Adorable End
NAGISING siya sa kalagitnaan ng gabi. Her eyes are still blurry from sleep pero nang makita ang kumikining na sing-sing sa kanyang palasing-singan ay napasinghap siya. Kamuntik na niyang makalimutang nakayakap sa kanya ang natutulog na si Alt mula sa likod. Hindi niya ito malingon dahil sa posisyon nilang dalawa. Pero mukhang 'di naman niya ito nagising.
Ibinalik niya ang atensyon sa sing-sing sa kamay niya.
It was the rose diamond ring na tinanggihan niya.
"Ang ganda," halos bulong na lamang 'yong lumabas sa bibig niya.
The circle was like leaf vines of the rose. It was intimately wrapped on her ring finger. The diamond was crafted like a real rose and little diamonds were intricately adorned on it. It fits so well as if the ring was really made for her. She had no idea paano nito nalaman ang sukat ng daliri niya.
Hindi niya mapigilan ang ngiti at saya. Isinuot ba 'yon ni Alt sa kanya noong natutulog siya? Kahit kailan talaga. Ang daming plot twist ng lalaking 'to.
Pinihit niya ang sarili paharap dito and snuggled closer. Muli niyang ipinikit ang mga mata at niyakap ito. Isinuot na nito sa kanya ang sing-sing nang hindi man lang itinatanong sa kanya ang mga magic words.
Para-paraan ka talaga, Al Timothy Flores.
"Do you like it?"
Marahas niyang naimulat ang mga mata nang marinig ang boses ni Alt. Bahagya niyang nailayo ang katawan dito.
"Kanina ka pa gising?"
"Not long," he chuckled. "Nagising ako nang gumalaw ka." He reached for her hand with that smile and lazy eyes. He was looking at the ring in her finger. "Akala ko 'di ko na maibibigay ang sing-sing na 'to sa'yo. Glad, I took the risk."
"Are you proposing now, direk?" nakangiting tanong niya.
Umangat ang tingin nito sa kanya. "Good thing F5 exists in the real world. We can always refresh everything and start again."
"I'm waiting," she teased, acting impatiently.
"Emari Scroll Catapang."
"Yes?"
They look at each other as if they're the only person in the world. Literal talaga na silang dalawa lang sa kwarto huwag na natin isama si world. Nanahimik e. Chos.
"Are you willing to suffer with me until the last breath of your life?"
And at that moment, she realized that she doesn't need a grand proposal. Alt's genuiness and love were already enough for it to be special and memorable. This man's simplicity is what makes him a rare gem. It makes him adorable and lovable.
No one needs to know.
No one needs to see.
No one needs to hear.
She doesn't mind keeping it by themselves. Ang importante, alam niyang may makakasama siya sa hirap at ginhawa.
She saw how her silence made Alt uncomfortable. She wanted to tease her but no, not today. She loves him so much. May oras para sa kalokohan.
May ngiting tumango siya. His face lit up. "Yes, direk, willing po akong maging bida sa bubuoin mong buhay. Basta ikaw ang hero at ako ang leading lady." Natawa ito but what she didn't expect from him was to see tears in his eyes. "Umiiyak ka ba?"
"No," kaila pa nito. Pasimple pa nitong pinunasan ang mga luha. "Napuwing lang ako."
"No, you're not. You're crying."
"Hindi nga. Ang kulit." At ang loko, itinulak pa siya palayo.
"Umiiyak ka e." Itinulak niya rin ito. Binato pa niya ng unan. "Umamin ka na. Mahal na mahal mo ako e."
"Bakit 'di mo ba ako mahal, ha?" Gumanti ito ng bato ng unan.
"Mahal!"
"'Yon naman pala."
"Hindi na ako inaantok. Let's make ourselves busy." Itinulak niya ito pahiga. She straddled on him with that flirty smile on her face. "Pagurin natin ang sarili."
"Are we making an SPG movie right now?"
Umiling siya. "Hindi." Mabilis na kiniliti niya si Alt sa tagiliran. "Let's do something else."
"Fuck, Scroll!" Hindi niya alam kung inis o natutuwa ito. Alam niya kasing weakness nito ang tagiliran nito. But he was bursting in laughter. "Stop it!" Nagawa nitong makabangon.
"Woah!" Napatili siya nang kargahin siya nito mula sa balikat. Tumayo ito para ihulog lang din siya sa kama. Ni-restling siya ng lolo. Tawa ito nang tawa pagkatapos. "Saya ka?" pabalang niyang tanong.
Lumuhod ito sa gilid niya. Inabot ang isang unan para takpan ang mukha niya. Pero mabilis niyang naisagang ang mga braso.
"Ano? Magkukulit ka pa?"
"Baliw ka!" reklamo niya na tawang-tawa pa rin.
Humiga ito sa tabi niya. Bahagyang hinihingal. "Ayoko na. Pagod na ako."
"Ang tanda mo na kasi."
"Wow naman."
Tumawa siya nang malakas. Pero alam niyang nakatingin ito sa kanya kahit hindi siya nakatingin dito. Spending more time with Alt. She notices every actions he does when they're together. Ibinaling niya ang mukha nito rito.
"I noticed, you always look at me when I'm not looking at you."
"Congratulations, then."
"Matagal mo na 'yang ginagawa?"
"Hmm," he trailed off, "it become a hobby now. Whenever I do that before. I tend to count in my head kung kailan mo ibabaling ang tingin sa direksyon ko. If I'm lucky, 5 counts. But most of the time, hindi talaga."
"Ganda ko, 'di ba?"
"Sobra," pabalang nitong sagot. But he still smiled. "Pero masaya ako dahil hindi ko na kailangang maghintay para tignan mo ako."
"I love you," aniya na may ngiti.
Lumapad ang ngiti nito. "I love you more."
She didn't wait for him to move. Siya na mismo ang pumutol sa distansiya nilang dalawa. She kisses him. Napangiti siya nang gumanti ito ng halik. He moved on top of her without parting their lips. Humaplos ang isa niyang kamay sa mukha nito at ang isa naman sa leeg nito. A moan escape in her mouth as Alt deepened the kiss.
Bumaba naman ang kamay niya sa hem ng t shirt nito. She slowly pulled it up. Naghiwalay ang mga labi nila pansamantala para mahubad nang tuluyan ang damit nito. Isinunod nitong ibaba ang spaghetti night dress niya hanggang sa wala na siyang maitago rito.
Tumigil ito sa paghalik at paghaplos sa kanya para titigan siya.
There was something special in how he look at her. Para bang siya lang ang pinakamagandang babae sa mundo. Para bang siya lang talaga ang nakikita nito.
"You're too beautiful, honey," he whispered. Burying his head again on her neck para muli siyang paulanan ng halik.
She threw her arms on his neck and pulled him closer to her warmth. She let herself touch him, from his broad shoulders, down to his back and back to his chest. She let Alt kiss every part of her with total abandon.
And when their body touches as one. She cried. Not because of pain but because of too much happiness. Finally, a man was willing to suffer with her for the rest of his life. In the end, hindi naman pala siya magiging single forever.
NATUPAD ang pangarap niyang maglakad sa pinakamahabang aisle ng Nuestra Señora del Patrocinio de Maria sa Boljoon. It was a simple wedding. Mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang invited. As much as possible, they wanted an intimate wedding. They wanted to share their special day to those people who made them feel like a family.
Naghihintay sa kanya si Alt kasama ang ama at ina nito sa harap ng altar in his handsomeness and barong tagalog. Although may sarili ng pamilya ang papa nito. Hindi naman 'yon naging hadlang sa pagsisimula ng lahat. Mama Constancia or Mama Connie stays with them pero processing na rin ang US visa nito dahil ipapasyal ito ni Skip sa US.
Papa Art, well, he looks mabait naman. Maayos na ang relasyon nito at ni Alt. Na meet na rin niya ang asawa nito at ang walong taong gulang na anak nito na si Blank.
And of course, mawawala ba ang kanyang mga magulang na maghahatid sa kanya sa altar? Of course not. Sinundo siya ng mga ito sa gitna ng aisle.
"Hindi kami makapaniwalang ikakasal na ang unang prinsesa namin," naluluhang inilahad ni Papa ang braso para hawakan niya. "Halika na, ihahatid na kita sa lalaking pagkakatiwalaan ko para mahalin at alagaan ka habang buhay ."
"Papa..."
"Saka na tayo mag-drama, Emario," saway ni Mama kay Papa. Natawa siya. Panay rin naman punas nito ng luha gamit ang panyo nito. "May kumukuha ng bidyu. Baka ang pangit pa ng kuha natin diyan."
"Ewan ko sa'yo, Socoro. Bahala ka sa buhay mo."
Niyakap niya ang dalawa. "Thank you, Ma, Pa. Daghan kaayong salamat."
"Maging masaya ka na, anak," ni Mama. "Mahal na mahal ka ni Alt."
"Alam ko."
Inaangat niya ang mukha sa harap. Nakangiti si Alt pero kitang-kitang nati-tense ito. Hindi niya naisip na dadating ang araw kung saan makikita niya itong stress na stress. Well, come to think of it, siya naman talaga ang source of stress ng isang Alt Flores. And he's the second person who can handle her craziness with flying colors aside from her family.
Muli silang naglakad papunta sa altar.
Natawa siya nang makita si Crosoft sa tabi ni Alt, syempre, ito ang best man. Who you, Skip? Walang nagawa si Skip. Binigyan siya nito ng finger heart at kinindatan pa siya.
"Sabi ko sa'yo e!" he mouthed.
"Oo na! Oo na!" she mouthed back.
At nang magkaharap silang dalawa at iabot ni Papa ang kamay niya kay Alt. Naisip niya, grabeh, Lord ang the best n'yo talaga.
You now how impatient I was and how insensitive I can be. How I want to rush things in my life. At alam ko kung gaano na kayo napupundi sa kakadasal ko na bigyan n'yo na ako ng jowa dahil sobrang tagal na akong naghihintay. Uugatan na yata ako sa kahihintay but later did I realize your plans for me.
You made me wait because you know I wasn't ready and that there is a perfect time for me to love. You made me wait because the man you reserved for me needed to heal himself first before he could love fully again. We were both not ready, we just think we do.
And now I know the true value of waiting with patience. It doesn't matter how long, if it God's will, it will come in His own perfect time.
"Kasing haba ng aisle na 'to ang paghihintay kong mapansin mo ako." Natawa siya sa bungad agad ni Alt sa kanya. "Wala na 'tong atrasan."
"Sa tingin mo aatras pa ako? I suffer. You suffer."
Ngumiti ito. "Then let's suffer together."
Magkahawak ang kamay na hinarap nila ang altar. At sa pagharap nila sa Panginoon. Alam niyang, kasama nila ito sa kung ano pamang pagsubok na haharapin nila sa mga susunod na araw, buwan at taon.
FOUR YEARS AFTER
"AHHHH!" sigaw ni Scroll habang hawak ang kamay ni Alt.
"C'mon, honey, you can do it."
Hindi na nito alintana ang higpit ng paghawak niya sa kamay nito habang nasa delivery room sila. Nakasuot ito ng surgical scrubs at mask. Hindi siya papayag na wala ito habang nanganganak siya.
Ang sakit-sakit na. Gusto na lang niyang buksan siya ng doktor para matapos na. Masyado siyang pinapahirapan ng batang 'to. Pak juice!
"Here she comes, nakikita ko na ang ulo," sabi ng doktora. "More push, Scroll." Sinunod niya ito. "Push! Malapit na."
"Ahhh!" sigaw ulit niya sabay ire.
"Nakaya mo kay Zoom, makakaya mo rin para sa bunso natin," kalmado at may lambing pa ring bulong ni Alt sa tenga niya.
Pambihira ka talaga, Marjyn. Nasa tiyan niya pa lang ito ay stress na stress na siya. Ngayon, pinapahirapan pa siya. Ang tagal na nga niyang nag-labor. Ayaw pa yatang lumabas.
"One last push, Scroll!"
"One last push, honey."
She breathe in and out and with all her last remaining strength she pushes for one last time. She felt her body numb and exhausted pero nang marinig niya ang iyak ni Marjyn napalitan ang pagod ng saya, ngiti at mumunting luha.
"Good job, Scroll," sabi ng doktora. Pinakarga nito ang baby kay Alt.
And again, she saw the same happiness in his face when she gave birth to their son, Zoom, two years ago. Zoom was a miracle. Lalo na ang mabigyan ulit siya ng pagkakataon na maging ina ng isang bouncing baby girl.
"Look at her, honey." Maingat na inihiga nito si Marjyn sa kanyang dibdib. Kahit nanghihina ay nagawa niyang hawakan ang anak niya. Naiyak siya sa tuwa nang yakapin ng maliit nitong kamay ang kanyang daliri. "She's beautiful." Ginawaran siya nito ng magaan na halik sa noo. "I'm so proud of you. I love you."
"We did it," hikbi niya.
"Hush, don't cry, rest for now. Zoom and Marjyn will be waiting for you in a while." Marahan lang siyang tumango. "Paggising mo mamaya, kasama mo ako at ang mga bata."
Nakangiting tumango siya.
"WOW!" natutop niya ang bibig sa pagkamangha. Kasyang-kasya kay Alt ang damit na binili niya noong dalaga pa siya. 'Yong childish belief niya na kung magkakasya ito sa asawa niya, ito talaga ang lalaking inalaan ng Dios sa kanya. "Honey, perfect fit."
Kinikilig siya. Pigil niya ang tili.
It was casual attire. White t-shirt, faded blue jeans and strapped sandals. Grabe, wala talaga siyang sense of fashion noon. Salakot na lang kulang pwede nang member ng KKK ang asawa niya.
"Magbibihis ako. Mukha akong tanga."
"It looks good on you. Saka nagkasya sa'yo."
"I know because we're meant to be. Unfortunately, hindi ako haharap sa tao na ganito ang suot."
Hinubad nito ang t shirt. Pati na rin ang suot na pantalon at sandals. Naglakad ito sa direksyon ng closet na naka gray boxer shorts lang. Hindi niya naman maiwasang manyakang tignan ang asawa niya. Gwapo talaga! Kagigil.
"I know what you're thinking, Scroll."
"Ha?" Umayos siya ng tayo. "Hindi kaya. Nakatingin ako doon sa vase."
Nilingon siya nito habang isinusuot ang pantalon. "Let's do it later. Kapag tulog na ang mga bata."
"Ayoko, pagod ako mamaya."
"Talaga?" Isinunod nito ang white half sleeve polo nito. Lumapit na siya rito para tulungang maibutones ang suot. "Honey."
"Hmm?"
"Nakapag-thank you na ba ako sa'yo?"
Natawa siya. Ang weird ng tanong e. "Bakit ka mag-ta-thank-you sa'kin?"
"Sa pagbuo mo ng pamilyang 'to. I know your disappointments and your silent cries. Ang pagiging matatag mo para sa'kin. At noong mga panahong hindi pa ibinibigay sa atin ng Dios si Zoom. I've seen you suffered in your own battles and how you blame yourself for it. Pero salamat dahil naging matapang ka. You waited patiently for our children to come into this world."
Napangiti siya. "It's because you suffered with me. Tinupad mo ang pangako mo sa'kin. You stayed beside me. Comforted me. Supported me. Naiintindihan mo ako kahit na minsan, nag-aaway na tayo. Still, you never gave up on me. I believe we should thank each other."
Niyakap siya nito sa baywang. Lumapat ang dalawang palad niya sa dibdib nito. Para silang tanga. Ngiting-ngiti sa isa't isa.
"I love you," anito, sabay halik sa kanyang pisngi.
Marahan niyang tinapik ang pisngi nito. "I know you love me more but I want you to remember that I love you too and more."
"I know."
"Halika na, naghihintay na sila sa ibaba."
Alt let go of her and hold her hand instead. Sabay silang lumabas ng silid at bumaba sa sala.
"The last time I remember," basag ni Alt nang makababa sila. Nakatingin ito sa malaking pamilya na binuo nilang dalawa. "I was only living alone in this house."
"You have a big heart, honey. You deserve a big and happy family."
"Mama!" Patakbong lumapit sa kanila ang dalawang taong gulang nilang anak na si Zoom. Yumuko si Alt para kargahan ang anak nila. "Papa!" Masayang yumakap si Zoom sa leeg ng ama nito.
Well, Zoom looks exactly like his father. Sa napapansin niya, mukhang kaugali rin nito ang ama. Pero minsan, may itinatago ring kakulitan ang batang 'yan. Tahimik pero kapag nagtantrums. Naku! Sasabog ang bahay. At ang papa lang nito ang makakapagpatahan dito.
Lumapit naman sa kanila ang ina ni Alt at ibinigay sa kanya ang walong buwan nang si Marjyn. Napangiti siya.
"Anak, ikaw na muna maghawak, nangangalay na ako, magbabanyo muna ako."
"Sige, Ma. Salamat." Ang taba-taba ni Marjyn. Nakakagigil. Saan ba nagmana ang batang 'to? Sabi nila kamukha niya. Pero sabi naman ng iba, kamukha pa rin ni Alt. Hay naku, sige na, kay Alt na lang ulit. Dugo na lang ang sa kanya para matapos na. "Hi, baby, miss mo na si Mama, no? Gutom ka na ba?"
"Habang tumatagal mas nagiging kamukha ko na rin si Marjyn," natatawang komento ni Alt.
"Wala akong magagawa. Malakas ang genes ng pipino."
Alt, Zoom and Marjyn are her miracles. They waited for 2 years before she conceived their first child. That first 2 years was bearable because Alt is with her.
Alt accepted her despite her condition and high risk of not bearing a child. Isali na lang natin ang kabaliwan din niya. His love never changed even after 4 years of marriage. He was still the same simple man who fell in love with a crazy woman like her. The same patient man who waited for her.
Kumunot ang noo nito. "Hindi na ba talaga tayo makaka-move-on sa pipino?"
"Nope, you will forever be my adorable cute-cumber." Sa huli ay natawa na lamang ito. "And these, honey, are your big cucumber family." Itinuro niya ang mga magugulong tao sa buhay nilang mag-asawa.
The D'Cruze family, not to mention na kapapanganak lang din ni Cam sa twins ng mga ito na sila Print and Paper. So basically, the great dyosang Crosoft has now 4 kids.
"I think they should have named their twins, Copy and Paste." Natawa siya sa sinabi ni Alt.
Napapansin talaga niyang nagiging joker na rin itong asawa niya. Nahawa na.
"Bakit 'di mo sinuggest agad sa kanila?"
Instead of answering her question, tinawanan lang siya nito.
Of course, mawawala ba ang Catapang family from Boljoon? No! No! Present din ang Mama nila Skip at Alt. Ang Papa nila Alt at ang new family nito. Skip, his husband Jeymes and their daughter Milan. She invited Peter pero missing in action ang lolo. Link is here. Syempre, Manang Rosa na green-minded. Joke!
"Ikaw lang naman ang hiniling ko pero buong barangay ang ibinigay mo sa'kin."
"Ayaw mo?"
"Of course not. Masaya ako."
"Mabuti naman. And don't worry, they will suffer with us too."
"I know."
"They're our true family."
"Family photo time!" sigaw ni Crosoft. Bumaling ito ng tingin sa kanila. "Pipino family hali na kayo."
"Kapag tinatawag niya tayong Pipino Family gusto kong itapon sa basurahan si Crosoft," bulong ni Alt sa kanya.
"Hayaan mo na, bugbog 'yan sa asawa."
"Serves him right."
Kanya-kanyang puwesto na ang lahat. Silang dalawa ni Alt ang nakaupo sa sofa. Kasama nila roon ang mga matatanda. Nakaupo sa kandungan ni Alt si Zoom. Karga niya si Marjyn. Ang mga bata naman ay nasa sahig maliban na lamang sa twins nila Crosoft at Cam na karga-karga ng mga ito. Ang iba nasa likod.
Crosoft actually hired a photographer for this.
Prepared po siya.
"O, isang bonggang wacky pose, ha?" utos pa ng dyosang Crosoft.
"On my count," basag ng lalaking photographer sa likod ng camera, "one, two, three, pipino!"
"Pipinooooo!"
A quote from a man in a movie, The Lunchbox says, sometimes the wrong train takes you to the right station.
Yes, she may have swiped the wrong man at the beginning but that mistake brought her to the right man - her cutecumber husband, Alt Flores.
T H E E N D
A/N: Thank you for your great love and support to Alt & Scroll's story. I believe this is 4 years overdue. But hey, natapos ko na rin siya. Haha. I really thought, 'di ko na maisusulat ang kwento nila. Every story has a perfect time. We also have our own perfect time to shine. I do hope I was able to inspire you again. God bless! Keep safe everyone.
PS: UNLOCK the Director's Cut of Alt Flores by commenting your thoughts and review about SHGW. The more comments the more chances of early posting of Alt Flores' Confessions. Alt + 5 everyone!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro