded. "How about you? Which do you prefer? A thorned rose or a rose without thorns?"

"What do you think so?"

"Without thorns."

Sandali itong natahimik bago nito inangat muli ang tingin sa kanya.

"Where's the challenge?" a smirk slip on his face.

Napatitig siya sa mga mata nito. His eyes are telling her something she couldn't understand at the moment. A shade of innocence, admiration, and mischief. He blinks and his smirk became a genuine smile.

Damn those eyes!

Inabot niya ang tubig at uminom muna. "Nagugutom na ako. Bakit ang tagal ng pagkain?" Bakit biglang uminit? Ramdam niya ang init sa mga pisngi. Mahangin naman pero pinagpapawisan siya.

Pasimple niyang naipay-pay ang isang kamay sa mukha.

"Naiinitan ka?"

"Hindi," iling niya na may alanganing ngiti. "Malamig nga e."

He chuckled and went to lean on his seat. His eyes didn't leave her face as she let him stare at her with those expressive eyes of him.

Tang na juice!

"ARGH!" she groaned.

Marahas na bumalikwas ng bangon si Scroll mula sa kama. Hindi siya makatulog. Pasado alas onse treynta na. Kanina pa sila nakauwi ni Alt sa bahay. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang mukha nito. Naiinis na siya.

"Ewan ko sa'yo, Scroll!" Sinampal-sampal niya ang mga pisngi para lang mapangiwi. "Aw!" She sharply sighed after. "Matulog ka na Emari Scroll parang awa muna."

Humiga ulit siya, mariing ipinikit ang mga mata.

Pagkaraan ng ilang segundo ay bwesit na bumangon ulit siya. "Ay ewan!" bumaba siya ng kama at hinagilap ang robe niya at isinuot 'yon. Magpapahangin na muna siya sa labas at baka masama ang buga ng aircon sa utak niya.

Bumaba siya sa terrace sa second floor. Naiyakap niya ang mga braso nang maramdaman ang malamig na hangin. Lumapit siya sa may balustre at naiangat ang mukha sa malaking buwan.

Napangiti siya.

Mas maganda pala ang view ng buwan sa terrace ng bahay ni Alt.

"Ang ganda..."

"Bakit 'di ka pa natutulog?"

Marahas na napalingon siya sa likod. "Alt?"

Lumapit ito at tumabi sa kanya. "Gusto mo?" inalok nito sa kanya ang iniinom nitong lychee juice with nata de coco sa kanya. May bawas na 'yon.

"Masarap ba 'yan?"

"Do you trust me?"

Bumuga siya ng hangin at kinuha mula rito ang inumin. "I'm Coco," basa niya sa pangalan ng juice. "Martin?" Nakangising dugtong niya.

"Baliw!" he chuckled.

Inalis niya ang takip ng juice at tinikman ang laman nun. Napangiti siya at muling uminom ng juice.

"Masarap 'di ba?" Tumango siya. "Sige sa'yo na 'yan."

"Buti 'di ka pa nilalanggam sa sobrang adik mo sa matatamis?"

He simply shrugged his shoulders.

"We still have 10 minutes before your birthday ends. Anong gusto mong gawin?" pag-iiba nito.

"You're already spoiling me Al Timothy."

"I'm not spoiling you. Binibigyan lang kita ng hint na dapat mo rin akong i-surprise sa birthday ko."

Natawa siya. "'Yan tayo e. Kaya naman pala. May ulterior motive."

"Alam mo ba birthday ko?"

"Madali lang 'yan. Itatanong ko."

"Itatanong kanino?"

"Sa Wikipedia," nakabungisngis niyang sagot.

"Goodluck."

"Pero kung sasabihin mo sa'kin 'di ko na kailangan itanong kay Wikipedia."

Ibinaling nito ang tingin sa kalangitan. "December 27."

"Walang year?"

Nakakunot ang noo na ibinaling nito ang mukha sa kanya. "Aanhin mo ang year?"

"Para complete."

"Basta,"

"Ay daya! Paano ko malalaman kung ilang taon ka na?"

"Importante pa ba 'yon?"

"Oo naman!"

"Basta 'di pa ako lagpas 100."

"Bwesit! Malamang." She can't help but rolled her eyes at him. Tinawanan lang siya ni Alt. "Ikaw, malabo ka ring kausap e."

"Malabo ka rin namang kausap."

Tumaas ang isang kilay niya rito. Sa asar niya ay naitulak niya ito. "Anong pinaglalaban natin?"

"Ikaw," natigilan siya.

Napakurap-kurap.

"Anong problema mo?" dugtong nito.

Pero tang na juice! Bakit ang tagal bago nadugtongan?

"Wala! Matutulog na ako."

Tinalikuran na niya ito at nagsimulang maglakad pabalik sa loob.

"Emari Scroll," huminto siya, "huwag mong kalimutan ang birthday ko, ha?"

Lihim siyang napangiti. "Oo na! Magbabayad utang ako sa birthday mo," sagot niya sa asar na boses nang hindi ito nililingon. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng malaking ngiti. Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Goodnight!"

"Goodnight."

Bwesit! Isa ka talagang malaking pipino, Alt. Isang malaking cute-cumber! Argh!

"BAGAY rin talaga sila Ate Cam at Alt," mahina niyang sabi.

"Hindi ko gusto 'yang opinyon mong 'yan Scroll."

Napasinghap siya nang mapansing sobrang lapit na pala ang mukha ni Crosoft sa kanya.

"Sheet!" mura niya sa gulat.

"Gulat lang walang murahan."

"E ba't kasi nanggugulat ka?"

Pabalik na siya ng dressing room ni Crosoft nang makita niya sila Alt at Ate Cam na nag-uusap sa labas ng director's booth.

"Masakit bang makita ang iyong irog na kausap ang dati niyang iniibig?"

Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo riyan?"

"Alam mo, ganyan din ako noon, in-denial, pero noong lumalim ang sakit, humalo na ang putik sa dugo." He click his tounge. "Trust me, selos 'yan."

"Akala ko ba 'di mo na ako tutuksuhin?"

"I'm not teasing you. I'm stating facts."

"Hindi ako nagseselos. Nag-wa-wonder lang ako, what if, si Alt ang pinili ni Ate Cam at hindi ikaw?"

"Malamang inilibing na ang puso ko kasama ang kaluluwa ko."

"Ang OA nito."

"Alam mo ang sagot diyan, Scroll? Meaning lang nun, hindi sila para sa isa't isa. Ikaw ba, napipilit mo ba ang sarili mong gustuhin ang isang bagay o tao kahit na labag sa kalooban mo?"

Nag-isip siya. "So far, ginagawa ko lang ang mga bagay na gusto ko. Kapag 'di ko gusto, 'di ko ginagawa."

"It also applies in love. You cannot force yourself to love someone."

"Pero bakit may mga taong nagagawa naman 'yon?"

"You cannot force love but you can force yourself to be with someone you don't love. There is a big difference between doing it and feeling it. You can marry someone in many circumstances, but there is no assurance of love. You can be with someone you don't love but still without assurance of happiness. It's a choice. If and only if, you're okay for a lifetime regret that comes with it in the future. I call that, practicality in terms of decision making."

Napakurap-kurap siya.

"Boss, bakit dumadalas ang mga pa words of wisdom natin in life?"

"Para may pagnilayan ka sa buhay."

She smiled. "Alam mo, Boss. Signs of aging 'yan. Habang tumatanda ka, dumadami ang mga learnings mo in life -" Bigla siya nitong binatukan sa ulo. Napangiwi siya. "Aray naman! Sakit, ha?"

"Tatanda kang dalaga kung lagi kang ganyan. Umayos ka. Nanggigil na naman ako sa'yo."

Nag-peace-sign siya rito. "Pero kidding aside, paano kung si Alt nga ang pinili ni Ate Cam. Anong gagawin mo?"

"Hahayaan ko siya." Nasundan niya ang pagtingin ni Crosoft sa direksyon ng asawa nito. "Kung saan siya masaya, ihahatid ko siya roon, kahit na masakit. You know that love is genuine when you no longer think about yourself or your own feelings. Some great love is disguise in pain." Nakangiting ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Happy endings only exist in fairytales, Scroll. Love, in reality, is more complex."

"Ahh," tumango-tango siya, "signs of aging."

"Bwesit ka."

Natawa siya sa reaksyon ni Crosoft. "Alam ko."

But she thinks that happy endings are not written at the end part of every love story. Happy endings are those moments in between the beginning and end. It's the 'now' of every ever after.

"But I always believe that when the world closes a door. God will build another door for you," dagdag ni Crosoft mayamaya. He smiled. "I wonder kung sino ang naghihintay sa likod ng pintong binukas ng Dios para kay Alt?"

"Alam ko kung sino."

"Sino?"

"'Yong delivery boy sa Jollibee kasi madalas magpa-deliver si Alt ng yum burger with large fries and pineapple juice - syet!" Muli siyang napangiwi sa pagbatok ni Crosoft sa ulo niya. Hindi naman malakas pero ramdam pa rin ang hagupit.

"Isa pang hirit Scroll at ihahagis na kita sa building. Naha-highblood ako sa'yo. Namamanhid ang tuhod ko sa pagiging slow mo. Sarap mong pektusan. Maiwan na nga kita rito at baka masampal pa kita ng LCD screen." At nilayasan na siya ng dyosa niyang boss.

Napanguso siya. "Hello? Hindi ako slow. Mabilis pick up ko."

Ibinalik niya ang tingin sa harap. Nagulat pa siya nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Alt. Mag-isa na lang pala itong nakatayo.

Kumaway siya rito at ngumiti.

At putik, tumalon yata ang puso niya nang ngumiti ito.

Pumasok na ito sa loob ng director's booth bago paman siya humandusay sa sahig. Walangya! Anong nangyayari? Bakit sobrang affected siya sa ngiting 'yon ni Alt?

Natutop niya ang dibdib at maka ilang beses na nag-inhale-exhale.

"Emari Scroll, kumalma ka. Wala lang 'yon." Pero tang na juice! Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tili. Nababaliw na siya. "My god! Hindi pa ako handa for another heartbreak. Paano kung hindi ako crush ng crush ko?"

Bumalik siya sa dinaanan niya kanina. Bigla siyang nagutom sa pinag-iisip. Kakain na muna siya.

Ayoko na, na-e-stress na ko in life.



A/N: Your comments mean so much to me. Thank you, readers! Naaliw akong basahin ang mga comments sa past chapter. The best talaga kayo. Love lots!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro