Chapter 10
"DIREK!"
Nakahalukipkip na nilingon ni Alt ang tumawag sa kanya. Nakatayo mula sa hamba ng pinto ng director's booth si Lisa.
"Bakit?"
"May naghahanap po sa'yo sa labas. Delivery po para sa'yo."
Kumunot ang noo niya. Wala siyang inaasahan na delivery at wala rin naman siyang binili online. Kapag nagpapadala naman ang kapatid niya ay sinasabihan muna siya nito. Who sent him a package?
"Sige, pupuntahan ko. Salamat, Lisa." Ibinaling niya ang tingin kay Sam, isa sa apat niyang crew sa DB. Kakapasok pa lang ng mga commercials. He still have time. "Sam, ikaw muna rito."
"Sige po, direk."
Hinubad niya ang headphone na suot at tumayo mula sa kanyang swivel chair. "Na saan 'yong delivery man?" tanong niya kay Lisa. Umagapay ito ng lakad sa kanya.
"Pinapasok ko na po, hayon po." May itinuro ito sa harap.
Agad niyang namataan ang isang naka all black jacket na lalaki. May hawak itong box na nakasilid sa isang plastic na may mail express brand.
"Maiwan ko po muna kayo, Direk."
"Sige," tumango lang siya rito.
Iniwan siya ni Lisa at pumasok sa isa sa mga dressing room na nadaanan nila. Dumiretso naman siya sa naghihintay na delivery man.
"Magandang hapon po," bati niya sa lalaki. "May delivery po para sa'kin?"
"Good afternoon, din po sir." Tinignan nito ang pangalan sa parcel na hawak. "Kayo po ba si Alt Flores?"
"Opo, ako nga."
"Bali po, eight thousand po lahat."
"Ha?" Nanlaki ang mga mata niya. Anong eight thousand? "May bayarin ako?"
"Opo, order po from Mrs. Emari Scroll C. Flores." Kumunot ang noo niya. "Care of Alt Flores po kasi nakalagay. Naka cash on delivery po kasi ang product kaya po kailangang bayaran n'yo po muna."
Sumakit bigla ang sentido niya. Ano na naman kayang naisip ng isang 'yon at nagwawaldas na naman ng pera. Pasimple niyang nahilot ang sentido bago naglabas ng wallet.
"Eight thousand po, 'di ba?"
"Yes, sir."
Mabuti na lang talaga at may cash siya. Nag-withdraw siya kanina. Hindi niya alam kung bakit. Ngayon alam na niya, may ginagawa na naman palang kababalaghan 'tong si Scroll. Sakit talaga sa ulo. Madalas talaga, tama ang gut feeling ng tao.
Inabot niya ang walong libo sa lalaki. "Salamat po." Inabot nito sa kanya ang parcel.
"Salamat din."
Iniwan na siya nang nag-deliver. Bumuntonghininga siya. Dala-dala ang parcel ay naglakad siya pabalik ng director's booth. Nakasalubong naman niya si Crosoft sa hallway.
"Oy, Alt!" Bumaba ang tingin nito sa hawak niya. "Kanino 'yan? Birthday gift mo kay Scroll?"
"Birthday niya?"
"Hindi mo alam? Birthday niya bukas." Kumunot ang noo niya. Anong date ba bukas? "April 13, nakalimutan mo na?"
Huwag mong sabihing?
"HAPPY Birthday Scroll, love Alt," basa niya sa letter na kasama ng box. Napailing at bahagya siyang natawa. "Baliw."
Ngayon lang siya nakatagpo ng taong malakas ang trip sa buhay. Crosoft is one, pero kay Scroll, first-hand experience talaga. Um-order ito ng regalo para sa sarili nito at siya ang pinabayad. It was like, asking for a gift she always wanted pero alam nitong kapag iaasa nito 'yon sa ibang tao ay hindi rin iyon masusunod.
So ito ang nag-adjust.
"Impressive, Scroll."
Napailing-iling na lamang siya sa mga kalokohan nito.
Iniwan niya muna sa kotse ang box ng sapatos. Binilhan niya rin 'yon ng paper bag. Itinago niya 'yong maigi sa loob at baka silipin pa nito sa loob. Lumabas siya ng sasakyan at agad siyang sinalubong ni Scroll sa labas ng bahay.
"Welcome home, Alt!"
Agad na pinakunot niya ang noo nang makita ang malaking ngiti ni Scroll.
"Sa ilang linggo mo rito, ngayon mo lang ako sinalubong. Ano namang nasira mo ngayon?"
Inilagay nito ang dalawang kamay sa likod nito at nakangiti pa ring lumapit sa kanya.
"Wala akong nasira. Nagulat lang ako na maaga ka ngayon." Napansin niya agad na may kung ano itong sinisilip sa likod niya. "Anong nasa likod mo?"
Hawak niya ang isang paper bag ng i-tinake-out niyang pagkain sa isang restaurant bago siya umuwi. Mula sa likod at ipinakita niya 'yon dito.
"Pagkain, kumain ka na ba?"
Nawala bigla ang ngiti nito, bakas ang pagkalito sa mukha nito, bahagya pang namilog ang mga mata ni Scroll.
"Pagkain lang?" Umayos ito ng tayo sa harap niya. "Walang dumating?"
"Dumating? May inaasahan ka ba bukod sa'kin?" inosente balik tanong niya rito.
She pursed her lips and smiled. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya. Tila nagtatalo ito at ng isip nito sa mga oras na 'yon pero hindi lamang nito maisitinig sa kanya.
Pigil niya ang ngiti.
"Halika na, kumain na tayo." Nilagpasan niya ito at naunang pumasok sa bahay.
Agad na sumunod ito sa kanya. "Talaga bang walang napadpad sa studio n'yo kanina?"
"Na ano?"
"Wala naman. Baka lang naman. Anyway, ano bang dala mong pagkain?"
"Pansit."
"Wow!"
"Para humaba pa pasensiya ko sa'yo."
"Aray naman! Tagos na tagos po."
NAITIRIK ni Scroll ang mga mata. Kausap niya sa cell phone ang ina. Pinapauwi siya nito ng Cebu. Hay naku! Dumating na pala sa south of Cebu ang chismis patungkol sa kanya.
"Umuwi ka na ngang bata ka rito! Alam mo bang pinag-chi-chismisan ka na rito. May anak ka na raw diyan."
"Anak agad? 'Di pwedeng, may asawa muna ako bago ako nagkaanak?"
"So totoo nga?"
"Ma, mahaba pong kwento. Kapag po nauwi ako riyan, sasabihin ko rin ho. For now, trust me muna, okay? Alam ko na ang ginagawa ko."
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo riyan sa Maynila? Nag-ti-taping ka na ba ngayon ng teleserye riyan gaya ng boss mo at na-chi-chismis ka na rin, ha?"
"Ma, okay lang po ako rito. May nag-aalaga po sa'kin dito –"
"'Yong gwapong direktor na si Alt Flores?"
"Naks! May description pala riyan ang nakabuntis sa'kin?"
"Emari Scroll Catapang!"
Bumuga siya ng hangin. "Ma, basta, for now, pagkatiwalaan n'yo muna po ako. Sasabihin ko rin ho ang lahat kapag naging okay na po."
"Sa sinasabi mo parang may nagawa kang kasalanan riyan? Tapatin mo nga ako, Scroll. Buntis ka ba? Nabuntis ka ba ng Alt na 'yan?"
"Maa!" prolong niyang tawag dito. Hala, ha? Nakakaloka mag-explain. Paikot-ikot lang. "Hindi nga. Basta kapag narinig mong pinagchi-chismisan nila ako, huwag na lang kayong magsalita para wala nang gulo. Okay?"
"O, siya, sige! Pagkakatiwalaan kita. Matanda ka na. Basta umuwi ka rito. Gustong makilala ng papa mo ang Alt na 'yan. Dalhin mo at nang makilatis namin."
"I'll try. Basta, ang sinabi ko. Huwag nang dumagdag sa chismis."
"Oo na! No comment."
Napangiti na siya. Sa wakas! Natapos din. "Goodnight, Ma. Miss you."
"Goodnight na rin, happy birthday, anak."
"Tatawag po ako bukas. Love you!"
End call.
Muli siyang napabuntonghininga. Naka indian sit siya sa itaas ng kama. Bumalik sa isipan niya ang eksena kanina. Naningkit ang mga mata niya. Imposible talagang wala e. Kasi nakalagay sa tracking na naibigay at nabayaran na raw ni Alt. Pero bakit, sabi nito, walang dumating?
Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. "Pero bakit naman magsisinungaling si Alt? Well, baka nagalit siya sa'kin dahil 8k rin 'yong halaga ng sapatos na in-order ko. Pero hindi e." She shook her head. "Pwede niya namang tanggihan at huwag bayaran 'yong sapatos. Pero bakit binayaran niya?"
Umawang ang bibig niya. "Omg! May 8k sa wallet ni Alt? Ay mayaman ang lolo." Napahawak siya sa magkabilang-pisngi. "Naloloka ako. Saan na ba napunta ang sapatos na 'yon? Ilang Alt Flores ba ang nasa MS? Sana pala Al Timothy Flores na lang nilagay ko."
Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama at tumitig sa kisame.
"Kasya kaya sa'kin 'yong sapatos? Ang mahal pa naman nun. Pero sana talaga, Al Timothy Flores na lang nilagay ko. Pero baka, mapalayas pa ako nang wala sa oras kapag nalaman ng madla ang totoong pangalan ni Alt. Hay naku! Nakakapagod mag-isip."
KAMUNTIK nang mahulog si Scroll pagbaba niya ng hagdanan kinaumagahan. Mabuti na lang at napahawak siya sa balustre. Nawala ang antok niya. Nalunon niya pabalik ang hikab. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang itsura ng sala.
Nakalipad hanggang kisame ng sala ang maraming red and transparent white balloons. May maliliit at malalaki. Ilan sa mga balloons ay nakakalat sa sahig. Nakalawit pa ang curled ribbons na naka attached sa mga balloons. May gold letter balloons ng mga salitang, Happy Birthday Scroll! Umawang ang bibig niya – tang na juice! Surprise ba 'to?
Pati ang mesa sa sala ay nakaayos at may pa white cover pa. May red velvet cake, malaking brown bear at bouquet of red roses.
Hindi niya mapigilan ang ngiti. Manghang-mangha siya. Wala pang nakapag-surprise sa kanya nun.
Kinuha niya ang mga bulaklak at binasa ang letter roon.
Turn on the tv.
'Yon lang ang nakalagay.
Ngayon niya napansin ang remote sa mesa. Kinuha niya 'yon at binuksan ang tv. Nagulat siya nang mag-play ang isang video kung saan bumungad sa kanya ang walang ka ngiti-ngiting mukha ni Alt.
Natawa siya at lalong napayakap sa mga bulaklak.
"Ito ba hinahanap mo?" Itinaas nito ang isang red na paper bag. Inilabas ni Alt mula roon ang isang box ng sapatos. "Hindi ko alam kung anong klaseng pag-iisip ang meron ka at may pa regalo ka pang nalalaman sa sarili mo. Hindi biro ang walong libo, hija. Masyado kang magastos."
Natawa siya. "Loko ka! Nasa sa'yo naman pala e."
"Gusto mo lang palang i-surprise kita sa birthday mo. Bakit 'di mo na lang sinabi sa'kin nang diretso?"
"Surprise nga, 'di ba? Para ma aware kang birthday ko."
"Maaga akong umalis pero sana nagustuhan mo ang surprise ko sa'yo. Ako na nag-adjust. Kakahiya naman sa'yo." Tawang-tawa siya. E kasi naman, ang seryoso ni Alt. Walang ka ngiti-ngiti ang mukha sa screen. He was saying those words with a straight face. "Puntahan mo ako sa MS kung gusto mong makuha ang regalo mong naghahalaga ng walong libong peso."
"Bakit?"
Ibinaba nito ang box ng sapatos at ipinakita sa kanya ang ilang mga resibo. "Nga pala, ito pala lahat ng mga nagastos ko para sa surprise ko. Kasama na rito ang mga balloons, cake, bulaklak, teddy bear at 'yong 8K mong sapatos." Kinuha nito ang cellphone at may kung anong kino-compute. "Bale, gumastos ako ng 20k, kasama na ang service fee at effort, discounted na rin pala 'yon."
Napamaang siya. "Hoy Alt!"
Mayamaya pa ay sumilip na ang isang ngiti sa mukha nito. He was trying to suppressed it but failed. Bahagya itong natawa.
"Bwesit ka!" sigaw niya sa tv.
"Kinabahan ka ba?"
"Ano sa tingin mo?"
"Malalaman mo sagot mamaya. Pag-iisipan ko muna." He paused for a moment before speaking again. "Anyway, happy birthday, Scroll. See you later."
Hindi niya magawang maasar sa panggo-goodtime sa kanya ni Alt. Ang saya ng umaga ng birthday niya. Kung kailan siya nag-29, saka naman niya na experience ang ganito. At take note, hindi sa isang boyfriend. Kundi sa isang kaibigan na minsan hindi niya rin kaibigan.
Napatili siya sa saya. Ibinaba niya ang bouquet of red roses at inabot ang big bear. 'Yon naman ang pinanggigilan niya ng yakap. Isinayaw niya 'yon. Niyakap nang paulit-ulit at hinalikan. Tinikman niya rin ang matamis na red velvet cake at pinagsisipa ang mga balloons sa sahig.
"Happy Birthday Emari Scroll!" kanta pa niya.
Natigil lang siya nang mag-vibrate ang cell phone niya sa likod na bulsa ng denim shorts niyang suot. Dinukot niya 'yon mula sa bulsa at binasa ang text.
Clean your mess after, Scroll. – Alt
"'To naman! Panira ng moment." Ibinalik niya sa bulsa ang cell phone. "Saka na ako maglilinis. I-fi-feel ko muna ang moment."
At ang Scroll, nag-selfie ng madaming beses sa umagang 'yon. It's okay, I deserve this. Today is my birthday.
HINDI mapigilan ni Alt ang matawa sa ekpresyon ng mukha ni Scroll sa mga videos sa laptop niya. May mga inilagay siyang mga camera sa sala at sa may hagdanan para makuha ang reaksyon ni Scroll. Alam niyang hindi na nito 'yon mapapansin.
He's doing the same day edit of Scroll's birthday surprise. Pero sa mga videos na nakuha niya, comedy yata ang kalalabasan nun. Nonetheless, her reactions were priceless. These kinds of moments are the things he wanted to capture - so genuine.
"Direk, hindi pa po ba kayo uuwi?" Sam asked.
"May hinihintay lang ako."
"Ano pong ginagawa n'yo?"
"May ini-edit lang ako. Uuwi ka na ba?"
"Mamaya po, kakain po kami sa labas, birthday ni Mona e. Sama po kayo?"
Umiling siya. "Hindi na, may ibang lakad din ako. Kayo na lang. Salamat."
"Sige po, next time na lang. Direk, mukhang nag-e-enjoy po kayo riyan ah. Minsan ko lang kayong makitang nakangiti at tumatawa." Tipid lang siyang ngumiti kay Sam. "Sige po, Direk, mauuna na po ako."
"Mag-enjoy kayo."
"Kayo rin po."
Saktong pag-alis ni Sam ay dumating si Scroll. Pasimple niyang tiniklop ang screen ng laptop niya. Scroll came with her usual fashionable clothes. She wore a dirty white turtle neck long sleeve shirt underneath her burgundy button-down overall dress that only reaches an inch before her knees. She matched it with a black ankle-length lace-up high heeled combat boots.
Nakasabit sa balikat nito ang isang itim na maliit na sling bag. Nakalugay at bahagyang nakakulot ang mahabang buhok. Suot rin nito sa ulo ang isang itim na Princess Sarah hat. Ewan, anong pangalan nun. Basta, madalas 'yong sinusuot kapag taglamig at mga royalties sa England.
Pumipitik talaga ang sentido niya kapag fashion ang pinag-uusapan. He had no idea with those fashion terms and clothing.
"Hi!" nakangiting kaway nito.
Hinubad nito ang suot na sunglasses sa mata at nag-pose pa sa harap niya.
"Ang init-init sa Pilipinas naka turtle neck ka," agad na puna niya rito. "Bakit ngayon ka lang?"
She rolled her eyes. "Hello, fashion! Saka nag-taxi lang po ako papunta rito kasi may dala ka namang sasakyan. Ma trapik po kayo."
Tumayo siya dala ang laptop niya. "Halika na." Pigil ang ngiti na nilagpasan niya si Scroll. Agad naman itong sumunod sa kanya.
"'Yon lang 'yon? Wala man lang pa greetings?"
"Speaking of greetings, naalala ko, 'yong total na babayaran mo nga pala –"
"Ayoko marinig 'yan!" Tinakpan nito ang dalawang tenga ng mga palad nito. "Hindi tayo mag-uusap ngayon ng pera. No! No! No!"
"Surprise ko 'yon sa'yo."
Ibinaba nito ang mga kamay. "Ang kanina?"
"Hindi," iling niya. "'Yong mga resibo. Sinagad ko na ang paggastos para ma surprise ka talaga sa 20k mong bayarin sa'kin."
"Alt!"
"Effective naman yata."
"May pa surprise-surprise ka pa sa bahay, ako lang din naman pala pagbabayarin mo."
Nakasimangot na ito.
"Ako nga, na surprise, may binili pala akong regalo sa'yo na worth eight thousand. Nagreklamo ba ako?"
"Babayaran ko naman 'yon."
"Hindi nga?" baling niya rito.
"May pera ako, 'no? Akala nito."
"Paano ba 'yan? Naibayad ko na. Sabi ko, 'di ba, I don't do return and exchange."
"So, free na 'yon?"
"Siguro?" He shrugged his shoulders. "Nabayaran ko na. Kaya sa'yo na lang." Nauna na siyang naglakad kay Scroll. Huminto ito pero hindi na niya ito hinintay pa. "Dalian mo na! Gutom na ako. Kapag 'di ka pa sumunod, pati dinner idadagdag ko sa utang mo."
"Oo na! Oo na!"
He can't help but smile to himself.
Damn, you're crazy, Alt.
A/N: I'm receiving more comments with this story. Haha. Thank you. I'm writing Alt and Scroll's story for fun. And reading funny comments, nakaka-inspire at nakakatuwa. More comments pa! Love lots everyone. Support PipinoCouple or any couple name you can suggest. Comment below. 😍🥰
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro